Share

CHAPTER 4 BUTLER

Kagabi palang ay hinanda na ni Aynna ang kanyang mga gamit na dadalhin sa pent house na lilipatan. Nalulungkot man dahil hindi siya sanay na malayo sa pamilya, kailangan niya sundin ang utos ng kanyang boss. Para din naman ito sa kanyang pamilya. Ngayong araw ang kanyang alis. Maaga siyang naggising para kahit sa kunting oras na meron nalang siya ay makasama niya ang kanyang Ina at mga kapatid. 

Pinagmamasdan niya ang kanyang nakatatandang kapatid na pina-aarawan ang anak sa labas ng bahay. Ang kanya namang Ina ay nasa harap ng kanilang bahay, katulad ng kinagawian nito tuwing umaga, pagbubungkal ng lupa at pagtatanim ng mga gulay o di kaya ay prutas. Naka alis na ang kanyang tatlong kapatid, maaga itong pumasok dahil may programa sa kanilang paaralan. Habang siya naman ay inaantay nalang ang sundo niya papunta sa pent house ng Amo.

Hawak ang tasa na meron mainit na kape, pinag mamasdan niya lang ang kanyang Ina at kapatid. Hindi niya alam kung kailan ulit siya makakabalik dito dahil hindi pa naman niya nakakausap ang Amo. Nahihiya naman siya magtanong kay Althea tungkol aa Amo nila dahil bago pa lamang siya. Isa pa, sinabihan siya ni Althea na huwag siyang magiging usasera sa buhay ng Amo, iyon kase ang dahilan kaya mabilis natatanggal ang mga dati nitong naging butler.

Alas otso ng umaga dumating ang isang itim na kotse. Lumabas mula dito si Althea na may ngiti sa labi. 

Tumayo siya sa kinauupuan niya at naglakad palapit kay Althea. " Handa na ba ang mga dadalhin mo?" Tumango siya sa dalaga. "Tutulungan na kitang magbuhat. Marami kabang dala?" Tanong pa ulit nito. Umiling naman si Aynna. 

Niyakag niya si Althea na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Kanina pa nakapasok sa loob ang kanyang kapatid at Ina. Inantay niya lang talaga si Althea na dumating kaya siya nakatambay sa labas ng bahay.

"Mama, aalis na po ako." Nang makuha ang dalawang bag kung san nakalagay ang kanyang mga gamit, nilapitan niya ang kanyang Ina na naghihintay sa sala kasama ang nakatatandang kapatid habang kalong nito ang anak.

Tumayo ang kanyang Ina at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang dalawang kamay. "Mag-iingat ka doon. Kapag may problema ay huwag kang magdadalawang isip na tumawag. Pasensya kana anak, ikaw pa tuloy itong nahihirapan dahil sa naging sitwasyon natin." Malungkot na pagpapaalam ng kanyang Ina.

Mahinang umiling si Aynna. "Ayos lang po, Ma. Wag po kayo mag alala, tatawag po ako kay ate o di kaya dun sa tatlo." Nakangiting sabi ni Aynna. May kunting tampo man na nararamdaman si Aynna dahil kinailangan niya huminto para magtrabaho ay hindi niya ito sa sinabe sa Ina. Ayaw niya na dagdagan ang isipin ng Ina. 

Lumapit siya sa kanyang Nakatatandang kapatid at hinawakan ang kamay ng sanggol. Dalawang linggo palang ng isilang ito, kaya nalukungkot siya dahil hindi niya ito makakasama ng madalas. Sumilay ang ngiti sa labi ni Aynna. Makakasama niya din naman ang pamilya niya ng matagal kapag pemanente na ang kanyang trabaho, sa ngayon ay magtitiis muna siya, sila.

"Mag ingat ka." Inangat niya sng kanyang tingin at tumango sa kapatid.

"Kayo din dito." Kinuha niya ang malaking bag na itim na kanyang nilapag sa sofa. "Aalis na po ako." Nauna ng lumabas ng bahay si Althea dala ang isa pa niyang bag. Nang makalabas ng bahay, hinihintay na siya ni Althea sa tabi ng kotse na kanilang sasakyan.

Huling sulyap bago siya pumasok sa loob ng kotse sa tabi ni Althea. Kumaway siya sa bintana ng kotse sa kanyang Ina at kapatid. "Handa kana?" Nilingon niya si Althea. Tinitigan niya ito bago gumuhit ang isang ngiti sa labi. Isang tango ang kanyang binigay sa dalaga.

