Share

Chapter 5

Author: Diane Ruiz
last update Last Updated: 2025-06-19 14:17:46

RAMIRO

Sinundan ko ang mga naririnig kong yapak ng paa ni Aarav hanggang sa tumigil ito, ibig sabihin ay nasa loob na kami ng opisina niya.

“Have a seat, Ramiro,” saad ni Aarav na sinunod ko naman at umupo ng dahan dahan, hawak ko pa rin ang tungkod ko at hindi ito binibitiwan. 

“So, how's life?” tanong niya sa akin, seryoso na siya sa pagkakataong ito.

“I'm fine,”

“Pwede ba Ramiro, cut the crap, I know something’s going on, come on, you won’t come here if you’re not troubled, what is it this time?” seryosong tanong niya sa akin. 

“Well, it’s about the organization, they need the documents,” paliwanag ko. 

“What documents?” 

“The one that I gave to Dove, everything is in there, it’s like the main scribe Aarav, name it and we have it,” 

“Oh, that was interesting,” 

“Nandoon lahat ng pangalan, pati na rin ang mga background checks ng lahat ng mga makapangyarihang drug lords sa bansa, kasama dyan ang kanilang net worth, assets, liabilities at ang mga ari arian nila na may connection sa bangko at kapag lumabas iyon ay siguradong tapos kaming lahat, lalo na kami ni Dove, papatayin nila kami,” paliwanag ko. 

“Dove? Dove, saan ko ba narinig ang pangalan na yan?” 

“Dove is Lieutenant Mantala, Aarav,” 

“Ah, naalala ko na, that gorgeous but dangerous devil,” 

Napailing na lang ako sa sinabi niya, malas kasi sa babae itong gago na ‘to ewan ko kung may mahahanap pa ‘tong matinong babae na papatol sa kanya. 

“I need to protect her too,” 

“So that’s why you accepted my offer? for protection,” seryosong saad niya. 

“Yes,”

“What makes you think that I’ll protect you?” 

“We’re family, Aarav, I’m begging you, ikaw lang ang taong kilala ko na hindi ako ilalaglag sa mga sitwasyong ganito,” 

“I know, okay, so here's the deal. I’ll protect you and you will work for me as an assassin or hitman,”

“Deal,” saad ko, naramdaman ko ang kamay niya na nakipag shake hands sa akin biglang pagpapatibay ng aming kasunduan. 

Simula ng mapunta ako kay Aarav ay doon na muna ako nag stay dahil pinaghahanap pa rin ako ng mga dati naming kasamahan ni Dove sa Organization. 

Binigay ni Aarav ang lahat ng kailangan ko. Isang kwartong tutulugan, may lagayan din ng mga gamit at damit, malaking table, malaking cabinet, kumportableng bathroom na may shower at bathtub na kinapa kapa ko lang ang bawat sulok ng kwartong binigay niya upang ma-familiarize ako sa lugar, mukhang bagong renovate din ito dahil naaamoy ko pa ang fresh paint. Ang sabi ni Aarav ay kumpleto naman dito at may desktop din kung kaya’t pinadalhan ko ng mensahe si Dove upang makapag kita kami. I need to talk to her about the documents dahil ito ang dahilan kung bakit ako nagtatago ngayon. 

Mabuti na lang at nandito si Aarav at mukhang ligtas naman ako dito sa lungga niya. 

Maya maya ay narinig kong may kumatok sa pinto kung kaya’t binuksan ko iyon kaagad. 

“Yes?” tanong ko. 

“Uhm, yeah, well this is Nico, your personal driver,” narinig kong saad ni Aarav na ipinakilala ang kasama niya sa akin. 

“Magandang hapon po Mr. Castillejo, ako po si Nico, kinagagalak ko po kayong makilala, idol na idol ko po kayo noong nasa black underground pa kayo,” saad ng lalaking nagpakilalang Nico na inabot ang kamay ko upang makipag shake hands ngunit binawi ko ang kamay ko at napakunot ang noo ko dahil sa narinig ko. Tila nagpantig ang tainga ko sa tinuran niya. 

