Share

CHAPTER 11 HAPPINESS

Naiilang si Aynna sa kanyang boss dahil sa tingin nito sa kanya. Simula nang umuwi ito, hindi na muli ito umalis. Hindi tulad noon, kapag naalis ito inaabot nang ilang araw bago bumalik pero ngayon ay halos hindi na lumabas nang pent house.

"Sir, wala po ba kayo pupuntahan?" Nahihiyang tanong niya sa kanyang Amo.

"None. Why do you ask?" Kunot noong tanong nang kanyang Amo.

"W-Wala po." May pagsamang iling na sabi niya. Nakakahiya!

"I don't have any plans for this week." Tumango lang si Aynna at binantayan ang kanyang Amo.

Nasa loob sila nang opisina nito sa pent house. Habang busy ang kanyang Amo sa office table, siya naman ay naka upo lang sa isang maliit na sofa katapat nang kanyang Amo.

"Ipaghahanda ko po kayo nang meryenda." Tumayo siya sa kanyang upuan at naglakad palabas nang pinto. Hindi naman na siya kinibo nang kanyang Amo.

Nakahinga siya nang maluwag nang makabalas siya sa opisina. Hindi talaga siya mapakali kapag nasa harap siya nang kanyang Amo. Idagdag pa ang malaking larawan sa likod nang kanyang Amo sa opisina. Iniisip niya parin kung saan niya nga ba nakita ang likod nang babae, pamilyar ito sa kanya pero hindi niya talaga matandaan.

Nagpunta siya sa kusina at naghanda nang simpleng meryenda. Sa lumipas na araw na nagtagal ang kanyang Amo, nalaman niya na hindi ito mahilig sa juice pero malakas ito sa kape. Hawak ang tray na may laman na black coffee at cookies, umakyat siya sa itaas at pumasok sa opisina nang kanyang Amo.

Tahimik niyang nilapag sa gilid nang mesa ang hawak niyang tray. " Enjoy your snack, Sir." Yumuko siya bahagya kay Reguel at tumalikod. Naglakad siya palapit sa pinto.

"Where are you going?" Naiilang naman lumingon si Aynna paharap sa kanyang Amo.

"Lilinisin ko po ang mga kwarto sa ibaba." Sagot niya sa binatang nakakunot ang noo.

"Stay. You can do that later." Hindi na muli itong tumingin sa kanya at nagpaka busy sa mga papel na nasa mesa.

Hindi naman alam ni Aynna kung ano ang isasagot niya dito. Baka magalit pa ito kung ipaglalaban niya pa ang gusto niyang makalabas nang opisina. Iniwas nalang niya ang kanyang tingin sa harapan at inaliw ang sarili sa mga libro. Ayaw niya muna isipin ang babae sa larawan at ang kanyang Amo.

Another day with his boss. Nagtataka na talaga siya kung bakit hindi umaalis ang kanyang Amo. Lagi lang itong nagkukulong sa sariling opisina, habang siya ay naka upo lang sa tapat nito. Tatayo at lalabas lang si Aynna kapag may inutos o oras na ng pagkain ng kanyang Amo.

Araw ng linggo ngayon, gusto niya sana magpaalam kung pwede ba siyang umuwi. Namimiss niya na ang kanyang pamilya kaya gusto niya magpaalam kaso lang ay masyadong busy ang kanyang Amo. Hindi manlang din ito tumitingin sa kanya o nagsasalita. Sobrang tahimik ng kanyang Amo, pati tuloy siya ay nahihiya ng magsalita kapag nasa harap ang binata.

"Say it." Napatunghay ang ulo ni Aynna ng marinig niya ang boses ng kanyang Amo.

"Sir? May kailangan po kayo?" Nagtatakang tanong niya. Hindi niya kase maintindihan ang sinabi ng binata.

"You want to say something, right? Say it. Stop staring at me because I can't predict what you want to say." Seryosong sabi sa kanya habang nakatitig sa kanyang mga mata. Naiilang naman si Aynna sa titig ng binata.

"Ano---pwede bang... pwede po ba akong magpaalam na umuwi ngayon?" Kinakabahan na tanong niya. Napalunok pa si Aynna dahil hindi manlang nagbago ang reaksyon ng mukha ng binata. Mas lalo tuloy siyang kinakabahan.

"Okey. You can go now." Gulat na napatingin si Aynna sa kanyang Amo na busy na ulit sa mga pinipirmahan sa mesa.

