Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE / Kabanata 6: Hotel Filipina

Share

Kabanata 6: Hotel Filipina

Author: Batino
last update Last Updated: 2024-07-22 23:47:23

"Bakit naman dito pa sa Hacienda, honey? Pwede naman tayo sa Hotel Filipina o kaya sa hotel na gusto mo," ang malambing na saad ni Lejandro.

"Sa Hotel Filipina?" Parang narinig ko na 'yan somewhere... I don’t know kung saan ko narinig ang lugar na 'yan.

"Maganda ba sa Hotel Filipina?"

"Ahmm..." Sandaling nag-isip si Lejandro sa lugar na kanyang sinabi. Hindi rin niya malaman kung bakit niya nasabi ang Hotel Filipina. "Bakit ko nga ba nabanggit ang Hotel Filipina? Nakapunta na ba ako ro’n?" mga katanungan ni Lejandro sa kanyang isip.

"Honey...? May problema ba?" tanong ni Furtiza, dahil sa biglaang pananahimik ni Lejandro.

"Ahm, wala ito, honey. Sige, dito na lang tayo sa bahay—mas okay pa dito at hindi tayo mapapagod sa biyahe," ang sagot na lang ni Lejandro.

"Ang Hotel Filipina ang pinaka-liblib na lugar sa loob ng Ocean. Kung kaya’t bihira lang ang mga nakakaalam nito, maliban na lang kay Elijah dahil laking Ocean Filipina Hotel ito. Doon siya nakilala ni Lejandro. At balak nilang bumalik doon pagkatapos ng kanilang kasal, ngunit dahil sa biglaang pangyayari sa kanyang ama sa Singapore ay hindi na natuloy ang kanilang honeymoon sa Hotel Filipina. Kaya ang honeymoon nila ni Elijah ay naganap na lamang sa mansion."

"Okay, honey. Tara, pahinga na tayo. Gusto mo na bang umuwi sa mansion, honey?" tanong ni Furtiza kay Lejandro habang naiisip pa rin niya ang lugar na Hotel Filipina—kung saan ba ito banda.

Habang pabalik na sina Lejandro at Furtiza sa mansion, abala naman si Elijah sa pamamalantsa ng mga damit ng Donya at kung ano-ano pang mga damit na nais niyang ipaplantsa sa kawawang si Elijah.

"Ahmm..."

"Bilis-bilisan mo ang kilos mo, marami pa akong ipapagawa sa 'yo!" ang utos ng Donya.

"May mga katulong naman kayo—bakit sa akin niyo na lang lagi pinapagawa ang mga gawain dito?" ang kalmadong saad ni Elijah.

Dahilan para mag-init ang ulo ng Donya.

Sabay hagis ng mga damit na hawak-hawak ng Donya sa mukha ni Elijah.

"Ang lakas ng loob mong sagut-sagutin ako!" ang bulyaw ng Donya.

Habang sina Lejandro at Furtiza ay kararating lang galing sa kanilang Hacienda.

"Mama..." ang pigil na tawag ni Lejandro.

"Oh anak, Lejandro? Kanina pa ba kayo diyan?" tanong ng Donya sa maamong sabi.

"No, Mama. Kararating lang namin, so don’t worry! Ituloy niyo lang 'yang ginagawa niyo sa kanya, dahil aakyat na kami ng aking asawa sa aming silid," ang mataray na saad ni Furtiza, habang si Lejandro ay tila ba naaawa kay Elijah.

Habang si Elijah ay nakatikom na ang kanyang mga kamao, tinitimpi ang galit na kanyang nadarama sa mga sandaling iyon.

"Bwisit kang babae ka! Mang-aagaw! May araw din kayo sa akin!" ang saad ni Elijah sa kanyang sarili habang padabog na umupo ito para pulutin ang mga nagkalat na damit na inihagis sa kanya ng Donya.

"Ganyan... ganyan nga, Elijah...

Kailangan mong magtiis, pero kung hindi mo na kaya, pwede ka namang umalis dito. Walang pipigil sa 'yo!" ang utos ng Donya habang nakangiti pa ito—tila ba nababaliw sa labis na kaligayahang nararamdaman niya habang pinapahirapan si Elijah.

Hindi mapigilan ni Elijah ang pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. Kahit hirap na hirap na siya, hindi niya kayang iwan ang kanyang pinakamamahal na asawa.

"Kakayanin ko ito alang-alang sa pagmamahal ko sa aking asawa.

Tutuklasin ko ang lahat. Aalamin ko ang dahilan ng biglaang pagkawala ng alaala sa akin ng aking asawa. Lalong-lalo na kay Furtiza! Bakit si Furtiza ang kinilala niyang asawa at hindi ako, samantalang isang umaga lang siyang nawala—pagbalik niya, hindi na niya ako maalala! Ano ’yun, kalokohan?

O sadya nga kayang kinuha lang niya ang pagkababae ko at nagpanggap na hindi niya ako kilala?" mga isipin ni Elijah habang tumutulo ang luha sa kanyang mga mata.

