At simula sa araw na iyon, naging mag-asawa sila ni Audric. Sa kaniya nito sinuot ang singsing na para sana dapat kay Ivony at nagkasya iyon sa maliit niyang kamay.
Marami ang umangal at isa na si Donya Vilma Villanueva na hindi matanggap ang nangyayari pero walang magawa ang mga ito nang magdeklara ang Pari na mag-asawa na sila sa harap ng Diyos at tao. Habang si Lucas ay umalis ng simbahan at hindi pinanood ang kaniyang kahibangan.Maraming nakiusyong media nang lumabas sila ng simbahan. Maraming kumuha ng larawan at nagtatanong kung saan ang totoong bride pero ang Ama ni Audric ang humarap sa mga ito. Habang and isang kapatid ni Audric na si Asher ay nakaagapay sa lalaki at nagmistulang mata nito.Hawak siya ni Audric sa kabilang kamay at damang-dama niya ang galit sa pagkakahawak nito. Mahigpit! Pero hindi siya nagreklamo. Nakasunod lang siya sa bawat hakbang ng lalaking pangarap lang niya pero ngayon ay asawa niya na ngayon."Ffion?" Napatingin siya kay Asher."Salamat.""Ha?""Salamat dahil ikaw 'yong nandito para kay kuya. Alam kong mahal mo ang kapatid ko. Pero hindi ibig sabihin niyon magiging madali ang lahat. Kuya is blind."Hindi siya nakaimik. Tanging luha lang niya ang nagpapatunay ng kaniyang nararamdaman sakit para kay Audric. "Stop talking, Asher.""Yeah, sorry bro."Tinungo nila ang sasakyan ng binata at sa backseat sila pumwesto. Si Asher ang naging driver nila. Nanatiling kalmado si Audric sa kaniyang tabi pero alam ni Ffion na ilang sandali lang ay magwawala ito. Kilala niya ang lalaki pero sa mga sandaling ito, natatakot siya sa katahimikan nito. "A-adi?"Walang tugon mula rito. Nanatili ang mata nito sa unahan habang nagmamaneho si Asher. Tinaas niya ang kaniyang kamay at winagayway ito sa paningin ni Audric."Don't." Mahigpit na hinawakan ni Audric ang kaniyang kamay at binaba ito.Nakagat niya ang kaniyang labi at tumango. Hindi siya nakikita ng lalaki pero malakas ang pandama nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari ngayon araw. Pilit niyang gisingin ang sarili at baka nananaginip lamang siya pero hindi, nasa reyalidad siya at ang reyalidad ay sumasampal sa kaniyang magkabilang pisngi nang masulyapan niya ang kaniyang suot na diamond wedding ring.Nagsilaglagan ang mga luha sa kaniyang mata. Tanga na kung tanga kung isipin kung bakit siya pumayag na magpakasal kay Audric samantalang hindi naman siya nito mahal. Tama ang kaniyang Ina, may dalawang klase ng pagmamahal at inangkin niya ang dalawang klase ng pagmamahal na iyon.Pagmamahal na kayang ibigay ang lahat at sakim na pagmamahal. Mahal niya si Audric kaya kahit hindi siya nito mahal at pantakip-butas lang siya nito, pikit-mata siyang pumayag. Mahal niya si Audric kaya kahit kasakiman man isipin, pumayag siya para lang maging kaniya ang binata at makasama ito habang-buhay.Baliw na nga siya... nababaliw siya sa lalaking ito...***DUMATING sila sa mansyon ng Villanueva. Ilang beses pa lang siya nakapasok dito dahil na rin sa pinagbabawalan siya ni Mrs. Villanueva noon. Lagi siya nitong pinapalayas kapag nagpupunta siya roon.Agad siyang kinausap ng magulang ng lalaki sa patio area habang si Audric ay dumeritso ito sa silid nito sa pangalawang palapag ng bahay. Bigla siyang nasilong sa presinsya ng magulang nito lalo na kay Mrs. Villanueva."Hija, pwede ka pa umatras." Nakagat niya ang kaniyang labi at hindi sumagot sa sinabi ng donya. "Kailangan siya ng anak natin, Vilma. Nakita mo naman ang sitwasyon ng panganay natin. Only Ffion can tame him!""But I don't like this woman for our son, for goodness sake Arturo!""At ano ang gusto mong mangyari? Magwala na parang baliw ang anak natin sa simbahan at pagpyestahan tayo lalo sa media? Mabuti nga at nandoon si Ffion at niligtas sa kahihiyan ang pamilya natin. Ffion will stay as his wife from now on." Humarap sa kaniya si Don Arturo