Share

CHAPTER 15 HER PAIN

Hinihingal na pumasok sa Police Station si Aynna. Nilibot niya ang kanyang paningin at hinanap ang taong sadya niya. Si Meisha, ang kanyang kaibigan.

"Sissy girl, over here!" Tinungo niya ang pwesto ng babaeng tumawag at kumakaway sa kanya.

Napahilamos ng mukha si Aynna sa sumalubong sa kanya. Bukod sa kaibigan ay may tatlo pa itong kasama, Isang babae at dalawang lalake. Napaka gulo ng mga itsura nila, ang kaibigan niya ay magulo ang suot na Uniform, wala narin sa ayos ang buhok nito.

"Kayo po ba ang guardian ng mga batang ito?" Hindi alam ni Aynna kung ano ang sasabihin niya sa pulis. 

Muli siyang tumingin sa kaibigan bago sumagot sa police officer. "Yes, Sir. Maaari ko po ba malaman ang nangyare?"

"Siguro naman ay nabanggit na ng dalagang ito na nakabangga sila ng motor. Hindi naman malala ang nangyare sa driver ng motor, nagkagalos lang ito at dinala sa hospital para ma check-up kung may iba pa bang naging damage bukod sa mga galos na natamo. Sa ngayon ay nahaharap ang mga batang ito sa Republic Act No. 10586 also known as the Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013. Hindi nagsampa ng kaso ang biktima ngunit ang lahat ng pangangailangan ng nasabing biktima sa pagpapagaling ay sagutin ng nakabangga. Maaari ko bang makausap ang mga gulang ng iba pa sa kanila? Mas magiging malinaw kung makakausap ko ang mga magulang nila." Pagpapaliwag ng pulis sa kanyang harapan. Hindi naman alam ni Aynna ang gagawin niya dahil hindi niya kilala ang mga kaibigan ni Meisha. Kung tutuusin ay hindi nalalayo ang kanyang edad sa mga ito kaya hindi niya alam kung anong gagawin niya para hindi lang makulong ang kanyang kaibigan at mga kasama nito.

"Ako po ang pinadala dito para ayusin ang nagawang gulo ng limang ito, pasensiya na po officer." Tumango naman ang pulis sa kanya. Marami pa silang pinag usapan ng pulis regarding sa nangyare, buti nalang talaga at hindi natuloy na makulong ang lima.

"I'll give this to them as a first warning, I hope this won't happen again." Sabi ng pulis sa kanila. Nagpasalamat naman si Aynna at Meisha kasama ang kanyang mga kaklase.

"Nandito si Gen. Francis Rivero." Halos tumigil ang kanyang paghinga ng marinig niya ang pangalan na iyon. Namanhid din ang buo niyang katawan, para siyang naging bata ulit dahil sa muling pagkakataon ay nanabik siya sa pangalan ng estranghero.

"Sir!" Sumaludo ang lahat ng mga pulis sa bagong dating na lalake. Habang si Aynna naman ay kinain ng kaba at takot. Paano kung makilala siya nito. Hanggang ngayon ay tandang tanda niya pa ang araw na nasira ang kanilang pamilya. 

Ilang saglit pa ay pinayagan na silang umalis sa prisinto. 

"Go to my office after this. SPO1 Ramos."

"Yes, Sir." Sagot ng pulis na kumakausap sa kanila.

"Anong kaso nila?" Humigpit ang hawak niya sa bag niya ng humarap sa kanila ang General na bagong dating.

"Nakabangga Sir, pero maayos na po. Nakausap na po ang biktima, hindi na po sila nagsampa ng kaso dahil gasgas lang naman ang natamo." Tumango-tango naman ang General sa sinabi ng pulis. Lumibot nito ang paningin sa pwesto nila. Hindi naman alam ni Aynna kung anong gagawin niya.

Ang akala niya ay hindi parin siya makikila ngunit nagkamali siya. Tumigil ang piningin nito sa kanya at tinitigan siya ng matagal." Anak..." Bakas ang gulat sa mukha ng matandang lalake habang nakatingin sa kanya.

Nanginginig na tignan niya ang kanyang Ama, hindi siya pwede magpahalata na hanggang ngayon ay apektado parin siya sa nangyare sa kanilang pamilya. Inalis niya sa kanyang mukha ang pagkakakilanlan sa matanda at tinignan ito ng malamig.

Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at humarap sa pulis. "Maraming salamat po. Sisiguraduhin ko po na hindi na ito muli mangyayare."

"A..." Umubo pa ang pulis mawala lang ang pagkailang. "Aasahan ko yan, Ms. Aynna Rivero." 

Humarap siya sa kanyang Ama at tinitigan ito sa mata. Hanggang ngayon ay hindi parin naaalis sa kanya ang tingin ang kanyang Ama. "Tara na." Tumalikod siya at hinarap ang sadya niya sa prisinto.

