Dahil sa tips na iyon, binigay niya ang best smile niya. Sus, ang bilis-bilis lang nang pinapagawa ng senyor! Pwede na nga siyang gawin endorser ng family sardines sa ganda ng kaniyang ngiti— teka, bakit family sardines nga pala? Hindi siya isda. Kolget pala dapat.Sinadya pa talaga ni Marriame na doon magpunas-punas sa terrace habang nakangiti paharap sa binata. Hindi niya inalis ang ngiting iyon sa maganda niyang mukha. Aba! Secret Tips iyon galing sa ama ni Lucas kaya alam niyang tatalab. Saka marami-rami 'yon. Kaya kung 'di tatalab ang ngiti niya, meron pa siyang bala."The fuck, woman!" Muntikan naibato ni Lucas ang iPad nito nang mapatingin sa kaniya. "Ang creepy!" Nagmadali itong tumayo at iniwan siya sa terasa. "Parang sinaniban."Napanguso siya nang marinig ang huling sinabi ng lalaki. Hmp! Nag-effort pa siyang ngumiti ng bongga, eh!Kaya lumipat siya agad sa 'Tips #2: Eye contact.Mabilis siyang sumunod sa lalaki at tinawag ito sa may hagdanan. "Senyorito! Senyorito, saglit
"Manong, may joke ako!""Nag-jo-joke rin pala ang mga maligno?"Naglinya ang mga kilay niya sa sinabi nito. Babanatan pa sana niya si Manong guard nang may matamaan siyang isang napakagarang sasakyan sa may gate. Bumusina ito.Kaagad na binuksan ito ni Manong at dere-deretso na sa pagpasok ang mamahalin sasakyan na sobrang kintab pa."Manong sino 'yon?""Hindi ko alam.""Luhh? Nagpapasok kayo nang hindi niyo kilala?" "Maligno nga nakapasok dito, eh. 'Yon pa kayang magandang sasakyan na 'yon? Tao naman laman no'n." Pabalang na sagot nito at nagtungo sa guard house.Napasimangot tuloy siya sa naging sagot nang payatot na guard. Kaya imbes makipag-chikahan dito, pinili niya ang bumalik sa villa. Sisilipin lang niya kung sino ang kanilang bisita. Baka putyur mader in luw niya ito. Babati rin siya, ano! Mabait kaya siya.Habol ang hininga nang maabutan niya ang sasakyan. Nakita niya rin si Lucas na papalabas ng pintuan, at kakawayan pa sana niya ito nang biglang bumukas ang sasakyan.Nahi
PASILIP-SILIP si Marriame mula sa kaniyang pinagtataguan sa dalawang tao na kanina pa niya pinagmamatyagan sa may veranda. Ang saya-saya nang mga ito samantalang siya, hihimatayin na yata sa inis.'Nasaan ba ang senyor? Bakit 'di ako na inform na may Barney pala sa buhay ni Lucas? 'Kala ko ba Ffion 'yong pangalan ng babae na gustong-gusto niya? Hindi naman nakasulat sa death note nang matandang 'yon ang pangalan ng babaeng 'to! Magwawala na ba ako? Charrut lang, 'di bagay sa kagandahan ko ano. Kailan ba kasi mapapansin ng damuhong 'yon ang pagmamahal ko? Aba naman! Kung kailan okay na sana, saka naman dumating ang Barney na 'to!'"Ang ganda-ganda na pala rito, ano? I last came here when I was a senior in high school, and I must say, I miss the rural life very much."You missed this place since you were away for too long in another country.""Oy hindi, ah! Simply put, my life and my Dad's business kept me quite occupied. I've tried to visit here a number of times, but each time I've ha
“Yes babe, I can’t really wait to see you.” Ang lawak ng ngiti ni Audric nang sabihin niya ang katagang ito sa long-time girlfriend, na ngayon ay fiancee.Nalalapit na ang kanilang kasal, isang linggo na lang at magiging kaniya na ang dalaga. Hindi siya makapaghintay na magsasama sila sa iisang bahay at matutulog sa gabi na kasama ito.“Same here, babe. Pipirmahan ko lang ‘yong contract ko rito sa Paris at aayusin ang mga schedule ko then uuwi na ako diyan sa araw mismo ng wedding natin.”Napabuntong-hinga si Audric sa sinabi ni Ivony pero hindi na siya umimik. Ganito niya kamahal ang babae kaya lahat ng gusto nito, nasusunod. Pwede itong hindi magtrabaho dahil kaya niyang ibigay lahat ng mga gusto nito pero wala siyang magagawa. Nagmahal siya ng Model. Mahilig ito sa spotlight at isa sa gusto nito, laman lagi ng internet.“Babe, I love you so much! Don’t worry, kapag kasal na tayo. Hihinto ako s
