Share

CHAPTER 4

NORIENETTE'S POV

Next Day

Mahigit ang hawak ko sa libro habang tinatahak ang daan papuntang room namin. Kinakabahan pa ako dahil sa possibleng mangyari sakin habang naglalakad ako.

Baka mamaya biglang susulpot si Arlyn dito sa harapan di kaya si Shintaro hindi pa nga nangyayari ay pakiramdam ko lalandas na ang mga luha ko.

Para na kong natatrauma dito sa BRENT INTERNATIONAL SCHOOL dahil sa masasakit na nararanasan ko.

Dali-dali naman akong naglakad para makarating na ako sa room namin nang bigla akong nadulas dahil basa pala ang sahig dahil hindi ko nakita na may nagmo-mop palang janitress sa dulo.

"Aray!!" D***g ko. Dahil sa lakas nang impact sobrang sakit nang pang-upo ko dahil sa lakas nang pagkabagsak ko, tiningnan lang ako sa paligid ko.

Lahat sila pinagtatawanan ako, ni isang walang nagtangkang lumapit sakin para tulongan ako, Nagsibagsakan na ang mga luha ko dahil don.

Aish hindi ka kasi nag-iingat. Pagmamaktol sa sarili at pinilit na tumayo pero sa dulas ay paulit-ulit lang akong bumagsak at paulit-ulit lang akong d*******g dahil sa sakit.

Tila napagod na ang katawan ko ay umupo na lang ako at hihintaying matuyo ang sahig. Pinunasan ko naman ang mga luha ko sa salamin dahil lumalabo na ang mata ko dahil sa kakaiyak.

Pinagtitinginan na ako nang mga tao siguro nagtataka dahil ba't ako nakaupo dito sa sahig, Ang iba naaawa ang iba naman ay pinagtatawanan ako ano naman ang aasahan ko dito sa BRENT eh puro mga judgemental at mapanakit ang nga tao dito.

Kung may sapat na pera lang ako hindi ko pipiliin na mag-aral dito.

"Hey. what are you doing??" Napahinto naman ako nang paghikbi. Nang may isang lalaking nagtangkang lumapit sakin hindi ko siya kilala pero parang pamilyar siya pero isa lang ang masasabi ko.

Ang gwapo niya.

"Let me help you..." Akmang pipigilan ko siya na huwag lumapit dahil madulas pero nakapunta na siya sakin at nanlaki ang mata ko sa sunod niyang ginawa.

Binuhat niya ako na pang bride. Agad nag-init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya hindi ko alam pero

"p-pwede mo na akong ibaba." Mahinang usal ko. Dahil nanatiling buhat niya ako habang naglalakad siya. Gusto kong sumiksik sa dib-dib niya dahil pinagtitinginan na kami nang mga kapwa naming estudyante.

Nahihiya ako kaya hindi ko kayang gawin.

"Ssshh, don't mind them dadalhin kita sa clinic." Saad niya. Kaya naman kinabahan ako bigla dahil baka hinahanap na ako ni Shintaro.

"N-nakakahiya atsaka hindi kita kilala." Wala sa sariling usal ko. Habang nakatingin sa kanya ang tingin niya ay nasa daan lang.

"Hindi moko kilala pero kilala kita Norie." Saad niya. Kaya nanlaki naman ang mga mata ko dahil alam niya ang pangalan ko bahagya kong sinipat ang ID ko pero hindi ko suot ito nasa bag ko pala nilagay, Paano?

"P-paano mo ako nakilala??" Nanginginig na wika ko. Dahil nahihiwaga-an ako sa lalaking to, bahagya siyang huminto at tiningnan ako.

"Nakakasad kahapon lang tayo nagkakilala hindi mo na ako kilala, ako to si Keirvin"Nakangusong saad niya. Kaya nakilala ko siya, hindi ko maiwasang umiyak bakit sa tuwing kailangan ko ng tulong lagi siyang dumarating.

----------

Pilit kong minulat ang mga mata ko dahil sa hindi ko maipaliwanag na pakiramdam. Tumambad saking paningin ang puting kisame. Na-alala ko agad ang nangyari kanina.

Dinala ako ni Keirvin dito sa clinic sa sobrang kaka-iyak ko siguro ay nakatulog ako nang mahimbing ni hindi ako nakapasok sa klase ko pero bahala na ang importante ngayon sakin ay nakita si Keirvin

Iniibot ko ang mata ko pero hindi ko nakita ang hinahanap nang mata ko. Nagulat ako nang makita si Shintaro na nasa gilid ko habang nakacross-arm at natutulog?