Kalahating oras ang naging byahe nila bago huminto sa mataas at malaking gusali ang kotse na kanilang sinasakyan. Tinulungan siya ni Althea dalhin ang dalawa niyang bag, pagkababa nila sa sasakyan. Sa labas palang ay pansin na pansin ang pagiging magara ng gusali. Niyakag siya ni Althea pumasok sa loob.

"Halika, ituturo ko sayo kung saan yung pent house ni Mr.Velecua." Nakasunod lang si Aynna nang magsimula maglakad si Althea. Marami ang bumabati kay Althea, pawang kilala na siya sa buong gusali. Bawat tao na nakakasalubong nila ay binabati ni Althea.

Nang sumakay sa elevator naging magaan ang loob niya dahil hindi ito katulad ng elevator sa kompanya ng Amo. Nandun parin ang hilo at ang feeling niya na lumulutang siya pagkalabas nila sa elevator.

Pagkalabas nila, Isang pinto lamang ang kanyang nakita. Sakop pala ng Amo niya ang buong floor. 12th floor. May nilabas na susi si Althea sa bag niya. Binuksan niya ito at naunang pumasok. Nag aalangan pa si Aynna kung tutuloy ba siya sa loob pero hinila na siya ni Althea.

"Sa ngayon ay ikaw muna ang titira dito. Umalis kase si Mr. Velecua." Napatingin naman si Aynna kay Althea. Kung ganun ay mag isa lang siya dito.

"Hanggang kailan naman?" Hindi mapigilan na tanong niya. Gusto niya lang maging handa sa pag harap sa Amo niya.

Nagkibit balikat si Althea. "Hindi ko alam. Walang sinabe si Sir, pero magsasabe naman siya kung kailan uwi niya." Nakangiting sabi nito. Dahan-dahan naman na napatango si Aynna. 

Okey narin na mag-isa muna siya. Hindi siya sanay na may kasamang lalake sa isang bubong, habang wala pa ang Amo. Uunti-untiin niya ang kanyang sarili.

Nilibot niya ang kanyang paningin. Maaliwalas ang buong paligid. Sala ang bumungad sa kanila pagkapasok sa pinto. Isang malaking tv ang nakasabit sa pader. Dalawang kulay itim na L-shape sofa at malaking chandelier sa dingding. Sa gilid malapit sa tv ay dalawang malaking speaker at isang mesa kung san nakapatong ang remote, DvD habang sa bawat gilid nito ay maraming mga CD. Isang sliding door din na kita ang view sa labas ang malapit sa sofa set. Kulay puti at itim lamang ang kanyang nakikita sa buong sala. Ang bawat gamit ay itim habang ang kulay ng pader at dingding ay puti. Hindi masakit sa mata para sa kanya. 

Niyakag siya ni Althea na tignan ang kusina. Nilampasan nila ang sala at nagpunta sa kusina ng pent house. Pagpasok bola dito, napahanga si Aynna sa itsura ng kusina. kaseng laki na ng kusina dito ang sala at kusina nila sa bahay. Kumpito ang bawat gamit. May mahabang mesa na kasya ang walong tao. Isang malaking ref malapit sa lababo at syempre ang pagkulutuan. Sa katulad niyang maalam kahit papaano sa kusina, masasabi niyang sobra ang kanyang nakikita ngayon. Sunod na pinuntahan nila ang kanyang magiging kwarto. Nasa gilid ito ng hagdan papunta sa 2nd floor. Naroon daw ang kwarto pati na ang opisina ng Amo. 

"Hindi mo kailangan linisin ang bahay, meron nagpupunta dito 2 time a week. Puno ang laman ng ref, wala kang problema sa pagkain. Ang gagawin mo nalang ay siguraduhing secure ang buong pent house. Sasabihan kita kapag dumating na si Sir para makapag handa ka. Ipapadala ko dito yung mga Do's and Doesn't para hindi ka mahirapan. Hindi narin ako magtatagal dahil marami pa akong naiwan na gawain sa opisina. Kung may tanong ka feel free to call me. Pwede mo rin tignan ang taas para makabisado mo ang buong bahay." Marami pang sinabe si Althea tungkol sa bahay. Ang bawal niyang gawin habang nandito siya at syempre kung ano ang priorities niya.

Nang makapag paalam, hinatid ni Aynna si Althea sa labas ng pintuan. Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan ni Aynna. Sa lilipas na araw ay mananatili siya dito, hindi niya alam hanggang kailan pero sana sa trabahong ito ay magtagal siya.

Nang makaramdam ng gutom, nagtungo si Aynna sa kusina para magluto ng tanghalian. Isang simpleng adobong manok ang kanyang nilito. Pagkatapos kumain, hinugasan niya ito at nagpunta sa kwarto para maglinis ng katawan. Nagbihis siya at lumbas ng kwarto. Balak niyang tignan ang taas. 

