Share

THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)
THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)
Author: Miss Eryl

KABANATA I

Author: Miss Eryl
last update publish date: 2024-08-21 16:47:21

“HI, Jack!” bati ng babaeng lumapit sa bartender na si Jackson. Mahaba ang buhok nitong may highlights, at wavy ang pagkakalugay. Sumasabay sa tempo ng tugtugin

ang katawan nitong humahakab sa suot nitong black off-shoulder dress. Sa taas ng counterbar table, hanggang dibdib ng dalaga ang inabot niyon. Pahalang nitong

ipinatong ang mga braso.

Nilingon ng bartender na abala sa pagmi-mix ng alak ang dalagang tumawag dito. “Oh, hi! The usual?” tanong nito sa pag-aakalang hihingi ito ng drinks na madalas nitong

order-in.

“Later. I just need to talk to you.”

“Oh, sige. Tapusin ko lang `to.”

Matiyagang naghintay ang dalaga na matapos sa ginagawa ang lalaki. And when Jackson attended her, binigyan niya ito ng matamis na ngiti.

“Anong meron?” Jackson asked.

“Well, are you free on Friday night?”

Saglit na tumingin sa itaas na gilid ang binata bago binaling ang tingin sa kaharap. “It’s ‘Thank God, it’s Friday’ night, so I’m not free. Bakit pala?”

Bumuntonghininga ang dalaga na para bang nabigo sa narinig. “I need a macho

dancers on Friday night.”

“Para saan?”

“Well… I have a colleague who’s getting married next month. Magkakaroon siya ng bridal shower. And I think having macho dancers will add spice to the party, right?”

Kinurap-kurap nito ang mapipilantik na pilikmata para magpa-cute sa binata.

Nagtaas-baba ang mga kilay ng binata. “Macho dancers, hmmm.” Tumango-tango ito.

“Yap! You know what? This colleague of mine doesn’t like to marry her soon-to-be- husband. So, we will mess up before she gets married.”

“What do you mean?” salubong ang kilay na tanong ng binata.

“Macho dancers are part of the plan. But I will add a payment for an extra service.”

Naguguluhan pa ring tinitigan ng binata ang dalagang kausap. Nawala lang ang atensiyon dito ng binata nang may customer na nanghingi ng alak. Ginawa ni Jackson

ang order at ginawan na rin nito ang dalaga. Pagbalik ni Jackson sa kausap, inabot nito

ang para sa dalaga.

“What do you mean by extra service?” tanong ni Jackson saka humilig sa counterbar

table.

Bahagyang dumukwang ang dalaga. Patagilid na inilagay ang kamay sa gilid ng bibig

saka bumulong. “You will pop her cherry. I need three macho dancer. Ten thou each for

the two dancers, and fifty thou for the one who will do the extra-service.”

“Olivia, I don’t need a bridal shower! Ayoko ngang magpakasal, di ba?” Inihalukipkip ni

Isabelle ang mga braso at inikot ang inuupuang gaming chair paharap sa panganay

niyang kapatid na nakatayo’t nakasandal sa side table malapit sa pintuan ng silid niya.

“But you have no choice. And since ikakasal ka, you need this. Ginagawa ito ng mga

babae bago ang kasal!”

“Dahil gusto nila ang kasal na mangyayari. Ako, ayoko. Kaya walang dahilan para magpa-party!” mariing tutol pa rin ni Isabelle.

Ipinatong ni Olivia sa magkabilang gilid ng sinasandalang table ang mga kamay. “But at least be considerate, Belle. Ayaw mo man sa kasal mo, h’wag mo namang ipakitang

ayaw mo talaga. Kung hindi lang ikaw ang choice ng panganay ng mga Villanueva, do you think our parents will force you?”

