Nalagpasan ni Tashi ang madugong midterm exams. Finals na naman ang bubunuin niya. Umaasa siyang magiging okay na si Tita Loida pagdating ng araw na ‘yon. Hanggang hindi klaro ang pangako nito, aalipinin niya muna ang katawan sa bawat raket na kaya niyang gawin. Kahit paggawa ng plates ng isang kaklase na hindi nakayang i-cope up, pinatos na niya. As much as possible, magiging pinakahuling option ang paghingi ng tulong kay Tita Cornelia.
“Magsabi ka lang, okay? Nakakapanghinayang ka kasi. Mukhang magiging best seller kita lalo na kapag nailagay ko na ang picture mo sa website. Ang mga kliyente, gusto nila ‘yong natural na ganda, lalo na ang inosenteng tingnan na kagaya mo.”
‘Hindi ako aabot sa puntong ‘yon,” ang pangako niya sa sarili. “Hinding-hindi na.”
Hangga’t may mapagkukunan. Laking tuwa niya nga kanina nang makatanggap siya ng call mula kay Marie. Pinababalik siya ni Miss Sheena sa bar.
“Pwede ka raw ba sabi ni Jay? Ako ang pinatawag sa’yo. Syempre, ‘di ko basta-basta ibibigay sa ulol na ‘yon, numero mo. Kukulitin ka lang nun.”
“Thank you, Marie.”
Excited siyang magtrabaho. Kahit kararating niya lang mula sa eskwelahan, agaran siyang naghanda. Mabilisan syang nagligo at nagbihis. Susulitin niya ang oras na medyo maluwag ang schedule.
“Black polo shirt and black trousers.”
Iniisa-isa niya sa mga nakatuping damit ang susuotin. Bubunutin niya na sana ang t-shirt nang malaglag sa sahig ang executive jacket ni Sir Wade. Pinulot niya iyon at ilang segundong tinitigan. Ewan, napapangiti siya kapag nahahagip iyon ng tingin. Nalabhan na niya iyon at binabad sa downy pero parang naaamoy niya pa rin ang signature scent ni Sir Wade.
‘Dadalhin ko kaya ito ngayon.’
‘Di niya naman alam kung iyon isosoli. Pero Kapag dinala niya sa trabaho, baka mawala niya. Madadagdagan pa ang babayarin niya.
“Mukhang mamahalin ‘yan, ah.”
“At ang ganda.”
Magkasunod na puna nina Roxie nang makita ang hawak niya.
“Kanino ‘yan?”
“Mukhang mamahalin ah.”
“Kay Marie.”
Para maputol ang mga tanong, mabilis niyang isinilid sa bag ang jacket. Magbabakasakali lang na baka sisipot sa club si Sir Wade. Pagdating sa bar, sumalang kaagad siya sa pagsi-serve ng drinks. Friday kaya, punuan na naman.
“Ano nakain ni Ma’am Sheena at pinabalik ako?”
“Baka tapos na ang dalaw,” pabirong sagot ni Jay. “Uy, na-miss ka namin, ha. Na-miss kita, cutie.”
Nginitian niya lang ang mga walang katuturang biro nito.Habang hinihintay ang drinks na isi-serve, napapatitig siya sa mga pumapasok. Sa tingin niya, mas maraming Medyo lumalalim na ang gabi pero wala pa rin si Sir Wade.
“May hinahanap ka, cutie?”
“H-ha?”
“Kanina ka pa lingon nang lingon. Nagseselos na ako niyan.” Umaktong tila may iniindang sakit sa dibdib si Jay.
“Si Marie.” Kahit naman alam niyang ‘di na papasok ang kaibigan. Plantsado na ang papers nito. This week, lilipad na ito patungong Dubai. Sa wakas, unti-unti na ring matutupad ni Marie ang mga pangarap nito. “Serve ko na ‘yan.”
Mas gusto pa niyang mapudpod ang sapatos kakaikot sa loob ng bar kesa maging subject ng mga kalokohan nitong si Jay. Minsan, hirap siyang sakyan ang mga hirit nito. Dinadala niya na lang sa pangiti-ngiti. Hindi siya ganoon ka-witty lalo na pagdating sa mga biro.
“Itong isa ang i-serve mo. Personal request ni Ma’am Sheena,” turo nito sa nakasalansan na sa isang isang baso ng vodka soda, tig-iisang bote ng light beer at coke. “VIP 5, Cutie.”
“5?”
“Oo, bakit?” Natigil si Jay sa pagpupunas sa shaker tin. “Hoy!”
“W-wala naman.” Maayos niyang pinulot ang bar tray at nagsimula na ngang humakbang palayo sa service station. ‘Room number 5.’
