Share

CHAPTER 4

Author: NIGHT
last update Petsa ng paglalathala: 2026-07-14 21:51:21

"Alam kong ayaw mo na pinipilit o tinatakot ka ng kahit sino."

Tahimik na tumingala si Nancy kay Oliver Mendoza—ang lalaking kilala sa buonbansa bilang ang pinakabatang negosyanteng nakapagtayo ng sarili niyang imperyo.

Ngunit sa kabila ng yaman at impluwensiya nito, mas kilala siya ng mga tao sa ibang pangalan.

The Cold King of Mendoza Holdings.

"Pero ano bang magagawa ko?" mahina niyang dagdag, pilit pinatatatag ang boses. "Lubog na sa problema ang pamilya ko at ayaw mo naman akong pakinggan."

Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Oliver.

Parang marmol.

Parang walang anumang salita ang kayang makabasag sa pader na itinayo niya sa paligid ng sarili.

"Kung iniisip mong maaawa ako, mali ka ng taong pinili."

Diretso ang titig niya kay Nancy.

"At kung iniisip mong magbabago ang desisyon ko dahil sa drama, lalo kang nagkakamali."

Bahagyang ngumiti si Nancy.

Hindi iyon masayang ngiti.

Iyon ang ngiti ng isang taong alam na wala na siyang ibang pagpipilian.

"Ganito ka pala talaga kalamig, Mr. Mendoza."

"Hindi ako malamig."

"Kung gano'n?"

"Makatotohanan lang ako."

Nagtagpo ang kanilang mga mata.

Sa unang pagkakataon mula nang magkakilala sila, tila nakita ni Nancy kung gaano kalalim ang pagod sa likod ng malamig nitong mga mata.

Ngunit nawala rin iyon agad.

Parang ilusyon lamang.

"Kung wala ka nang ibang sasabihin, tapos na tayo rito."

Tumalikod si Oliver.

Ngunit bago pa man siya makalakad palayo ay nagsalita muli si Nancy.

"Hindi ako aalis."

Huminto ang lalaki.

"Anong sabi mo?"

"Hindi ako aalis hangga't hindi mo ako pinakikinggan."

Unti-unting humarap si Oliver sa kanya.

"Sinusubukan mo ba akong hamunin?"

"Hindi."

Huminga nang malalim si Nancy.

"Sinusubukan ko lang iligtas ang sarili ko."

Tahimik na naghari sa silid ang ilang segundo.

Pagkatapos ay malamig na nagsalita si Oliver.

"Dalhin ninyo siya palabas."

Agad na kumilos ang dalawang bodyguard.

Ngunit bago pa sila makalapit ay napahawak si Nancy sa tiyan niya at napayuko.

"Sandali..."

Napakunot ang noo ni Oliver.

"Ano na naman ang palabas na ito?"

"Hindi ako nagsisinungaling."

Pinilit ni Nancy na tumayo nang maayos kahit nanginginig ang mga kamay niya.

Sa unang pagkakataon ay nakita ni Oliver ang takot sa mga mata nito.

Hindi galit.

Hindi kaplastikan.

Takot.

At iyon ang bagay na hindi niya inaasahang makita.

Matagal siyang nakatingin dito bago tuluyang nagsalita.

"Kung gusto mong marinig kita, sasama ka sa akin."

"Saan?"

"Hindi mo kailangang malaman."

---

Makalipas ang halos isang oras, huminto ang itim na luxury sedan sa harap ng isang napakalawak na ancestral mansion sa San Juan.

Napalingon si Nancy sa matataas na bakal na gate at sa lumang bahay na tila ilang dekada nang nakatayo roon.

"Nasaan tayo?"

Hindi sumagot ang driver.

Sa halip ay si Oliver mismo ang nagsalita habang bumababa ng sasakyan.

"Sa lugar kung saan ginagawa ang mga desisyong hindi kayang baguhin ng kahit sino."

Naguguluhan man ay sumunod si Nancy.

Habang papasok sila sa mansyon ay naamoy niya agad ang halimuyak ng sandalwood at lumang kahoy.

Ang buong lugar ay tila isang museo ng kapangyarihan at tradisyon.

Sa gitna ng sala ay nakaupo ang isang matandang lalaki na may hawak na rosaryo habang tahimik na umiinom ng tsaa.

Hindi niya kailangang magtanong kung sino ito.

Siya si Don Gregorio Mendoza.

Ang lalaking minsang tinawag ng media bilang hari ng negosyo sa Pilipinas.

At ang taong sinasabing mas kinatatakutan pa kaysa sa kanyang apo.

"Lo."

Bahagyang yumuko si Oliver bilang pagbati.

Tumingin ang matanda sa kanya.

"Sa wakas ay naalala mo ring buhay pa ako."

"Balita ko maganda naman ang kalusugan mo."

"Kung maganda talaga, mas gaganda pa kung hindi ka sakit ng ulo."

Bahagyang natawa si Oliver.

Si Nancy naman ay tahimik lamang na nagmamasid.

Maya-maya ay napansin niya ang isang eleganteng babae na nakatayo malapit sa matanda.