Napapairap na itinalikod ulit ni Isabelle ang upuan para balikan ang ginagawa sa table niya. Iyon na nga. Tatlo silang magkakapatid na babae—sa iba’t ibang babae. Yes, iba- iba ang nanay nila. Si Olivia ang panganay. Namatay ang ina nito nang ipanganak ito. Siya ang middle child. May ibang pamilya ang nanay niya na naanakan lang ng ama

niya, kaya siya iniwan sa poder nito. At ang bunso nilang si Sabrina at ang nanay nito ang kasa-kasama at tumayo nilang ina.

She’s only twenty-four at ayaw pa niyang mag-asawa. Pero dahil sa kagagawan na rin ng mga magulang nilang nagpakalulong sa casino at iba pang luho, ayun at

nanganganib na ma-bankrupt sila. Nalaman pa niyang nakasanla ang mansion na ipinamana ng lola niya sa mommy nila para lang mabayaran ang iba pang pinagkakautangan.

Humahanap ng solusyon ang daddy niya. At ang solusyong nahanap nito? Siya. Nagkaroon ito ng meeting with the Villanuevas, isa sa maiimpluwensiyang pamilya sa

bansa. Nagsabi ang ama ng mga Villanueva na gustong tumulong ng panganay nitong anak—ngunit sa isang kondisyon, kailangang ipakasal dito ang isa sa mga babaeng Osorio. Ang malala, the eldest Villanueva pointed her as the payment. O, di ba? Hindi na pala pera ang ipinambabayad ngayon.

Bumuntonghininga si Isabelle. Hindi na niya kinibo si Olivia at ipinagpatuloy ang disenyong ginagawa para sa isang kliyente niya.

“Bukas ng gabi ang party. Sa 59 th floor ng Darlinton Hotel ang room reservation. We invited our girlfriends, so don’t waste our effort, Isabelle,” may pagbabanta sa tinig ni

Olivia bago nito iniwan ang kapatid.

Gusto na lang balewalain ni Isabelle ang sinabi ng kapatid. Nanggigigil siya pero hindi niya puwedeng pangibabawin ang inis niya, kundi ay maaapektuhan ang ginagawa

niya. As if namang may choice pa siya.

Bridal shower. Pero ang isinuot ni Isabelle, isang simpleng white off-shoulder croptop, skinny jeans, at white Vans shoes. Her usual attire kapag pupuntahan niya ang supplier

ng mga materyales na gagamitin para sa furniture design na order ng kliyente niya.

Disappointed ang dalawa niyang kapatid nang dumating siya sa hotel room na ganoon ang ayos. As if namang may magagawa pa ang dalawa, at least, pumunta siya.

Mukha ngang pinaghandaan ng dalawa niyang kapatid ang party. Malaki ang hotel room na kinuha ng mga ito. Lubog na nga sila sa utang, pero nagwaldas pa ng pera para sa walang katuturang party na `to.

It was a five star class hotel kaya duda siya sa presyo ng kuwarto. Sala palang niyon, ang lawak na. It can accommodate at least ten person nang hindi nagsisiksikan. Maysariling silid at washroom.

Dinisenyuhan ang living room ng mga gold and black heart inflated balloon. Tinakpan ng putting tela ang malaking led television at may Bride-To-Be tapos nilagyan ng cutted heart design ang paligid. Sa ilalim ng led television may mahabang mesa na puno ng pagkain at may bucket of wine sa magkabilang dulo.

Naiiling na lang siya sa pakana ng dalawa. Hinatak siya ni Olivia sa gitna at isinayaw- sayaw.

“Best wishes to my sister!” bulalas nito habang pumapailanlang ang malikot na tugtugin.

They were eleven in total inside the room. Kilala niya ang walong babaeng naroon na pawang kaibigan ng panganay at bunso niyang kapatid. She was acquainted to them,

but not totally friends.

Inabutan siya ni Trisha ng kopitang may pulang likido. She smelled it and when she knew it’s just a wine, ininom niya iyon.

