Share

CHAPTER 12 HER SIDE

"Uuwi kaba ngayong gabi?" Napilingon si Aynna ng marinig niya ang boses ng kanyang Ina.

Umiling naman si Aynna sa sinabi ng kanyang Ina. "Hindi po, Mama. Nagtext sakin si Mr. Velecua at sinabi na bukas nalang daw ako bumalik." Nakangiting sabi niya.

"Mabuti naman pala kung ganon. Hindi ka na namin nakakasama ng matagal simula ng magtrabaho ka." Malungkot na sabi ng kanyang Ina.

"Para din naman po ito sa atin. Hayaan niyo po, sa susunod ay dadalasan ko ang paguwi." Nakangiting sabi niya.

Napangiti naman ang kanyang Ina sa sinabi niya. "Kung kaya ko lang sana ay ako na ang magtatrabaho para satin." Malungkot na sabi nito. Hinawakan naman ni Aynna ang kamay ng kanyang Ina.

"Ma, mas magaalala lang po kami kung ikaw ang magtatrabaho. Dito nalang po kayo sa bahay, maayos naman po ang pinagtatrabahuan ko. Wala po kayo dapat ipagalala." Nakangiting sabi ni Aynna. Napayakap ng mahigpit si Aynna ng yakapin siya ng kanyang Ina.

"Anak. Bumalik kana samin." Umiiyak na sabi ng kanyang Ina. Tumulo naman ang luha ni Aynna sa sinabi ng kanyang Ina.

"Hindi pa po pwede, Mama. Huwag na muna ngayon." Pinunasan ni Aynna ang luha na tumulo sa kanyang mata. Hindi niya kayang makita ng kanyang Ina ang pag iyak niya. Hindi maganda sa kanilang Mama ang sobrang imosyon. Baka matrigger ang puso nito sa mabigat na imosyon na mararamdaman.

"Miss na miss kana namin. Hanggang kaylan kaba mananatili dito? Nandito lang kami para sayo, Anak ko." Malungkot na sabi ng kanyang Ina. Pinunasan niya ang tumulong luha sa mata ng kanyang Ina.

"Babalik naman po ako. Babalikan ko po kayo. Sa ngayon, hayaan niyo po muna ako, ito lang ang alam kong paraan para tulungan kayo at ang sarili ko." Tumango naman ang kanyang Ina at hinaplos ang kanyang mukha. Napapikit naman si Aynna sa haplos nito sa kanya.

"Mag aantay kami. Aantayin ka namin, Anak." Napamulat ng mata si Aynna at nginitian ang ginang na nasa kanyang harapan.

"Salamat po, Mama." Umiling naman ang kanyang Ina.

"Hindi, Anak. Kami dapat nag magpasalamat dahil hindi mo kami sinusukuan. Kung saan kaman masaya ay susuportahan kita, kami ng mga kapatid mo." Nakangiting tumango si Aynna sa kanyang Ina.

Sumama na siya sa kanyang Ina ng lumabas ito sa kwarto nila ng kanyang kapatid at nagpunta sa sala. Ang kanya namang Ina ay nagpunta sa kusina para magluto ng kanilang hapunan.

"Ate Aynna, Maglaro ulit tayo ng paborito mong laro." Nakangiting sabi ng kanyang kapatid na si Ayesha. Napakunot naman ang noo ni Aynna.

"Masyado na akong matanda para laruin pa iyon, Isa pa ay palubog na ang araw sa labas." Sagot niya. Natawa naman ang kapatid niya sa sinabi niya.

"Ano kaba ate, kahit sino naman ay pwedeng laruin yun. Tsaka, ano naman kung matanda kana. Kami nga ni kambal ay naglalaro parin nun." Napabuntong hininga si Aynna sa pangungulit ng kanyang kapatid.

"Ayoko ng laruin iyon, Ayesha. Si Aliya nalang ang yayain mo." Walang ganang sabi ni Aynna.

Napatingin naman siya sa kapatid ng umupo ito sa kanyang tabi. " Bakit dati palagi nating nilalaro yun? magaling ka pa nga maglaro ng Chinese garter, kaya hindi ka namin matalo." Malungkot na ngumiti si Aynna sa kanyang kapatid.

"Iba yung noon, sa ngayon,  Ayesha. Ibang-iba. Hindi na ito katulad nung mga bata pa tayo. We used to be careless from everything we do because we still young, but now, we can't make a mistake. I can't make a mistake anymore." Seryoso na sabi ni Aynna.

