Beranda / Romance / THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE / Kabanata 4: Nakakagulat na Pangyayari

Share

Kabanata 4: Nakakagulat na Pangyayari

Penulis: Batino
last update Terakhir Diperbarui: 2024-07-19 11:22:38

"Furtiza?"

Mukhang nagkakamali po ata kayo. Hindi po si Furtiza ang asa—

"Ahmmm... Alam ko naman na kagustuhan mo rin ito. 'Di ba matagal mo nang pinagpapantasyahan si Elijah?"

Kaya magpanggap ka na lang na walang alam dahil pati ikaw ay makikinabang dito.

Ang pukaw na saad ng Donya sa sasabihin ni Bernard.

‘Ibig bang sabihin nito...’

Lahat ng dumalo sa kasalan nina Lejandro at Elijah ay alam na nila na ganito ang mangyayari?

Takang tanong ni Bernard.

"Of course! Hindi ako kikilos nang hindi kompleto ang plano!"

Ang seryosong sabi ng Donya.

Habang si Elijah ay naghuhugas ng sandamakmak na hugasan—mga pinaggamitan sa kasal nila ni Lejandro na iniutos sa kanya ng mayordoma, dahil utos din iyon sa kanya ng Donya.

"Bakit ganito ang nangyayari sa akin? Asawa ako ni Lejandro Ferman—ang pinakamayamang anak ng mga Ferman! Bakit ako narito sa kusina at naghuhugas ng pinagkainan?"

Ang naluluhang sabi niya habang binabantayan siya ni Leonora, ang mayordoma.

Nang bigla na lang madulas ang kanyang hinahawakang plato at bumagsak ito sa sahig, dahilan para makarinig na naman siya ng sigaw mula sa mayordoma.

"Gaga! Hindi ka nag-iingat! Alam mo ba kung magkano ang bawat piraso ng mga platong 'yan? Lagot ka na naman sa Donya!"

Sabay alis nito para isumbong siya sa Donya.

Ngunit sinundan siya ni Elijah para pigilan ang mayordoma sa kanyang balak gawin.

"Manang Leonora...! 'Wag ka nang magsumbong, please."

Ang pakiusap niya habang nakasunod sa mayordoma.

Ngunit laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa sofa. Napahinto siya sa pagsunod kay Leonora dahil kitang-kita ng kanyang dalawang mata na masayang nakikipagkwentuhan si Furtiza sa lalaking pinakamamahal niya—si Lejandro.

Dahil sa gulat at inis na naramdaman ni Elijah, hindi niya napigilan ang sariling lumapit sa mga ito para komprontahin ang kanyang asawa ng harapan.

"ANONG KALOKOHAN ITO!"

Ang bulyaw ni Elijah.

"Bakit kayo magkasama ni Furtiza, huh Lejandro? Akala ko ba pupunta ka ng Singapore para sa isang malalang problema! Kakaalis mo lang kaninang umaga, pero ngayon narito ka na kaagad at kasama mo pa si Furtiza—at masayang nakayakap pa sa mga braso mo!"

"Oh my God! Honey, kilala mo ba ang babaeng 'yan?"

Ang mataray na saad ni Furtiza kay Lejandro.

"NO... Ngayon ko lang siya nakita. Bago lang ba siya rito, Mama?"

Ang kalmadong tanong ni Lejandro sa kanyang ina.

"Ah! Yes... of course, hijo! Bago lang siya rito—bagong katulong natin siya."

Ang nakangising saad ng Donya.

"ANONG SINASABI NINYO! Ano ka ba, Lejandro?! Asawa mo ako!"

Ang sigaw ni Elijah, na umalingawngaw sa buong paligid, narinig ng lahat habang si Bernard ay naroon, nakikinig at nanonood sa mga nangyayari.

"Anong sinasabi mo? Nakakahiya ka! Bagong kasal lang sila tapos ganyan ang sasabihin mo sa mga boss mo! Nababaliw ka na ba?!"

Ang galit na saad ng Donya.

"Kaladkarin siya palabas ng mansion!"

Ang utos na sigaw ng Donya.