"Seryoso po, Sir? walang halong echos?" Masayang tanong niya. Isang tango lang ang sinagot ng binata. Mas lalong napangiti si Aynna dahil dito. "Salamat po. Babalik din po ako mamayang gabi, Sir Reguel." Nakayukong sabi niya. Ang akala niya ay hindi ito papayag. Sa sobrang seryoso ba naman nito ay para bang hindi ito tumatanggap ng pakiusap kahit kanino. Nakakatakot din pala talaga ang kanyang Amo.

Masayang lumabas ng opisina si Aynna at nagpunta sa kanyang kwarto. Hindi na siya makapag antay na umuwi sa kanila at makasama ang kanyang pamilya.

Nagbihis ng simpleng suot. Maong shorts short at isang gray na t-shirt. Pinarisan niya lang ito ng puting sapatos at pinuyod ang kanyang mahabang buhok. Nang handa na ay lumabas siya ng kwarto at nagpunta sa kusina. Balak niyang ipaghanda muna ng meryenda ang Amo bago tuluyang umalis.

Tahimik niya tinatahak ang daan papunta sa opisina. Huminga muna siya ng malalim bago kumatok at pumasok sa loob. "Sir, ginawaan ko po kayo ng meryenda bago ako umalis." Inangat naman ng binata ang kanyang ulo at kunot noo na tumingin sa kanya. Nailang siya ng tignan siya nito mula ulo hanggang paa.

"Drop it on the table, then you can leave." Sinunod naman ni Aynna ang sianbi ng kanyang Amo. Sa huling sulyap ay naka tingin lamang ang kanyang Amo sa mga papelis sa mesa. Hindi niya ito tinawag at lumabas nalang opisina.

Hindi maalis ni Aynna ang ngiti sa kanyang labi. Bago pa siya umuwi ay dumaan muna siya sa isang super market para bumili ng pasalubong. Tinawagan niya ang kanyang kaibigan at sinabi na uuwi ito ngayong araw. Hindi naman niya pinaalam sa kanyang mga kapatid ang paguwi niya. Gusto niyang sorpresahin ang mga ito sa paguwi niya.

Nang makababa sa jeep na sinakyan papunta sa kanila ay kinuha niya ang payong na baon niya. Tirik na tirik ang araw dahil sa tanghali nadin siyang nakadating dahil sa dumaan pa siya sa super market.

"I'm home!" Sigaw niya pagkapasok niya sa pinto ng kanilang bahay. Gulat na gulat naman ang kanyang nakakatandang kapatid na nanunuod sa kanilang sala.

"Aynna! Hindi ka nagsabi na uuwi ka!" Gulat na sabi nito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya.

"Hindi na surprise yun kung sasabihin ko. Where is the others?" Tanong niya. Nilibot niya ang paningin sa loob ng bahay pero hindi niya naririnig ang boses ng iba.

"Wala dito yung kambal, habang si Ion naman ay tulog sa kwarto niya. Si mama naman ay nandun na naman sa mga kumare niya." Paliwanag ng kanyang ate. Napabuntong hininga si Aynna sa sumalubong sa kanya.

"How about your son? where is Vroke?" Kunot noo na tanong niya. May binili pa naman din siya para sa kanyang pamangkin.

"Tulog din." Napangiwi siya sa sagot ng kanyang ate. Nagsisi tuloy siya na hindi niya pinaalam na uuwi siya. Ang ate niya manlang ang sumalubong sa kanya.

"Halika, umupo ka muna. Magkwento ka nalang muna sa trabaho mo. Siguradong maraming nangyare." Nakangiting sabi ng kanyang ate. Umiling naman siya at umupo sa kanilang sofa.

"Wala naman na ako maikukwento sayo dahil nasabi ko na sayo sa tuwing tumatawag ako dito. Wala naman bago sa trabaho ko at sa trato sakin ng aking Amo." Kibit balikat na sabi niya. Sumandal siya sa sofa na inuupuan at pinikit ang kanyang mata.

"Sissy girl! I miss you!" Napangiwi si Aynna sa sobrang higpit ng yakap ng bagong dating na babae sa kanila.

"Bitaw Meisha! Hindi na ako makahinga sa sobrang higpit ng yakao mo!" Inis na sabi niya. Natatawang binitawan naman siya ng kanyang kaibigan.