"Sissy girl..." Pilit na nginitian niya ang kanyang kaibigan. Kilala nito ang kanyang Ama, noon pa naman ay magkaibigan na sila kaya kilala nito ang matandang lalakeng tumawag sa kanya na Anak.

"I'm fine. Matagal na yun, tanggap ko na ang lahat samin." Pilit na ngiti na sabi niya. Bakas sa mukha ng kanyang kaibigan ang pag-aalala at lungkot para sa kanya.

"Anak... Pwede ba kita makausap? Kahit sandali lang." Masama na tinignan niya ang matanda na lumapit sa kanya.

How could him. Bakit sobrang dali dito na lumapit at kausapin siya na para bang wala itong ginawang masama sa pamilya nila.

"May lakad pa ako." Tumalikod siya at nauna ng lumabas ng pulisya.

"Please, Anak. Kahit saglit lang, gusto lang kita makausap." She close her hand tightly and slowly face her father.

"Fine." Maikling sagot niya. Ngumiti ang kanyang Ama at sinama siya sa opisina nito.

Pagpasok ni Aynna ay nilibot niya ang kanyang paningin. Ang daming award at medal. Magaling na pulis ang kanyang Ama, kaya hindi na nakapag tataka na General na ito ngayon. Pagak na natawa si Aynna ng mahagip ng kanyang mata ang litrato sa mesa. Nakakatawa. Masayang litrato ang nakikita niya, kasama ang babae ng kanyang Ama at ang naging bunga nila. 

Masayang pamilya na dati siyang meron pero ngayon ay wala na at dahil iyon sa lalakeng nasa kanyang harapan. Matalim ang kanyang paningin sa kanyang Ama. 

Ang akala niya ay okay na siya, tanggap niya na namaspinili ng kanyang Ama ang babae at anak nito sa labas, pero hindi pala. Dahil hanggang ngayon, nasasaktan parin siya sa ideyang wala na siyang Ama.

"What do you want from me, Sir?" Seryoso na sabi nito sa matanda. Kung maaari ay ayaw niya namagkaroon pa man ng koneksyon dito. 

"What happened, bakit nakabangga kayo?" Seryoso na sabi nito. Natatawang tinignan naman niya ang kanyang Ama. 

Hindi na pala talaga nagbago ang kanyang Ama, mapang husga parin ito. Kung anong nalaman at napakinggan ay ito ang kanyang paniniwalaan, Ni hindi niya manlang tinanong kung kasama ba siya sa mga nakabangga.

"For your Information, General. Rivero. Hindi ako kasama sa banggaan, nandito lang ako para sunduin ang kaibigan ko." Napangisi siya ng iiwas ng tingin ng kanyang Ama ang mapanghusgang mata nito sa kanya.

"Why don't you set, first. Siguradong napagod ka sa nangyare sa labas." Umiling siya sa kanyang Ama.

"Wala naman akong balak na magtagal dito kaya hindi na kailangan pa. Kung wala na kayong sasabihin ay aalis na ako, marami pa akong kailangan gawin." Tumalikod siya at naglakad palapit sa pintuan.

"Kamusta kana? kamusta na kayo ng mga kapatid mo?" Nanginginig na hinawakan niya ang pinto.

"Ano pa bang pakealam mo? Hindi ba't sinabi na namin sayo na wala kanang karapatan samin. Mas pinili mo ang babae at anak mo sa labas kaya wala kanang karapatan samin bilang isang Ama!" Nanggigigil na humarap siya sa kanyang Ama. 

Anong karapatan nito na tanungin siya tungkol sa mga kapatid at Ina niya, pagkatapos ng ginawa nito sa kanila? Wala na siyang karapatan sa kanila! 

"I'm still your father." Malungkot na sabi nito.

Natatawang tinignan niya ang kanyang Ama. "How could you! Father? Nakikita mo parin na Ama ang sarili mo pagkatapos ng ginawa mo samin? Ano bang akala mo samin, gamit na pwede mo'ng iwan pagkatapos mo pagsawaan? Do you still find your self as our father?! Walang Ama na iiwan ang kanilang Anak at asawa para sa sariling kaligayahan. At ikaw, Hindi ka namin tatay! Wala na kaming Ama 7 years ago!" She hold her tears.  Ayaw niyang umiyak sa taong ito, hindi na ulit dahil sa Ama niya.

"Aynna, kahit tinanggalan niyo ako ng karapatan bilang Ama niyo ay mananatiling ako parin ang Ama niyo sa mata ng iba." Sagot nito sa kanya. Dahan dahan na lumapit ito sa kanya.

"Pero hindi na sa mata namin. Mind you, Madaling maging Ama pero mahirap pagpaka Ama. Pinili mo yan kaya panindigan mo. Panindigan mo din na hindi kana namin magiging Ama." Pilit na ngiting sabi niya.