Kanina, okay pa naman siya. Ngayon, bigla siyang ‘di mapakali habang binabagtas ang hallway ng VIP section na para bang may mararatnan siyang kakaiba roon. Isang hugot nang malalim na buntong-hininga at itinulak pabukas ang pinto.
Immediately, that scent caught her attention.. Isang pigura ang kampanteng nakaupo ngayon sa mahabang leather sofa at nakakatig ng direkta sa kanya.
“Sir Wade,” tanging nasabi niya na iniinda ang tila pagtigas ng mga paa niya.
Sa haba ng leather sofa, pinili talaga ng lalaki na maupo sa pinakadulo malapit sa pinto. Mistulang inaantabayanan kung sino ang papasok. Nakapatong ang isang braso ni Sir Wade sa sandalan ng sofa habang naka-stretch ang isang paa. Kagagaling lang ba nito sa opisina? Nakalukot na ang manggas ng polo minus the tie. Ang unahang dalawang botones, nakabukas pa.
He looked more relaxed pero mukhang hindi rin. Seryoso pa rin kasi ang mukha nito. Alangan tuloy siya kung babatiin ito o hindi.
“Won’t you come in and serve my drink?”
“Sorry po.”
Sinarado niya ang pintuan. Nagsimula siyang ayusin ang order nito na ramdam niya ang mistulang bumabaon na mga titig nito sa kanya. O baka iniisip niya lang. Nagkasama na sila ng matagal-tagal nitong nakaraan, magkatabing kumain ng burger at pie, dapat ay kampante na siyang makisalamuha rito pero hindi pa rin talaga. Kinakain nito ang kakaunti niyang confidence. Para itong bakulaw. No wonder, ang galing nito sa negotiation.
“Saying hi isn’t that hard.”
Awang na napaangat siya ng mukha.
“H-hi po, Sir Wade.”
Siya naman itong parang shunga na napapasunod sa hindi naman niya matantiya kung seryosong sinabi nito. Sinikap niyang basahin kung kaswal o pormal o friendly ba ang habas ng mukha ni Sir Wade. Ang hirap lang kasing tantiyahin. Tumayo siya at umatras ng isang beses. Wala na itong sinabi pa. Bumuntong-hininga lang at inabot ang vodka at uminom.
“May kailangan pa po kayo, Sir?”
Imbes na sumagot, tumayo ito na bitbit pa sa kamay ang baso at naglakad patungo sa pinto na nasa kanyang likuran. Narinig niya na lang ang tunog nang tila isinaradong pinto. Napalingon siya. Nakita niyang nasa knob pa rin ang kamay ni Sir Wade at hindi pa rin ito umaalis doon.
Instantly, binalot ng kaba ang dibdib niya. Makukulong silang dalawa sa loob.
“Sir?” kabado niyang tawag dito.
“Just relax, Tashi.” Para itong napapagod. Ilang segundo rin ang lumipas na nakatayo lang ito sa tapat ng pinto bago pumihit. “Keep yourself calm and take a seat.” Bumalik ito sa kinauupuan. Sa ginawa nitong pagdaan sa kanya, amoy niya na naman ang pamilyar nitong scent. Ang bango pa rin kasi kung galing man ito sa opisina. “Maupo ka. May pag-uusapan tayo.”
“Maniningil na po ba kayo, Sir? ‘Yong blazer ninyo, dala ko po. Kukunin ko lang-”
“Hindi blazer ang ipinunta ko rito.” Parang nawawalan ng pasensya na napapikit si Sir Wade. Matunog na bumagsak ang braso nito sa hita. Napabuga ito ng hangin, inayos ang kwelyo at tumingin sa kaya. “Maupo ka lang. It won’t take long.” Sinimulan nitong buksan ang canned coke habang dahan-dahan siyang naupo sa gawing kaliwa nito. “This is yours.”
Kinahon niya sa utak ang ‘bakit’ na dapat sana ay sasabihin niya. Naiinis ito kapag naging matanong siya.
Silence reigned for a while. Ano ba kasi pag-uusapan nila? Nalulukot ang utak niya. ‘Di namamalayang pinipindot na niya ang kanyang mga daliri sa bar tray na nasa kanyang kandungan. Hanggang sa napuno na ang baso, saka pa lang umayos ng upo si Sir Wade. Ipinatong nito mga siko sa bahagyang magkahiwalay na matitigas na mga hita at tumitig sa kanya.
“Can we now talk properly?”
Himig itong nakikiusap.
Lumingon pa siya sa pinto bago tumango.
“Hindi ka hahanapin ng manager.”
May pera ito, kayang bayaran ang oras niya. Para matapos, umayos siya ng upo at pormal itong tinitigan.