Nang mapagod sa kaharutan ng dalawang kapatid at mga kaibigan, humiwalay siya at akma nang uupo. Ngunit mabilis siyang hinatak ni Sabrina, ang bunso nilang kapatid, at sa halip na sa couch paupuin, sa ladderback chair na naroon na sa gitna kung saan sila nagsasayaw iniupo.

Kasunod niyon ang pagpatay sa oval-shaped lighting at ang natirang liwanag na lang ay ang mini purple light bulb na nakapalibot sa apat na edges ng led television. Saka siya

piniringan.

The Careless Whisper in saxophone version echoed inside the room. Walang makita si Isabelle dahil sa piring niya sa mga mata. Pinakiramdaman na lamang niya ang paligid.

Impit na tumitili ang mga kasama niya. Sinubukan niyang buksan ang mga mata sa likod ng piring, at naaninag niya ang tila mga aninong sumasayaw sa harapan.

Napaigtad na lang siya nang may maramdamang kamay sa magkabilang balikat niya.

Naka-steady lang iyon pero nararamdaman niyang gumagalaw ang may-ari niyon. Inalis ng may-ari ng kamay ang kanan saka niya naramdaman ang pag-ikot ng kung sino papunta sa harapan niya.

Hinawakan nito ang baba niya saka bahagyang inangat para itingala ang mukha niya. She couldn’t see his face, pero nararamdaman niya ang intensidad ng mga mata nitong

marahil ay nakatitig sa kaniya. Hindi man niya ito nakikita, alam niyang lalaki ang nasa harapan base na rin sa bulto na naaaninag niya.

Nanuyo ang lalamunan niya nang maramdaman ang dahan-dahan nitong pagtanggal sa pagkakatali ng telang nakapiring sa mga mata. And when he freed her eyes from the black fabric, his dark intensive eyes greeted her. Nanuot yata sa buto niya ang paninitig nito kaya nanayo ang mga balahibo niya sa braso at batok.

Pero bakit naman nakamaskara `to?

The man’s half face in front of her was covered with a black cloth. Maskara na tulad ngkay Zorro. Mula gitna ng ilong hanggang noo nito ang nababalot ng elastic black fiber.

Nakalitaw na ang matangos nitong ilong, mapulang mga labi, and he even has a cleft chin, and a perfectly cut jawline. May curtain bangs ito na hanggang noo ang haba,

pero shaved na nang two inches ang buhok sa magkabilang gilid hanggang likod. Sobrang tangkad rin nito kaya halos tingalain na niya.

Mula sa mukha nito, bumaba ang tingin niya sa katawan ng lalaki. He was just wearing a black coat and no inside shirt. Nakabukas pa ang coat nito kaya kitang-kita ang

mapipintog nitong dibdib. At ang cuts nito sa tiyan? Hindi iyon maliliit na parang pandesal. Para iyong monay na ang sarap lantakan. May suot itong dark fitted jeans pero walang sinturon kaya bahagya iyong laglag na nagpapakita sa V shaped nito. Maliwanag na moreno ang kulay ng balat nito, at hindi niya alam kung nangingintab ba

sa pawis o sa langis ang katawan nito, ngunit nakadagdag iyon sa kakisigang taglay ng lalaki.

Pumaling pakanan ang upper body ng lalaki, saka ito gumiling nang tatlong beses na parang sawa, habang ang kaliwang kamay nito ay nasa ulo. Inulit nito ang sensuwal na

pagsayaw nang pumaling naman sa kaliwa, nagpalit din ang kamay nitong ipinatong sa ulo.

Wine palang naman ang nainom niya, pero bakit parang nalalasing na siya? Nanunuyo rin ang lalamunan niya at parang ang lalaki lang ang makapapawi ng uhaw na

nararamdaman niya.

Oh, damn! Mabilis niyang natakpan ng mga kamay ang bibig nang marahang kumaldag

ang lalaki sa harapan niya. Ultimo ang mga bisita sa party na `yon, hindi napigilan ang pagtili.

