Share

Squeegee

Author: Grace Ayana
last update Last Updated: 2025-01-14 15:47:36

“That’s all for today. I am expecting your plates to be on my desk by next week.”

Paulit-ulit niyang niri-replay sa utak ang sinabi ng professor ng pinakahuling klase niya kagabi. Niri-remind at mini-motivate niya lang naman ang sarili. Mabilis siyang bumangon at naligo. Tulog pa ang mga boardmates niya kaya, todo ingat siya na huwag magising ang mga ito. Actually, halos wala na siyang tulog kakagawa ng requirements. Lahat ng oras niya, dapat maayos na nagagamit. Hindi niya afford na maglustay ng panahon.

Kahit isang segundo.

Ang haba ng magiging araw niya ngayon. Cleaning lady hanggang mamayang alas tres at mamaya, i-extra na naman siya sa club kung saan nagtatrabaho rin si Marie. Habang nagbibihis, sinilip niya ang phone. Wala pa namang message si Marie. Mag-aalas siete pa lang naman. Masyado siyang maaga para sa alas otsong usapan. Sinigurado niya munang walang kalat na maiiwan sa desk at working table niya. Ang mga plates na natapos, nasa ayos na rin. Pinulot niya ang backpack at binuksan ang pinto.

“Sana wala pa si Madam.”

Para siyang magnanakaw na pasilip-silip sa hallway. Kapag nakita siya ng landlady, matatagalan na naman siya bago makaalis. Kapag sinabi niyang hindi pa siya makakabayad, mahabang lintanya ang aabutin niya. Salamat naman at nalagpasan niya ang tatlong palapag na hindi siya nakita ni madam. Talo pa niya si The Flash sa bilis ng mga hakbang niya. Buti na lang at ‘di nahulog sa matarik na hagdanan.

“Hay, salamat!”

Laking ginhawa nang nakasakay na siya ng jeep, pero kauupo niya pa lang, tumunog na kaagad ang phone niya. Si Marie ang tumatawag.

“Nasaan ka na?!”

Panandalian niyang nailayo ang phone sa tenga. Sobra namang lakas ng boses ni Marie. Pati katabing babae na pipikit-pikit, napalingon pa sa kanya. Hininaan niya muna ang volume ng phone.

“Marie, papunta na ako.”

“Bilisan mo na diyan. Doon mo na lang ako hintayin sa sinabi kong hintuan mo at dadaanan na lang kita. Andito pa ako sa opisina.”

“Okay, Marie.”

Tinandaan niya ang lahat ng bilin nito. Dapat wala siyang mali para tuloy-tuloy siyang makapag-part time sa agency na pinagtrabahuhan ng tiyahin nito. Nakakahiya ang rekomendasyon sa kanila kapag nagiging pabaya sa trabaho.

Sa awa ng Diyos, mabilis niyang narating ang meeting place nila ni Marie. Habang hinihintay ito, pinapapak niya naman ang baong skyflakes. Saglit lang naman ang paghihintay at huminto na ang lumang van na may nakamarkang Happy Cleaners.

“Sakay na.”

Halos maokupa ng mga gamit panglinis ang loob ng sasakyan. Kailangan pa niyang kandungin ang isa pang supot na nasa passenger's seat.

“O, kainin mo na ‘yan,” turo ni Marie sa isang supot ng sa tingin niya’y tinapay at umuusok na kape sa disposable cup. “Biscuit lang ang kinain mo, nakita ko.”

Napahinto siya sa pagkakabit ng seatbelt at napatitig sa pagkain. Parang nanghahalina ang aroma ng kape at tinapay. Kumalam bigla ang sikmura niya.

“Huwag na mahiya. Huwag pairalin ang pride. Nakamamatay ‘yan.” Bintiwan nito ang manibela at inabot ang supot at ibinigay sa kanya. Pati takip ng styro ng kape na nabili raw nito sa bakeshop ay ito na ang nag-alis ng takip.

"Salamat ha, kahit nakakahiya."

“Naku! Bawal ang sinti. Remember, we are happy cleaners!”

Sa hirap ng buhay, kasama niyang lulunukin ang hiya. Luxury nang maituturing ang malamnan ang sikmura ng ganitong mga pagkain. Si Marie lang naman ito, kaibigan niya naman.