"Ano bang pinagkaiba nun sa ngayon? Ikaw parin naman ang Ate Aynna namin diba? Ikaw parin ang kalaro namin nong bata pa kami. Ikaw parin ang tahimik at seryoso naming Ate Aynna pero hindi KJ sa mga ginagawa namin. Ikaw parin siya Ate Aynna. Hindi magbabago yun." Nanikip ang dibdib ni Aynna sa sinabi ng kanyang kapatid.

Sa totoo lang ay hindi niya alam. Hindi niya alam kung siya parin ba ang dating Aynna. Marami na ang nagbago, at pakiramdam niya ay kasama siya doon sa nagbago.

"Ayesha, ano na naman ba ang sinasabi mo kay Ate Aynna?" Masungit na sabi ni Aliya sa kanyang kambal.

"Ang sungit mo talaga, kambal. Niyaya ko lang naman si Ate Aynna na maglaro kasama natin ng Chinese garter." Nakangusong sabi ni Ayesha sa kambal.

"Hindi mo mababago ang desisyon ng taong buo na ang pasya. Huwag muna pilitin si At Aynna na maglaro. Hindi din naman niya maiitanggi na naging parte iyon ng buhay niya." Napatitig si Aynna sa Isa niya pang kapatid.

"Malay mo magbago diba? Si ate Aynna din naman nagsabi satin na huwag susuko kung gusto mo talaga makuha o matupad ang gusto mo. Gusto ko na makipag laro sakin si Ate Aynna kaya hindi ako titigil hanggat hindi nagbabago ang sinabi niya." Seryoso na sabi ng kapatid ni Aynna. Sa huli ay ngumiti ito sa kanya.

"Bahala ka, basta sinabihan na kita. Ang bawat pagtanggi ay may dahilan. Kaya huwag mo na ipilit pa ang gusto mo. Kusa naman siya papayag kung gusto talaga ni Ate Aynna, pero kung ayaw niya talaga, mag antay ka hanggang siya na mismo ang lumapit sayo at nagyakag na makipag laro." Napapangiwi si Aynna sa usapan ng  kambal. Pakiramdam niya ay may malalim pa na kahulugan ang sinasabi ng mga ito.

Parang hindi mga sixteen years old ang dalawa kung mag usap. Masyadong malalim at may laman ang mga binibitawan nilang salita. Matatanda na talaga sila, hindi na sila katulad nong bata na puro laro lang ang iniisip.

"Paguuntugin ko ang ulo niyong dalawa kapag hindi kayo tumigil." Masama ang tingin ni Ion sa kambal. Napabuntong hininga nalang si Aynna.

"Tama na yan. Tama bang mag away kayo dahil sa simpleng dahilan. Ayesha, tsaka nalang tayo maglaro kapag mas matagal akong nag stay dito. Ikaw naman, Aliya. Bawasan mo ang pagiging mataray mo. Kambal mo ang kausap mo at hindi ibang tao. At pwede ba Ion, magdamit ka nga!" Inis na sabi niya. Binato niya kay Ion ang hawak niyang unan. Tumama naman ito sa mukha ng kanyang kapatid na lalake.

"Aray naman te! Napaka mapanakit mo! If I know, naiinggit kalang sa maganda kung katawan." Nakangising sabi nito sa kanya. Napairap naman si Aynna sa sinabi sa kanya.

"Anong nakakainggit sa patpatin mong katawan? Nakakahiya lang ang pagmamayabang mo sa payat mong katawan." Naka ngiwing sabi niya. Hindi naman maipinta ang mukha ni Ion sa sinabi ng kanyang Ate.

"Fool na yun ah! hindi mo manlang iniisip ang mararamdaman ko! Sana sinabi mo nalang ng maayos at may lambing para hindi masakit." Napailing naman si Aynna sa kadramahan ng kapatid. May pagpahid pa ito sa mata na para bang may luha na tumulo galing dito.

"Sige, lalambingan ko ang pagbato sayo ng isa pang unan kapag hindi kapa magdamit! Ang lamig lamig, nirarampa mo dito sa sala ang hubad mong katawan!" Masamang tingin na sabi ni Aynna. Nagtatakbo naman na pumasok ng kwarto si Ion.

"Kakain na! magsigpunta na kayo dito sa mesa!" Rinig na sabi nila ng kanilang Ina.

Tumayo si Aynna sa inuupuan at naglakad papunta sa kusina nila.

"Ate Aynna, kung may magiging dahilan ba ay makikipag laro kana sakin?" Nalingon ni Aynna ang kapatid niyang si Ayesha.

"Isang dahilan lang, Ayesha. Isang magandang dahilan lang." Pilit na ngiti na sabi niya.