"LEJANDRO! Asawa ko...! Ano bang nangyayari sa’yo?! Nakalimutan mo na ba ang gabing ating pinagsaluhan?! Bakit mo ako ginaganito?!"

Ang paulit-ulit na sigaw ni Elijah.

Hindi nakapagpigil ang Donya at agad siyang hinila papasok sa kusina, at doon na siya pinahirapan ng husto ng Donya.

Sampal sa kanan! Sampal sa kaliwa!

Ang mabilis na dumapo sa pisngi ng kawawang si Elijah.

"Kahit anong gawin mo, hindi ka na niya maaalala, dahil totoong kinalimutan ka na ng asawa mo!

Saka isa pa, wala na kaming mapapala sa’yo. Kaya kung gusto mong lumayas sa pamamahay na ito, ngayon pa lang lumayas ka na!"

Ang bulyaw ng Donya.

"Hi-hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko nababawi ang asawa ko! Ako ang tunay na asawa ni Lejandro, at hindi ang impostor na babaeng iyon!"

"How dare you!"

Na sabihin kay Furtiza na isa siyang impostor! Katulong ka lang dito, kaya magtrabaho ka nang nararapat!"

Ang galit na saad ni Lejandro sa kanilang likuran, na agad nilang ikinagulat.

Agad ding sumunod si Furtiza kay Lejandro kaya dinig na dinig niya ang mga katagang binitawan ni Lejandro sa kanyang sariling asawa na si Elijah.

"Ganyan nga, Lejandro!"

Ang tahimik na sabi ni Furtiza habang nakakapit na sa braso ng gwapong lalaki.

Hindi malaman ni Elijah ang kanyang gagawin. Iiyak ba siya sa harapan ng asawa at magmamakaawang sabihin ang totoo na nagpapanggap lang siyang hindi niya ako kilala, o kaya naman lumuhod ako sa harapan niya para lang kaawaan ako?

Mga katagang lumalabas sa isip ni Elijah.

Ngunit walang salitang lumalabas sa bibig ni Elijah. Tanging luha lang ang umaagos sa kanyang pisngi habang dinadama ang masakit na katotohanang hindi siya asawa ni Lejandro.

"Alisin niyo ang babaeng ito! Ayoko ng binabastos ang asawa ko ng isang hamak na katulong lamang!"

Ang galit na utos ni Lejandro.

"Tama, Honey! Paalisin mo na ang babaeng ‘yan! Kabago-bagong katulong, ang lakas ng loob niya! Ambisyosang babae!"

Ang dagdag pang saad ni Furtiza.

Dahilan para lunukin ni Elijah ang kanyang pride alang-alang sa asawa, upang hindi siya palayasin sa Hacienda Ferman.

"P-patawad... H-hindi ko sinasadya. N-nagkamali lang ako ng h-hinala. I'm sorry... Hindi ko na uulitin ang ginawa kong pang-aabala sa inyo.

Wag niyo lang po akong palayasin dito. Wala na po akong ibang mapupuntahan. Pakiusap..."

Ang pagmamakaawa ni Elijah habang inaayos ang gulo-gulo niyang buhok, pati na ang kanyang kusot na kasuotan gawa ng pagpapahirap sa kanya ng Donya at ng mayordoma.

Nagulat naman ang Donya sa biglaang pagbabago ni Elijah, dahilan para kabahan ang mga ito.

Pagkasabi nun ni Elijah ay nagpasyang patawarin siya ni Lejandro kahit kontra si Furtiza. Pero wala itong magawa dahil desisyon iyon ni Lejandro, kaya pumayag na rin ito para hindi isipin ni Lejandro na masama siyang babae.

"Akala ko pa naman tatanggapin niya ang pagpapalayas sa kanya rito sa Hacienda Ferman!

Hindi pala. Kailangan pa nating pahirapan nang husto si Elijah para kusa na siyang lumayas!"

Ang usapan ng lahat, maliban kay Lejandro, dahil nagpaalam na itong aakyat muna sa kanilang silid.

Habang si Elijah ay ikinulong muna sa kwarto ng mga katulong pansamantala, hanggang abutin siya ng bente kwatro oras bago palabasin sa silid.

Habang si Furtiza at ang Donya ay nagpasyang mag-usap nang silang dalawa lang.