"Salamat uli."

Nagsimula siyang kumain habang nasa gitna sila ng kalsada. Ang sarap ng mainit na tinapay at kape sa sikmura lalo na ngayong medyo maulan. Ang sarap ng linamnam ng tinapay. Ang inam ng pagsayad ng mainit na inumin sa lalamunan at sikmura.

“Alam mo, magaling akong gumawa ng tinapay. Hamo minsan, hahanap ako ng time para ipagluto ka, bilang pasasalamat sa lahat.”

“Kailan naman ‘yan? Baka nakalipad na ako ‘di pa ‘yan nagkatotoo.”

Nakakalungkot isipin na aalis na ito. Ayaw na raw nitong mag-aral pa. Saka na lang daw ‘pag nakaipon na. Mas ayaw na rin nito na pa-escort-escort sa kung kani-kanino. Iniyakan daw ng nanay nito nang malaman kung ano ang sideline nito. Mami-miss niya ito sa totoo lang. Si Marie ang masasabi niyang pinakamalapit niyang kaibigan. Ang saya kasi nitong kasama. Walang dull moment.

Paano na lang kaya kung hindi niya nakilala si Marie? Simula nang makilala ito, dawit na siya palagi sa lahat ng raket nito. Kung tutuusin, laki ng utang na loob niya rito. Kahit hirap, nagagawa pa niyang itawid ang ibang pangangailangan.

“Mag-abroad na lang din kaya ako?”

Tumulis ang nguso ni Marie, “Mag-aral ka na lang. Malay mo, baka topakin ang tita mo.”

Sana nga. Pero kapag inayawan na talaga siya ni Tita Josie, baka kailangan niya na talagang ire-evaluate ang mga priorities niya sa buhay. Minsan talaga ang unfair lang ng mundo. ‘Yong mga may pera, ‘yon pa minsan ang hindi nagpupursige sa pag-aaral. Samantalang sila ni Marie na walang-wala, sila pa ang trying hard.

Kung anu-ano pa napagkwentuhan nila bago narating ang pakay.

“Tower of Babylon here we are!”

Isang high-end condominium ang hinintuan nila. Nalula pa siya sa taas ng building lalo na sa aesthetic. Napalingon siya kay Marie. “Marie, diyan tayo maglilinis ngayon? ‘Di ba may sariling cleaning staff naman ‘pag ganyan?”

“Mas magaling ang serbisyo ng Happy Cleaners at happy daw tayong naglilinis,” bungisngis nitong sagot.

“Puro ka talaga patawa.”

“Uy, ‘di ha. Minsan naman ma-drama ako."

Mas mabuti nang mabiro ito, nakakawala ng bagot at lungkot.

"Pero, actually, kliyente ng cleaning service ang kustomer natin sa itaas. Regular daw na nagpapalinis doon sa isa pang bahay na pag-aari. Kaya, kinuha tayo.”

Dumiretso sila sa basement matapos i-check ng security ang sasakyan. Ang higpit ng gwardiya. Pati mga gamit nila sa sasakyan, sinuri rin. Habang nakikipag-usap si Marie sa lalaking security, mas naagaw naman ang pansin niya sa structure na kinaroroonan nila. Ang ganda ng design element.

“The arki in you,” kantiyaw ni Marie nang makitang titig na titig siya sa lahat ng sulok ng building.

Kahit kasi ang basement, maayos ang pagkakadisenyo. Pati yata columns, may karakter.

“Lika na nga.”

Magkatulong nilang ibinaba sa van ang mga gamit na kakailanganin nila at lumulan sa service elevator. Top floor ang pinindot ni Marie.

“Taga-langit pala ang customer natin. Yaman siguro ng may-ari, ‘no?”

“Malamang. Sino naman kayang ma-afford ganitong residence. Maaari ring nagri-renta lang. Uso naman ang gano'n. Sarap nga ng ganitong negosyo. Bibili ng mga properties tapos parerentahan lang."

Usually, mas pricey ang units na nasa itaas ng mga high-rises. Pero kung siya ang tatanungin, mas gusto niya pa rin ang bungalow at may katamtamang laking bakuran. ‘Yong kagaya ng dating tirahan nila sa Lumban.