Villanueva at mataman siyang tiningnan sa mata. "Hija, alam mo na siguro ang kalagayan ng anak namin. Bulag si Audric. May bumulag sa kaniyang mata ilang araw bago ang kaniyang nalalapit na kasal kay Ivony. Ang sabi ng opthalmologist na tumingin sa mata ni Audric, severely damaged ang kaniyang dalawang cornea. Eye transplant ang pwedeng gawin para muling magbalik ang kaniyang paningin and I'm working it now. Mabilis lang ang lahat lalo na 'pag pera ang usapan. Sa ngayon, ikaw muna ang bahala sa anak namin. Alam kong ikaw lang ang kayang magpapakalma kay Audric. Manatili ka sa tabi niya hanggang sa magbalik sa normal ang lahat.""M-maging normal ang lahat?" Parang may kung anong bumikig sa kaniyang lalamunan sa narinig."Maging normal ang lahat. You know our son don't love you. Hindi ibig-sabihin na ikaw ang hinarap sa altar at sinuotan ng singsing ng anak namin, magiging parte ka na habang-buhay ng Villanueva. Once Audric restored his eyesight, you can leave then. Babayaran ka lang namin."Nagsibagsakan ang mga luha sa kaniyang mata sa narinig mula kay Mr. Villanueva. Wala siyang maapuhap na sasabihin at tinalikuran na siya ng dalawang mag-asawa, na parang nandidiri sa kaniyang presinsya.Nakagat niya ng mariin ang labi hanggang sa dumugo iyon. ayaw niyang umiyak! Ayaw niyang umiyak pero heto at nag-unahan sa pagpatak ang mga iyon na parang mga ulan na ayaw magpapigil sa pagpatak."Ffiony!" Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang luha nang tawagin ni Amazi ang kaniyang pangalan. Ang bunsong kapatid ito ni Audric at kasing-edad lamang niya ang binata. Ito lang ang tumatawag sa kaniya ng Ffiony kaya alam niyang si Amazi ito."Hi, Amazi!" Ngumiti siya rito na parang walang nangyari nang humarap siya sa lalaki.Malungkot naman itong ngumiti sa kaniya at napabuntong-hinga. "Anong sabi ng parents ko? Inalipusta ka na naman ba?""No-no!" Natawa siya at sinabayan ito ng iling. "Bakit mo 'yan nasabi? Mabait ang parents niyo sa'kin.""You sure?""Oo n-naman."Tinapik nito ang kaniyang ulo at umupo ito sa sofang gawa sa mamahalin kahoy. Napapikit ito ng mata at sunod-sunod na napailing."Bakit mo hinayaan na talian ka ni kuya sa ganitong paraan, Ffiony?" Nagmulat ito ng mata at deretsong tumingin sa kaniya. Matiim ang titig na binigay nito na binabasa ang kaniyang puso at kaluluwa.Nag-iwas siya ng tingin. Hindi niya kayang salubungin ang mata ni Amazi. "H-hindi ko rin alam. S-siguro mahal ko lang ang kuya mo at ang makita siyang nasasaktan at nahihirapan ay isa sa pinakaayaw kong makita...""Kaya nung magpasya si kuya na ikaw ang pakasalan niya, pumayag ka?"Tumango siya. Ano pa nga ba? Tulad ni Lucas, malapit din si Amazi sa kaniya. Si Asher lang ang hindi niya kasundo sa magkapatid na Villanueva."Ffiony..."Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang mata ni Amazi. Naiintindihan niya itong nababahala ito sa kaniya. Pero wala, alila siya ng kaniyang puso. Alila siya ng kaniyang pagmamahal para sa kapatid nitong hindi siya kayang mahalin alam niya iyon. "Its okay, Amazi. Suot ko na ang singsing na magpapatunay na kasal na ako kay Adi."Napahugot ito ng malalim na hangin at tumayo. Napatingala siya rito. kasingtangkad ito ni Audric. "Basta huwag iiyak sa dulo, ah?"Tumango siya at ngumiti. Inakbayan naman siya agad ng binata at niyaya siya nitong pumasok sila sa loob ng mansion. Kahit papaano, nagpasalamat siya na kasama niya si Amazi dahil kung hindi, baka hanggang umaga siyang tatayo sa patio.Pero hindi pala madali ang buhay asawa iyon agad ang natutunan ni Ffion sa loob ng dalawang linggo. Sumama siya kay Audric nang magpasya ang lalaki na tumira sa Villa sa San Mateo. Sa villa ng Villanueva kung saan malayo sa mga tao at sa media.Walang magawa ang kaniyang Ina nang sumama siya sa lalaki. Nasa tamang edad na siya. 25 years old na siya at hindi