"Sorry, Sissy girl namiss lang talaga kita. So, kamusta ang pagiging butler?" Nakangiting sabi niya.

"Okey lang. Hindi naman ganun kahirap yung mga ginagawa ko. Sa ngayon." Tumango tango naman ang kanyang kaibigan sa sinabi niya.

"Kukuha lang ako ng meryenda natin." Nakangiting sabi ng kanyang nakakatandang kapatid na si Isabelle.

"Isama mo narin ito, Ate. Binili ko yan para dito sa bahay." Inabot niya sa kanyang Ate ang mga dala niyang grocery at mga pasalubong niya sana sa kanyang mga kapatid at sa kanyang Ina, pati na sa pamangkin.

"Sige, maiwan ko muna kayo dyan." Sinundan niya pa ng tingin ang kanyang kapatid na nagpunta sa kusina.

"Bakit hindi ka manlang nagparamdam sakin! Nakakatampo ka, Sissy girl. Hindi mo manlang ako naalala habang nandun ka sa trabaho mo." Naiiyak na sabi ni Meisha. Napailing naman si Aynna sa drama ng kaibigan.

"Tinatawagan kita kaso palaging busy phone mo. Sabihin mo nga sakin, sino ba yang laging katawagan mo?" Kunot noo na tanong niya. Ilang beses na ngaba siya tumawag sa kaibigan pero laging another call ang bruha.

"Ahehehe... kaibigan ko lang yun." Kinikilig na sabi ng kaibigan. Napangiwi naman si Aynna sa sinabi at naging reaksyon ng kaibigan sa tanong niya.

"Kaibigan? Sa lagay mong yan? Halos tumirik na yang mga mata mo sa sobrang kilig mo dyan." Nakataas kilay na sabi niya. Hindi niya alam na nakakakilig na pala ngayon ang mga kaibigan.

"Grabe ka! ganito lang talaga ako. Tsaka hindi ko naman alam na tumatawag ka pala sakin." Napakamot pa sa ulo ang kaibigan niya sa sinabi nito. Napairap naman si Aynna sa dahilan nito.

"Paano mo naman malalaman kung masyado kang busy sa 'kaibigan' mo" Napanguso naman si Meisha sa sinabi ni Aynna.

"Ang bad mo sakin!" Naiiyak na sabi nito. Napabuntong hininga naman si Aynna dahil sa kaibigan niya.

"Nag aaway ba kayong dalawa?" Nalipat ang tingin niya sa kanyang kapatid. May dala itong pitchel na may laman na juice at mga baso.

"Hindi po Ate Isabelle, ganito lang po talaga kami magusap ni Sissy girl." Nakangiting sabi ni Meisha. Paiba-iba talaga ng ugali ang kaibigan niya.

"Mabuti naman kung ganun. Tinawagan ko na pala yung kambal at si Mama. Pauwi na ang mga yun." Nakangiting sabi ng kapatid.

Tumango naman si Aynna at uminom ng hinandang juice ng kapatid. Pinapakinggan nalang ni Aynna ang usapan ng kanyang kapatid at kaibigan. Maingay talaga ang kaibigan niya habang ang kanyang nakatatandang kapatid naman ay mahinhin at masiyahin.

"Tapos alam mo Ate, hinawakan niya yung kamay ko! Kyaaah! kinikilig parin ako kapag naalala ko kung paano niya hinaplos ang kamay ko at sa ngiti niya." Napapangiwi at napapakunot noo nalang si Aynna sa mga sinasabi ng kaibigan niya. Ang ate naman niya tumatawa at ngumingiti sa mga sinasabi ng kanyang kaibigan.

"Nakakatuwa naman pala yang 'kaibigan' mo." Nakangising sabi ni Aynna. Napahinto naman sa pagkukwento ang kaibigan at tumingin sa kanya.

"Ang bitter mo talaga Sissy girl. Wala naman kase malisya yung mga yun!" Nakangusong sabi nito sa kanya.

Napailing naman si Aynna sa dahilan ng dalaga. "Walang malisya pero kinikilig ka."

"Nagsisimula na naman kayong dalawa." Natatawang sabi ng kanyang Ate Isabelle.

"Si Sissy girl kase Ate Isabelle. Ang bitter niya po sa love life ko." Mangiyak ngiyak na sabi ng kaibigan niya. Napairap nalang si Aynna sa sinabi ng kaibigan.

