Share

CHAPTER 3

NORIENETTE'S POV

"How is she nurse?" Rinig kung tanong ng estanghero.

"Nalipasan lang sya nang gutom kaya siya nawalan nang malay kaya dapat paggising niya ay kumain agad siya para magkalaman ang tiyan niya para hindi na maulit ang pagkahimatay niya."Saad Ng nurse.

"Sige nurse, salamat," sagot naman ng estranghero.

Unti-unti ko naman minulat ang mga mata ko nang may narinig akong mahihinang pag-uusap sa gilid ko mismo, puting kisame agad na tumambad sakin naramdaman ko rin ang paghihina sa katawan ko parang nawalan ako ng lakas.

"Thanks!! you're awake up" Napabaling naman ako ng tingin sa gilid ko nang may lalaking nagsalita. Napaawang naman ang bibig ko dahil sa nakita 'isang napagagwapong nilalang na hindi ko kilala.

Na-alala kung nawalan ako nang malay at sinalo yata ako nag estranghero ito, nakaramdam naman ako nang hiya dahil ang panget ko para saluin lang nang mukhang anghel nato.

"Umm, pasensya na kung na abala pakita, salamat pala atsaka kailangan ko nang uma-" Pero akmang babangon ako nang agad niya akong pinigilan.

"no!! you need to rest atsaka nag order na ako nang food para kumain ka nawalan ka nang malay dahil sa nalipasan ka nang gutom kaya kailangn mo munang kumain... here kumain kana susubuan kita."Usal niya at tinaas ang kutsang may lamang pagkain na akmang isusubo saakin. Kaya naman hindi ko mapigilang hindi mamula dahil sa inaasta nang estranghero 'susubuan pa talaga ako.

"Hindi na ako na lang nakakahiya sayo." Akmang kukunin ko ang kutsara nang agad nyang iniwas na siyang ikinagulat ko.

"No need tutulongan kita para hindi kana mahirapan ang gagawin mo lang ay ibubuka mo lang ang bibig mo at nguyain ang mga pagakain na isusubo ko kaya here." Saad niya.

Kaya nag-iinit naman ang pisngi ko sa inasta nang lalaki. Kaya naman ay sapilitan ko na lang na ibuka ang bibig ko at sinubo ang kutsara na may ulam at kanin.

"Btw, im Keirvin Clark Escalate, nakita kitang muntik na matumba kanina kaya sinalo kita at dinalan dito sa clinic dahil nawalan ka nang malay ikaw anong pangalan mo?" Tanong niya pa. habang patuloy sa pagsubo sakin nang pagkain. Nahihiya tuloy ako kay Kc.

"S-salamat pala ako pala si Norie-"Napahinto naman ako sa ire sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at inuluwa don ang hindi mapaliwanag na mukha ni S-Shintaro? naderetsong nakatingin saakin.

Hindi ko alam ang gagawin ko, tanging ang lakas lang nang pintig nang puso ko ang tanging naririnig ko 'tiyak na katapusan kona.

"S-SHINTARO?" Nanginginig kong sambit. Habang nakatingin sa kanya habang nanlilisik ang mata na nakatingin saakin.

Kaya kahit nanghihina ay tumayo ako at bumaba sa hospital bed. Lalapit na sana ako sa kay Shintaro nang may pumigil sa kamay ko.

"Where are you going? hindi sapat ang lakas mo kailangan mo pang ku---"

"And you p@nicked!" Hindi natapos ang sasabihin ni Kc. Nang biglang sumigaw si Shintaro kaya naman ay kinabahan ako.

"Who are you?" Napapikit ako nang mariin sa tanong ni Kc ' baliw ba sya? hindi niya kilala si Duke Shintaro Qutierrez?. Nakita kong ngumisi si Shintaro kay Kc kaya bumundol nanaman ang kaba sa dibdib ko.

Kilala ko ang ngisi nayan 'hindi pwedeng si Kc ang next target niya.

"S-sorry Kc kailangan ko nang umalis, at salamat sa pagdala mo dito saakin sa cli---" Saad ko ng putulin niya iyon.

"Pero wait, you're not totally fine look you need to rest," pagmamatigas na saad niya.

"Hindi okey na ako" Kinakabahan ko pading u.sal dahil hindi mawala ang kaba sa dibdib ko.

Muntik na akong mapadaing nang bigla akong nilapitan ni Shintaro at hinablot nang malakas paharap sa kanya, kaya napasubsob ang mukha ko sa matigas na dib-dib. Kaya halos hindi ako makahinga.

"And you stup¡t who give you a permission to get away from me?" Madiing niyang sabi. Kaya parang tumigil ang pag tibok ng puso ko dahil nasubsob parin ako sa dib-dib niya tanging ang nakaka-adik na amoy nya na ang nalalanghap ko.