"Mama, ngayong nangyari na ang nais natin, kailangan na natin ng maraming reserbang gamot—para sa pagpapainom kay Lejandro ng gamot upang tuluyan nang mawala ang alaala niya kay Elijah."

Ang mahinahong sabi ni Furtiza sa Donya.

"Oo, alam ko. Kaya ‘wag kang mag-alala. Alam mo namang sa’yo ko gustong mapangasawa ang anak ko."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Monica matabia
grabeee naman sila kay eljah
goodnovel comment avatar
Danica Matabia
grabeeeee ang gigil
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   85. Salarin

    "Dahil sa ipinadalang kahon sa bahay ng mga Boraque, naging malaking isyu ito sa lahat—lalo na kina Lejandro at Raquel. Maging ang mga Monteroso ay nakatanggap din ng kahon na ipinadala mismo sa mansyon ng mga Ferman. Dahil dito, nagpasya ang mga Monteroso na ibenta na lamang ang lupa’t bahay ng mga Ferman. Maging ang Doque Hospital ay isinama na rin sa pagbebenta. Palihim ang naging paghahanap ng mga Monteroso ng posibleng buyer, hanggang sa isang araw, nakahanap si Erick ng interesadong bibili ng bahay at lupa ng mga Ferman. Ngunit nanatiling lihim kung sino ang buyer na iyon. "Gusto kong makita ang mansyon at ang lupa. Hindi kasi bumibili ang boss ko ng lupang walang kasiguraduhang mga papeles," saad ng buyer sa kabilang linya habang kausap si Erick. Ang buyer na iyon ay inirekomenda ng isa sa mga kilalang kakilala ni Erick. "Sige," sagot ni Erick. "Kasama mo bang pupunta rito ang boss mo?" tanong niya. "Uhmmmm... pasensiya na, pero walang balak humarap ang boss ko, lal

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   184.

    “Anong nangyayari sa’yo?!” sigaw ni Furtiza (Elijah) sabay sampal kay Shanna. Napaurong si Shanna sa gulat at sakit. Agad siyang napatigil sa pagsigaw. “Aray ko naman! Nakakasakit ka na, ah!” daing niya habang hawak ang pisngi. “Ang lakas ng sigaw mo! Ano 'yang ‘patay’ na sinasabi mo?! Nakakagulat ka, uy! Tignan mo tuloy, ang make-up ko—lagpas-lagpas na!” reklamo ni Furtiza habang sinisipat ang sarili sa maliit na salamin. Tahimik na itinuro ni Shanna ang kahon sa sahig. “Ayan! Tingnan mo!” Napalingon si Furtiza at nanlaki ang mga mata nang makita ang laman ng kahon. “ERICK!!!” sigaw niya, halos sabay sa pagbukas ng pinto. Pumasok si Erick kasama si Tiffani. Nagtatawanan ang mag-ama, halatang galing sa masayang sandali. “Wow, ang saya-saya niyo ha! Anong meron?!” galit na tanong ni Furtiza, nakapamewang. “Hahaha! High blood ka na naman. Ano bang nangyari dito?” biro ni Erick habang lumalapit. “Itong si Shanna! Sumigaw na parang may sunog, ‘yun pala dahil lang sa

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   183.

    Sinasabi ko ito dahil ayoko nang maulit pa ang nangyari kay Ma’am Raquel," bungad ni Drewf. Seryoso ang kanyang tinig, maging ang kanyang tindig ay tila nagsasabing totoo ang bawat salitang binibitawan niya. "Uhm... Hindi mo na dapat isinama ang pangalan ni Lucifer sa usaping ito," seryosong wika ni Madam Borra habang binibigkas ang mga salitang iyon. "At isa pa, Madam, alam naman natin na iisa lang ang puwedeng gumawa niyan sa kanila — walang ibang gagawa niyan kundi ang babaeng umagaw sa tunay na pagkatao ni Ma’am Elijah!" "STOP! Wala kang karapatang sabihin ’yan rito sa mismong pamamahay ko!" pigil-hiningang sabi ni Madam Borra. Sa kanyang tinig ay naroon ang magkahalong sakit at galit — galit sa kanyang sarili. "Tumigil na kayo. Walang pupuntahan ang usapang ito kung magiging ganito tayo makipag-usap sa isa’t isa. Alam ko, ramdam ko ang pag-aalala n’yo, ang pagtulong n’yo — lahat ’yon, ramdam ko. Kaya please, ayoko ng ganitong usapan. Aakyat na muna ako at magpapahangin sa

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   182.