“Anong pag-uusapan natin, Sir?”
“How badly do you need money?”
Tanong ang sagot sa isa pang tanong. An unlikely question. Nakasentro sa pangangailangan niya.
“Gipit po talaga ako. Ginagapang ko pag-aaral ko..”
Hindi naman kailangan ng mahabang detalye at hindi siya kampante na malalaman ng ibang tao ang ibang detalye sa buhay niya. Sandali itong napatungo na para bang ang lalim ng iniisip. Mahaba-habang sandali.
“I have a proposition for you.”
Proposition. Ang pormal naman ng dating sa kanya. Kinabahan siya na ‘di mawari. “Ano po ‘yon, Sir Wade?”
Mula sa pagtitig sa mga paa, nag-angat ito ng mukha. May pakiwari siya na pinag-isipan nitong maige ang susunod na sasabihin.
“Live with me.”
Walang kagatol-gatol ang naging sagot nito. It was spoken with certainty. Ang matitiim na mga mata nito, tuwid lang na nakamata sa kanya. Na para bang inaantabayanan ang magiging reaksyon niya. Nakakaintindi naman siya ng Ingles pero ano ba ang ibig sabihin ng ‘live with me’ na sinasabi nito?
“G-gagawin n’yo po akong maid?”
“God, no!”
Napaunat ito at napahilot sa sentido.
Eh, ano nga?
Dahan-dahang nabuo ang hinala sa utak niya. Gahol siya sa pera. Nagtatrabaho siya sa bar. Nakita ni Sir Wade na naging escort siya. Pinagtagpi-tagpi niya ang mga bagay-bagay.
“Diretsuhin ninyo po ako, Sir.”
Hiling niya na sana ay iba ang mamutawi sa bibig nito. Masyado nang malaki ang paghanga niya rito para mauwi sa wala. Sa loob ng maikling sandali na nagkukrus ang mga landas nila, nasilip niya ang mga hindi lantarang kabutihan nito.
‘Please, God, huwag naman sana niyang sabihin ang nasa utak ko.’
Madi-disappoint siya. But God didn’t hear her prayer. Nanulas sa bibig nito ang mga salitang ayaw niyang marinig.
“I don’t want you to be hopping from man to man. Sa akin ka na lang. Ako na lang. Live with me. Damn it, that's all I want!"
“Wade, are you even listening to me?”Caught up in his own thoughts, Wade only realized his father had been talking to him when his mind drifted back from wandering elsewhere. He straightened in his seat and met his father’s gaze.‘Yes, Sir.”Nanatiling nakatitig lang ang ama sa kanya. Napapansin na nitong panay silip ang ginawa niya sa kanyang phone na para bang may message na mababasa roon. It was a Saturday, yet here they were—sitting in his father’s office, discussing something his mind struggled to fully grasp. Kapag nagkataon, ini-enjoy na sana niya ang isa o dalawang bote ng light beer habang nakaupo sa kusina at inaantabayanang matapos si Tashi sa paghahain o sa paggawa ng assignments.“You seemed not in your element tonight.”Pasimple niyang itinaob ang phone sa mesa. Doon kasi nakatitig ang ama.“I hope it’s not some woman again?”His father folded his arms loosely across his chest, studying him with quiet curiosity. Pagkatapos ay sumulyap kay Rex. Thankfully, marunong umakt
Isang guhit. Isang guhit lang marking nakikita niya. Ang matinding worries, mistulang tinangay ng hangin at ng nag-uunahan sa paglandas na pawis sa noo niya. Pagod na napaupo siya sa kubeta na nakatungo lang sa hawak na PT. Ilang sandal rin siya sa ganoong ayos.“Tatlong anak,” lagi niyang sagot kapag napupunta roon ang usapan nila ng nanay niya.Apart from being successful, she had always dreamed of becoming a mother. ‘Yon dapat ang sagot niya sa tanong ni Wade noong minsang lumabas sila. Pero para ano pa at malalaman nito?Napalingon siya sa bote ng pills.She smiled sadly.‘Isasantabi ko muna ang pangarap na ‘yon.’She couldn’t have it with Wade.Pinunasan niya ang noo. Binalot ang PT at itinapon sa basurahan at pagkatapos ay naligo at sa pinakaunang beses, ininom niya ang pills. Minabuti niyang magbihis at mas piniling sa sala hintayin si Wade. Tila nahahaponhg nahiga siya sa sofa. Hinayaan niya lang na nakabukas ang TV kahit wala naman sa palabas ang buo niyang atensyon. Hanggang