Matapos ang makapanindig balahibo nitong pagsayaw, inilahad ng lalaki ang kanang palad sa harapan niya. Wala sa sariling inabot ni Isabelle ang kaliwang kamay rito at

nagpatianod nang itayo siya nito.

“Body shots! Body shots!” her sisters and friends chanted. Lumapit sa kanila si Sabrina at nag-abot ng shot glass na may tequilla, at slice ng lemon. Iyong slice ng lemon,

pinakagat nito sa binata ang parteng may balat. Saka nito nilagyan ng asin ang kanang balikat ng lalaki. Hindi pa nakuntento ang kapatid, pinatakan pa iyon ng lemon paakyat sa leeg nito, hanggang sa baba.

“Body shots! Body shots!” hindi magkamayaw na hiyawan ng mga kasama nang iabot naman ni Sabrina ang shot ng tequilla kay Isabelle.

Naiiling at natatawang tinanggap ni Isabelle ang alak. Nahihiya siya sa lalaking kaharap but it seems like it was nothing to him. Mukha pa nga itong naghihintay kung ano ang una niyang gagawin: dilaan ang asin at lemon juice na nasa balikat nito o s******n muna ang lemon na nasa bibig nito. And she chose the first one.

She’s tall in her five feet six inches height, pero hanggang balikat lang siya ng lalaki. Kinailangan pa tuloy niyang tumingkayad at bahagya itong bumaba para lang madilaan ang asin na nasa balikat nito.

Nakaalalay naman ang lalaki sa magkabila niyang baywang, pero pakiramdam talaga niya, may tama na siya. Hindi niya alam kung dahil sa wine o sa presensiya ng binata. Hinawakan niya ito sa balikat para lang makasigurong hindi siya mawawalan ng balanse sa pagtingkayad.

She licked the salt, and she sipped the juices on his shoulder up to her chin. Nanginginig siya sa ginagawa kaya mas napahigpit pa ang paghawak niya sa balikat ng

lalaki. And as she reached the lemon slice in his lips, sinipsip niya iyon at napangiwi sa asim niyon.

Akma na siyang lalayo, ngunit laking gulat na lang niya nang ipasok ng lalaki sa bibig ang s********p niyang lemon slice at maglapat ang mga labi nila.

Nandidilat ang mga matang napatitig siya rito. Ngunit nang maramdaman niya ang pagsipsip nito sa labi niya, iyong uhaw na nararamdaman niya kani-kanina lang—biglang naglaho.

She closed her eyes as she savor the kisses. Dinidilaan nito ang mga labi niya habang magkalapat pa rin ang mga labi niya. Pagkaraa’y sisipsipin saka papatakan ng halik.

Huminto yata ang oras pati ang mundo. Hindi na niya marinig ang mga kasama. Sa sobrang tahimik, parang silang dalawa na lamang ng lalaki ang naroon sa silid.

“I will grant you one wish, Lady,” anang mababang boses.

Dahan-dahang iminulat ni Isabelle ang mga mata para lang masalubong ang matiim na titig ng binata.

One wish. What could it be? She just wanted to be free from her marriage arrangement. Pero alam niyang malabo na. It was already set in a few weeks now.

Dumiin ang pagkakahawak niya sa parte ng coat nito sa balikat. Ang lalim ng hinugot niyang paghinga bago sinambulat ang huling hiling niya.

“I want you—now.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Iza Wan
hahaha. hanggang dito ba naman, sis.........
goodnovel comment avatar
Lv Villarino
wow si macho dancer ata ang true love nya
goodnovel comment avatar
Cristina Bernales Bayubay
baka yong si macho dancer at maging husband niya ay iisa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   FINALE