"Hoyyyy! Bilisan mo! Anong iniiyak-iyak mo diyan? Umalis ka na kasi rito! Hindi ka na namin kailangan, kaya pwede ka nang umalis kung kailan mo gusto!" ang bulyaw ng Donya, sabay ngudngod pa nito sa mukha ni Elijah ng mga damit na nasa harapan niya.

"TAMA NA! Sumusobra na kayo! Alam ko naman na plinano niyo ang lahat ng ito! Ano bang klaseng gayuma ang ipinainom niyo sa asawa ko?!"

Ang galit na sigaw ni Elijah, dahilan para magtawag na ang Donya ng kanyang mga tauhan.

"Ikulong siya sa underground! Magmadali kayo!" ang utos na sigaw ng Donya sa dalawa niyang tauhan.

"B-bitawan niyo ako! Bitawan niyo ako!" ang paulit-ulit na sigaw ni Elijah, umaalingawngaw sa loob ng mansion. Kitang-kita naman siya ni Emely, ang isang katulong ng mga Ferman.

"Kawawa naman si Mrs. Ferman sa ginagawa nila sa kanya," ang malungkot na saad ni Emely, na nakita naman ng mayordoma.

"Wag mong subukang makialam sa problema nila kung ayaw mong pati pamilya mo ay madamay dito. Naiintindihan mo ba ako, Emely?" ang mataray na saad ng mayordoma kay Emely.

Tumango naman agad si Emely at umalis na ito sa kanyang kinatatayuan.

Habang si Elijah ay patuloy pa ring nagpupumiglas sa dalawang lalaking nakahawak sa kanya.

Nang biglang bumaba si Lejandro at kitang-kita ang pasakit na ginagawa nila kay Elijah.

"ASAWA KO...!" ang huli niyang nasabi bago siya tuluyang dinala sa underground ng mansion kung saan naroon ang bodega na pagkukulungan sa kanya.

"Bakit niya ako tinatawag na asawa? Bakit kailangan niya akong tawagin nang gano’n, gayong alam naman niya na mapaparusahan siya sa ginagawa niyang 'yon? Masyado na talagang ambisyosa ang mga tao ngayon!"

Ang galit na saad ni Lejandro sa kanyang sarili, sabay ngiwi ng ulo at balik sa kanilang silid ni Furtiza.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   197.

    “Sumama na lang po kayo sa amin sa presinto. Pwede kayong kumuha ng abogado para makapag-apela kayo,” malamig ngunit may awtoridad na sabi ng isang pulis kay Furtiza. “Bitawan n’yo ako! Wala akong alam sa mga pinagsasabi ng Erick na ’yan!” galit na sigaw ni Furtiza habang nagpupumiglas. Halos mabali ang braso niya sa pagkakahawak ng pulis, pero hindi siya natinag. Biglang bumukas ang pinto ng silid ni Tiffani. Nataranta siya, nanginginig ang boses habang lumapit sa ina. “Ano pong nangyayari?! Bakit niyo po hinuhuli ang Mama ko?! Anong kasalanan niya?!” Halos paluhod na ang dalaga sa harap ng mga pulis, pero ni hindi siya pinansin. “BOBA KA TALAGA!” sigaw ni Furtiza, halos mawalan ng boses sa sobrang galit at kaba. “Wala akong kasalanan! Tumawag ka ng abogado, Tiffani! NGAYON NA! BAGO PA ’KO TULUYANG LAMUNIN NG SISTEMANG BULOK NA ’TO!” Nanginginig na rin si Tiffani, hindi na alam ang uunahin—ang luha, ang takot, o ang galit sa hindi niya maintindihang pangyayari. Walang nag

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   196.

    Marahang bumukas ang pinto ng secret base ni Alexander. Tahimik ang paligid, tanging huni ng mga ibon sa labas at mahihinang yabag ng binata ang maririnig. Ngunit sa loob ng base, isang simpleng kilos ang nagbago ng lahat. CLANG! Biglang nabitawan ni Raquel ang hawak-hawak niyang walis. Tumama ito sa sahig, kasabay ng pagbilis ng tibok ng kanyang puso. Hindi siya makagalaw. Nakatitig lang siya sa binatang kakapasok pa lang — hawak nito ang isang lumang bag, suot ang simpleng damit. "Hindi maaaring magkamali," sambit ni Raquel. Napakunot-noo si Alexander sa ingay, sabay ngiti. “Ma’am Raquel... gising na po pala kayo?” aniya, may bahid ng pagkagulat. Napansin niyang nakatayo na ito, tila hindi makahinga, at malinis na ang paligid. “Ang sipag niyo po, ah. Naunahan n’yo pa ako maglinis—” “A-anak...” Boses ni Raquel, nanginginig. Napaatras siya ng bahagya, nangingilid ang luha sa mga mata. “I-ikaw ba ang nawawala kong anak?!” Tahimik. Nagtagpo ang kanilang mga

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   195.

