Share

CHAPTER 14 ARGUMENT

"Look what have you done." Bakas ang pagkalito at galit sa mukha ng Boss ni Aynna.

Napayuko naman si Aynna, dahil sa nangyare kanina ay hindi niya nagawa ng ayos ang trabaho niya. Wala siyang nabili na alitaptap sa grapon nung nagpunta siya kila Mang Berteng. Dahil mauubos na ang oras, ginawa niya parin yung kailangan niya gawin para sa date pero walang alitaptap. Hindi niya naman alam na maarte pala ang magiging kadate ng Amo. Dahil lang walang alitaptap ay nagwala ito. Kesyo, wala daw silbi yung date nila, walang kwenta dahil hindi manlang niya nakuha yung romantic date na gusto niya. 

Ang sarap lang sigawan na kung nakakain lang yung alitaptap, siya pa ang magsusubo dito with open arms pa, kaso hindi e. Kaartihan lang talaga nung babaeng yun ang pinairal!

"Because of you, I can't have her again! I can't use her again! What's wrong with you?! Ang simple simple lang ng inutos ko sayo! Can't you do it property?!" Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag sa Amo. Tinawagan niya naman ito na wala talaga siyang mahanap na alitaptap kaso busy yung phone nito o di kaya ay hindi matawagan.

"I'm really sorry, Sir Reguel. I did everything to find a firefly but I did not really find it. It is not easy to find that because of the mountain height near the lake just can see it." Nakayukong pagpapaliwanag niya. Napa hilamos ng mukha si Reguel dahil sa sinabi ni Aynna. 

Natakot naman lalo si Aynnas sa reaksyon ng kanyang Amo. Hindi niya pa nakikitang magalit ang Amo kaya takot na takot siya. Hindi niya alam kung anong kayang gawin nito.

"Look at me!" Halos atakihin sa puso ng mas lalong lumakas ang boses ng Amo niya. Inangat niya ang kanyang tingin sa Amo at nilabanan ang matalas nitong tingin sa kanya. "I don't want to repeat this again. If you can not do it, tell me right away so I can order someone else. That's the reason why, I don't want a woman to be my butler because they can't do anything I said." Her boss said sarcastic to her. Nasaktan man sa sinabi ng kanyang Amo, hindi inalis ni Aynna ang kanyang tingin bagkos ay nilabanan niya ang masama nitong pagkakatitig sa kanya.

" Mr.Velecua, I did everything I can to find that fireflies to please your artistic date's. What would I do if I don't really find a fireflies! Do I need to make my own fireflies for her?!" Sinamaan niya din ng tingin ang kanyang Amo. 

Kahit ito ang boss niya ay hindi siya papayag na maliitin ang katulad niyang babae. Alam niya sa sarili niya na ginawa niya ang lahat para makahanap ng l*tshing alitaptap na 'yon! Anong magagawa niya kung wala talaga! Kailangan niya ba umakyat ng bundok at pumunta sa lawa para lang manghuli?! Kahit naman umakyat siya ay hindi rin siya makakakuha dahil sa gabi lumalabas ang mga ito.

"If that's the only way to get a fireflies! I'm f*cking paying you to do your job!" Hindi niya inaasahan na matabil pala ang dila ng kanyang Amo.

Tahimik lang naman kase ito kapag kasama niya. Swerte nalang kapag kinausap siya nito ng matagal, pero sa nakikita niya ngayon ay ibang iba ang lalakeng nasa harap niya sa lalakeng nakasama niya sa lumipas na buwan. Ganito pala ang kanyang Amo kapag hindi nakukuha ang gusto niya. 

"Bakit kaya hindi nalang kayo umakyat sa bundok at nanood sa mga alitaptap na nagliliparan. Wala rin naman silbi kung pupunta ako sa bundok dahil sa gabi lang lumalabas ang mga 'to. Pakisabi din po sa babaeng iyon na wag siyang demanding, hindi naman niya makakain ang mga alitaptap." Inis na sabi niya. 

