登入Napakalamig ng tingin ni Oliver habang nakatingin kay Nancy.
"Akala ko ba ako lang ang ginulo mo noon?" Napakurap si Nancy. Sa tabi nila ay napakamot na lamang sa ulo si Dr. Adrian, ang matalik na kaibigan ni Oliber at direktor ng pribadong ospital ng pamilya Mendoza sa Tagaytay. "Hoy, Oliver, huwag mo namang gawing interrogation room ang ospital ko." Ngumiti si Nancy at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko. "Wala kaming relasyon noon, Doc. Inosente ako." Bahagyang lumapit siya kay Oliver at pabulong na nagsalita. "Magkaibigan pala kayo?" Isang hibla ng buhok niya ang dumampi sa dibdib ng lalaki. Agad na umiwas ng tingin si Oliver. "Lumayo ka sa akin." Sa halip na mainis ay napangiti lamang si Nancy. "Kung alam ko lang noon na kaibigan mo siya, ikaw na sana ang niligawan ko." Hindi siya pinansin ni Oliver. Napailing si Adrian. "Pwede bang unahin muna natin ang test bago ang love story?" Doon lamang napagtanto ni Nancy na pagmamay-ari pala ng pamilya Mendoza ang ospital. Kaya pala dito siya dinala ni Oliver. Hindi siya nito pinaniniwalaan. Sa totoo lang, mukhang wala itong pinagkakatiwalaan kahit sino. Nang ilabas ng nurse ang hiringgilya, agad niyang iniabot ang kanyang braso. Mula sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang ganoon din ang ginawa ni Oliver. Maputi ang balat nito at malinaw ang mga ugat sa kanyang braso. Ngunit may napansin siyang mga lumang peklat. Mga bakas ng sugat na matagal nang naghilom. Hindi iyon mukhang aksidente. Parang mga marka ng isang nakaraan na pilit itinatago. Paano nagkaroon ng ganoong mga sugat ang isang lalaking ipinanganak na may gintong kutsara sa bibig? "Aray!" Napapikit si Nancy nang tumama ang karayom sa kanyang balat. Napangiwi siya at agad na umiwas ng tingin. Napatingin si Oliver sa kanya bago bahagyang ngumisi. "Takot pala sa injection." Hindi na siya nagsalita pa. Makalipas ang ilang minuto ay natapos ang blood extraction. "Gaano katagal ang resulta?" tanong ni Oliver habang inaayos ang manggas ng kanyang mamahaling polo. "Mga isang oras," sagot ni Adrian. Umupo si Oliver sa bench sa hallway at ipinikit ang mga mata. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ni Nancy. Ang ama niya. "Nancy umuwi ka na. Hindi magandang tao si Oliver Mendoza. Hahanap ako ng paraan para maisalba ang kumpanya." Napatingin siya sa lalaking nakaupo sa malayo. "Dad, ayos lang ako. Konting oras pa at uuwi rin ako." Pagkababa niya ng tawag ay sunod-sunod namang tumawag ang kanyang ina, ang kanilang abogado, at maging ang kanilang matagal nang katiwala sa bahay. Lahat sila ay iisa ang sinasabi. Umuwi na siya. Napamulat si Oliver dahil sa sunod-sunod na ringtone. Hindi niya alam kung bakit, pero tila may kakaibang bigat sa bawat tawag na natatanggap ng babae. Biglang bumukas ang p***o ng laboratoryo. Lumabas si Adrain habang hawak ang resulta. May kakaibang ekspresyon sa mukha nito. "Congratulations, Oliver." Tumayo si Oliver. "Magiging ama ka na." Parang huminto ang oras. Napalingon si Nancy. Nagtagpo ang kanilang mga mata. Agad na inagaw ni Oliver ang papel mula sa kamay ni Adrian. Mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Parang hindi siya makapaniwala. Ngumiti si Nancy. "Naniniwala ka na ba ngayon na hindi ako nagsisinungaling?" Tahimik lamang si Oliver. Sa unang pagkakataon, nakita niyang may emosyon sa malamig na mukha nito. Lumapit siya. "Tara na." Napakunot-noo si Oliver. "Saan?" "Sa city hall." Napatigil ang lalaki. "Para sa marriage license, siyempre. Ayaw mo naman sigurong lumaking walang ama ang anak mo." Nanigas ang ekspresyon ni Oliver. "Sino ang nagsabing hahayaan kong maisilang siya?" Parang may malamig na tubig na ibinuhos sa ulo ni Nancy. "Ano?" "Kung buntis ka nga, mabuti pang tapusin na natin ito habang maaga pa." Tahimik ang buong hallway. Maging si Adrian ay natigilan. "Oliver..." "Adrian, ayusin mo ang schedule." Hindi makapaniwala si Nancy sa narinig. "Anak mo ito." "At ano ngayon?" Napalunok siya. "Handa mong alisin ang sarili mong anak?" Tahimik na tumitig si Oliver sa kanya. Parang walang anumang emosyon sa kanyang mga mata. Napatawa si Nancy. Pero walang saya sa tawang iyon. "Magaling." Tumango