    ANG araw ay katulad ng isang gintong sumabog sa buong kalangitan. Ang alon ng dagat ay banayad na tila nakikisama sa espesyal na araw para kay Isabelle at Franco. Nakahanay ang mga puting upuan, at ang buong private resort ay napapaligiran ng makukulay na rosas. Sa wakas, ang pangarap ni Franco na maikasal kay Isabelle ay matutupad na. Mula sa kinatatayuan ng binata ay panay ang ayos niya ng suot na amerikana. Bahagyang niluwagan pa niya ang butones na suot, dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa samut-saring nararamdaman. Nararamdaman niya rin ang butil-butil na pawis sa noo dahil sa excitement. Tinapik siya ni Luigi na nakatayo sa gilid niya. "Relax, bro, huwag kang kabahan," ani nito. "I'm not nervous," tanggi niya. "Just relax, okay?" Huminga siya ng malalim upang mawala ang tensyon na nararamdaman. Umayos siya ng pagkatayo at matiyagang naghintay sa pagdating ni Isabelle. Biglang tumunog ang mahinang tugtug ng wedding march mula sa banda sa tabi ng a

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LX

    ISA-ISA nang binuhat ni Franco ang mga bagahe nilang mag-iina at isinakay sa sasakyan. Nang matapos, ay isinara niya ang likod ng adventure car at bumaling ng tingin kay Isabelle. Nagbaba ng tingin si Isabelle nang mapansin ang malagkit na titig ng binata. Parang hinuhubaran na siya nito dahil sa pagtitig sa kanya. It's like Franco has special vision that he can see everything under her dress. She's wearing a floral above-the-knee dress, paired with white sandals, and her hair is tied in a ponytail. Bahagyang itinaas niya ang tingin upang hindi maging obvious na tensyonado siya. Matipid siyang ngumiti sa binata at sinubukang maging normal ang tono ng kanyang boses. "Shall we go?" tanong niya. "Yeah, para hindi tayo ma-traffic," ani ni Franco. "Okay," tugon niya. Akmang sasakay na sana siya sa passenger seat nang biglang hawakan ni Franco ang kanyang bisig. "Sa unahan ka na maupo," sabi ng binata. "Pero kasi ang kambal... baka umiyak–" Hindi na niya natuloy ang sasabi

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LVIX

    "I'M glad you decided to move in the mansion," ani ni Franco habang nakatitig sa mukha ni Isabelle. Iyong titig na parang malulusaw ang buong pagkatao niya. "Naisip ko lang na mas mabuting may sariling tahanan ang mga bata at saka mas panatag ang loob ko kung babalik ako ng mansyon." "Nice to hear that!" "Thank you, Franco. I know there's a lot of things that happened to our family and to both of us—pero pinili mo pa rin na tulungan ang pamilya ko." Sinalubong niya ang mga titig ng binata, kahit na may pag-aalinlangan na tingnan niya ang mukha nito. "Ginawa ko lang ang dapat, and it's all because of you." Ginagap nito ang mga kamay niya at ikinulong ito sa mga palad ng binata. "It's all because of you and to our kids." "I appreciate you for doing that." Ramdam ni Isabelle ang init ng palad ni Franco na unti-unting dumadaloy sa kanya. Gusto niyang bawiin ang kamay, pero parang may pumipigil sa kanya. Ang mga mata ni Franco ay nanatiling nakatitig sa kanya, puno ng pag-asa at pagm

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LVIII

    "ARE you sure with your decision, Isabelle?" Tanong ni Clint sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay ngumiti. "Yes, sigurado na ako. Babalik na ako ng mansyon kasama ng mga anak ko, and besides, si Sabrina ay babalik din sa mansyon. Lilipat na sina Dad at Tita Rina soon," ani niya. "Hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo." "Thank you, Clint, for helping me. Sa pagpapatuloy mo sa bahay mo." "It's okay. I am willing to help you," nakangiting sabi ng binata. "By the way, nasabi mo na ba kay Olivia ang tungkol sa mansion?" "Yes, but she's screaming in anger." Napailing na lang si Clint sa sinabi niya. "She's stubborn. Ibang klase talaga ang kapatid mo; hindi pwedeng kontrolin, hindi pwedeng diktahan." Sabay inom ng natitirang kape nito sa tasa. "But you like her, didn't you?" Natigilan ang binata sa sinabi niya. Nakatingin lamang ito sa kanya, tila hindi alam kung ano ang isasagot. "Clint, I'm not against sa inyong relationship ng kapatid ko. If