Hindi siya bitter, sinasabi niya lang naman kung ano ang napapansin niya. Bukod pa dun ay kilala niya ang kanyang kaibigan. Mapaglaro ito at hindi alam ang salitang seryoso sa mga lalake. Hindi niya nga alam kung totoo ngabang may gusto ang kaibigan niya sa kinukwento nitong binata o isa na naman sa mga trip niyang lalake sa pinapasukan nitong paaralan.

"Ate Aynna!" Napalingon siya sa pinto ng marinig niya ang boses ng isa niya pang kapatid.

"Bakit kaba nagmamadali Ayesha! muntik na tuloy akong madapa sa paghila mo sakin!" Inis na sabi ng isa niya pang kapatid. Ang kambal ni Ayesha na si Aliya.

"Huwag kana nga magalit dyan. Tsaka, mas nagmamadali ka nga kesa sakin na makita si Ate Aynna." Nakangiting sabi Ayesha sa kambal nito. Inirapan lang ni Aliya ang kambal at iniwas ang tingin sa kanila.

"Nandito daw ang kapatid niyong si Aynna? Bakit hindi niyo manlang sinabi ng mas maaga" Rinig ang boses ng kanilang Ina sa buong bahay nila. Napabuntong hininga nalang si Aynna sa Ingay ng kanyang pamilya, pero napangiti siya dahil Isa ito sa mga namiss niya sa kanilang bahay.

"Bakit ba ang iingay niyo! Nakakainis, natutulog yung tao e!" Inis na inis ang mukha ng bagong labas sa kwarto na binata. Ang pangatlo sa kanilang magkakapatid.

"Sinisigawan mo ba ako, Ion Rivero!" Galit na sabi ng kanilang Ina. Napanguso naman ang binata sa sinabi ng kanilang Ina.

"Hindi naman po ikaw yun, Mama." Dahilan ng kapatid na lalake ni Aynna.

"Ako lang naman ang sumigaw kanina. Paanong hindi ako?" Nakataas na kay na sabi ng kanilang Ina. Nakahawak pa ang dalawang kamay nito sa magkabilaan niyang bewang.

"Yung kambal naman po yung tinutukoy ko, Ma." Paliwanag ng binata sa kanyang Ina.

"Magdadahilan kapa!" Galit na sabi ng kanilang Ina.

"Ate Isabelle, nagising din ata si Vroke!" Napatayo naman sa upuan si Isabelle sa sinabi ng kanyang kapatid na si Ayesha. Nagmamadaling siyang nagpunta sa kwarto kung nasaan ang sanggol ng marinig nila ang iyak nito.

"Nagkakagulo na Aynna. Wala kabang gagawin?" Bulong ni Meisha kay Aynna. Umiling naman si Aynna sa sinabi ni Aynna.

"Ayoko magsayang ng laway. Hindi naman sila tatahimik kahit sawayin ko sila." Kibit balikat na sabi ni Aynna.

"Ang saya talaga ng pamilya niyo, Aynna." Napakunot noo naman si Aynna sa sinabi ni Meisha. Masaya? Nilibot niya ang kanyang tingin sa sala.

Ang magkambal na nag aagawan sa supot kung nasaan ang pasalubong na binili niya, Ang kanyang Ina at kapatid na lalake na nag hahabulan ng hanger at ang bagong labas sa kwarto na kanyang kapatid na babae habang kalong ang anak nito na malakas ang iyak. Napangiwi siya sa sinabi ni Meisha. Hindi niya alam kung nasaan yung saya na sinasabi ng kaibigan. Gulo at Ingay lang naman ang nakikita niya.

"Masaya nga." Nakangiting sabi niya sa kaibigan. Dahil ang totoong saya sa kanila ay Itong nangyayare sa kanyang harapan.

"Nakakainggit, kung sana ay ganito din kami sa bahay." Malungkot na sabi ng kaibigan.

"Huwag kang mainggit. Magkakaiba lang talaga ang mga pamilya. Isa pa ay, kasali ka naman sa pamilyang kinaiinggitan mo. You are part of this family, Meisha." Nakangiting sabi ni Aynna. Mangiyak ngiyak naman si Meisha sa sinabi ni Aynna.

"Waaah! Ang sweet mo talaga Aynna." Napahiga si Aynna sa sofa na inuupuan niya ng dag-anan siya ni Meisha.

Kahit kailan talaga ay isip bata ang kanyang kaibigan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status