Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE / Kabanata 5: Hacienda Ferman

Share

Kabanata 5: Hacienda Ferman

Author: Batino
last update Last Updated: 2024-07-19 14:43:23

Sa Hacienda Ferman

"Elijah! Buhatin mo itong mga dayami at imbakin mo sa pagkainan ng mga kabayo! Kailangan maayos ang mga 'yan, hindi puwedeng gulo-gulo ang mga 'yan!" ang utos ni Manong Ernes sa kanya.

"Opo, Manong Ernes," ang sagot agad ni Elijah.

Habang pinagmamasdan niya si Lejandro na inaalalayan si Furtiza na sumakay sa puting kabayo.

"Ang lakas ng loob niyang agawin ang asawa ko! Malaglag ka sana sa kabayong 'yan!" ang saad ni Elijah habang nanggigigil itong inaayos ang pagkain ng mga kabayo sa hacienda.

Habang iniisip ni Elijah kung paanong pati...

"Lahat sila ay hindi nila alam na ako ang asawa ni Lejandro! Mga taksil sila!" Halos lahat ng dumalo sa kasal namin ay walang nakakakilala sa akin! Paano nangyari ang bagay na iyon? Parang naiisip ko na lang na nananaginip lang akong ikinakasal nung nakaraang mga araw.

"Pero hindi ako papayag na hindi ko mabawi ang asawa ko! Alam kong may mali sa kanya, pero hindi ko alam kung papaano," ang malungkot na sabi ni Elijah.

Samantala, panay ang sigaw ng donya sa loob ng kanilang mansion at hinahanap si Elijah.

"ELIJAH! ELIJAH!" ang malakas na sigaw ng donya na ikinataranta ni Manang Leonora.

"Ano po 'yon, Senyorita Donya?" ang tanong ng mayordoma.

"Nasaan si Elijah?" tanong nito.

"Nasa Hacienda Ferman po, Senyorita Donya. Inutusan siya ni Manong Ernes na pinautos ni Ma'am Furtiza na magbuhat ng mga dayami para sa pagkain ng mga kabayo."

"Ganun ba? Puntahan mo siya doon at pauwiin mo rito! Kailangan niyang i-plantsa ang damit kong ito. Magmadali ka dahil may lakad ako!"

"Ako na lang po ang gagawa, Madam. Baka hindi pa po iyon tapos sa kanyang ginagawa."

"Ahmmm! Magmadali ka, siya ang gusto kong gumawa nito!" ang galit na saad ng donya.

Habang si Elijah ay nakamasid sa sweet na sweet na sina Lejandro at Furtiza habang nangangabayo ang mga ito.

"Nakakadurog ng puso ang ganitong eksena! Hindi puwedeng magtagal pa ito. Pero paano? Wala akong kakampi sa mansion, mapa-hacienda ay nasa panig ng donya."

"BULAGAAAAAA!" Ang biglang sulpot ni Bernard sa kanyang likuran na ikinatigil ni Elijah sa kanyang pag-iisip.

"Hi, Beautiful! Anong ginagawa mo?" tanong ni Bernard.

"Obvious ba? Malamang nagbubuhat ng maraming damo para sa pagkain ng mga kabayo! Umalis ka na nga sa harapan ko. Baka makita ka pa ni Lejandro at isipin niyang naglalalaki ako."

"Huhuhu! Ano ka ba naman, Elijah? Sa dami-dami ng lalaking pagpapantasyahan mo, si Lejandro pa na may asawa na? Nandito naman ako at handang pakasalan ka kahit saang simbahan mo gusto," ang nakangiting sabi ni Bernard kay Elijah.

"Loko ka talaga! Alam mo namang may asawa na ako, 'di ba? Alam kong kunwari ka lang na walang alam. Pero please, Bernard, sana magbago ang isip mo at tulungan mo akong malutas ang problemang ito," ang seryosong sabi ni Elijah.

"ELIJAH! Nakikipag-tsismisan ka na naman diyan! Magmadali ka, hinahanap ka ng donya!" ang sigaw na tawag ni Manang Leonora.

Walang ano-ano'y tumayo na si Elijah at hindi na tinapos ang ginagawang iniutos sa kanya ni Furtiza.

Habang si Bernard ay napapailing na lang habang patungo sa kinaroroonan ni Furtiza, dahil umalis si Lejandro panandalian at nangangabayo ngayon sa hacienda.

"Plaaak! Plaaak! Plaaaak!" ang kumakalimbong na palakpak ni Bernard habang papalapit ito kay Furtiza.

Naningkit ang mga mata ni Furtiza at sinabi, "Anong ginagawa mo? Bakit kailangan mo pang pumalakpak?" ang inis na saad ni Furtiza.

