Share

Stranger

Penulis: Grace Ayana
last update Terakhir Diperbarui: 2025-01-14 15:46:29

“Late again, Miss Dizon.”

Pangatlong beses na na laging huli ang pagpasa ni Tashi ng plate sa architectural design, isa sa mga subjects niya sa architecture. Natural na masita siya ni Professor Lima. Buti na lang at tinanggap pa nito ang output niya. Pinagsabihan na siya nito noong huli niyang submission pero heto na naman siya, late na naman.

“Sorry po, Prof. Gagawin ko po ang lahat para on-time na ang submission ko sa susunod.” Kahit alam niyang hindi sigurdo pero nangako siya. Bukod kasi sa pag-aaral, kailangan niyang itawid ang paghahanap-buhay. Part-time cleaning at paminsan-minsang pagtatrabaho sa isang bar bilang isang waitress ang nakikipag-agawan sa oras niya.

“You better be, Miss Dizon. This plate,” itinaas ni Professor Lima ang plate niya, “this could have been graded higher than what I must give you.”

Nauunawaan niya. Unfair nga naman sa iba na mas on time kung matapos. Bawat araw niya sa university ay parang tumatawid siya sa manipis na lubid. Konting-konti na lang at baka bibigay na siya. Pambili pa lang ng materials, gahol na gahol na siya sa pera. Minsan, naiisip niya, nasa maling kurso siya. Kaya naman ng utak niya, hindi nga lang ng bulsa. Idagdag pa na maysakit ngayon ang kapatid niya.

Ang Tita Anselma niya na nangakong tutulungan siya sa matrikula at ibang gastusin, madalang pa sa tagtuyot kung magpadala sa kanya. Minsan, naiisipan na niyang sunggaban ang offer ni Marie. Hindi pa nga nagpi-prelim, taghirap na siya. Dapat nga sigurong sumama na lang siya sa mga kapatid niya nang kunin ang mga ito ni Tiya Maricar.

‘Hindi ka pwedeng mag-give up, Tashi.’

Walang atrasan sa pangarap niya para sa pamilya.

Matapos magpasalamat, lumabas na siya sa faculty office ng department of architecture at dumiretso sa PE class niya. Impunto alas dose na nang matapos ang klase. May isang oras at kalahati pa siyang bubunuin para sa susunod na subject. Uuwi na muna siya sa tinutuluyan. Nagmamadali ang mga hakbang niya nang bigla na lang ay pumatak ang ulan. Naghagilap siya ng payong sa bag pero wala siyang mahanap.

“Ang malas naman. Naiwan pa talaga.”

Ipinandong niya sa ulo ang bag habang palinga-linga sa paligid. No choice, sumilong siya sa isang café sa malapit. The moment na nalanghap ang amoy ng pagkain sa loob, nakaramdam siya ng gutom. Isang pirasong tinapay lang at kape ang inalmusal niya kanina. Kumakalam lalo ang sikmura niya.

‘Nakakagutom lalo.’

Napatingin siya sa labas. Mas lalong lumakas ang buhos ng ulan. Nakakahiyang tumunganga na lang na wala siyang oorderin. Mentally, binilang niya ang natitirang pera sa pitaka.

‘Bahala na.’

Lakas loob niyang ipinatong ang dalang libro sa isang nabakanteng mesa at lumapit sa counter habang nagpupunas siya ng panyo sa mukha at braso. Hinanap niya mula sa menu board kung alin ang pinakamurang pagkain. Napakagat labi siya. Mahal na rin kung susumahin ang pinakamura. Napasubo na rin lang.

“Meal A nga please, Miss.”

Nagbibilang siya ng pera habang nagpa-punch ang cashier. Sakto lang talaga ang pera niya. Bente pesos na lang talaga ang natira pero laking gulat niya ng mas mahal kesa sa inaasahan ang babayaran.

“Miss, ‘yong Meal A ang order ko,” reklamo niya sa cashier.

“Miss, meal C ang inorder mo. Na-punch ko na.”

Sa lakas ng boses ng babae, pinagtitinginan na tuloy siya ng iba. ‘Yong babaeng pangatlo sa pila mula sa kanya, nakasimangot na. May isa pa namang lalaki sa likod niya pero mukhang ito pa yata ang hindi na makapaghintay. Atat na atat na matapos siya.

‘Napaka-insensitive naman!’

“Miss, naghihintay ang iba.”

Isa pa itong cashier. Pasubo talaga. Hindi niya ugaling nakikipagtalo kaya, naghalungkat siya sa lahat ng sulok ng bag niya. Baka lang kasi may napadpad na pera sa secret pocket ng bag.

“Sandali lang ho.”