Tumunog ang elevator. Tulak-tulak niya ang cart habang si Marie naman ang naghahanap ng unit. Nag-buzz si Marie sa pinto. Bumukas iyon at bumulaga sa mga mata nila ang isang maganda at sexy’ng babae na tanging maluwang na panlalaking polo lang ang suot sa katawan. Kita ang malaking bahagi ng mga hita nito. Wala pa sa ayos ang buhok. Paano na lang kung lalaki ang kaharap nito ngayon? Halos masilipan na ito ng dibdib dahil nakabukas ang unang dalawang butones ng suot.

“Good morning, Ma’am. We are from Happy Cleaners,” bibong bungad ni Marie.

Sinilip ng babae ang cart nila at medyo nagtagal sa kanila ang panigin nito. Pagkatapos ay lumingon ito sa loob. Hindi nila masyadong makita hitsura ng unit dahil nakaharang ang bahagya lang namang binuksan na main door. “Babe, cleaning ladies are here!”

Sandali muna silang naghintay ng sagot. May mga kaluskos mula sa loob.

“Let them in.”

Kung gaano kalakas ang boses ng babaeng nagbukas sa kanila, ganoon naman kakalmante ang tinig na naririnig nila sa ngayon. At ang ganda ng boses. Girlfriend kaya nito o asawa ang babae? Pumapayag itong ganito ang ayos nito habang nakikipag-usap sa ibang tao?

“Mukhang kagagaling lang sa matinding bakbakan.”

Pinandilatan niya si Marie. Talagang hindi nakatiis na huwag bumulong. Ang lenggwahe talaga nito. Minsan ay hindi niya magawang sakyan. Umayos lang ito ng tayo nang mapalingon sa kanila ang magandang babae. Sana lang, wala itong narinig o napansing kakaiba sa mga kilos nila.

“Help yourself in..”

Umalis ang babae sa pintuan at binigyang daan silang makapasok. Unang napansin niya ang hardwood na sahig. Napakagandang contrast sa light color na pintura ng wall. Habang nakatitig sa panoramic view ng corner unit na ito, hindi niya maiwasang mapasinghap.

So this is what the owner pays for. The view.

“Shocks!”

Napalingon siya kay Marie. Problemado na ang mukha nito.

“Ang squeegee, nasa likod ng sasakyan.”

Halos pitikin na nito ang sarili.

“Ako na kukuha. Akin na ang susi ng sasakyan mo.”

Nagmamadali siyang bumaba para kunin ang nakaligtaang gamit. Eksaktong pagbukas ng elevator na kinalululanan nang siya namang pagsarado ng katapat na lift. Isang lalaki ang nakita niyang nakasakay sa loob. Naka-white shirt at itim na pantalon at puting sneakers pero tindig modelo. Nakasuksok sa itim na pantalon ang isang kamay habang kinakalikot naman ng kabila ang phone nito.

Parang may pamilyar sa lalaking ito. Ang tindig, ang kisig, ang condifent na aura at husay sa pagdadala ng sarili. Kumunot ang noo niya kakaalala. Papaliit na nang papalit ang gap ng papasaradong mga pintuan ng elevator pero nangungunot ang noo niya na halos pigain na ang isip. Hanggang sa mapako ang mga mata niya sa relo na suot nito.

Bumalik ang tingin niya sa mukha rito.

Dahan-dahan ding nag-angat ng mukha ang lalaki at ganoon na lang ang pagkamangha niya. Ang lalaking nasa katapat na lift, walang iba kundi ang mismong sumaklolo sa kanya noong nakaraang araw lang. Ang nagbayad ng pagkain nia. Nagtagpo ang mga mata. Hinanap niya ang anumang hint kung namukhaan ba siya nito pero walang anumang makapag reaksyon sa gwapong mukha nito. Para lang kasing tumatagos sa dingding ang paningin niro. Walang kahit katiting na senyales na naalala siya.

Bakit nga naman ba siya aalalahanin kung perwisyo ang dala niya? Kung susumahin, may utang pa siya sa mamang ito.

“Hindi ka ba lalabas, Miss?”

Inis na boses ang umagaw sa atensyon niya. Saka pa lang niya naalalang may babae siyang kasamang umakyat. Nakakunot na ang noo nito. Nagmumukha na nga naman siyang tanga.