Nakangiting tumango naman si Ayesha. "Kung ganon ay kahit hindi na kami ang dahilan ate, kahit ano na dahilan na magpapasaya sayo. Aantayin ko nalang na lumapit ka sakin at makipag laro muli."

Kasabay niyang pumunta sa kusina ang kambal. Umupo siya sa tabi ng kanyang Ate na karga ang anak nito. Nang pumasok si Ion sa kusina at umupo sa harap niya, nagsimula na sila magdasal at kumain.

"Anong gagawin natin?" Sinulyapan ni Aynna ang kapatid na lalake ng umupo ito sa tabi niya. Pagkatapos nila kumain ay nagpunta siya sa sala. Ang ate naman niya ay pumasok na sa kwarto para patulugin ang anak na sanggol. Habang ang kambal ay natutulungan sa pagusod ng kanilang pinagkainan sa kusina. Ang kanilang Ina naman ay lumabas saglit para bumili.

"May pasok pa bukas, bakit hindi ka nalang matulog?" Nakataas kilay na sabi ni Aynna sa kapatid niya.

"Huwag kang KJ ate Aynna. Minsan kalang umuwi kaya dapat memorable ang gabing ito para may dahilan kapa para bumalik ulit." Nakangiting sabi ni Ion sa kanya.

"Hindi na kailangan nun, dahil babalik talaga ako." Seryoso na sabi niya. Binalik niya ulit ang kanyang tingin sa tv na nasa kanilang harapan.

"Kailan? Kailan ka ulit babalik, Ate Aynna?" Natigil ang paglipat ni Aynna ng channel sa tv dahil sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Nandito pa ako, Ion. Bakit tinatanong mo na kaagad kung kailan ako babalik?" Kunot noo na tanong niya?

"Para makapag handa kami. Bigla bigla ka nalang kase nadating. Walang pasabi, kahit sign manlang." Kibit balikat na sabi nito sa kanya.

"Hindi ko pa alam. Baka matagalan pa." Mahinang sabi niya.

Napatingin naman sa kanya ang kanyang kapatid na lalake. "Kung ganun ay mag aantay kami. Kahit gaano pa katagal. Dito lang kami at sasalubungin ka." Nakangiting sabi nito. Napatango naman si Aynna sa sinabi ng kapatid. "Pero sana, huwag masyadong matagal. Kahit sinabi pa namin na mag aantay kami. Huwag mo masyadong tagalan, Ate." Malungkot na ngiti ng kapatid niya.

Napahigpit ang hawak niya sa remote na hawak niya. "Pagkatapos lang nito ay babalik ako. Kapag okey na ang lahat, Ion. Ako mismo ang sasalubong sa inyo." Binalik niya nalang ulit ang kanyang atensyon sa palabas sa tv.

Iniisip niya ang mga sinabi ng kanyang Ina at mga kapatid. Kung sana lang ay okey ang lahat sa kanila. Kung wala lang problema, kung nandito sana ang kanilang Ama. Siguro ay hindi mangyayare ang lahat ng ito. Hindi sana siya malalayo sa kanila.

"Manonood pa ba tayo? Wala naman kayong ginagawa para maghanap ng panunuirin e!" Nabalik ang kanyang ulirat ng sumulpot ang kapatid niyang si Ayesha. Nakanguso itong nakatingin sa kanila. Si Aliya naman ay umupo sa kanyang tabi.

"Kayo nalang pumili, wala kaming maisip na palabas na magugustuhan niyo. Kayo lang naman itong mapili sa palabas." Mapang asar na sabi ni Ion sa kambal. Sinamaan naman siya ng tingin ng kambal.

"Ang panget mo kase pumili ng panunuurin. Puro kalang naman kacorny-han!" Sagot ni Ayesha dito. Nagsisimula na naman sila.

"Aliya, ikaw nalang pumili ng matapos na ito. Hindi na namam titigil ang dalawang iyan hanggat walang napipikon sa kanila." Nagpipigil na inis na sabi ni Aynna sa Isa niya pang kapatid. Tumango naman ito sa kanya at nagpunta sa harap ng tv para mag play ng movie na pwede nila panuurin.

Natigil naman ang dalawa sa babangayan ng magsimula na ang palabas sa tv.

"Ano yan?" Tanong ng kapatid niyang si Ion.

"Train to busan." Maikling sagot ni Aliya. Napangiwi nman sila sa palabas sa kanilang harap.

"Ano ba naman yan, kambal! Ilang beses na natin pinanood yan! Hindi kaba nagsasawa? pumili ka naman ng maganda-ganda." Naiinis na sabi ni Ayesha.

