"Sh*t, namamalikmata lang ba ako sa nakita ko o talagang nakita ko ang katawan ng babaeng pinapangarap ko?!" bulong ni Ernesto sa kanyang sarili habang nag-iinit ang kanyang buong katawan. Para siyang isang istatwang ayaw nang umalis sa kanyang kinatatayuan dahil sa kanyang nakita—at pakiramdam niya'y gusto niyang pasukin si Raquel sa loob ng silid habang ang kanyang imahinasyon ay nag-uumapaw sa malalaswang kaisipan. "H-Hindi... Ano bang nangyayari sa akin?! Ginagalang ko ang babaeng iyon, at hindi siya kagaya ng iba na basta-basta na lang!" Siguro nga ay namalikmata lang ako," kontra niya sa kanyang nararamdamang pananabik kay Raquel. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, kahit pilit pa niyang sinasaway ang sarili, ay wala talagang pagtutol ang kanyang katawan. Mas lalo pang nag-uumapaw ang init na nararamdaman niya. "Patawarin mo ako, Raquel. Ayokong gawin ito sa aking isip—napakapabaya lang talaga ng asawa mo!" ani niya sa sarili, hindi pa rin makapaniwala sa iglap na kanya
Tahimik lang si Alexander sa kanyang kinauupuan, pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak sa tapat ng Boraque Mansiyon. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya si Ernesto habang nagpapark ito ng kanyang itim na SUV. Itinigil ni Ernesto panandalian ang kanyang sasakyan malapit sa kinatatayuan ng motorsiklo ni Alexander. Napatingin naman ng bahagya si Alexander sa sasakyang nagpapark malapit sa kanyang motor. "Sino naman kaya ang may-ari ng sasakyang ito at talagang itinabi pa sa aking motor?! Isa rin ba siya sa mga fans ng Gumamela Garden?" sambit niya, sabay baling muli sa hardin. Nilalasap niya ang halimuyak ng mga bulaklak at ang simoy ng hangin na nagmumula sa hardin. Panandalian niyang naiwaksi sa isipan kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Napapikit siya ng marahan, huminga ng malalim, sabay muling idinilat ang kanyang paningin. Gulat siyang napatingin sa lalaking katabi na pala niya. "Excuse me... kilala ba kita?" gulat na tanong ni Alexander kay Er
Masusundan?!' may God! yon ba talaga ang nasabi ko ang masundan si Baby Claveria?!' nababaliw na ata ako sa nararamdaman ko ngayon. "ani Raquel sa kanyang sarili habang nakalapat pa rin ang kanilang mga labi sa isat isa.Hanggang sa nagkaroon siya ng pagkakataong makapagsalita, dahil panandaliang iniawang ni Lejandro ang kanyang labi sa labi ni Raquel.Wait......, sambit ni Raquel,malumanay ngunit hinihingal niyang sabi, halata ang kapos ng hininga ng bawat isa dahil sa malalang kissing sence nilang mag-asawa.Bakit.... mahal kong Asawa? na mimiss na kita ng labis mahal kong Asawa, kaya please pagbigyan mo na ako sa aking nararamdaman. ani Lejandro sa punong tenga ni Lejandro.Shaka... baka magising si Baby Claveria at makita niya tayo rito na ganito ang ating-...Hindi na naituloy ni Raquel ang kanyang sasabihin nang bigla nalang siyang binuhat ni Lejandro,marahan ngunit puno ng excitement sa kanyang mga kilos."Ipapaubayo ko nalang ba ito kay Lejandro?... ani Raquel sa kanyang isip
Tahimik na nakatayo si Lejandro matapos niyang marinig ang sinabi ng kanyang mahal na asawa. Ramdam niya ang pait sa mga salita—walang lambing, tila bumalik ang dating Elijah na matagal niyang pinagtaksilan sa kasalanang wala siyang kaalam-alam. Huminga siya ng malalim habang pinagmamasdan ang kanyang mag-ina paakyat sa second floor ng mansyon, pilit pinapakalma ang kanyang sarili. Gustuhin man niyang sundan ang kanyang mag-ina, ay hindi na lang niya ito ginawa. Nagtungo siya sa hardin ng mansyon upang makita ang sinasabing dahilan ng panginginig ni Claveria. Nadatnan niyang naroon si Ernesto, tulad ng sinabi ni Raquel sa kanya. Abala si Ernesto sa pagbubusisi sa laman ng small box... Ilang sandali lamang ay nakalapit na si Lejandro sa kinaroroonan ni Ernesto. Huminga muli ng malalim si Lejandro bago siya nagsalita sa harapan ni Ernesto. "Uuhmmmmm... anong meron?!" seryosong tanong ni Lejandro kay Ernesto. Tumigil si Ernesto sa kanyang ginagawang pagbubusisi sa kahon nang mari
"Pasensiya na po kayo, Sir. Nangako po kasi kami sa taong iyon na hindi namin ipagsasabi sa kahit na sino kung sino siya. Ayos lang naman po ito sa inyo, Sir, hindi ba? Tinutulungan niya kayo sa paghahanap sa inyong mga magulang," paliwanag ng isang pulis, halata sa boses nito na talagang tinutupad niya ang pangako niya sa nag-utos sa kanya. Naging malaking palaisipan kay Lejandro ang mga salitang binitawan ng pulis sa kanya. Wala naman siyang magawa dahil bakas sa mukha ng pulis ang kasiguraduhan sa tinig nito. "Kung gano'n, wala talaga kayong balak ipaalam sa akin kung sino man ang taong tumutulong sa akin. Iyon ang inyong nasabi. Ibig sabihin, malakas ang taong ito sa kung kani-kanino. Naiintindihan ko ang panig niyo. Ako na lamang ang bahalang tumuklas kung sino." Pagkasabi niyon ni Lejandro, nagpaalam na siya sa mga ito. Pero bago iyon, tinanong niya muli kung kailan lalabas ang sinasabi nilang warrant ni Monteroso. "Nasabi niyo kanina na lalabas na ang warrant ni Mrs. Montero
"Kilala mo ba ang lalaking iyon?" tanong ni Alexander kay Furtiza. Hindi na iyon bago kay Alexander, dahil alam na alam niya na ang lalaking kaaalis lang at ang babaeng kasama niya ngayon ay dating mag-asawa na nagpahirap sa kanyang ina. "Oo, kilala ko siya. Pero ‘wag mo sila bigyan ng pansin, hijo," mahinang sagot ni Furtiza. "Maraming salamat nga pala sa'yo kanina at tinulungan mo akong makatayo." Napalunok siya ng bahagya, bakas ang kaba sa kanyang tinig. Bwsit* kasi ang taong iyon... magbabayad siya sa oras na malaman ko kung sino talaga ang taong gumawa sa akin nito!" Kinuyom niya ang kanyang palad habang nanginginig ang kanyang tinig, iniisip kung ano ang magiging resulta sa kanyang mansyon kapag tuluyan nang nailabas ang warrant na binabanggit ng mga pulis sa kanya. Tahimik lamang si Alexander, nakatitig siya kay Furtiza, sinusuri ang bawat kilos, bawat pilit na ngiti sa kanyang naiinis na mukha, bawat kumpas ng kanyang kamay. May mga tanong na gumugulo sa isip niya, pero p