Share

CHAPTER 2

NORIENETTE'S đŸŒ»(Point of View)

PAST DAY

SA LOOB ng ilang araw masasabi kung napaka demonyo sa mag aaral dito. Lalo na ‘yong Compuz Supreme nila.

"Aray!" Napasalampak naman ako sa sahig.

Nang may tumalisod sakin nang papasok na sana ako nang classroom.

Napadaing naman ako sa sakit dahil tumama ang nguso ko sa semento mismo. Rinig ko naman ang mga halakhak sa paligid.

"Oww sorry," mataray na saad ni Arlyn.

Walang iba kundi ang Campus Queen dito na hindi mapantayan ang kasamaan nang ugali, tumayo ako na parang walang nangyari dahil ayaw ko na siyang patulan pero hindi pa ako nakakalampas ng hinawakan nya ang buhok ko.

"Aray Arlyn." D***g ko dahil sa sakit nang sabunot nya sakin parang matatanggalan ako nang anit.

"Ang ayaw ko sa lahat ay ang tinatalikoran ako habang hindi pa ako tapos!" Singhal nya.

Sabay pabagsak akong binatawan at tinulak pa ako sa semento kaya naman ay nasubsob nanaman ako sa semento.

Naramdaman kong panghahapdi nang mukha ko siguro ay nagasgasan.

"How pitiful are you ugly bÂĄtch nerd." Dagdag niya pa. Kaya naman umugong nanaman ang tawa pero ang tawa ay naging bulong-bulongan.

"Oh, my Shintaro is here."

"Alas, it looks like he's going to take nerd to torture him."

"Hahaha! it's just that he's too heroic."

"Oh, gosh really."

Kusang napayuko ako dahil narinig kung bulong-bulongan nila ,Nandito nanaman sya, Kusang tumulo ang luha ko dahil mas gustuhin kong si Arlyn na lang ang nagpapahirap sakin. Wag lang sya dahil natatakot ako.

Narinig ko ang yabag nang sapatos palapit mismo sa'kin kaya pumikit ako.

"Babe!!"

"Leave me alone Arlyn." Britado n’yang sabi.

Kaya naman ay napamulat at nagulat nang tumambad sakin ang dalawang pares na sapatos na nakatayo sa harapan ko.

Nanginginig na ako sa kaba, Dahil hindi ko alam kong ano nanaman ang gagawin nya sakin. Natatakot ako sa possibleng mangyari.

Halos hindi na ako makahinga nang hinawakan nya ako sa balikat at pwersahang pinatayo at pinaharap sa kanya tumama ang paningin ko ang nagbabagang mata nya.

"D-duke."

Hindi nya na ako pinatapos at agad na malutong sampal ang binigay nya sakin, parang umikot yata ang buong mundo ko dahil sa pagkakasampal niya.

"How many times i tell you! don't mention my First name using your dirty mouth." Madiin nyang sabi. Kaya napayuko ako at pinunasan ang mga luha kong nagbabanyang tumulo.

"S-sorry." Tanging nasambit ko.

"Follow me." Utos nya at naglakad palayo.

Kaya dali dali akong sumunod. Kailangan ko syang sundin dahil kung hindi, hindi ko magugustohan ang gagawin nya saakin.

Ayoko nang maulit pa ang nangyari noon na ipinabugbog nya ako sa mga mean girls dito sa BIS. Para na akong mamatay non buti na lang ay may dumating na guard at tinulongan ako.

Ewan ko pero wala naman akong ma alala na may ginawa ako sa'kanyang mali para pahirapan nya ako nang ganito, tahimik lang naman akong nag aaral dito eh tapos nagulat na lang ako nang may nagbully na sakin ‘yon ay si Shintaro o dahil sa accidenti pagtulog ko nung dumating siya, napaka liit bagay ‘yon.

Ang akala ko ay ‘yon na ang huli pero hindi pala may kasunod pang mga araw at pati ang mga ilan estudyante ay nakitulong rin sa pagbubully sa’kin.