Nanghihinang bumagsak ang dalawang kamay ng kanyang Ama na sana ay iaabot sa kanya. "I'm sorry. I'm really sorry. Hindi ko sinasadya, hindi ko intinsyon na iwan kayo, naipit lang talaga ako at ang pinaka ligtas na gawin ay iwan kayo at sumama kay Maribel." Frustrated na ginulo ng kanyang Ama ang sariling buhok nito. Bakas sa mukha nito ang pagod at pagsisisi at isa pang imosyon na mas pinili nalang niyang huwag pangalanan.

"Cheating is a choice. And you choose to cheat not only to my mother but to your child's too. Hindi na namin kasalanan kung naiipit ka ngayon, kung sana ay hindi mo pinasok yan ay tahimik sana ang pamilya natin, but no! Masyado kang na curios sa ibang babae, masydo kang nakapanting nandito lang kame kahit gabi-gabi namin naririnig ang iyak ng aming Ina, ng iyong Asawa. Sa babaeng pinakuan mo ng katapatan sa harap ng pari at sa harap ng diyos. Kaya kung miserable man ang nangyayare sayo, baka ay parusa nayan sayo." Walang imosyon na sabi niya. Iniwas niya ang kanyang tingin ng may pumatak na luha sa mata ng matandang lalake sa kanyang harapan.

"Alam ko, pero Anak. Kahit kailan ay hindi ako nagsisi na pinakasalan ko ang inyong Ina sa simbahan. Pinakuan ko siya ng pagmamahal at katapatan. Kahit kailan ay mananatili iyon at hindi na magbabago." Umiiling na tumalikod siya. Umiiyak na lumabas siya ng opisina ng kanyang Ama. 

Sinungaling! Napakasinungaling niya! Dahil kung totoo ngang mahal niya ang kanyang Ina ay hindi ito magloloko. Hindi ito magkakaroon ng ibang babae. Hindi sila broken family at hindi sila ngayon miserable.

Tahimik niyang pinunasan ang kanyang luha at lumapit sa kanyang mga kasamahan. Nag aalala naman na lumapit ang kanyang kaibigan pero isang masakit na ngiti lamang ang kanyang ginante.

Bago mag hiwalay ng kanya kanyang uwi ay dumaan muna sila sa hospital kung nasaan ang nabangga ng kaklase ng kanyang kaibigan. Sinabihan niya ito na kamustahan at humingi ng kapatawaran sa nangyare. Bukod pa dun ay binilinan niya ang mga ito na wag na wag na ulit mag da-drive ng sasakyan na nakainom.

"Maging aral na sana sayo ang nangyare ngayong araw, Meisha. Hindi biro ang batas na nalabag niyo, buti nalanag at napakiusapan ang kabilang panig at ang pulis kanina." Seryoso na sabi niya. Napayuko naman ang kaibigan sa sinabi niya dito.

"Pasensiya kana talaga, Sissy girl. Nadamay kapa tuloy sa nangyare. Babawi ako sayo sa susunod." Nahihiyang sabi ng kanyang kaibigan. Napabuntong hininga naman si Aynna sa sinabi nito.

"Ang gusto ko lang ay hindi na ulit maulit ang nangyare kanina, okay na ako doon, Meisha." Tumango naman ang kanyang kaibigan. Hinatid niya ang kaibigan pauwi sa bahay nito. Buti nalang at hindi na nagtanong ang Ina ng kaibigan kong bakit ginabi na ito ng uwi.

Pagod na umupo si Aynna sa sala pagdating sa pent house. Hindi niya na napansin ang oras dahil sa nangyare kanina.

"Where have you been?" Napaupo ng ayos si Aynna ng marinig ang boses ng kanyang Amo.

Isa pa iyon, nakalimutan niya rin na may Amo siya na maaring magalit sa kanya pag-uwi niya. Dahil sa pagmamadali ay nawala sa isip niya na i-text ang kanyang Amo. 

"May pinuntahan lang po akong emergency, Sir." Mariin ang naging sagot na titig nito sa kanya. Hindi niya tuloy alam kung nagagalit na ba ang kanyang Amo.

Ang akala niya ay pagagalitan pa siya ni Mr.Velecua pero naglakad lang ito papunta sa kusina. Narinig niya pa ang pagbukas nito ng ref at ang tunog ng baso.

"Next time, text or call me if you will leave again without my permission. Hindi ako manghuhula para malaman kung saan ka nagpupunta." Nahihiyang tinanggap niya ang basong may tubig na binigay sa kanya.

"I'm sorry, Mr.Velecua." Nakayukong sabi niya. Napabuntong hininga si Aynna ng hindi niya na maabot ng kanyang paningin ang kanyang Amo.

Humigpit ang hawak niya sa baso ng maalala ang pag-uusap kanina nila ng kanyang Ama. Malungkot na ngiting tinignan niya ang tubig sa baso na hawak niya.

Kahit ganun man, masaya parin siya dahil ito parin pala ang kanyang Ama kahit na sinaktan at iniwan sila nito. Meron parin itong isang salita at paninindigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status