Share

CHAPTER 1

Norienette's (POINT OF VIEW)

Masaya akong pumasok sa isang malaking gate, napawow nalang ako sa sobrang laki mg magiging school ko. Dream come true talaga ang nangyari sa'kin. Paano ba naman ordinaryong tulad ko makakapasok sa isang Brent International School sa manila na Ang Tuition fee lang naman ay ₱500,632 to ₱680,000. Dream ko lang ito dati pero ngayon OMG nalang!

Nagtanong-tanong lang ako hanggang nakarating ako sa section namin, kaya pumasok na ako nakakainis lang pagpasok ko bigla silang nagbulong-bulungan tapos tatawa. May saltik siguro sila.Pumunta lang ako sa bakanti sa dulo. Mayamaya dumating na ang Prof. namin, dahil first day of school siyempre kailangang magsimulang magpakilala sa harap hanggang umabot na sa’kin kaya tumayo na ako para magpakilala.

"Hi everyone! My name is Norinette Boado, I got my scholarship here, and fortunately listed as a scholar under Dean’s program, thank you…have a nice day to all of you." Saad ko tapos umupo. Nang natapos na kaming magpakilalang lahat, nagpakilala naman ang Teacher namin.

“Hello students! I'm Mary Joseph Oco, but you can call me ma'am Majo. I'm your advicer and because this is our first day, tomorrow will be our pure discussion." Saad ni ma'am Majo.

Nang natapos na ang oras at breaktime na inayos ko muna ang gamit ko bago lumabas. Habang naglalakad ako pinagtitinginan nila ako. Siguro dahil maganda ako. Hindi lang tingin ang ginagawa nila pinagbubulong-bulungan na din nila ako.

"Babe look at the girl galing atang ibang planeta.” Saad ng babae sa kasama niya.

"Maybe he just got lost, because he looks like a bum.” Saad ng lalaki. Kaya napatingin ako sa suot ko, ano bang masama? Nakapalda lang naman ako ng lagpas hanggang tuhod at malaking damit na pinaresan ng medyas na colorful at may suot ng malaking salamin.

Ano bang pake nila sa suot ko. Dito kasi ako comfortable kesa naman sa suot nila na kinulang sa tela. Pinasangwalang bahala ko na lang siya at nag order na, pagkaorder ko pumunta na ako sa pinakadulo at nagsimulang kumain. Habang kumakain ako bigla nalang may nagbuhos sakin ng malamig kaya napa tingin ako.

"I'm sorry! I didn't mean it, I thought someone was trash?" Saad ng babaeng kinulang sa tela ang damit. Akmang tatayo na sana ako ng bigla niya akong hilahin.

"We're not done yet, so don't abandon me." Saad ng babae.

"Aalis na po ako." Magalang na saad ko. Nagulat lang ako ng bigla niyaa akong sampalin.

"Welcome to Brent International School, It's just the beginning." Saad niya at iniwan ako. Napahawak nalang ako sa pisnge ko at hindi maiwasang umiyak. Bakit ganito ang mga mag aaral dito hindi ba sila tinuruan ng magandang asal ng mga magulang nila. Later that day…

Hay! Buntonghininga ko nang nakalabas ako ng gate sobrang daming nangyari. Isa lang ang masasabi ko ang mga mag aaral dito ay hindi tinuruan ng magandang asal. Naglakad lang ako kasi malapit lang naman ang tinitirahan namin sa school. Habang naglalakad ako parang may nakasunod sakin. Kaya tumingin ako sa likod ko pero wala naman akong nakita, baka guni guni ko lang ‘yon at pinag patuloy ang paglalakad.

Nang nakarating na ako sa bahay namin pumasok na agad ako, ng nakita ko si Nana lumapit ako sa kanya tapos magmano.

"Kamusta ang unang araw mo, Nak?" Tanong ni Nana.

"Ayos lang naman Nana, marami nga po akong naging kaibigan." Pagsisinungaling ko. Kaysa naman sabihin kung may nangbully sakin, ayaw ko naman na mag alala siya sakin.

"Mabuti naman kung ganoon." Saad ni Nana at hinalikan ako sa noo.

"Halika na kumain na tayo nagluto ako ng paborito mong adobong manok, pasenya kana ‘nak, kasi minsan-minsan lang tayo nagmamanok ngayon lang kasi magkapera ng malaki ang Nana." Saad niya. Kaya niyakap ko siya.

"Ayos lang Nana masarap, naman ang kinakain natin."Masayang saad ko.

"Hay naku Nana tama na ang dramahan nagugutom na ako gusto mo bang pumangit ang anak mong maganda.” Saad ko. Kaya tumawa si Nana.

Pagkarating namin sa lamesa umupo na agad ako pinagsilbihan naman ako ni Nana only child kasi ako kaya on hand sakin si Nana.

Pagkatapos naming kumain ako na ang mag hugas ng plato, ayaw sana ni Nana pero alam kung pagod na siya. Wala naman siyang nagawa kasi may anak siyang matigas ang ulo.

Nang natapos na akong maghugas pumunta na ako sa kwarto namin ni Nana nakita ko siyang natutulog kaya lumapit ako sa'kanya at umupo sa gilid ng kama.

Pinagmasdan ko lang si Nana, napaka ganda talaga ni Nana kahit may katandaan na siya nakikita mong maganda siya nung kabataan niya.

Hanggang napagpasiyahan kung matulog na rin. Kaya tabi na ako kay Nana.

And everything is going black

-----------

It’s already morning.

Maaga akong gumising kasi napagpasiyahan kung magluto. Nang natapos na akong magluto hinain ko na ito sa lamesa at kumain tapos naligo na rin, hindi ko na ginising si Nana nag sulat nalang ako at dinikit sa lamesa sa tabi ng pagkain na tinakpan ko.

Pagkalabas ko bumungad sakin ang papasikat na araw kaya masaya akong lumakad.

Hindi naman nagtagal ang paglalakad ko at nakarating na ako sa school

Habang papasok ako naririnig ko ang pinag uusapan nila.

"Hey girls, Supremo is back."Saad ng babaeng naka crop top na pink.

"Supremo is really back, I miss him so much." Sagot naman ng babaeng naka crop top na black.

Kaya napa-isip ako, sino ba si Supremo mukhang special like rebisco.” Saad ko sakin isipan na kinatawa ko. Hindi ko na sila pinansin at pinagpatuloy ang paglalakad hanggang sa nakarating ako sa room namin.

Pagpasok ko walang binagbago like before kaya tahimik akong pumunta sa pinaka dulo.

Nang nasa upuan na ako hiniga ko lang ang ulo ko sa arm chair Hindi ko namalayan nakatulog na pala ako.

--------------

Bush!

Nagising ako ng biglang may bumuhos sakin ng tubig. Kaya agad kung naitaas ang tingin ko bumungad sakin ang lalaking kulay gray ang mata.

"Is that how you welcome the supreme?" Saad niya. Kaya napayuko ako.

"Patawad po." Saad ko. Habang nakayuko pa din.

"You think supreme will forgive you for your lack of respect towards him." Saad niya. Kaya kinabahan ako.

"Sorry po talaga, hindi ko naman po sinasadya." Saad ko. Hindi ko na napigilang umiyak.

"Face your punishment." Saad niya. Bago umalis.

"Hahaha it's good for him, she deserves it." Saad ng classmate kung babae.

Ano ba yan! ‘yong first day ‘yong Campus Queen ‘yong nang bully sakin ngayon na man magbabanta sakin ang supreme sila. First at second day ko palang ‘yon pano pa sa susunod

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status