Mahinhin.

Maayos.

At halatang galing sa mayamang pamilya.

"Siya si Cassandra Lee," sabi ni Don Gregorio.

"Tanda mo pa siguro siya."

"Hindi."

Diretsahang sagot ni Oliver.

Hindi man lamang kumurap.

Ngumiti nang alanganin ang babae.

Ngunit ipinagpatuloy ng matanda ang pagsasalita.

"Magaling siya, edukada, at alam kung paano mamahala ng negosyo. Ang isang katulad niya ang nararapat na maging asawa ng susunod na hahawak ng Mendoza Group."

Natahimik ang buong sala.

Pagkatapos ay diretso niyang sinabi—

"Napagdesisyunan ko na. Magpapakasal kayo."

Bahagyang napataas ang kilay ni Oliver.

"Talaga?"

"Sa susunod na buwan."

"Tila mabilis yata."

"Hindi na ako bumabata."

Tahimik na napabuntong-hininga si Oliver.

Samantalang si Nancy ay halos mabulunan sa narinig.

Lumapit siya nang bahagya rito at pabulong na nagsalita.

"Kaya mo pala ako dinala rito."

Hindi siya sinagot ng lalaki.

Sa halip ay malamig lamang itong tumingin sa kanya.

At doon niya naintindihan.

Ginagamit siya nito.

Gusto nitong pigilan ang kasal.

At siya ang napiling sandata.

Napangiti si Nancy.

Kung laro ang gusto nito—

maglalaro siya.

Tumayo siya mula sa kinatatayuan.

At bago pa man matapos magsalita si Don Gregorio ay bigla niyang pinutol ang usapan.

"Hindi po ako sang-ayon."

Sabay-sabay silang napalingon sa kanya.

Nagsalubong ang kilay ng matanda.

"At sino ka naman?"

Tahimik na naglakad si Nancy palapit sa tabi ni Oliver.

Pagkatapos ay ngumiti siya.

Isang kumpiyansang ngiti na tila walang anumang kinatatakutan.

"Magandang gabi po."

Iniabot niya ang kamay niya kay Don Gregorio.

"Ako po si Nancy Manalo."

Sandaling tumigil ang buong sala.

Pagkatapos ay malinaw niyang sinabi—

"At ako po ang babaeng pakakasalan ni Oliver Mendoza."

Napatigil maging ang hangin sa loob ng mansyon.

Habang si Oliver naman ay nanatiling walang emosyon ang mukha.

Ngunit sa kaibuturan ng kanyang mga mata—

tila may kung anong unang beses na gumalaw.

At iyon ang simula ng gulong hindi na kayang pigilan ng kahit sino.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 61

    Iminulat ni Oliver ang kanyang mga mata. Ang kanyang maitim na mga mata ay malamig na nakatitig kay Yanna.Nataranta si Yanna sa ilalim ng kanyang tingin, ngunit hindi siya umatras. Naalala niya kung paano hinalikan ng babaeng iyon si Oliver. Pinatatag niya ang kanyang loob, yumuko palapit, at akmang ididikit ang kanyang mga labi sa kanya.Biglang kumislap ang mga mata ni Oliver sa lantad na galit habang marahas niya itong itinulak palayo.Bumagsak si Yanna sa sahig. Malakas na tumama ang kanyang tuhod sa matigas na sahig, at sa sobrang sakit ay tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha.“Sir, bakit? Kung kaya niyang gawin iyon, bakit hindi ko puwede? Hindi naman ako mas mababa kaysa sa kanya…”Mula sa kanyang kinatatayuan, malamig na tiningnan siya ni Oliver.“Asawa ko siya. Ikaw, ano ka?”Natigilan si Yanna.Asawa pala talaga niya ang babaeng iyon?Kailan pa siya nag-asawa? Isang lalaking katulad niya,

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 60

    Inalalayan ni Felix si Oliver pabalik sa penthouse apartment at pinaupo siya sa sofa. Inihagis sa tabi ang kanyang amerikana. Gusot ang kanyang puting polo sa ilalim ng ilaw, nakatiklop hanggang siko ang mga manggas nito, at nakabukas ang kuwelyo. Nakasandal siya sa sofa. Ang kanyang relaks na katawan ay payat at maayos ang hubog. Sa bawat paglunok niya ay gumagalaw ang kanyang Adam's apple. Hindi na siya katulad ng dati na malamig at marangal ang dating kapag tuwid na nakaupo. Sa halip, mayroon siyang kakaibang kaakit-akit na aura. May bakas ng pagod matapos uminom sa kanyang mga mata at mukha. Maputla ang gilid ng kanyang mga labi, at ang buong katawan niya ay tila puno ng matinding pagkapagod. “Sir, tatawag po ba ako ng doktor?” mahinang tanong ni Felix. Nanatiling nakapikit si Oliver habang marahang idinidiin ang kanyang mga daliri sa gitna ng kanyang noo. “Hindi na kailangan.” “Kung ganoon, ipapadala ko na lang sa front desk ang tsaa para sa hangover.” “Mm.” Tahimik na lum