Masakit lang pero kinaya ko dahil gusto kong makagraduate at bigyan nang magandang kinabukasan ang Nana ko na syang pinaghuhugutan ko nang lakas.

-------------

Nanghihina akong napa upo sa semento at pinunasan ang pawis sa noo ko, pinasunod nya lang ako sa tambayan nila nang mga tropa nila para gawing utosan at tagalinis nang kalat nila na halatang sinadya nilang ikalat dahil kakalinis ko lang nito kahapon.

Nararamdaman ko nang kumakalam ang sikmura ko at tumutuyo na ang lalamunan ko dahil sa uhaw pero hindi pa ako pina paalis ni Shintaro. Gusto kong umiyak pero hindi ko magawa dahil andito siya baka bugbug ang abutin ko sa'kanya.

Hindi din ako naka attend nang First subject dahil andito ako pinagsisilbihan ang haring walang korona. Ang sama na nang pakiramdam ko feeling ko mamatay na ako sa kagutom.

Maliban sa gutom at uhaw pagod na din ako sa paghahabol nang linis sa mga kalat nila. Daig ko pa ang alipin nito ngayon well alipin naman talaga ako ni Shintaro.

"Oyy pre mukhang napapagod na ang tagalinis mo." Halatang may pang iinsultong saad nang isang kaibigan ni Shintaro sakin.

Kaya naman ay pilit kong kinilos ang mga kamay ko.

"Tsk! dont mind her " Masungit na saad ni Shintaro. Kaya hindi na nila ako pinansin, napahawak nalang ako sa aking ulo nang nakaramdam ako ng matinding pagkahilo at agad nabalik sa ulirat nang biglang bumukas ang pinto.

"Babe!" Boses pa lang ay alam ko na kung sino.

"ShÂĄt! what are you doing here Arlyn Mel?!" May bahid na inis na sabi ni Shintaro. Pinagtataboyan na nga siya ni Shintaro pero dikit parin siya ng dikit na parang linta kung makakapit, parang hindi natatakot.

Deretso-deretsong pumasok si Arlyn dinaan pa ako at sinadyang tinapakan ang kamay ko na nasa semento kaya naman ay impit na d***g ang lumabas sa bibig ko. Parang dumagdag yata ang ang pakahilo ko.

Parang walang naintindihan si Arlyn sa sinabi ni Shintaro. Halatang sa magkaibigan ang gulat sa inasta ni Arlyn, na basta basta na lang papumasok sa sekretong tambayan nila ni Shintaro.

Pinanood ko si Arlyn na parang model na lumapit kay Shintaro at umupo mismo sa kandungan nito, agad naman akong napa iwas nang tingin nang hinalikan ni Arlyn si Shintaro. Kaya naghiyawan ang mga kaibigan ni Shintaro sa ginawa ni Arlyn.

Pinukos ko lang ang tingin ko sa pagkukuha nang mga kalat sa sahig. Hindi ko na pinansin ang ginagawa nila hindi naman ako chissmosa masakit sa mata kaya hindi ko sila tinitignan.

Tumayo na ako sa pagkakaupo, muntik na akong matumba dahil sa labis na hilo, Panandalian kong tinignan ni Arlyn. Agad naman akong nagsisi dahil naghahalikan sila.

Fucoss na fucoss din ang mga kaibigan nito sa kanila kaya don na ako nakakuha nang chance na lumabas na hindi nila namamalayan, Gutom na gutom na ako.

At nagpapasalamat ako ay natagumapay ako sa paglabas pero agad akong nahilo at napasandal sa pader nang biglang parang umikot ang mundo ko.

Pinikit ko ang mata ko at tsaka minulat pero wala na akong makita kahit na isa. Namalayan ko na lang ang sarili ko na unting-unti akong natutumba pero bago ako tuluyan matumba ay may bagay na sumalo sa katawan ko at tuluyan na nawalan ako nang ulirat.

Don't judge each day by the harvest you reap but by the seeds that you plant.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status