"Ano ba naman kaseng alam ko sa gusto niyong panuurin? bakit hindi ikaw ang pumili." Mataray na sabi ni Aliya sa kambal.

Napabuntong hininga si Aynna. Tumayo siya sa inuupuan niya at naglakad papunta sa kwarto. Itutulog niya nalang to. Mas mabuti pa yun, kesa marindi sa tatlo niyang kapatid.

"Ate Aynna, saan ka pupunta? Akala ko ba manonood tayo?" Tanong ni Ayesha.

"Kayo nalang, hindi ko na kakayanin pa manood sa sobrang ingay niyo." Pumasok siya sa kwarto at nahiga sa kanyang kama.

"Tapos na kayo manood?" Nilingon niya ang Ate niya na nakahiga din sa kama katabi ng kanya.

Umiling naman siya. "Ang ingay nila, hindi ako makakanood ng ayos." Sagot niya. Pinatong niya sa kanyang mata ang kanyang braso at pinikit ang mata.

"Matutulog ka na?" Tanong muli ng kanyang kapatid.

"Siguro. Wala naman na akong gagawin. tsaka, kailangan ko umalis ng maaga para bumalik sa pent house. Siguradong, pagagalitan ako ng boss ko kung magtatagal pa ako." Napatango naman ang kanyang kapatid.

"Hindi mo manlang kinarga si Vroke simula ng dumating ka kanina." Napamulat ng mata si Aynna sa sinabi ng nakakatandag kapatid.

"Hindi ko pa kaya. Baka mapilayan lang siya kung bubuhatin ko." Seryoso na sabi niya. Nginitian naman siya ng kanyang kapatid.

"May tiwala akong hindi mo magagawa yun. Ikaw kaya ang nagtuturo sakin kapag hindi ko alam ang gagawin ko, simula ng isilang ko si Vroke." Pilit na ngiti lang ang sinagot ni Aynna kay Isabelle. " Pwede na bang dahilan si Vroke, Aynna? Para bumalik kana samin?" Malungkot na tanong ng kanyang kapatid.

"I don't know. Kung aalis ako sa trabaho ko ay walang mangyayare sa atin. May utang pa tayong babayaran, mga gastusin sa pag aaral nung tatlo. Ang kailangan niyong mag Ina at dito sa bahay. Hindi pa ako pwede bumalik at iwan ang trabaho ko, Ate Isabelle." Seryoso na sabi niya.

"Aynna, magagawa mo parin iyan kapag bumalik ka samin. Magagawan parin natin ng paraan yan." Pagak na natawa naman si Aynna sa sinabi ng kanyang kapatid.

"Hindi yun ganun kadali, Ate Isabelle. Hindi yun magiging ganun kadali. Hayaan niyo na muna ako, kahit ngayon lang. Kahit dito lang." Malungkot na sabi ni Aynna. Malungkot naman na ngumiti ang kanyang kapatid at tumango.

Pinikit ni Aynna ang kanyang mata at hinayaan na lamunin ng dilim.

"Hanggang kailan po? hanggang kailan kami mag aantay?"

"Hanggang siya na kusa ang bumalik sa inyo. Wala po tayong magagawa kundi ang mag antay na marealize niya kung nasaan siya. Hanggang sa marealize niya kung saan ba talaga siya nababagay at nararapat."

"Mag aantay kami. Kahit gaano katagal pa, hindi ako papayag na pati siya ay mawawala samin. Mag aantay kami sa pagbabalik niya."

Minulat ni Aynna ang kanyang mata sa pagkakatulog. Nagising siya sa ingay na naririnig niya sa labas ng kanilang kwarto.

Bumangon siya sa kama at naglakad palapit sa pinto, binuksan niya ito at kunot noo na tinignan ang mga tao sa sala.

"Bakit ang ingay niyo?!" Inis na tanong niya.

"Sorry Ate Aynna, nagising ka ata namin. Na late po kase kami ng gising kaya nagmamadali na kami para makaabot sa gate ng school." Natatarantang sabi ni Ayesha.

Pinagmamasdan niya lang ang mga kapatid niyang nagkakagulo sa sala. Hindi malaman kung ano ang uunahin, ang pagpunta ba sa kusina o makapag bihis ng ayos. Sinabihan na kase kagabi na may pasok ngayong araw kaya matulog ng maaga. Siguradong pinagpatuloy nila ang panonood kagabi kaya taranta ang tatlo niyang kapatid ngayong umaga.

Mga pasaway talaga. Umiiling na bumalik sa kwarto si Aynna at bumalik sa higaan niya. Gusto niya pa ulit matulog. Pinikit niya ang kanyang mata at nagpaubaya ulit sa dilim.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status