    "Sama-sama silang nakapalibot sa laptop. Tahimik ang bawat isa, animo'y huminto ang oras para sa kanilang lahat. Ang tunog ng pag-click sa mouse ng laptop at ang mahinang tunog ng pagbukas ng device ay tila isang putok ng baril sa gitna ng kanilang katahimikan. Walang kumukurap. Maging ang paghinga nila’y pinipigil habang ini-insert ang memory card, na para bang isa itong bomba na maaaring sumabog anumang oras. Kabado ngunit nanginginig, ang mga kamay ni Sec. Donna habang hawak ang mouse. Samantala, si Raquel ay mahigpit na nakakapit sa braso ni Lejandro—ramdam na ramdam ni Lejandro ang takot na nararamdaman ni Raquel. Ang kaba sa dibdib nina Raquel at Lejandro ay walang katulad. Lahat sila ay may iisang layunin: malaman kung sino ang may lakas ng loob na magpadala ng isang karumaldumal na pagpaslang sa isang kawawang nilalang—nakalagay sa kahon at diretsong ipinadala sa mansyon ng mga Boraque. Isang kilos na malinaw na babala, o hamon sa kanila. Pinagmasdan nila ang lapto

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   181.CCTV

    "Sh*t, namamalikmata lang ba ako sa nakita ko o talagang nakita ko ang katawan ng babaeng pinapangarap ko?!" bulong ni Ernesto sa kanyang sarili habang nag-iinit ang kanyang buong katawan. Para siyang isang istatwang ayaw nang umalis sa kanyang kinatatayuan dahil sa kanyang nakita—at pakiramdam niya'y gusto niyang pasukin si Raquel sa loob ng silid habang ang kanyang imahinasyon ay nag-uumapaw sa malalaswang kaisipan. "H-Hindi... Ano bang nangyayari sa akin?! Ginagalang ko ang babaeng iyon, at hindi siya kagaya ng iba na basta-basta na lang!" Siguro nga ay namalikmata lang ako," kontra niya sa kanyang nararamdamang pananabik kay Raquel. Ngunit sa hindi niya malamang dahilan, kahit pilit pa niyang sinasaway ang sarili, ay wala talagang pagtutol ang kanyang katawan. Mas lalo pang nag-uumapaw ang init na nararamdaman niya. "Patawarin mo ako, Raquel. Ayokong gawin ito sa aking isip—napakapabaya lang talaga ng asawa mo!" ani niya sa sarili, hindi pa rin makapaniwala sa iglap na kanya

  • THE BILLIONAIRE'S TRUE WIFE   180.

    Tahimik lang si Alexander sa kanyang kinauupuan, pinagmamasdan ang mga naggagandahang bulaklak sa tapat ng Boraque Mansiyon. Hindi niya napansin na nakatingin na pala sa kanya si Ernesto habang nagpapark ito ng kanyang itim na SUV. Itinigil ni Ernesto panandalian ang kanyang sasakyan malapit sa kinatatayuan ng motorsiklo ni Alexander. Napatingin naman ng bahagya si Alexander sa sasakyang nagpapark malapit sa kanyang motor. "Sino naman kaya ang may-ari ng sasakyang ito at talagang itinabi pa sa aking motor?! Isa rin ba siya sa mga fans ng Gumamela Garden?" sambit niya, sabay baling muli sa hardin. Nilalasap niya ang halimuyak ng mga bulaklak at ang simoy ng hangin na nagmumula sa hardin. Panandalian niyang naiwaksi sa isipan kung sino ang nagmamay-ari ng sasakyang iyon. Napapikit siya ng marahan, huminga ng malalim, sabay muling idinilat ang kanyang paningin. Gulat siyang napatingin sa lalaking katabi na pala niya. "Excuse me... kilala ba kita?" gulat na tanong ni Alexander kay Er

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status