LOGINANG araw ay katulad ng isang gintong sumabog sa buong kalangitan. Ang alon ng dagat ay banayad na tila nakikisama sa espesyal na araw para kay Isabelle at Franco. Nakahanay ang mga puting upuan, at ang buong private resort ay napapaligiran ng makukulay na rosas. Sa wakas, ang pangarap ni Franco na maikasal kay Isabelle ay matutupad na. Mula sa kinatatayuan ng binata ay panay ang ayos niya ng suot na amerikana. Bahagyang niluwagan pa niya ang butones na suot, dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga dahil sa samut-saring nararamdaman. Nararamdaman niya rin ang butil-butil na pawis sa noo dahil sa excitement. Tinapik siya ni Luigi na nakatayo sa gilid niya. "Relax, bro, huwag kang kabahan," ani nito. "I'm not nervous," tanggi niya. "Just relax, okay?" Huminga siya ng malalim upang mawala ang tensyon na nararamdaman. Umayos siya ng pagkatayo at matiyagang naghintay sa pagdating ni Isabelle. Biglang tumunog ang mahinang tugtug ng wedding march mula sa banda sa tabi ng a
ISA-ISA nang binuhat ni Franco ang mga bagahe nilang mag-iina at isinakay sa sasakyan. Nang matapos, ay isinara niya ang likod ng adventure car at bumaling ng tingin kay Isabelle. Nagbaba ng tingin si Isabelle nang mapansin ang malagkit na titig ng binata. Parang hinuhubaran na siya nito dahil sa pagtitig sa kanya. It's like Franco has special vision that he can see everything under her dress. She's wearing a floral above-the-knee dress, paired with white sandals, and her hair is tied in a ponytail. Bahagyang itinaas niya ang tingin upang hindi maging obvious na tensyonado siya. Matipid siyang ngumiti sa binata at sinubukang maging normal ang tono ng kanyang boses. "Shall we go?" tanong niya. "Yeah, para hindi tayo ma-traffic," ani ni Franco. "Okay," tugon niya. Akmang sasakay na sana siya sa passenger seat nang biglang hawakan ni Franco ang kanyang bisig. "Sa unahan ka na maupo," sabi ng binata. "Pero kasi ang kambal... baka umiyak–" Hindi na niya natuloy ang sasabi
"I'M glad you decided to move in the mansion," ani ni Franco habang nakatitig sa mukha ni Isabelle. Iyong titig na parang malulusaw ang buong pagkatao niya. "Naisip ko lang na mas mabuting may sariling tahanan ang mga bata at saka mas panatag ang loob ko kung babalik ako ng mansyon." "Nice to hear that!" "Thank you, Franco. I know there's a lot of things that happened to our family and to both of us—pero pinili mo pa rin na tulungan ang pamilya ko." Sinalubong niya ang mga titig ng binata, kahit na may pag-aalinlangan na tingnan niya ang mukha nito. "Ginawa ko lang ang dapat, and it's all because of you." Ginagap nito ang mga kamay niya at ikinulong ito sa mga palad ng binata. "It's all because of you and to our kids." "I appreciate you for doing that." Ramdam ni Isabelle ang init ng palad ni Franco na unti-unting dumadaloy sa kanya. Gusto niyang bawiin ang kamay, pero parang may pumipigil sa kanya. Ang mga mata ni Franco ay nanatiling nakatitig sa kanya, puno ng pag-asa at pagm
"ARE you sure with your decision, Isabelle?" Tanong ni Clint sa kanya. Humugot siya ng malalim na hininga at pagkatapos ay ngumiti. "Yes, sigurado na ako. Babalik na ako ng mansyon kasama ng mga anak ko, and besides, si Sabrina ay babalik din sa mansyon. Lilipat na sina Dad at Tita Rina soon," ani niya. "Hindi naman kita mapipigilan sa gusto mo." "Thank you, Clint, for helping me. Sa pagpapatuloy mo sa bahay mo." "It's okay. I am willing to help you," nakangiting sabi ng binata. "By the way, nasabi mo na ba kay Olivia ang tungkol sa mansion?" "Yes, but she's screaming in anger." Napailing na lang si Clint sa sinabi niya. "She's stubborn. Ibang klase talaga ang kapatid mo; hindi pwedeng kontrolin, hindi pwedeng diktahan." Sabay inom ng natitirang kape nito sa tasa. "But you like her, didn't you?" Natigilan ang binata sa sinabi niya. Nakatingin lamang ito sa kanya, tila hindi alam kung ano ang isasagot. "Clint, I'm not against sa inyong relationship ng kapatid ko. If
"WHAT that smile?" bati ni Luigi kay Franco. Pinagmasdan nito ang binata habang abala sa pagpirma ng mga papeles. Kahit na nakatuon sa mga papel, ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa labi. Lumapit si Luigi sa kanya at sinilip ang mga papeles na piniipirmahan. Nag-angat siya ng tingin at bahagyang tumaas ang kanyang kilay. "What are you looking at?" tanong niya sa kapatid. "Nothing, I'm just curious. Baka kasi may kung ano sa mga pinipirmahan mong papeles at hindi mawala ang ngiti mo," nang-uuyam na saad ni Luigi. "You're crazy," naiiling na lamang siya sa sinabi ng kapatid. "I know you, Franco. Sabihin mo nga sa akin anong nangyari? I know something happened." Sumandal siya sa upuan at humugot ng isang malalim na hininga. "You know me so well, bro. Wala talaga akong matatago sa'yo," ani niya. "Sinasabi ko na nga ba! May kinalaman ba 'yan kay Isabelle?" Ngumiti siya ng malapad at tumangu-tango. "You mean to say—" "May nangyari sa amin... And it surprises me. Akala ko wala ng
"FRANCO," usal ni Isabelle. "Shhh." Inilapit ni Franco ang daliri sa labi niya at malambing na hinaplos ito. Idinikit ng binata ang mukha sa mukha niya; ramdam na ramdam niya ang init ng hininga nito na parang gumagapang sa kanyang buong katawan. "I missed you, Isabelle. I always wanted to kiss you," pabulong na saad ni Franco. Muling idinikit ni Franco ang mga labi niya sa labi niya, ngunit mabilis siyang umiwas. Maling magkaroon pa sila ng ugnayan sa isa't isa. Hindi tama ang gustong mangyari ng binata. "Please... Franco, hindi tama ang ginagawa natin," mariin na saad niya, ngunit ang kanyang boses ay nanginginig dahil sa tensyong nararamdaman. Parang walang narinig si Franco sa kanyang pakiusap. Mas lalo pa nitong idinikit ang labi niya at mapangahas siyang hinalikan. Inangkin ng binata ang kanyang mga labi. Maalab, mapusok ang bawat halik ni Franco; pakiramdam niya ay nadadama niya ito sa mga halik nito, na parang may kuryenteng gumagapang sa kanyang katawan – tulad ng i