"Aynna Rivero! I'm your f*cking boss! Don't command me, I know what I'm doing and I know what I want. And you! All you need to do is to follow me!" Galit na sabi nito. Napa atras si Aynna sa sinabi ng kanyang Amo. Nanlilisik na ang mga gray nitong mata habang nakatingin sa kanya.

Napabuntong hininga si Aynna. Walang mangyayare kung sasabayan niya ang galit ng Amo. May kasalanan din naman siya dahil tumigil siya sa pagtawag sa number ng kanyang Amo at ni Althea, kung tinawagan niya nalang sana ang company number ay malalaman ng kanyang Amo ang problema  pero hindi naman lahat ay kasalanan niya. Ginawa niya ang lahat para makahanap ng alitaptap, nilibot niya ang kambal na bayan para lang sa alitaptap na gusto ng kadate ng kanyang Amo.

Naalala niya ang kwento sa kanya ni Nay Karla. Ang tungkol sa Ina ng kambal. Mapait na natawa siya. Hindi ito ang oras para isipin niya ang tungkol doon. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit nawala siya sa focus sa inuutos ng kanyang Amo.

"I'm sorry, Sir Reguel. It's my fault for not doing my job. Please, give me another chance to prove my self to you. I am maybe a woman but I can do the butler job too." Seryoso na sabi niya. 

Nawala ang galit sa mukha ng kanyang Amo. Tinitigan siya nito ng walang mababakas na reaksyon sa mukha. Hindi niya alam kung galit pa ba ito o kumalma na. "Then prove it, Ms. Rivero. I would like to see if you're suitable to get this job from me." Sinundan niya ng tingin ang Amo na umakyat sa hagdan pa punta sa itaas ng pent house. 

Napaupo siya sa sofa dahil sa sobrang kaba at pagod. Hindi niya inaasahan na sasagot-sagutin niya ang kanyang Amo. Kahit kailan man ay hindi siya lumaban sa mga nagiging Amo niya. Kahit mali na ang mga ito ay hindi niya pinagtatanggol ang kanyang sarili, pero ngayon. Para bang hindi siya ang babaeng sumagot sa kanyang Amo.

She barred face with her hand because of extremely frustrated. Ano ba naman itong nagawa niya?! Dahil sa galit ay nasigawan niya ang kanyang Amo. Ano nalang ang ihaharap niya dito, hindi niya nga alam kung kaya niya pa bang harapin ang Amo sa nagawa niya. Tinitigan niya ang kisame, umaasa na may maibibigay itong solusyon sa problema niya. Bukod kulay nito at sa malaking chandelier na nakasabit ay wala siyang napala. Tumayo siya sa upuan at nagpunta sa kusina.

Alas otso na nang gabi pero wala pa siyang hapunan. Pagkauwi niya galing sa ginanapan ng date ng kanyang Amo ay hindi siya nakapag luto dahil pagkalipas ng ilang minuto ay dumating ang Amo niya na galit at sumisigaw. Doon nagsimula ang batuhan nila ng mga salita na may kasamang sigaw at galit.

Alam niyang makapal ang mukha niya sa ginawa niya pero nangyare na. Wala na siyang magagawa, ang problema niya nalang ay hindi niya alam kung paano kikilos kapag nasa harap niya ang kanyang Amo. Magpanggap kaya siya na walang nangyare? Sana naman ay hindi madamdamin ang Amo niya sa mga nagawa niya ngayong gabi kundi ay lagot siya bukas.

Pagsak ang balikat ni Aynna na tinitigan ang mga pagkain na hinanda niya para sa kanyang Amo. Maaga siyang nagising para ipagluto ito pero hindi manlang nito binigyan sulyap ang mga pagkain na hinanda niya. Hindi rin siya nito pinansin, dire-diretso itong nagpunta sa pinto at umalis na walang sinasabi. Akala niya ay okey na silang dalawa dahil hinatidan niya pa ito ng kape sa opisina, pero sa nakikita niya ngayon ay hindi ito ang inaasahan niya. 

Nanghihinayang na inayos niya ang mga pagkain. Sayang. Pinag hirapan pa naman niyang lutuin ang inasal na manok. Nalaman niya din kase na paborito nitong ulam ang inasal na manok.