"Ang galing-galing mo! Hangang-hanga ako sa katalinuhan mo, Furtiza. Akalain mo ba namang mapupunta pa sa'yo ang kinahuhumalingan at pinag-aagawan ng mga kababaihan? At ang malala pa, may asawa na nga—sinungkit mo pa!" ang humahalakhak na sabi ni Bernard.

"ANG BUNGANGA MO!" ang galit na saway ni Furtiza. "Baka mamaya may makarinig pa sa'yo! Baka mamaya nariyan pa si Elijah at marinig niya ang sinasabi mo! Umalis ka na nga kung wala kang masabing maganda!"

"Oooohhh! Huwag ka naman ganyan, Furtiza. Huwag mong sulohin si Lejandro, dahil kaibigan ko rin siya," ang kalmadong sabi ni Bernard.

"Tumigil ka na! Paparating na ang asawa koooo!" ang saad ni Furtiza.

"ASAWAAAAA? Talaga lang ah... Ituloy-tuloy mo lang 'yan, dahil kukunin ko rin ang puso ni Elijah! Alam kong mamahalin din niya ako balang araw," ang mahinang sabi ni Bernard kay Furtiza.

"Kaya nga magmadali ka habang hindi pa naaalala ni Lejandro si Elijah!" ang dagdag pang sabi nito.

"BERNARD! Kanina ka pa ba rito? Halika, samahan mo akong mangabayo. Ayaw naman ng aking asawa dahil natatakot siyang mahulog sa kabayo," ang ganting saad ni Lejandro kay Bernard.

"Sure, let's go!" ang mabilis na sagot ni Bernard.

"Honey, hindi ka pa ba pagod para mangabayo ulit? This is our honeymoon. Saan tayo pupunta mamayang gabi para ipagdiwang ang ating honeymoon?" tanong ni Furtiza sa malambing na tinig.

"Ikaw, honey, saan mo ba gusto?" tanong ni Lejandro.

"Pu-puwede bang dito na lang tayo sa mansion, honey?" ang nakangising sabi ni Furtiza.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Monica matabia
ahhhmmmmm!!!
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   205. Wakas

    Pagpasok ko sa boardinghouse, sinalubong ako ng may-ari, isang matandang babae na may mabait na ngiti. “Anak, may bakante pa dito. Hindi man marangya, pero ligtas at tahimik.” Bahagya akong natigilan, ramdam ko ang init at malasakit sa boses niya. Matagal ko nang hindi nararamdaman ‘yon, lalo na’t sanay akong puro kompetisyon at malamig na tingin ang nakapaligid sa akin. Naglakad ako papasok sa silid na itinuro niya. Simple lang—isang kama, maliit na mesa, at bintanang tanaw ang kalangitan. Pero sa kabila ng pagiging payak nito, may kakaibang kapayapaan akong nadama. Umupo ako sa kama at napangiti. Sa wakas… may lugar na akong uuwian. Hindi ito tungkol sa ganda ng paligid, kundi sa panibagong simula. At sa gitna ng katahimikan, biglang pumasok sa isip ko si Vivian. Naalala ko ang itsura niya habang hawak ang sentido niya matapos banggain ang ulo sa lamesa. Napailing ako, sabay tawa ng mahina. “Vivian… siguro balang araw, magkikita ulit tayo. At kapag dumating ang oras na ‘

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   204.

    Alexander: POV Grabe naman ‘yung babaeng ‘yun! Napailing ako habang lihim na nakatitig sa kanya. Akalain ba namang iuntog pa niya ang ulo niya sa lamesang gawa sa solidong kahoy. Ang sakit nun ah—para bang naramdaman ko rin kahit ako ang hindi tinamaan. Napalunok ako, sabay bahagyang kinagat ang loob ng pisngi ko para pigilan ang mapatawa. “Seriously?” bulong ko sa isip ko. Ang kulit talaga. Pero imbes na mairita, mas lalo siyang naging kapansin-pansin sa akin. Habang hawak niya ang sentido niya, may kung anong kakaibang lambing sa itsura niya. Parang gusto ko siyang alalayan, kahit hindi ko pa alam kung matatawa ba ako o maaawa. Huminga ako nang malalim, pinilit panatilihing kalmado ang porma ko. Syempre, kahit medyo nagugulo niya ang utak ko, kailangan gwapo pa rin ang dating ko. Kailangan ko na munang maghanap ng matutuluyan, bulong ko sa sarili ko habang mabilis kong inilakad ang mga paa ko palabas ng college school. Saka na kita papansinin, Miss Vivian. Ramdam ko ang bi

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   203.