Nagpatuloy ang mga araw na gaanoon ang setup nina Tashi at Wade. Tashi literally lived a double life. Siya pa rin ang Tashi na kilala ng pamilya kapag kausap niya ang mga ito. Kabaligtaran kapag silang dalawa na lang ni Wade. Kapag kausap niya isa man sa pamilya, kinukurot siya ng hiya at kunsensya. Kaya nga lagi siyang nagdadahilan kung bakit madalang siyang nagti-text o tumatawag.“Ang laki naman ng padala ng Tita Loida mo?”Kapag ganoon na ang takbo ng usapan, inaatake na kaagad siya ng kaba. Ayaw niyang magsinungaling pero kailangan. Buti na lang at hindi ugali ng Tita Merriam ang mag-socials. Ayaw rin nitong kausap ang Tita Loida. Safe pa rin ang mga pagsisinungaling niya… at the moment.“Tapos ka na?”Mula sa pagtutok sa phone kung saan niya nababasa ang message ng kapatid, nag-angat siya ng mukha at napatingin kay Wade. Nasa gilid ito ng pintuan, nakasilip sa kanya.“Nasa labas na si Mang Pancho.”Pumanhik si Wade sa silid niya. Kinuha ang bag at iba pang gamit at ito na ang ku
“D-date?”Wrong use of words. He must have refrained himself from using it knowing how Tashi would react. Sa reaksyon nito, alam na kaagad niyang aayaw ito. How clumsy of him.“Come on, Tash, it’s just dinner.”Pwede niyang huwag bawiin ang sinabi pero kailangan. He acted as casual as possible. Kusa na niyang pinatay ang stove na may nakasalang na kaserola at inunahan ng talikod ang babae. He acted like an asshole who wouldn’t accept no for an answer. Mahirap na, baka mag-tantrums pa at kung anu-ano ang sasabihin.“Wade?”Ayan na nga! Kabado siyang nilingon ito. Lalaki siya pero kinakabahan. Tashi, looking innocent and harmless, had a way of making him feel agitated.“Yes.”Napatingin si Tashi sa sarili. She was wearing a housedress. Bulaklakin. Simple ang damit na suot nito pero wala nang dapat idagdag pa. She looked dainty in it.“You look pretty in it already. Don’t mind changing.”“Okay. Kukuha lang ako ng jacket. Medyo malamig kasi.”It was a win for him. Baka pa magbago ang isip
Kanina pa siya nakagayak. Sukbit niya ang bag sa balikat habang nakatayo sa labas ng gate. Ilang minuto na rin siya sa kinatatayuan pero walang Mang Pancho na dumating.“He’s not coming.”Napalingon siya kay Wade na nakatayo na sa tabi niya at sa kalsada rin nakatingin. Nakataas ang phone sa ere.“Family emergency.” Humakbang ito palapit sa kotse at binuksan ang passenger’s side. “Hop in.”Napatingin siya kay Wade. Nagtatanong ang mga mata. ‘Di naman kasi siya sanay na inihahatid nito sa school. Sanay siyang mag-commute. Wala naman sa usapan na ito ang maghahatid sa kanya sa school.“What?” untag ni Wade sa kanya nang lumipas pa ang ilang sandali.“May jeep naman.”“Tsk!”Tila nayayamot na kinuha nito mula sa kamay niya ang hawak na mga gamit at inilagak sa backseat.“Come on, Tashi. Time is ticking.” Nakaturo ang hintuturo nito sa suot na wristwatch.Atubili siyang sumakay. Komportable ang sasakyan pero hindi siya mapakali. Hindi talaga siya masanay-sanay sa magarang kotse nito.“You
Simula ng araw na ‘yon, sa bahay na halos naglalagi si Wade. Katunayan, naipon na nga ang mga damit nito sa closet nito. They were already practically living together. Sa magkabilang silid nga lang sila natutulog. Kadalasan, sa silid ni Wade nangyayari ang mga eskandalosong bagay sa pagitan nila. Kapag kasama niya ito, nababaon sa limot ang mga agam-agam, pati na ang mga turo ng mga magulang at ni Tita Merriam. Pakiramdam niya, para siyang nagbabagong katawan, nag-iiba siya sa mga yakap at haplos nito. Pero kapag humuhupa na ang init, doon bumabalik ang hiya.“Saan ka pupunta?”Naantala ang gagawin niya sanang pagdampot ng mga damit nang bigla na lang magsalita si Wade sa likuran niya. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya sa lalaki. Wade had that look of disapproval. Nagsalubong ang mga kilay at matiim na nakatitig sa kanya.“Lilipat sa kabila?” naguguluhang sagot niya sa lalaki na mas lalong kinipkip ang kumot na nakabuhol sa gawing dibdib. Ilang beses man kasi siyang maghubad