na siya bata kaya alam niya kung ano itong pinasok niyang sitwasyon. Isa pa, hindi niya hahayaan si Audric na mamumuhay sa madilim na mundo nito ngayon. Sasamahan niya ito kahit katangahan ang kaniyang gagawin. Masisisi ba niya ang kaniyang puso kung nagmahal lang naman ito?Nagbago ang dating kilala niyang Audric. Kung dati ay malambing ito sa kaniya at tinatrato siyang nakakabatang kapatid, ngayon ay hindi. Nag-iba ang ugali ng lalaki at lagi itong mainit ang ulo. Minsan ay nagwawala ito sa loob ng kanilang silid at siya ang taga-sunod ng mga kalat mula sa pagwawala nito.Minsan naman ay naririnig niya itong umiiyak at kasunod niy
MAGANDANG umaga ang bumungad kay Ffion sa araw na iyon. Tulad ng kaniyang nakagawian bilang asawa ni Audric, hinanda niya ang susuotin nito at agad siyang nagtungo sa kusina. Magluluto siya. Magluluto siya kahit pa paulit-ulit na masayang iyon at basurahan ang nakikinabang. At masaya siya sa kinalabasan ng kaniyang luto ngayon umaga. Hindi sunog ang tocino pati ang itlog. Mas lalong naging masigla ang kaniyang araw nang kainin ito ni Audric. Walang reklamo na lumabas sa bibig nito at inisip niyang nagustuhan nito ang kaniyang hinandang almusal sa umagang iyon. Kahit papaano, masaya siya na maganda ang gising ngayon ni Audric dahil sabay sila ngayon na kumakain."How's your hand?"Natigilan siya nang magtanong ito. Nagtaas siya ng tingin at tumingin sa kaniyang gwapong asawa na kahit bulag ito, wala pa rin nagbago. Nagsimula rin humaba ang buhok nito pati ang balbas nito pero gwapo pa rin sa paningin niya si Audric. "O-okay naman.""Hindi masakit?"Nakagat niya ang labi. Pinigil niyan
Ivony is wild, hot and dangerous. While Ffion, is sweet, innocent and fragile. Mga katulad ni Ffion ang babaeng hindi niya nagugustuhan pero exemption ito dahil matalik na kaibigan niya ang babae at kababata. Niligtas siya nito noon mula sa isang malaking aso na muntikan siyang kagatin. He's 12 years old that time at 7 years old ito. Baguhan pa sa Maynila at wala pang kaibigan.Si Ffion ang humarap sa aso at sinabihan nito ang aso na umuwi na at huwag siyang saktan. Himalang nakinig ang aso at tumakbo ito papalayo sa kanilang dalawa at simula noon, naging magkaibigan sila. Simula rin noon, naging attached sa kaniya si Ffion. Iisang school sila ng pinapasukan at palagi ito sa kaniya tumatakbo 'pag may nambubully rito. Siya ang naging sandalan at takbuhan ng lahat ng babae at sa kaniya rin ito unang nasaktan."Huwag kang mag-alala, araw-araw ko kayong aalagaan dito. Hindi ko kaya hahayaan na may isang malalanta.""Ffion—" Natigil sa ere ang kaniyang sasabihin nang mag-ring ang telepono s
"Mukhang malungkot ka yata, Ineng?"Napalingon siya kay Manang Minda. Nasa palengke na sila kasama ang anak nito."Hindi ho, Manang Minda. May iniisip lang po.""Gano'n ba? Kamo, babalik din sa dati si Audric. Tiwala lang, Ineng."Ngumiti lang siya. Alam niyang babalik din ang dating si Audric pero sana 'pag bumalik ang dating ito, natutunan na rin siya nitong mahalin. Mayamaya lang ay na-busy na sila sa pamimili ng stocks nang mahagip ng mata ni Ffion ang isang lalaki na nakatayo sa kalayuan. May hawak itong sigarilyo at suot na sumbrero. Nakangisi itong nakatingin sa kaniya habang hinihithit ang sigarilyo sabay buga sa hangin.Biglang sumikdo ang kaniyang puso. Anong ginagawa niya rito? Nag-unahan sa pagtibok ang kaniyang puso. Kinakabahan siya."Ffion ineng?""Po?" Napatingin siya sa matandang ginang."May gusto ka pa ipabili?"Mabilis siyang umiling. "W-wala na ho." Muli niyang binalik ang tingin kung saan nakita niya ang lalaki. Wala na ito roon. Mas lalo siyang kinabahan sa isipi