"S-sorry" Tanging nasambit ko at kumawala sa kanya hindi padin humuhupa ang galit sa mga mata nito.

"You're sorry is not accepted, you deserve a punishment stup¡d id¡ot." At pagkasabay non ay hinigit niya na ako palabas nang clinic.

Narinig kopang sumigaw si Kc pero hindi na ako lumingon, Nag-umpisa na namang tumulo ang mga luha ko galing sa mata ko.

Ano nanamang parusa? Kinakabahan ako dahil hindi ko alam kung ano ang takbo nang pag-iisip niya at kung ano nanaman ang pagpapahirap na gawin niya sakin.

"You must know who i am, stop ¡t!!" Malayo-layo ang nilakad namin dahil nakalayo na agad kami sa clinic hanggang sa umakyat kami sa abandonadong building kaya don ako labis na kinabahan.

"S-saan moko dadalhin?" kabang tanong ko.

"To hell id¡ot!"Saad niya at huminto kami sa isang room, na hindi ganoon sira kumpara sa ibang room na halos sira na lahat. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito?

"Ano to?" Tinaasan niya ako nang kilay at binuksan ang pinto tsaka niya ako malakas na tinulak sa loob at biglang sinarado ang pinto

"Shintaro! please pakawalan mo ako dito!! S-SHINTARO maawa ka naman sakin!! Hinihintay ako ni Nana!" Patuloy parin ako sa sigaw. Habang umiiyak.

Napahagulhol naman ako nang iyak dahil hindi man lang bumukas ang pintuan. Pinilit kong buksan ang pinto pero hindi bumukas kaya mas lalo akong umiyak.

Ang tanging naisip ko lang ang Nana ko, Baka mag-aalala na siya sa’akin.

"S-shintaro please ang Nana ko." Tila wala na akong boses dahil kanina pa ako nagsusumigaw dito tila malabo yatang marinig ng iba. Dahil abandonado nato at wala nang estudyanteng gumagawi pa dito.

Tiyak na maghihintay ‘yon saakin. Dahil ang sabi ko kay Nana maaga akong uuwi ngayon.

Mas lalo akong umiyak dahil baka bukas pa ako pagbubuksan ni Shintaro, paano na ang Nana ko? ayokong may mangyari sa kanya na masama hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may mangyari sa kanya.

Galit-galit ako kay Shintaro dahil napakawalang puso niya ang sama-sama nya, walang puso gusto ko man patulan siya pero anong magagawa ko? Isa lang akong panget, dukha, basura at kung ano-ano pa ang masasakit na salita ang itawag nila sakin wala akong laban kay SHINTARO.

Kaya niyang tapatan nang pera ang mga estudyante dito para lang pahirapan ako, minsan gusto ko nang sumuko pero laging pumapasok sa isip ko ang Nana ko paano na lang siya kung wala ako? ayaw kong maiwan mag isa si Nana iniwan na nga kami ni Tata tapos iniwan ko rin si Nana.

Si Nana na lang ang pinaghuhugotan ko nang lakas kaya handa akong gawin lahat alang alang sa kanya.

*****

"Miss! miss! miss!" Dahan-dahan ko naman minulat ang mata ko nang maramdaman ko ang mahinang yug-yog sa balikat ko at boses.

Tumambad sakin si manong guard kaya naman ay nabalikwas ako nang bangon dahil hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Inilibot ko ang tingin ko sa paligid andito parin ako sa room.

Kaya nabuhayan ang dugo ko ng makita kong bukas na ang pinto.

"May nagsabi sakin na nakakulong ka dito miss, ano bag nagyari ba't ka andito? hating gabi na." Usal ni manong. Kaya naman ay nanlaki ang mata ko.

"W-wala manong…aksidenteng nalock ang pinto nang pumasok ako dito." Pagsisinungaling ko at tsaka tumayo. Ayokong sabihin na si Shintaro ang may gawa nang pagkalock ko dito.

"Sige miss, naku umuwi kana hating gabi na."Saad ni manong. Kaya tumango ako.

"Sige manong maraming salamat po." Huling sabi ko at dali-daling umalis. Kailangan ko ng umuwi baka mag aalala na sakin si Nana.

Nang tuluyan na akong nakalabas nang gate ay agad akong tumakbo ng mabilis. Sanay na ako sa takbohan kaya hindi na sumasakit ang mga paa ko, bahala na basta makita ko lang si Nana.

Pagkauwi ko, bumungad naman sakin ang mahimbing na natutulog si Nana.

Kaya tumabi na rin ako sa'kanya, hanggang sa nakatulog ako.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status