“Sino ka? Bakit alam mo ang organization?” tanong ko. 

“Uhm, ano… isa siya sa mga tauhan ko, eh nalaman na nandito ka, kaya ayan… baka daw kailangan mo ng serbisyo niya,” paliwanag ni Aarav. 

“Excuse us for a moment,” saad ko kay Nico at saka hinawakan si Aarav sa braso at kinaladkad sa corridor. 

“Aray ko naman! bakit ba?!” inis na Singhal sa akin ni Aarav ngunit mas inis Ako.

“How sure are you that he’s not a fucking enemy, Aarav?! Nag iisip ka ba, huh?! Alam mong pinaghahahanap ako ng organization ngayon dahil sa mga documents!” singhal ko na ipinagdidiinan iyon sa kanya. 

“Come on, Ramiro, paghihinalaan mo na lang ba lahat? Matagal ng nagtatrabaho sa akin si Nico, simula pa lang ng umupo ako bilang bagong Don nandito na siya, kaibigan namin siya ng pinsan kong si Alejandro, napa-paranoid ka na ata eh,” paliwanag ni Aarav.

Lumalim ang buntong hininga ko at huminahon na. 

“Uhm, Mr. Castillejo, promise po magiging maingat ako na driver ninyo at hindi po ako makikialam sa inyo, magtatrabaho po ako ng maayos,” saad naman ni Nico na lumapit sa akin. 

“Ilang taon ka na?” tanong ko sa kanya. 

“Bente siyete po pero promise po kaya ko po kayong ipag drive,” saad ni Nico. 

“Sige,” iyon na lang ang nasabi ko at saka bumalik sa kwarto ko. 

Hindi ko rin naman hiniling ito kay Aarav na bigyan niya ako ng senyorito treatment dito sa lungga niya pero ginagawa niya ang lahat para maging komportable lang ako dito. 

Pagpasok ko ng kwarto ay bigla kong naalala na aalis nga pala ako at makikipagkita kay Dove kung kaya’t muli akong lumabas, mabuti na lamang ay nandoon pa sila at nag uusap.

“You said that you will drive for me?” tanong ko kay Nico. 

“Opo, Sir Ramiro,” 

“Okay, let’s start now,” saad ko na kaagad na kinuha ang tungkod ko at sinuot ang shades ko.

“P-po?” naguguluhang tanong niya.

“Ngayon, ngayon na,” saad ko sa kanya. 

“Teka, saan ka pupunta?” tanong ni Aarav. 

“None of your business, Clemente,” saad ko na napabuntong hininga. 

“Sandali po, kukuhanin ko lang ang susi,” saad ni Nico na kumaripas pa ng takbo, rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa niya na tila nagmamadali. 

“Hey, Nico,” saad ko. 

“Yes po, Sir Ramiro?” 

“Slow down, mamaya ay dumire-diretso ka sa hagdan,” saad ko at saka Siya nagpatuloy ngunit naglakad na lamang siya. 

“Heh, ganyan talaga yan, hayaan mo na,” saad naman ni Aarav. 

“Mana sa amo, may saltik,” 

Narinig ko naman ang paghalakhak niya. 

“Tangina mo, pasalamat ka bulag ka, pero seryoso, saan ka pupunta?” 

“Basta,” 

“Ang hirap mo talagang kausap ngayon, hindi ka naman dating ganyan, oh siya, bahala ka sa buhay mo,” saad ni Aarav, maya maya ay bumalik na si Nico, rinig na rinig ko pa ang ingay ng paghagis at muling pagsalo niya ng susi habang naglalakad pabalik. 

“Sir, nakahanda na po ang kotse,” saad ni Nico. 

“Ay nga pala Ramiro, yung kotseng ibinigay ko sayo hindi nga pala high end yan pero palag palag na,” 

“Tss, anong tingin mo sa akin, hampaslupa? kung makapagsalita ka akala mo hindi tayo nagpapalitan ng sportscar noon,” 

Humagalpak ulit ito ng tawa sa akin, “Oh siya sige na, bumalik ka ng buo at buhay ah, baka mamaya ay na-salvage ka na dyan,” 

Hindi ko na siya pinansin at sumama na ako kay Nico. Nang makasakay kami ay sinimulan ng magmaneho ni Nico. 

