Share

Chapter 20 - Ang Sarap Magmahal

"GOOD MORNING."

Biglang napalingon si Ffion, nakita niya sa bukana ng pintuan ang asawa niya. Parang may kung anong mga paru-paro na nagsiliparan sa kaniyang sikmura nang makita ang maaliwalas na mukha ni Audric.

"G-good morning!" Ngumiti siya kahit hindi naman nito nakikita. Nasa kusina siya at at naghahanda ng almusal nila mag-asawa sa umagang iyon.

"Let me guess, bacon and egg?"

Natawa siya ng mahina. Tama ang hingala ni Audric. Bacon and egg nga ito pero hindi na sunog. Pinag-aralan niya na kung paano magluto ng tama. Ayaw niya ng mapahiya kay Manang. Kahit sa almusal man lang, mapasaya niya sa mesa ang asawa.

"Oo. Kain na tayo, tapos na ito. May gatas na rin sa mesa."

"Okay," anas nito. Humakbang ito papalapit sa mesa.

Habang siya ay kumukuha ng kutsara at baso. Nilagay niya ito sa mesa. Hinubad niya rin ang suot na apron at umupo paharap kay Audric sa bilogang mesa.

Masaya siya na kahit papaano, kinakausap siya ngayon ng normal ng lalaki. Tinikman din nito ang luto niya at tum
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Anna Fegi Caluttong
baka naman umaasa ka lang Ffion Kay Audric
goodnovel comment avatar
Diane Samonte
update n po ms. a
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status