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 59

    Mariing suminghal ang Ikalawang Dakilang Tiyuhin. Puno ng pangungutya ang kanyang boses habang sinasabi, “Ikaw na ngayon ang pinuno ng pamilya Mendoza—paano naman namin matatanggap ang tagay mo?” Mas direkta naman ang Unang Dakilang Tiyuhin. Hindi man lang niya tinanggap ang baso at nanatili lamang siyang nakatayo, na parang hindi niya nakikita si Oliver. Lahat ng naroon ay nanonood sa nangyayari. Puno ng paghamak ang kanilang mga mata habang palihim na nagkakatinginan, naghihintay na mapahiya siya. Ganap nang tumalab ang alak. Napakabilis ng tibok ng puso ni Oliver na parang sasabog na ito. Umapaw ang dugo sa kanyang ulo, namula nang kakaiba ang kanyang leeg, umuugong ang kanyang mga tainga, at hindi mapigilan ang panginginig ng kamay na may hawak sa baso ng alak. Nang malapit na siyang mawalan ng kontrol, biglang inagaw ng kanyang Ikatlong Dakilang Tiyuhin ang baso mula sa kanya. Sinulyapan siya nito sa gilid ng mata, saka itinaas ang ulo at inubos ang laman ng baso sa isang lago

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 58

    Hindi na ito katulad ng dati niyang a halik na napilitan lang siyang tanggapin; ang halik na ito ay puno ng galit at parang isang parusa.Mariin nitong pinilit na bumuka ang kanyang mga labi, saka ipinasok ang dila nito sa kanyang bibig at hinalikan siya nang mabagsik at walang tigil, na para bang gusto nitong pagbayaran niya ang pagsuway niya kanina.Hinalikan si Nancy hanggang halos hindi na siya makahinga. Namula ang kanyang mga mata, at mahigpit pa rin ang pagkakahawak ng kanyang mga daliri sa sinturon. Dahil man sa hiya, sama ng loob, o matinding galit, mariin niyang kinagat ang labi ni Oliver.Agad na kumalat ang lasa ng dugo sa pagitan ng kanilang mga labi.Mahinang napadaing si Oliver. Hinawakan niya ang baywang ni Nancy at mas lalo pa itong hinila palapit sa kanya. Mas naging mabagsik ang kanyang paghalik, na para bang wala siyang pakialam sa sakit.Nanghina si Nancy sa tindi ng halik nito. Unti-unting nawalan ng lakas ang kanyan

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 57

    Agad na nagmukhang kawawa si Yanna at naunang magreklamo "Mr. Oliver napalinis kona po sa dry-clean ang mga damit ninyo. Pumarito ako para ibigay ito sa inyo, pero nilait niya ako…"Lumapit si Oliver kay Nancy, tumingin sa kanya, tsaka iniharap ang malamig niyang tingin kay Yanna "Bakit mo siya ginagago?"Nanginig si Yanna at ibinuka ang bibig para magpaliwanag.Inilahad ni Oliver ang kanyang kamay "Akin na ang bag."Dahil walang magawa, ibinigay ni Yanna ang paper bag, tsaka tumagilid at sinadyang humilig sa mga bisig nito na tila nanghihina.Bahagyang gumalaw si Oliver at mahinahong umiwas sa kanya.Natisod siya at napahiya nang mabagsak sa lupa, kung saan lumagpak ang mga tuhod niya sa tapat mismo ng mga paa ni Nancy."Patawad… bigla lang akong nahilo," mabilis niyang paliwanag, nang hindi pinapansin ang nakakahiyang kinalalagyan niya.Tumingin sa kanya si Oliver mula sa itaas, walang anumang emosyon sa mukha.Pinanood ni Nancy ang gawa-gawang palabas na ito nang may malamig na tin

  • THE COLD BILLIONAIRE HUSBAND WHO COULDN'T RESIST ME   CHAPTER 56

    Sa timog-kanlurang sulok ng silid ay may isang malaking aparador na puno ng iba't ibang damit at mga gamit ng lalaki.Dahil bukas ito papunta sa silid, wala anumang humaharang sa kanyang paningin. Paglingon pa lang ni Nancy, agad niyang nakita ang isang napakaakit na tanawin.Nakatayo ang lalaki sa harap ng malaking salamin habang nakatalikod sa kanya. Ang matangkad at tuwid nitong katawan ay may malamig at mailap na aura na tila nagsasabing, "Lumayo ka."Itinaas nito ang kamay at mabilis na inangat ang laylayan ng kanyang pambahay na damit, pagkatapos ay maayos na hinubad iyon.Nalantad sa hangin ang kanyang hubad na pang-itaas na katawan.Malapad at matikas ang kanyang mga balikat, malinaw ang hugis ng kanyang likod, at ang makitid niyang baywang ay pababa sa kanyang tiyan. Kita ang hubog ng kanyang mga kalamnan, at wala kahit kaunting sobrang taba sa kanyang katawan.Nang basta na lamang niyang ihagis sa tabi ang hinubad na damit, bahagyang gumalaw ang mga kalamnan sa kanyang likod

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status