Sa malas, wala talaga. Naku-conscious na siya sa mga tinging ipinupukol sa kanya ng iba. Nahulog pa nga ang isa sa mga drawing pencils niya kakakalikot niya sa bag pero hindi na niya iyon pinansin.

“Your pen.”

Bigla na lang lumitaw sa harapan niya ang pencil at basta na lang hinablot iyon mula sa kung sino mang pumlot na may baritonong boses.

“Thank you,” pasasalamat niya sa lalaking iyon at patuloy sa paghahanap pero wala siyang mahagilap. Namumula ang lahat ng sulok ng kanyang mukha. Sobrang nakakahiya talaga.

“Ako na. I’ll pay for it, Miss.”

Ito ‘yong baritonong boses na nagsalita kanina.

“Isama mo na lang ang bill niya, Miss. One hot coffee for me. Any flavor.”

Ang pagkain ba niya ang sinabing babayaran ng lalaki na nasa likod niya?

Buong isang libo ang nakita niyang inilapag ng kung sino mang lalaki sa counter. Ang cashier, biglang nagbago ang aura. Nawala ang simangot at ngumiti bigla.

Sa kabila ng nakakahiyang sitwasyon, nagawa pa talaga niyang pagtuunan ng pansin ang kamay na naglapag ng pera sa counter. Maputi ang balat na exposed sa nakalukot na manggas ng sweater. Hindi naman ‘yong OA sa kaputian. Kapansin-pansin ang relos na suot nito sa matipunong bisig. Mukhang mamahalin.

At ang amoy na tila nanuot sa ilong niya nang humakbang ito at pomosisyon sa gilid niya, parang nangibabaw sa lahat ng amoy sa paligid. Ang sarap lang sa pang-amoy.

Dahan-dahan siyang napalingon sa lalaki. Hindi niya kaagad naaninag ang mukha nito. Basa ang ilang hibla ng buhok at may patak-patak ng ulan sa suot nitong kulay gray na damit na humulma sa matikas na katawan. Ang tangkad ng lalaki. Para siyang nauunano habang katabi ito.

Parang nawiwiling namaybay pa ang mga titig niya patungo sa mukha nito. Para lang kasing kinaalabit siyang makita ang buong mukha ng mama. Well-defined jawline na may maliliit na balbas at ang tangos ng ilong nito. Habang nakikipag-usap ito sa cashier, ramdam niya ang otoridad at confidence sa kilos nito.

“Is that all you need?”

Napalunok siya nang direktang tumitig ang lalaki sa kanya. Para siyang namalikmata at hindi kaagad nakapagsalita at napatitig na lang sa magandang pares ng mga mata nito. Kulay gray na may hint ng emerald. Tama nga ang hinala niya, ang gwapo ng lalaki.

“Ayaw mo bang kunin ang pagkain mo?”

Kinakausap siyang muli ng lalaki na ngayon ay naguguhitan na ng kunot ang noo. Tanga siguro ang tingin nito sa kanya kaya, inipon niya ang lakas na magsalita.

“S-sir, binayaran ninyo po ba ang pagkain ko?”

Mas lalong kumunot ang boo nito. Napapailing na isinuksok sa bulsa ng itim na pantalon ang pitaka ngunit hindi inaalis sa kanyang mukha ag titig. “Look, I’m in a hurry. Kung hindi ka kakain, you better step aside para matapos ako.”

Para na itong naiinis. Napapahiya niya namang kaagad na dinampot ang tray na kinalalagyan ng pagkain. Sobrang abala na nga ang idinulot niya.

“Salamat po talaga,” pasasalamat niya sa lalaki na bahagya pang iniyukod ang ulo pero mukhang hindi na nito narinig ang sinabi niya.

Bumalik siya sa mesa na hindi nawawala sa isip na pormal na magpasalamat. Habang nakaupo sa pang-isahang mesa, hindi niya inalisan ng titig ang gwapong mama. Nakamamangha lang ang confidence nito.

Artista kaya ito? Para kasi itong naligaw sa café na ito.

Ang mga tao sa paligd, sa lalaki rin nakatingin. Halos magkanda-mali-mali pa nga ang cashier kakatitig nito sa mama at walang tigil sa pa-cute. Natapos ang order ng mama. Bitbit na nito ang isang cup ng kape at naglakad patungo sa isang mesa malapit sa kanya. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng hiya. Kape lang ang binili nito, damay pa ang pagkain niya. Habang umiinom ng kape, panay ang sulyap nito sa orasan sa bisig. Again, may gitla na naman ng kunot sa noo nito. Para bang nagmamadali at naiinis na tumitig sa labas.

Dahan-dahan na nga palang tumila ang patak ng ulan.

