Share

Chapter 145 - Mas Masarap

Kung ang buong akala ni Marriame ay pasasakayin lang siya nito, nagkamali siya. Dahil sinamahan siya ni Lucas hanggang sa makarating sa bahay-kubo nila.

Wala tuloy mapapaglagyan ang kilig niya habang bitbit ni Lucas ang anim na kilong bigas na binili niya. Siya naman ay 'yong mga pang-ulam at pasalubong. Para tuloy silang mag-asawa na pauwi pa lang sa bukiran.

"Ungaaaaa!"

"Baweeeeengggg!"

Napatili tuloy siya nang wala sa oras nang makita si Baweng na nasa labas ng bahay. Maarte itong nakatingin sa kaniya. Mukhang nagtatanong kung bakit kasa-kasama niya ang gwapong si Lucas.

"Buhay pa ba sina Lolo, Baweng?" May pag-alalang tanong niya. Mas binilisan niya lalo ang paglalakad. "Oy senyorito, mauna na akong pumasok. Diyan ka muna sa labas, kausapin mo si Baweng. Mabait 'yan, kaso bakla nga lang." Nagmadali siyang pumasok sa loob at kaagad na hinanap ang dalawang matanda.

Pero nalibot niya na yata ang maliit na bahay-kubo nila, 'di niya pa rin nakikita ang dalawa. Mas lalo tuloy siyang k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status