"Ffion?" Napasinghap siya nang marinig niya ang boses ni Audric. Nasa sala ito. Ngumisi naman si Lorenzo at sumenyas sa kaniyang aalis na ito. "Hindi ko nagustuhan ang nakikita ko..." Tumawa ito ng walang ingay at matalim siyang tiningnan. Agad itong tumalikod nang nasa bukana ng pintuan ang kaniyang asawa, nakatayo."A-audric!" Nagkukumahog siyang lumapit sa lalaki. Abot-abot ang kaniyang kaba at nagpapasalamat siya ng wala na si Lorenzo at nakaalis na ito. Huwag na sana itong bumalik at magpakita pa sa kaniya. "Sino ang kausap mo?""W-wala. Mga halaman ko lang at... nakawala ang isang alaga kung kuneho." Nakagat niya ang kaniyang labi. Hindi siya sanay magsinungaling sa asawa."Kung nakawala, hayaan mo na ito. Bumili ka na lang ng bago, o kaya naman, bumalik ka na sa Maynila at sa pamilya mo," walang kaemosyon saad ni Audric at agad na tumalikod. Lumabas lang ito para tanungin siya kung sino ang kaniyang kausap."S-sige, bibili ako ng bago." Napahinga siya ng maluwang. Nagpapasala
"Hey bud!"Natigil si Audric sa pagpipinta nang kumatok si Lucas sa pintuan ng silid kung saan siya seryusong nagpipinta na walang nakikita kundi ang kaniyang imahinasyon."Come in."Narinig niyang bumukas at sumara ang pintuan. Pumasok si Lucas napahanga ito. "I didn't know that you are good in painting!""I'm glad you are here."Tumawa lang ito at inakbayan siya. "Same here."Tumango lang si Audric at tumayo. Inayos niya ang mga praint brush at mga kulay na ginamit na hinidi niya nakikita. "Ngayon nandito ka, I have a few things to ask. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa.""Yeah, about that man who did this to you... wala pa rin akong lead. Pinapahanap ko pa rin sa mga tauhan ni Dad. But don't worry bud, mahahanap at mahahanap ko ang taong gumawa nito sa'yo and I will put him in jail till he rots in hell."Nagkibit lang siya ng balikat at humarap sa kaibigan. Tapos niya ng iligpit ang kaniyang mga gamit. "Hindi iyan ang paksa ko, Lucas.""Hindi?""It's about my wife, Ffion."Ilang se
Hindi sumagot si Audric. Tumayo lang siya at marahan humakbang patungo sa bintana na nasa kanang bahagi niya. Mula roon, naramdaman ni Audric ang malamyos na hangin na sumalubong sa kaniya. Naririnig niya ang mahinang sigok ng babae pero wala siyang ginawa para patigilin ang pag-iyak nito ngayon. Dahil tama si Ffion, kaya niya pinapunta rito si Lucas para ang kaibigan niya na ang bahala sa babae at dalhin ito pauwi pabalik ng Maynila. "Gusto kong mapag-isa, Ffion.""P-pero bakit? B-bakit mo ako kailangan itulak papunta kay Lucas kung alam mo naman na hindi ko siya magagawang mahalin ng mas higit pa sa pagmamahal ko sa'yo."Napailing siya sa narinig. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ffion? Ilagay mo ang sitwasyon mo sa kinatatayuan ko, hindi rin kita magawang mahalin dahil hindi ikaw ang babaeng tinitibok ng puso ko. Ngayon, ang gusto ko ay mapag-isa rito sa Villa. Sumama ka kay Lucas pabalik ng Maynila.""Ayuko.""At sa tingin mo mamahalin kita sa pagmamatigas mo, Ffion? Hinid. Kaya h
Isang linggo ang dumaan. Walang nagbago sa pakikitungo sa kaniya ni Audric. Hindi rin siya nito napilit na umalis kasama si Lucas. Nagpaalam na rin ang lalaki pero nangako itong babalik agad. May aasikasuhin lang daw itong kaso. Isang attorney si Lucas at may sarili itong firm na pinapatakbo. Hindi rin basta-basta ang pamilyang pinagmulan ng binata, mayaman ang pinagmulan nito at linya ito ng mga attorney at pulis.Isa sa hindi niya nakalimutan na sinabi ni Lucas ay ang hanapin minamadali nitong hanapin ang taong gumawa kay Audric. Ang sabi nito, oras na malaman nito kung sino ang taong nasa likod ng pagkabulag ng kaniyang asawa, paparusahan nito. Dahil hindi raw siya maghihirap din ng ganito kung una-una hindi nabulag ang mata ni Audric.May punto si Lucas. Wala siya sa tabi ng kaniyang asawa ngayon kung hindi ito nabulag. Nasa bisig ito ni Ivony at dapat sana masaya ang dalawa ngayon. Pero dahil sa isang pangyayari, nawala lahat iyon. Nawala para sa lalaki pero para kay Ffion, isa iy