“Hintayin mo ako, Dove, papunta na ako,” saad ko sa aking isip. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    THE HITMAN: AGENT RAMIRO CASTILLEJO CHAPTER 2

    RAMIROIt was an ordinary day that day. Pumasok sa eskwelahan ang mga bata habang ako naman ay pumasok din sa opisina. Si Eleizha naman ay nagpaalam na mag go grocery lang daw. Walang naiwan sa Mansyon ngunit hindi pa rin ako kampante matapos ang natanggap kong tawag mula kay Nico. Ang sabi ko ay magkita kami dito sa opisina pagkatapos ng trabaho ko dahil marami akong aasikasuhin. “Wendy?” tawag ko sa secretary ko, kaagad naman itong lumapit. “Amin na yung mga project proposals, pipirmahan ko na lahat para mai-go na natin,” saad ko sa kanya at kaagad niya namang kinuha iyon. “Ito na po sir, yung ngayong month,” saad nito at ibinigay iyon sa akin. “Pakitawag na rin si Devon,” utos ko, si Devon ay sa mga malapit sa akin na investor at consultant ko. Nang makapasok si Devon sa opisina ko ay hinatak ko pababa ang mga blinds. “Mukhang seryoso pag uusapan natin ah,” saad pa nito. “Uhm oo, listen, uhm, kapag one week na tapos hindi pa rin ako pumapasok Sabihin mo sa lahat na nag vaca

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    The Hitman: Agent Ramiro Castillejo Chapter 1

    RAMIRO“Come on boy, he’s the one who killed your father, pull the trigger,” saad sa akin ni Master Chi habang hawak ang kamay ko gamit ang isang baril. Tandang tanda ko pa kung paano magmakaawa ito para sa buhay niya ng mga oras na iyon. “Ramiro, wag! Wag mong papakinggan ang bawat sabihin nila, mga mamamatay tao ang mga yan!” “Avenge your father, boy, sumisigaw ng hustisya ang dugo ng iyong ama. Wag mong hayaang makalusot pa ang walang hiyang ‘to. There are no second chances,” saad ni Master Chi. “Ramiro, nakikiusap ako sayo,” saad naman ng aking tiyuhin. Hawak hawak siya ng ilang mga tauhan ni Master Chi, pinaluhod nila ito sa harapan ko habang duguan ang mukha. “Pull the trigger,” utos ni Master Chi. Naguguluhan ang isip ko ng mga oras na iyon. Ayokong patayin ang tiyuhin ko ngunit sa sama ng loob ko dahil sa pagkamatay ng aking ama ay gusto kong sundin si Master Chi at kalabitin ang gatilyo. Maya maya ay nararamdaman ko ng inaalalayan ni Master Chi ang daliri ko upang kal

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 100

    RAMIRO5 YEARS LATER…Nagsilang si Eleizha ng isang malusog na batang lalaki at pinangalanan namin siyang Ram Elizalde, para sunod sa pangalan naming dalawa. Nanirahan kami sa Castillejo Mansion at lumaki si Ram na puno ng pagmamahal at pangaral.Nagawa kong ibangon muli ang kumpanya ng aking ama at ako na ngayon ang nagpapatakbo nito at dahil na rin sa tulong ni Don Octavio ay nakapag aral ako at nakapagtayo ng isa pang modular company; Ang RMDC Modular Lab. kung saan kumokontrata kami ng mga projects katulad ng kitchen renovations, countertops, loft type bed, cabinets, TV Console, wardrobe, hotel media console, kiosk in shops, study and office tables at marami pang iba. Naghire din ako ng mga skilled workers upang may mas matutunan pa ako sa kanila sa paggawa ng modular.Ngayon ay nasa kumpanya ako at nakaupo habang nagka kape. Bigla namang lumapit ang aking anak na si Ram na sumampa at umupo sa hita ko. “Daddy, I have a question,” saad ni Ram.“Yes?”“Daddy, did God create evil?”