Nang magtanghali ay naghanda siya ng lunch para sa Amo. Gusto niyang bumawi dito, hindi niya alam kung kasama pa ba ito sa trabaho niya pero gusto niyang alisin ang galit at pagkadismaya na nararamdaman ng kanyang Amo sa kanya. Mabigat sa dibdib. Sa hindi malamang dahilan ay naninikip ang dibdib niya sa ideyang galit si Mr.Velecua sa kanya.

Naligo at nagbihis siya ng pang alis. Pagkatapos magsuklay, kinuha niya ang paper bag kung saan niya nilagay ang lunch box na hinanda niya para sa kanyang Amo. Nakangiti siyang sumakay sa elevator, kahit kinakabahan ay hindi nito napigilan ang excitement na nararamdaman niya sa pagpunta sa kompanya ng Amo.

Bago siya sumakay ay kinuha niya ang kanyang cellphone at tinawagan si Althea. Nagsabi siya dito na pupunta siya para hatiran ng tanghalian ang Amo. 

Pagdating sa kompanya ay nakangiti niyang binati ang guard na nagbabantay. May mga nakakakilala naman sa kanya dito pero iilan lang. Nagpupunta lang kase siya dito kapag pinapapunta siya ng Amo o ni Althea. 

Napaiwas siya ng tingin sa dalawang tao na naghaharutan ng makasakay siya sa elevator. Napapangiwi pa siya dahil hindi talaga nakaramdam ang dalawa kahit may ibang tao na kasama sila. Nakahinga siya ng maluwag ng bumukas ang elevator at lumabas ang dalawa. Pinapayagan ba ang ganung relasyon sa oras ng trabaho? Hindi manlang nahiya sa elevator pa talaga naglampungan.

Pagdating sa floor ng kanyang Amo, naglakad siya palapit sa opisina ni Althea. Ito kase ang unang sasalubong bago makarating sa opisina ng Amo niya.

"Aynna!" Nakangiting tawag sa kanya ni Althea. Napangiti naman si Aynna at binati din ang dalaga na sumalubong sa kanya.

"Nandyan ba si Boss, Althea?" Nahihiyang tanong niya.

"Huh? Hindi mo ba nasaba yung text ko sayo? Umalis si Mr.Velecua. Nagtext ako sayo na hindi mo na kailangan pumunt dahil may lunch meeting na pupuntahan si Sir." Nawala ang ngiti sa labi ni Aynna sa sinabi ng Secretary ng kanyang Amo.

Kinuha niya ang kanyang cellphone sa dala-dala niyang sling bag. Napahigpit ang hawak niya dito ng mabasa niya ang text sa kanya ni Althea. Dahil sa sobrang excited niya ay hindi niya na tinignan pa ang cellphone niya. 

Pilit na ngiti ang ginanti ni Aynna. "Pasensya na hindi ko nabasa." Natatawang sabi niya. "Sayang naman 'to kung hindi makakain. Sayo nalang Althea, siguradong hindi kapa nakakakain." Inabot niya kay Althea ang hawak na bag kung nasaan nag lunch na niluto niya.

Naguguluhan man ay tinanggap ni Althea ang inabot sa kanya ni Aynna. "Sure ka? Sayang naman effort mo. Sorry, dapat pala ay tinawagan nalang kita." Nag aalalang sabi nito sa kanya. 

Umiling naman si Aynna at nginitian si Althea. "Okey lang. Tsaka mas lalong masasayang kung walang kakain. Sa susunod ko nalang siguro dadalhan ng lunch si Mr.Velecua." Pilit na ngiting sabi.

Napabuntong hininga naman si Althea at inangat ang hawak na bag. "Salamat dito. Bawi ako sayo sa susunod." Nakangiting sabi nito sa kanya. Tumango lang si Aynna kay Althea.

"Mauuna na ako. Nagpunta lang talaga ako dito para ihatid yan." Tumango naman si Aynna at ngumiti sa kanya.