"Pasensya na po.”

Napapahiya siyang lumabas kaagad. Sa muling pagbaling niya ng tingin sa kabilang elevator, tuluyan nang sumarado ang pintuan niyon. Nawala na ang mukhang ‘yon at tanging nakikita na lang ay ang makintab na nakasarang metallic doors.

Bakit ganito? Para lang kasing may sumikdo ang dibdib niya.

‘Dito kaya siya nakatira? Sa mismong condominium na ito?’

Kaliligo lang nito, basa pa ang buhok. Ibig sabihin, dito nga ito nakatira. Twice in a row na silang nagtatagpo ng lalaking iyon nitong linggong ito lang. Coincidental lang kung maituturing. Pero sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakarandam siya ng tila panghihinayang sa dibdib na hindi niya maunawaan.

Para saan naman?

Nagpatuloy siya sa paghakbang na hindi nawawala sa isip ang hitsura ng lalaking sumagip sa kanya noong nakaraan.

 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE CEO'S SWEETHEART   Crepe

    “Wade, are you even listening to me?”Caught up in his own thoughts, Wade only realized his father had been talking to him when his mind drifted back from wandering elsewhere. He straightened in his seat and met his father’s gaze.‘Yes, Sir.”Nanatiling nakatitig lang ang ama sa kanya. Napapansin na nitong panay silip ang ginawa niya sa kanyang phone na para bang may message na mababasa roon. It was a Saturday, yet here they were—sitting in his father’s office, discussing something his mind struggled to fully grasp. Kapag nagkataon, ini-enjoy na sana niya ang isa o dalawang bote ng light beer habang nakaupo sa kusina at inaantabayanang matapos si Tashi sa paghahain o sa paggawa ng assignments.“You seemed not in your element tonight.”Pasimple niyang itinaob ang phone sa mesa. Doon kasi nakatitig ang ama.“I hope it’s not some woman again?”His father folded his arms loosely across his chest, studying him with quiet curiosity. Pagkatapos ay sumulyap kay Rex. Thankfully, marunong umakt

  • THE CEO'S SWEETHEART   Conflicted

    Isang guhit. Isang guhit lang marking nakikita niya. Ang matinding worries, mistulang tinangay ng hangin at ng nag-uunahan sa paglandas na pawis sa noo niya. Pagod na napaupo siya sa kubeta na nakatungo lang sa hawak na PT. Ilang sandal rin siya sa ganoong ayos.“Tatlong anak,” lagi niyang sagot kapag napupunta roon ang usapan nila ng nanay niya.Apart from being successful, she had always dreamed of becoming a mother. ‘Yon dapat ang sagot niya sa tanong ni Wade noong minsang lumabas sila. Pero para ano pa at malalaman nito?Napalingon siya sa bote ng pills.She smiled sadly.‘Isasantabi ko muna ang pangarap na ‘yon.’She couldn’t have it with Wade.Pinunasan niya ang noo. Binalot ang PT at itinapon sa basurahan at pagkatapos ay naligo at sa pinakaunang beses, ininom niya ang pills. Minabuti niyang magbihis at mas piniling sa sala hintayin si Wade. Tila nahahaponhg nahiga siya sa sofa. Hinayaan niya lang na nakabukas ang TV kahit wala naman sa palabas ang buo niyang atensyon. Hanggang

  • THE CEO'S SWEETHEART   Fear

    Nagpatuloy ang mga araw na gaanoon ang setup nina Tashi at Wade. Tashi literally lived a double life. Siya pa rin ang Tashi na kilala ng pamilya kapag kausap niya ang mga ito. Kabaligtaran kapag silang dalawa na lang ni Wade. Kapag kausap niya isa man sa pamilya, kinukurot siya ng hiya at kunsensya. Kaya nga lagi siyang nagdadahilan kung bakit madalang siyang nagti-text o tumatawag.“Ang laki naman ng padala ng Tita Loida mo?”Kapag ganoon na ang takbo ng usapan, inaatake na kaagad siya ng kaba. Ayaw niyang magsinungaling pero kailangan. Buti na lang at hindi ugali ng Tita Merriam ang mag-socials. Ayaw rin nitong kausap ang Tita Loida. Safe pa rin ang mga pagsisinungaling niya… at the moment.“Tapos ka na?”Mula sa pagtutok sa phone kung saan niya nababasa ang message ng kapatid, nag-angat siya ng mukha at napatingin kay Wade. Nasa gilid ito ng pintuan, nakasilip sa kanya.“Nasa labas na si Mang Pancho.”Pumanhik si Wade sa silid niya. Kinuha ang bag at iba pang gamit at ito na ang ku