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 99

    RAMIRO“It’s up to you if you will pull the trigger now or kiss me, handa akong mamatay para sayo Siobeh,” saad ni Aarav ngunit tumulo na ang dugo mula sa kanyang bibig. “No, you can’t die, I’m pregnant,” saad ni Siobeh at saka walang kagatol gatol na hinalikan si Aarav at hindi na nakatiis ngunit pagkatapos ng halik na iyon ay bumagsak ang katawan nito kay Siobeh. “No! no! no! Aarav!” saad ni Siobeh na nagpapanic habang inaalalayan ang katawan ni Aarav dahil wala ng malay ito. “Halika na! I know a place where he can be cured!” saad ko na kaagad na tinulungan si Siobeh na buhatin si Aarav, tumulong na rin si Nico at isinakay namin si Aarav sa kotse. Nagmadaling magmaneho si Nico at pumunta kami sa clinic ni Gaia.“Anong nangyari sa kanya?” tanong ni Gaia.“He lost his empire to a mafia heiress,” saad ko naman at napailing na lang si Gaia. Kaagad naming dinala si Aarav sa emergency room at doon ay ginamot siya ni Gaia. Habang ginagamot siya ay panay ang pagsisisi ni Siobeh sa nang

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 98

    RAMIRONang makalapag kami ay naghanda na kami ni Nico ngunit napag alaman ko na pinadala din pala ni Eleizha ang mga bodyguard niyang si Diamond at Cheat kung kaya’t sabay sabay na kaming pumasok sa loob at saka inatake ang lahat ng humaharang sa amin papasok ng shopping centre. Nang makapasok kami sa pinakaloob ay nakarinig kami ng mga putok ng baril kung kaya’t nagtago kami sa mga pader habang hawak ang mga baril namin. “Boss, dito tayo!” saad ni Diamond na itinuro sa akin ang daan. “Kabisado ko dito, alam ko rin ang mga pasikot sikot,” saad naman ni Nico.“Okay, you lead the way,” saad naman ni Cheat.Paano ba namang hindi niya makakabisado ang lugar na ito? eh nagtrabaho siya dito. Dumaan kami sa likod kung saan iyon ay secret passage papunta sa private office ni Aarav ngunit ang gago, wala doon! nasaan na kaya iyon?! Kaagad kong tinawagan si Aarav. “Hoy, Ulupong nasaan ka?! sumagot ka!” “Dito na sa parking lot, bilisan niyo, putang ina! hindi ko sila kayang ubusin!” saad

  • THE BLIND HITMAN (SPG)    Chapter 97

    RAMIRONgayon ay nasa front deck na kami ni Eleizha at kami na lamang dalawa ang naroon. Tahimik na rin ang mga bisita at ang iba naman ay mga lasing na kung kaya't nagsitulog na. “Are you happy now, Hon?” tanong ko kay Eleizha na niyakap siya mula sa likod. “Alam mo hindi nangyari yung perfect wedding na gusto ko eh pero binigyan ako ni Lord ng wedding na sobrang worth it at sobrang unforgettable,” saad niya na ngumiti at lumingon sa akin. “Aba, kung hindi ikaw ang pakakasalan ko hindi ako magtitiis na magpakabasa doon, ganyan kita ka-mahal kahit na topakin ka,” saad ko na inilagay sa kanya ang suot kong baseball cap dahil mahamog na sa labas at balabal lang ang suot niya at maxi dress. “Bahala ka ngayon dyan, ako na si Mrs. Eleizha Fortez-Castillejo, kaya tiisin mo talaga ang topak ko dahil asawa mo na ako,” “Eh ano pa nga ba? Pero seryoso, salamat sa hindi pag iwan sa akin simula noon hanggang ngayon, hindi mo ako iniwan kahit na nabulag ako, tinanggap mo pa rin ako, hanggang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status