"Sige. Ingat ka sa paguwi." Kumaway sa kanya si Althea kaya ganun din ang ginawa niya.

Tumalikod siya at naglakad palabas ng opisina ni Althea. Kasabay ng pag apak niya palabas ng pinto ay ang pagkawala ng ngiti sa labi niya. Napahawak siya ng mahigpit sa kanyang damit. Sa hindi malamang dahilan ay naninikip ang kanyang dibdib. Hindi niya alam kung anong dahilan, o baka alam niya pero ayaw niya lang talaga aminin.

Pagak na natawa si Aynna. Ayaw niya tanggapin sa sarili niya na nasaktan siya na nangyare, sana ay hindi nalang siya umasa. Humigpit ang hawak niya sa elevator ng makasakay na siya at nagsimula na ito umandar. Sa unang pagkakataon ay hindi siya nahilo at natakot habang sakay ng elevator. Sa halip ay istrangherong pakiramdam ang kanyang nararamdaman habang sakay ng elevator.

Pumara siya ng taxi at nagpahatid sa pent house ng kanyang Amo. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, mas nanaisin niya nalang magkulong sa kwarto kesa ang gumala. 

Binagsak niya ang kanyang katawan sa malambot na kama pagdating niya sa sariling kwarto. Pinikit niya ang kanyang mata at nag isip ng mga bagay na makakapag pawala sa kanya ng pakiramdam ng bigat sa dibdib. Ayaw niya isipin ang nangyara kanina, dahil hindi itatanggi na umasa siyang makakausap at magkakaayos sila ng kanyang Amo.

Pakiramdam niya ay ibang tao na talaga siya. Ang istrangherong kanyang naramdaman kanina at kapag nasa tabi niya ang kanyang Amo ay kakaiba sa kanya. Alam niya ang pakiramdam na yun. Alam na alam niya pero natatakot siya. Hindi pwede na magkagusto siya sa kanyang Amo ng ganun kabilis. Walang dahilan, malabo.

Sinagot niya ang tawag ng tumunog ang kanyang cellphone. Si Meisha. Ang kanyang matalik na kaibigan.

"Sissy girl, busy kaba?" Napabangon si Aynna sa hinihigaan niya.

"Hindi naman. Bakit?" Kunot noo na tanong niya.

"Ano kase... May problema kase..." Bakas ang kaba at pagkabalisa sa boses ng kanyang kaibigan. Mas lalo tuloy siyang nag taka.

"Ano bang sinasabi mo? Linawin mo nga ng maintindihan kita!" Inis na sabi niya. Hindi pa naman ganun kahaba ang kanyang pasensya kapag ganito ang kanyang kausap.

"May problema ako!" Nagalala siya ng marinig niya ang mahinang hikbi ng kanyang kaibigan. Napatayo siya at lumabas ng kwarto.

"Deritsohin mo nga ako! Ano ba iyon, Meisha!" Inis na sabi niya. Hindi niya rin mapigilan ang mag alala sa kaibigan.

"Nasa prisinto ako. Nahuli kami ng mga pulis dahil sa paglabag ng batas. Si Mark, yung ka-groupmates ko, nagmaniho siya ng kotse na nakainom. Hindi naman namin alam na makakabangga siya ng isang motor. Please, Sissy girl, help me, help us. Nandito kame sa District 1 sa Mariya City Police station." Napanganga si Aynna sa sinabi ng kanyang kaibigan. Muntik na din siya masobsob sa sofa kung hindi niya lang nasoportahan ang sarili sa pagkakasobsob.

"Anong sabi mo?! Magpapakamatay ka bang babae ka?!" Galit at kaba ang kanyang naramdaman. 

Hindi sa lugar na iyon. Sa daming Police Station ay sa District 1 pa talaga. "Antayin mo ako dyan! Lagot ka sakin pagkadating ko dyan! Ito na nga ba ang sinasabi ko sa mga pagsama-sama mo sa mga kaklase mo!" Nagmamadali niyang kinuha ang bag at lumabas ng pent house.

Sana. Sana ay wala doon ang taong kinamumuhian niya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status