Hindi ko mapi*ilang hindi kabahan, pero mas nana-i* ang pagkalito dahil bakit andito siya? nasaan si Keirvin? Ba't siya natutulog?

Pinagmasdan ko lang siya saglit medyo natawa pa ako dahil kahit natutulog nakasalubong parin ang kilay, kahit natutulog masungit parin. Hindi ko din maiwasang hindi mamangha dahil napakaperpekto niya sa hitsura pero sa ugali hindi.

"Staring is rude..." Muntik pa akong mapasigaw. Nang bigla syang nagmulat nang mata.

Bigla na lang siyang nagmulat nang mata at nagtama naman ang paningin namin na siyang ikinabilis nang pintig ng puso ko, hindi ko alam pero ito ang unang pagkakataon na naramdaman ko to.

Parang aatakihin ako sa puso na parang ewan.

"I don't like people who's always staring my handsome face." Kalmado niyang usal atsaka umiwas ng tingin saakn kay bumangon naman ako ng bahagya.

"S-sorry di na mauulit.." Paumanhin ko dahil baka magalit siya saakin at parusahan naman ako. Nakataas lang kilay nito atsaka tumayo.

"You look fine now so we need to go." Malamig pa niyang saad kaya naman ay nagulat ako sa sinabi niya. Aalis daw kami?? eh paano si Keirvin baka hanapin ako non.

"Ayoko, dito lang muna ako atsaka hindi pa ako okey." Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para tumanggi sa kanya pero bahala na.

Narinig kong malalim siyang bumuntong hininga na ikinakaba ko. Alam kong napipigil siyang saktan ako.

'Are you waiting the man who brought you here?" Tiim-bagang niyang tanong saakin. Na siyang ikinanginig ng sistema ko hindi ko alam kong anong isasagot.

"O --" Nabitin sa ere ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto dito sa clinic at iniluwa iyon si Keirvin.

Agad naman akong nagpasalamat ng palihim nang nakita kong si Keirvin na pumasok na may dalang tray na may pagkain. Bigla naman akong nagutom.

"Buti naman ay gising kana, kumain kana at magkalaman ka naman" Saad niya na parang wala si Shintaro sa paligid namin hindi ko maintindihan pero kinakabahan ako dahil andito si Shintaro.

"Umm... s-sig ---" Kusa akong napahinto ng bigla akong napatingin sa gawi ni Shintaro na matiim na nakatingin sakin na para bang nagbabanta.

Hindi ko alam kong sino ang susundin ko, si Keirvin ba na magligtas sakin or si Shintaro na humahawak ng buhay ko? Gusto kong sundin si Keirvin dahil gusto kong makasama siya dahil sobra comportable akong kasama siya pero natatakot ako kay Shintaro.

Alam ko ang kaya niyang gawin sakin sng lahat kung hindi ko siya susundin.

"Let's go" Malamig na sabi ni Shintaro sakin at nauna ng lumabas kaya naman ay nataranta ako kong anong gagawin ko. Tumingin ako kay Keirvin na naghihintay din sakin.

Wala na akong panahong mag-isip kailangan ko munang sundan si Shintaro.

"Pasensya na Keirvin... pero kailangan ko munang umalis pero pangako babawi ako sayo kung minsan" Humalik pa ako sa pisngi niya bago ko siya iwan. Ewan ko kung bakit ko yon ginawa pero kusa na lang kumilos ang katawan ko para gawin ‘yon.

Hindi na ako nakalingon pa ng lumabas na ako ng clinic at sinundan si Shintaro na naglalakad paalis, hindi muna ako titiwalag sa kanya alam kong kaya niya akong patayin kong gusto niya.

Nanatili parin akong nakasunod sa kanyang likuran para akong buntot. Kumalam naman bigla ang sikmura ko dahil sa gutom hindi papala ako kumakain kanina nalipasan naman ako ng gutom.

Baka hindi nanaman ako makakain nito dahil kasama ko si Shintaro dahil kong kasama ko siya tiyak na hindi nanaman ako papakainin.

"A-aray..." Mahinang d***g ko ng nabunggo ako sa matigas niyang likod ng bigla na lang huminto sa paglakad nakasunod kasi ako sa kanya kaya nabunggo ako ng huminto siya bigla.

Ang sakit ng ilong ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status