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LVII

    "WHAT that smile?" bati ni Luigi kay Franco. Pinagmasdan nito ang binata habang abala sa pagpirma ng mga papeles. Kahit na nakatuon sa mga papel, ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. Lumapit si Luigi sa kanya at sinilip ang mga papeles na piniipirmahan. Nag-angat siya ng tingin at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "What are you looking at?" tanong niya sa kapatid. "Nothing, I'm just curious. Baka kasi may kung ano sa mga pinipirmahan mong papeles at hindi mawala ang ngiti mo," nang-uuyam na saad ni Luigi. "You're crazy," naiiling na lamang siya sa sinabi ng kapatid. "I know you, Franco. Sabihin mo nga sa akin anong nangyari? I know something happened." Sumandal siya sa upuan at humugot ng isang malalim na hininga. "You know me so well, bro. Wala talaga akong matatago sa'yo," ani niya. "Sinasabi ko na nga ba! May kinalaman ba 'yan kay Isabelle?" Ngumiti siya ng malapad at tumangu-tango. "You mean to say—" "May nangyari sa amin... And it surprises me. Akala ko wala ng

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LVI

    "FRANCO," usal ni Isabelle. "Shhh." Inilapit ni Franco ang daliri sa labi niya at malambing na hinaplos ito. Idinikit ng binata ang mukha sa mukha niya; ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito na parang gumagapang sa kanyang buong katawan. "I missed you, Isabelle. I always wanted to kiss you," pabulong na saad ni Franco. Muling idinikit ni Franco ang mga labi niya sa labi niya, ngunit mabilis siyang umiwas. Maling magkaroon pa sila ng ugnayan sa isa't isa. Hindi tama ang gustong mangyari ng binata. "Please... Franco, hindi tama ang ginagawa natin," mariin na saad niya, ngunit ang kanyang boses ay nanginginig dahil sa tensyong nararamdaman. Parang walang narinig si Franco sa kanyang pakiusap. Mas lalo pa nitong idinikit ang labi niya at mapangahas siyang hinalikan. Inangkin ng binata ang kanyang mga labi. Maalab, mapusok ang bawat halik ni Franco; pakiramdam niya ay nadadama niya ito sa mga halik nito, na parang may kuryenteng gumagapang sa kanyang katawan – tulad ng i

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LV

    "YOU know nothing about my life," mariin na saad ni Olivia. "Oh, I forgot. Ikaw nga pala ang pinakamagaling sa lahat at you are the only one who can control our life... everything, Olivia." Pigil ang galit na sabi ni Isabelle. "Tumigil na kayo, pwede ba? Pinagtitinginan na tayo ng lahat," awat n

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LIV

    NAPAPAILING na lang si Isabelle sa mga sinasabi ni Olivia. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit ng kapatid kay Franco. Isang malalim na buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago muling nagsalita. "Olivia, can you stop hating Franco?" mahinahon na saad ni Isabelle. "Oh! It matters

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LIII

    Nilibot niya ng tingin ang buong paligid ng mansyon. Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Isabelle sa kanyang nakikita. Everything turns into a new beginning seeing the old-new mansion. She took a step and got inside the mansion. Her eyes widened in surprise because of the familiar thin

  • THE BILLIONAIRES SWEET VENGEANCE(Franco at Isabelle)   KABANATA LII

    NAKARINIG ng ingay si Isabelle buhat sa kusina. Umahon siya sa kama at agad na lumabas ng kuwarto. Napasapo siya sa noo dahil sa gulat nang makita si Franco sa kanyang harapan, na hawak pa ang sandok at nakasuot ng apron. "What are you—" "Good morning, Isabelle. I prepared breakfast for us and fo

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status