    “Aray! Kainis!” sigaw ni Vivian, sabay sapo sa noo na parang sinadya niyang idiin ang pagkakauntog sa mesa. Ramdam ang kirot pero mas nangingibabaw ang inis at sama ng loob na gusto niyang iparating. Napapikit siya at mariing kumagat sa labi, tila ba gustong ipakita kay Alexander kung gaano siya nasaktan—hindi lang sa noo, kundi pati sa damdamin. Samantala, nanatiling kalmado si Alexander, nakaupo lang sa tabi ni Vivian na para bang walang nangyari. Pinagmasdan lang niya ito, bahagyang napailing at lihim na natawa sa loob-loob. Grabe, kakaiba talaga ang babaeng ito, sabi niya sa sarili, hindi natinag sa eksenang ginawa ni Vivian. Makalipas ang ilang oras ng klase, naglabasan na sila sa silid. Habang nag-aayos ng gamit, napatingin si Vivian sa kanyang relo—hindi mamahalin, mumurahin lang, pero sapat na para ipaalala sa kanya ang oras. Habang tinititigan niya ito, biglang lumapit ang tatlong kababaihan, diretso mismo sa harap ni Alexander. Agad itong nakakuha ng atensyon ni Vivian. N

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   202. Celistiana University Collee- CUC

    “Celistiana University College-CUC” — isang tanyag at iginagalang na paaralan sa gitna ng Maynila. Pinaniniwalaan ng lahat na ito’y hindi lamang tahanan ng talino at karunungan kundi ng patas at pantay na pagtrato. Kilala ang mga propesor dito sa kanilang pagiging makatarungan at malasakit sa bawat estudyante, mayaman man o mahirap, taga-lungsod man o probinsya. “Hello, Class! Good morning sa inyong lahat…” masiglang bati ng guro na may kasamang malapad na ngiti. Habang umuusad ang oras ng klase, ramdam ng mga estudyante ang kasiglahan ng ikalawang linggo nila sa paaralan—may kaba, may saya, at may pag-asang dala ng mga bagong aralin. “Pero may good news ako,” dagdag pa ng guro, bahagyang pinatagal ang suspense na tila lalo pang nagpa-usisa sa lahat. “May bago tayong transfer student… at hindi lang basta transfer student, kundi galing pa sa malayong Probinsya ng HACIENDA FERMAN.” Agad nag-ugong ang bulungan sa loob ng silid. Ang ilan ay napatingin sa isa’t isa, may halong excitemen

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   201. True wife Series 2 - Ang Pag-ibig ni Alexander sa Dalagang si Vivian Atenza!

    Sypnosis/ chapter 201 unang kabanata sa Buhay ni Alexander Juarez Ferman Nais lamang ni Alexander ang tahimik na buhay at bagong simula. Ngunit sa kanyang pag-ibig kay Vivian Atenza, unti-unti ring nabubuksan ang mga sikreto ng kanyang sariling pamilya—mga sikretong kayang maghiwalay sa kanila. Matapos ang unos ng nakaraan, akala ni Alexander ay makakahanap na siya ng katahimikan. Ngunit sa kanyang pag-aaral sa Maynila, nakilala niya ang babaeng magpapabago ng lahat—ang babaeng hindi niya alam ay konektado rin sa pamilyang nang wasak sa kanya buong pamilya. Sa pagitan ng pag-ibig at pamilya, alin ang pipiliin ni Alexander? Chapter 201 Hindi inaasahan ni Alexander na sa isang library niya unang makikilala ang babaeng magpapasira sa katahimikang pilit niyang binuo. Isang dalagang mahinhin ngunit matalim ang mga mata—si Vivian Atenza. “Excuse me… puwede bang mahiram ‘yan?” tanong ng dalaga, tinuturo ang librong hawak niya. Sa unang beses na nagtama ang kanilang mga mata, may

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   200.

    “Alexander!” hagulgol ni Mrs. Mendez, ang pangalawang ina ni Alexander. Halos hindi na siya makahinga sa tindi ng sakit na nararamdaman. Tumutulo ang luha sa kanyang mga mata habang nanginginig ang kanyang mga kamay na may hawak na baril. “Patawarin mo ako, anak!” sigaw niya sa gitna ng pag-iyak. “Napamahal ka na sa amin ng ama mo... kaya't masakit para sa akin ang ideyang iiwan mo kami para sumama sa iyong tunay na ina. Hindi ko ‘yon kakayanin, anak ko...” Dahan-dahan niyang itinaas ang baril—tumama ang unang putok sa ere, kasabay ng pagkislot ng lahat sa paligid. Nag-echo ang kalabit ng gatilyo sa katahimikan ng buong silid. Umagos ang luha sa pisngi ni Mrs. Mendez habang marahang ibinaba ang baril, ngayon ay nakatutok na sa sarili niyang sentido. “Kung iiwan mo lang din naman kami ng ama mo... mas mabuti pang mamatay na lang ako!” bulalas niya, bago tuluyang maiyak nang malakas, halos mawalan ng ulirat sa matinding pighati. “Mama, Mendez!” “Mrs. Mendez!” Sabay na sigaw ng mag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status