Tatlong kwarto ang sumalubong sa kanya. Iaang kulay puti, isang itim at kulay asul. Nakalock ang pinto ng kulay itim ng binalak niya itong buksan. Siguradong ito ang kwarto ng kanyang Amo. Sa kulay asul naman ay simpleng kama at aparador. Sunod niyang tinignan ay ang pinto na kulay puti, pero tulad ng una, naka lock din ito. Napaka simple lang ng 2nd floor ng bahay. Tatlong pinto at isang pathway papunta sa veranda.

Bumaba siya at umupo sa sofa na nasa sala. Parang pagod ang katawan niya kahit naglibot lang naman siya sa buong bahay. Napahiga siya sa mahabang sofa na kanyang inuupuan. Hindi niya pa naiikot ang iba pang parte ng bahay, may ilan pang pinto ang nandito sa ibaba. Iyon ang titignan niya mamaya.

Hindi namalayan ni Aynna na naka idlip na pala siya sa hinigaan niyang sofa. Tunog ng doorbell ang nakagising sa kanya. Tumayo at naglakad siya palapot sa pinto, bago buksan. Tinignan muna niya kung sino ito gamit ang isang mini tv na nakakunikta sa labas para makita kung sino ang nag doorbell. Nang masiguro at makilala niya ang driver na naghatid sa kanila ni Althea dito, binuksan niya ito nginitian.

"Pinaaabot po ni Ms. Althea." Kinuha niya ang inabot sa kanyang papel. Isa itong bond paper kung san nakalista ang mga rules na kailangan niyang sundin.

"Salamat po." Pagkaalis ng driver. Sinarado niya ang pinto at naglakad papunta sa kanyang magiging kwarto. Dalawang page lamang ng bond paper ang hawak niya. Nang makapasok, umupo siya sa kama at siniluman basahin ang Do's and Doesn't na kailangan niyang sundin.

THE DO'S AND DOESN'T

'ALWAYS MAKE SURE THAT THE HOUSE IS CLEAN'

'NEVER ASK WITHOUT GIVING YOU A PERMISSION'

'DON'T GO TO MY OFFICE WITHOUT MY PERMISSION'

'ALWAYS LISTEN TO ME'

'COOK FOR ME'

'YOU WILL COME WITH ME IF I SAY SO'

'DON'T GET INVOLVE WITH MY PERSONAL BUSINESS'

'NEVER TALK TO MY CLOSE FAMILY OR FRIEND IF IT IS NOT NEEDED'

'CALL ME MR.VELECUA OR SIR. REGUE'

'YOU WILL HAVE A PUNISHMENT IF YOU GOT A RED WARNING'

'DON'T LEAVE THE HOUSE WITHOUT TELLING ME'

'ASK ME IF I WANT'

'WHAT YOU HEARD AND DISCOVERED WILL STAY INSIDE OF THIS HOUSE'

'MEMORIES THEIR FACE, NAME AND WANT'

'KEEP QUIET AND DON'T TALK IF IT'S NONSENSE'

Iba't ibang mukha ang nakikita niya sa pangalawang page ng bond paper. Napakunot ang kanyang noo. Sino naman kaya ang mga babaeng nasa larawan? Kung susumango ay labing dalawa lahat ng ito. Hindi biro ang itsura ng mga ito, may tatlo pa syang nakilalang artista, dalawang model at ang business woman na nakikilala ngayon sa larangan ng mga nigosyante. Ang iba ay hindi niya kilala. Kinakabahan si Aynna dahil baka totoo yung naiisip niyang hindi biro ang trabaho ng kanyang Amo o di kaya ay anak o mga kaaway niya sa mundo nilang mga mayayaman. Napahilot sa kanyang sintido si Aynna. Ano ba naman itong napasok niya. Gusto niya sana itawag kay Althea at itanong ang mga tungkol dito sa dalaga kaso ay paulit-ulit na pumapasok sa utak niya ang rules na tungkol dito. 'KEEP QUIET at WHAT YOU HEARD AND WHAT YOU DISCOVERED WILL STAY INSIDE OF THIS HOUSE'. Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nararamdaman sa nga oras na iyon. Gusto niya mag back-out pero naiisip niya kung ano ang mangyayare sa kanila ng kanyang pamilya. Kung aalis pa siya ay mahihirapan na naman siya makahanap ng trabaho. Hindi niya alam kung ano nga ba ang pinasok niya pero gusto niya makasigurado na tamang trabaho ang kanyang kinuha. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status