  • THE CEO'S SWEETHEART   Insane

    “D-date?”Wrong use of words. He must have refrained himself from using it knowing how Tashi would react. Sa reaksyon nito, alam na kaagad niyang aayaw ito. How clumsy of him.“Come on, Tash, it’s just dinner.”Pwede niyang huwag bawiin ang sinabi pero kailangan. He acted as casual as possible. Kusa na niyang pinatay ang stove na may nakasalang na kaserola at inunahan ng talikod ang babae. He acted like an asshole who wouldn’t accept no for an answer. Mahirap na, baka mag-tantrums pa at kung anu-ano ang sasabihin.“Wade?”Ayan na nga! Kabado siyang nilingon ito. Lalaki siya pero kinakabahan. Tashi, looking innocent and harmless, had a way of making him feel agitated.“Yes.”Napatingin si Tashi sa sarili. She was wearing a housedress. Bulaklakin. Simple ang damit na suot nito pero wala nang dapat idagdag pa. She looked dainty in it.“You look pretty in it already. Don’t mind changing.”“Okay. Kukuha lang ako ng jacket. Medyo malamig kasi.”It was a win for him. Baka pa magbago ang isip

  • THE CEO'S SWEETHEART   Date

    Kanina pa siya nakagayak. Sukbit niya ang bag sa balikat habang nakatayo sa labas ng gate. Ilang minuto na rin siya sa kinatatayuan pero walang Mang Pancho na dumating.“He’s not coming.”Napalingon siya kay Wade na nakatayo na sa tabi niya at sa kalsada rin nakatingin. Nakataas ang phone sa ere.“Family emergency.” Humakbang ito palapit sa kotse at binuksan ang passenger’s side. “Hop in.”Napatingin siya kay Wade. Nagtatanong ang mga mata. ‘Di naman kasi siya sanay na inihahatid nito sa school. Sanay siyang mag-commute. Wala naman sa usapan na ito ang maghahatid sa kanya sa school.“What?” untag ni Wade sa kanya nang lumipas pa ang ilang sandali.“May jeep naman.”“Tsk!”Tila nayayamot na kinuha nito mula sa kamay niya ang hawak na mga gamit at inilagak sa backseat.“Come on, Tashi. Time is ticking.” Nakaturo ang hintuturo nito sa suot na wristwatch.Atubili siyang sumakay. Komportable ang sasakyan pero hindi siya mapakali. Hindi talaga siya masanay-sanay sa magarang kotse nito.“You

  • THE CEO'S SWEETHEART   Towel

    Simula ng araw na ‘yon, sa bahay na halos naglalagi si Wade. Katunayan, naipon na nga ang mga damit nito sa closet nito. They were already practically living together. Sa magkabilang silid nga lang sila natutulog. Kadalasan, sa silid ni Wade nangyayari ang mga eskandalosong bagay sa pagitan nila. Kapag kasama niya ito, nababaon sa limot ang mga agam-agam, pati na ang mga turo ng mga magulang at ni Tita Merriam. Pakiramdam niya, para siyang nagbabagong katawan, nag-iiba siya sa mga yakap at haplos nito. Pero kapag humuhupa na ang init, doon bumabalik ang hiya.“Saan ka pupunta?”Naantala ang gagawin niya sanang pagdampot ng mga damit nang bigla na lang magsalita si Wade sa likuran niya. Nagtatanong ang mga matang napalingon siya sa lalaki. Wade had that look of disapproval. Nagsalubong ang mga kilay at matiim na nakatitig sa kanya.“Lilipat sa kabila?” naguguluhang sagot niya sa lalaki na mas lalong kinipkip ang kumot na nakabuhol sa gawing dibdib. Ilang beses man kasi siyang maghubad

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status