Baka makaalis ito na hindi man lang nakapag-thank you. Hawak sa kamay ang pera niya, nilakasan niya ang loob na lapitan ito.

“E-excuse me po, Sir.”

Binigyan siya ng atensyon ng lalaki. Sumandal ito sa backrest ng upuan at tumingala ito sa kanya. Sa lakas ng dating nito, nag-aatubili tuloy siyang magsalita. Nakaka-intimidate ito.

“Spell it out. Lalamig ang pagkain mo.”

Nahihiya siyang ilapag ang kulang na pera sa bulsa sa harapan nito. Ngunit hindi pa man nakapagsalita, nag-ingay na ang phone nito na hinugot nito sa bulsa ng pants.

“Just enjoy your food and leave me in peace,” anito bago sinagot ang tawag.

Senyales na dapat na nga siyang umalis sa harapan nito. Tinapunan pa niya ng sulyap ang mama bago bumalik sa pwesto. Susundin niya na lang ang payo nito, i-enjoy niya ang libreng pagkain. Chicken, rice at may baked mac pang kasama at large pineapple juice. Bubusugin niya na lang ang sarili dahil bukas, baka wala na siyang makain pa.

Sa kalagitnaan ng magana niyang tanghalian, nakita niyang tumayo ang lalaki at sininop ang mga gamit nito. Nabitin sa ere ang tinidor niya at sinundan ito ng tingin hanggang sa sumaradong muli ang pintuang nilabasan nito. Nakita niyang may humintong magarang kotse sa kinatatayuan mismo ng mama. Sumakay ito sa front seat at tuluyan na ngang umalis. Hatid pa niya ng tanaw ang kotse mula sa glass wall ng café hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin.

Ano kayang pangalan nito?

“Kahit nakakahiyang tumanggap ng libre mula sa isang estranghero, thank you po,” bulong niya sa hangin.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Ewan pero parang mas sumasarap yata ang lasa ng pagkain habang naiisip niya ang gwapong mukha ng lalaki. Hindi kasi araw-araw na may gwapong estrangherong manlilibre ng pagkain. Saka niya natuklasan, napapangiti siya habang nakatungo sa libreng pagkain.

 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • THE CEO'S SWEETHEART   Julian

    They stayed like that for some moments. Nakaupo siya sa kandungan nito, magkayakap, habang panay ang kintal ni Wade ng halik sa kanya. Ganoon din ang ginagawa nitong paghagod sa likod at maging sa braso niya.“I believe you have a passport.”“Uhm,” sagot niya nang hindi nagbabago ng posisyon. Ang sarap lang kasi ng ayos niya.“That’s a relief.”Bahagya siyang lumayo rito at tiningnan ang mukha nito. Para nga itong relieved sa kung anong bagay.“Dala-dala mo ba?”“Nasa condo.”Tumingin si Wade sa wristwatch niya. “We still have time. As much as I enjoy cuddling, may importante tayong gagawin.” Maingat siya nitong inalalayan makatayo, at tumayo na rin ito kasunod niya.“May appointment ka bang nakaligtaan ko?” tanong niya habang inaayos ang suot at sumisilip sa organizer sa mesa.“Tayo.”He was being playful. Imbes na palawigin ang sagot, kinuha nito ang kamay niya, sabay abot ng keys at phone, at inakay siya palabas ng opisina. Bumaba sila ng building at nag-drive patungong condo para

  • THE CEO'S SWEETHEART   Prayer

    Umuukilkil ang matinis na tunog ng alarm clock na nsa bedside table sa kanyang tenga. It was exactly six in the morning. Bago pa niya iyon maabot para patayin, may mas malaking kamay na ang nauna sa kanya. Gaunpaman, bumangon na rin siya pero kaagad ding napahigang muli nang hilahin siya ng matipunong brasong iyon pabalik sa kama.“Come back to bed,” ang naglalambing na bulong ni Wade kanyang tainga.The moment he pulled her close, lumingkis agad ang braso nito sa katawan niya at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg. He was sniffing her skin, eyes still closed. Nakikiliti naman siya sa pagsayad ng mainit nitong labi sa kanyang balat.“May importante kang meeting today,” paalala niya, kahit halos mabasag ang boses niya sa kiliting dinudulot nito. She needed to remind him. Baka kagaya noong isang araw, pareho silang tanghali nang pumasok dahil sa kapilyuhan ng lalaking ito.“I hate coming to that meeting.”His words were almost muffled. Nakadikit pa rin kasi ang bibig nito sa leeg niya. Na