MAINGAT ang bawat galaw ni Ffion at ayaw niyang magising ang asawa. Konting galaw lang at nagigising ito at alam niya ang kasunod, mainit na ulo ang sasalubong sa kaniya buong araw kapag nangyari iyon. Nasa isang villa sila at sa harap ay malawak na lupain na puro mga pananim na cacao at iba't ibang klase pang mga pananim na kalimitan nakikita sa isang probinsya Nahigit niya ang kaniyang hininga nang gumalaw si Audric sa kinahihigaan. Laking tuwa niya nang mapansing tulog pa rin ito at walang senyales na nagising ang lalaki sa kaniyang mga galaw Napangiti siya. Agad niyang hinagilap ang kaniyang pambahay na tsinelas at una niyang tinungo ang malaking closet nilang mag-asawa. Maingat siyang kumuha siya roon ng damit na gagamitin ng lalaki pagkatapos nitong maligo Inabot niya muna sandali ang suklay at inayos ang buhok. Inayos niya rin ang pagkakabuhol ng suot niyang roba saka nagpasyang lumabas ng silid para paghandaan ng almusal ang asawa Hanggang ngayon, paulit-ulit siyang naglul
Para hindi siya tuluyan lamunin ng lungkot, hinarap ni Ffion ang kaniyang mga alagang halaman. Dito na lamang niya ibubunton ang lungkot. Ilang buwan pa lamang sila nagsasama ni Audric bilang mag-asawa pero kung susumain, para lang siyang tau-tauhan sa bahay nito. Kung sabagay, ano pa ba ang kaniyang aasahan? Naging asawa lang siya ng lalaki sa papel at sa harap ng maraming tao. Naiitindihan niya naman na si Ivony pa rin. Ano ba ang laban niya sa great love, first love at only love ni Audric? Wala. Simula nung mabulag ang lalaki, ayaw nitong maingay siya. Ayaw nito na tinatawag niya ito ng ‘Adi’. Ayaw nitong inaalalayan niya. Ayaw nitong tumanggap sila ng bisita kahit mga magulang nito, pinagbabawalan nitong bumisita sa Villa. “Ffion?” Napalingon siya kay Audric. Iisang deriksyon pa rin ang mga mata nito. “B-bakit?” “Sino ‘yang nasa gate?” Mabilis siyang napatingin sa malaking gate at doon nakita niya ang paparating na si Manang Minda. May dala itong basket na alam niyang mga p
“Baliw. May asawa na ako, at bestfriend mo pa.” pabirong anas niya rito. “Asawa sa papel, Ffiona.” Napepe siya. tama naman si Lucas, asawa sa papel. Alam nito ang katayuan niya sa puso ng lalaki. “K-kailangan ko ng patayin ang tawag ha? Paalam, Lucas.” Hindi niya na hinayaan na magsalita ang lalaki, pinatay niya na ang tawag at malungkot na napatingin sa labas ng bintana. Sinilid niya sa bulsa ng kaniyang cotton short ang cellphone at nilapitan ang bintana. Hinawi niya ang makapal na kurtinang nakatabing doon. Pumasok ang maaliwalas at magandang tanawin sa labas kasunod ang malamig at masarap na simoy ng hangin nang buksan niya ang salaming bintana. Kung ikukumpara, para siyang salaming bintana na natatakpan ng makapal na kurtina. Pero masisi ba niya ang kaniyang sarili kung baliw siya sa pag-ibig na ito? Baliw siya kay Audric na alam naman niyang pagmamahal bilang kaibigan lang ang pinapakita nito sa kaniya noon. Kahit ilang beses nitong pinapamukha sa kaniya na mahal nito ang b
"Audric?" Tatlong mahihinang katok ang kaniyang ginawa. naghintay siya ng ilang minuto pero walang sagot mula rito sa loob ng art room. "Audric, papasok ako ha?" Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan. Wala roon ang lalaki. Paniguradong nasa music room ito ngayon pero wala siyang naririnig na kahit isang tunog ng musika. Akmang isasara niya ang pintuan nang mahagip ng kaniyang mata ang isang canvas sa gitna ng malawak na art room. May takip na puting tela Nagdalawang isip siya kung lalapitan ba ito. Ayaw ni Audric na mangialam siya roon sa silid na iyon. Hanggang pintuan lang siya dapat. Ang tanging tao lang na pwedeng mangialam at pumasok roon ay si Manang Minda "Anong ginagawa mo rito? Nagulat siya nang magsalita sa likuran niya si Audric. Agad niyang sinara ang pintuan ng silid at humarap sa asawa. "H-hinahanap kita. Kakain na sana tayo ng hapunan. "Mauna ka na. Mamaya pa ako kakain." Binuksan nito ang pintuan Napilitan tuloy siyang tumabi. Gusto sana niyang sabihin dito na a