    “Subukan lang niya akong idamay… hinding-hindi na niya makikita pa ang anak namin!” mariing bulong ni Furtiza, habang mariing nakapikit at nakasandal sa matipunong bisig ng lalaking naging kapiling niya buong magdamag. Ramdam pa rin ng kanyang katawan ang init ng gabi, ngunit mas matindi ang apoy ng galit sa kanyang dibdib. Masuyong humalik sa kanyang balikat ang lalaki, tila ayaw siyang paalisin. Ngunit mabilis na bumangon si Furtiza at nagsuot ng kanyang damit. “Aalis na muna ako… may aasikasuhin akong mahalaga,” malamig ngunit matatag na paalam ni Furtiza, na para bang may bigat ang bawat salitang binitiwan niya. “Okay…” maikling tugon ng lalaki habang walang lingon-lingong bumuga ng makapal na usok palabas sa bintanang bahagyang nakabukas. Sa likod ng kanyang mapanatag na anyo, tila ba may itinatagong pag-aalinlangan. Tahimik ngunit mabigat ang bawat hakbang ni Furtiza palabas ng silid. Samantala, sa himpilan ng pulisya, mariing nakaupo si Erick, hawak ang sariling noo haban

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   194.

    “Magaling. Mangyaring umalis ka na riyan sa lalong madaling panahon. Papunta na ang mga pulis sa inyong kinaroroonan.”Ang boses sa kabilang linya ay puno ng pag-aalala ngunit may kasamang determinasyon.“Nasigurado mo bang na-lock mo ang pintuan ng restawran bago ka umalis? At hindi ba napansin ni Erick ang anumang kakaiba?”“Huwag po kayong mag-alala,” mahinahong tugon ng kausap, ngunit ramdam ang katiyakan sa kanyang panig. “Hindi po niya napansin ang aming plano.”“Mabuti kung ganoon. Ipapaabot ko na sa iyo ang bayad, kaya pakibigay lamang ang iyong bank account para maipadala ko agad.”May bahid ng seryosong pakikitungo sa kanyang mga salita, na nagpapahiwatig na ang transaksyon ay mahalaga at hindi biro.Naiwang nag-iisa si Erick sa isang maliit na restawran na inookupa ni Drewf. Tahimik at tila abandonado ang lugar—wala ni isang customer, at ang mga ilaw ay bahagyang dim, na nagdadagdag ng anino sa bawat sulok. Ginawa iyon ni Drewf upang masigurong hindi matuklasan ang kanilang

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   193.

    “Nasaan ang mga kriminal?!” sigaw ni Lejandro, galit na galit, habang mabilis na naglalakad sa gitna ng mga pulis na tila nanahimik sa bigat ng kanyang presensya. Halos umuga ang hangin sa lakas ng kanyang tinig. Nakakunot ang kanyang noo, namumula ang mga mata, at mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamao. Hindi na niya pinansin ang kanina lamang babaeng nakikipagtitigan sa kanya. Hindi rin niya alintana ang mga nagtatakang tingin ng mga pulis—ang gusto niya lang ay makita ang mga salarin sa pagpapasabog ng sasakyan ng kanyang asawa at malaman kung saan nila dinala ang kanyang asawa. Pagdating niya sa harap ng main officer, muling umalingawngaw ang boses niya, puno ng paninindigan at apoy ng paghihiganti. “Nasaan sila?! Ilabas niyo sa akin ang mga hayop na ’yon!” Sa gilid ng kampo, biglang napaatras at napayuko ang dalawang kriminal. Agad nilang ikinumot sa kanilang mukha ang manipis na telang panakip, para takasan ang pagkakakilanlan. Nanginginig ang kanilang katawan—alam

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   192.

    "Isang tawag ang pumukaw sa isipan ng lahat sa Mansyon ng Boraque. Tumigil sa kani-kaniyang ginagawa ang bawat isa, ramdam ang bigat ng tensyon sa paligid. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Lejandro. Agad itong lumapit sa kinaroroonan ng telepono at sinagot ang tawag nang walang pag-aalinlangan. Buong atensyon niyang tinanggap ang tawag na matagal nang hinihintay ng lahat—tila ba isang tawag na magbibigay-linaw sa mga katanungan, o posibleng magbago ng takbo ng lahat. Habang inilalapit niya ang telepono sa tainga, hindi maikakaila ang pagkabog ng dibdib ng mga naroroon—sabik at takot sa kung anong balita ang kanilang maririnig. “Magandang araw po. Pumunta po kayo ngayon dito sa himpilan ng pulisya. May dalawang lalaki pong sumuko kanina lang, at inamin nila na sila ang may kagagawan ng pagsabog sa sasakyan ni Mrs. Raquel Boraque,” mariing pahayag ng police officer. Hindi maipaliwanag ni Lejandro ang biglang bugso ng damdamin sa kanyang dibdib. Para siyang binuhusan ng malami

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status