  • THE CEO'S SWEETHEART   Heat

    Halos mabingi siya sa malakas na kabog ng puso niya.Hinaklit siya ni Wade sa beywang at niyakap. Isang yakap lang at nagbabanta na naman siyang malunod sa mga pamilyar na pakiramdam. Gayunpaman, pinilit niyang manulak. Napabitiw siya sa lalaki.“Lasing ka. Umuwi ka na.”Tinangka niyang isarado ang pinto pero mabilis iyong napigilan ni Wade. The door swung open. Napaatras siya at napapikit nang pabalandra iyong ibinalya ni Wade. She could see the urgency in his eyes, along with the anger he was trying to control.Humakbang ito, umatras siya.Habang nakakulong sa silid na ganito ang ayos ng lalaki, alam niyang hahantong sila sa hindi maganda. Because right now, she was feeling emotions she should never allow herself to feel again. Maiisantabi na naman ang tatag niya kagaya kahapon.“Hindi ako lasing,” mariin ang boses ni Wade. He was determined. Humakbang ito ng isa pa. Kada abante, napapaatras naman siya hanggang sa bumunggo siya sa dingding. Wade cornered her with his massive body. P

  • THE CEO'S SWEETHEART   Tormented

    She acted as normal as possible, but shame got the better of her. Ang tapang niyang gumawa ng mali kanina, pero ngayon, nilukob ng hiya ang buong pagkatao niya. Ginugulo ng halik na ‘yon ang buong pagkatao niya. That kiss occupied her thoughts. Too occupied that she even startled when the intercom buzzed.Ang security ang tumawag.“Nandito na po sa baba si Mr. Samaniego, Ma’am.”“Paakyatin na lang ho ninyo, Kuya.”Tumayo siya at hinintay ang panauhin sa foyer. Hindi naman natagalan, bumukas ang elevator at iniluwa ang isang batang executive. Kagaya ni Wade, malakas ng dating ng bagong dating. May nakahandang ngiti kaagad at mukhang ang gaan lang ng personality. She must say, ang saya nito, nakikita sa kislap ng mga mata.“Good day, Sir. I am Miss Dizon, Mr. Carvajal’s secretary. Let me escort you to his office.”“So, you’re the new secretary.”Naglahad ng kamay ang lalaki, at tinanggap niya iyon. Pagkatapos ay iginiya niya ito patungo sa opisina ni Wade. Inihatid niya lang si Mr. Sama

  • THE CEO'S SWEETHEART   Closer

    Kakaiba ang gising niya sa umagang ito. Magaang lang sa pakiramdam. Bigla na lang siyang naging excited sa pagpasok. She didn’t know what would await in the office but she harbored what Wade said last night.“Let’s be civil with each other.”Sino ba naman kasi ang ayaw na magtrabaho na walang bangayan, walang ilangan?Tinapos niya ang chocolate at nag-ayos ng sarili. Pagbukas niya ng closet, ang naakahanay na mga iniwang damit ni Myrtle ang tumambad sa mga mata niya. Ilan sa mga iyon, hindi pa nagagamit. Naglakbay ang mga daliri niya at isa-isang sinilip ang naka-hanger na mga damit at huminto ang kamay niya sa pulang damit na sa tantiya niya ay hanggang itaas ng hita ang length. Medyo hapit iyon sa baywang at may kalaliman ang neckline.“Too provocative.”She settled for that classic corporate look.“Magtrabaho ang pakay mo, Tashi, hindi magpa-impress.”Inalis ang tuwalya sa ulo at nagsimula nang magbihis at bumaba.She was earlier than usual. May time pa siyang dumaan sa isang baker

  • THE CEO'S SWEETHEART   Almost

    Tahimik lang silang nagbiyahe ni Wade. She could tell he was mad. Mariin ang pagkakahawak nito sa manibela habang tuwid lang na nakatitig sa daan. Not until she found out where Wade had parked his car.Nagtatanong ang mga mata niyang napatingin sa katabing lalaki. Sa mismong tapat ng condo na tinutuluyan sila humantong. Kasalukuyan nang nagtatanggal ng seatbelt si Wade pero hindi niya pa rin niya magawang tuminag.“Bumaba ka na.”Nabuksan na pala ni Wade ang passenger’s side at naghihintay na ito sa pagbaba niya. Paglingon niya rito, nakita niya kung paanong naging kulay kape ang bandang kanan ng puting long sleeves ng amo.Nakaka-guilty lang.Kaya naman, nagmamadali siyang umibis at sumunod sa lalaki patungo sa elevator. Alam na ni ni Wade kung anong floor ang pipindutin, at ang unit na tutunguhin. Ito lang naman ang may-ari ng tinitirhan.Pagbukas ng pinto basta na lang nito initsa sa wooden center table ang phone at car keys. Nagmamadali itong naglakad patungo sa banyo habang sinim

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status