siya. "Kung ayaw mo, ayoko rin." Nagulat si Adrain. "Nancy, huwag kang magdesisyon nang padalos-dalos." "Okay lang, Doc." Tumingin siya kay Oliver. "Kung ang ama niya ay isang lalaking kayang talikuran ang sarili niyang anak, baka mas mabuti pang huwag na lang talaga siyang isilang." Biglang bumigat ang hangin sa paligid. Kahit si Adrain ay napatingin kay Oliver. Alam niyang delikado ang sinabi ni Nancy. Ngunit hindi man lang kumurap si Oliver. Sa halip ay malamig lamang itong tumitig sa kanya. Huminga nang malalim si Nancy. "Sige." Iniabot niya ang kanyang kamay. "Pero may kondisyon." Napataas ang kilay ni Oliver "Isang bilyong piso." Napasinghap si Adrain. "Isang bilyon?!" "Tama naman, hindi ba?" Diretso siyang tumingin kay Oliver. "Kung gusto mong mawala ang problemang ito, may kapalit." Napangisi ang lalaki. "Hindi ka na nagpapanggap ngayon." "Tungkol saan?" "Gusto mong iligtas ang kumpanya ng pamilya mo." Sandaling natahimik si Nancy. Pagkatapos ay ngumiti siya. "Mahusay ang intelligence network mo, Mr. Mendoza." "Lubog sa utang ang Manalo Group at eksakto namang lumapit ka sa akin." Nagkibit-balikat siya. "Hindi naman mahirap pagdugtungin ang mga piraso." Tumango si Nancy. "Tama ka." Diretso niyang sinalubong ang tingin nito. "Hindi ko kailangang pakasalan ka." "At hindi ko rin pangarap na maging asawa mo." "Pero kung ipipilit mong alisin ko ang batang ito, isang bilyon ang kabayaran." Napabuntong-hininga si Adrian. "Pareho kayong talo diyan." Tahimik si Oliver Pagkatapos ay nagsalita siya. "Paano kung pakasalan kita?" Napakurap si Nancy. "Isang bilyon pa rin." Napangiti si Oliver. "Magbabayad ako para sa kasal at magbabayad din ako para sa problema." "Talagang marunong kang makipagnegosasyon." Hindi natinag si Nancy. "Para sa isang tulad mo, maliit na halaga lang ang isang bilyon." "Para sa iyo, hindi." Humugot siya ng cellphone sa kanyang bag. "Isang tawag ko lang at malalaman ito ng lolo mo." Biglang tumahimik si Adrian. "Kung ayaw mo sa akin, sigurado akong interesado siya sa magiging apo niya." Napatingin si Oliver sa kanya. Matagal. Napakatagal. "Diretso ka palang lumaban." "Mas gusto ko ang malinaw na usapan." Unti-unti siyang nilapitan ni Oliver. Isang hakbang. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa maramdaman niyang nasa likuran na niya ang malamig na pader. "Ano pa ang alam mo tungkol sa pamilya ko?" "Wala na." Diretso siyang tumingin sa mga mata nito. "Ikaw lang ang kilala ko sa mga Mendoza." Tahimik si Oliver. Pagkatapos ay bahagya itong yumuko. Napakalapit. "Hindi ka ba natatakot sa akin?" Narinig niya ang sariling tibok ng puso. Ngunit hindi siya umiwas. Hinawakan niya ang kanyang tiyan. "Kailangan kong iligtas ang kumpanya ng ama ko." Nanatili ang tingin ni Oliver sa kamay niyang nakapatong doon. Kung tutuusin, hindi siya humihingi para sa sarili niya. Humihingi siya para sa pamilyang nagpalaki sa kanya. "Kung gusto mo tulungan kita..." Bahagyang yumuko si Oliver. "...matuto kang magmakaawa." Tahimik ang buong hallway. Hindi kailanman yumuko si Nancy sa kahit sino. Ngunit para sa pamilya niya... Marahil isang beses ay kaya niya. Dahan-dahan niyang hinawakan ang laylayan ng amerikana ni Oliver. Nag-angat siya ng tingin. Punong-puno ng pagpipigil ang kanyang mga mata. "Pakiusap..." Mahina ang kanyang boses. "Mr. Mendoza." Nanlaki ang mga mata ni Adrian. Maging ang assistant ni Adrian ay napatingin din sa kanya. Ilang segundo ang lumipas. Pagkatapos ay nagsalita si Oliver. Malamig. Walang emosyon. "Hindi mo dapat ginamit ang batang iyon para takutin ako." At sa unang pagkakataon... Hindi malaman ni Nancy kung nanalo ba siya— o lalo lamang siyang natalo.Nanatiling tahimik ang buong sala ng ancestral mansion ng mga Mendoza matapos magsalita si Nancy.Maging si Don Gregorio ay halatang hindi agad naproseso ang kanyang narinig.Dahan-dahan niyang ibinaling ang tingin sa kanyang apo."Oliver... totoo ba ang sinabi niya?"Nakatayo lamang si Oliver sa tabi ni Nancy, tuwid ang likod at walang kahit anong emosyon sa mukha.Wala siyang balak magpaliwanag.Malakas na bumagsak ang tasa ng tsaa sa mesa."Kalokohan!" sigaw ng matanda. "Ikaw talaga ang pinakanakakadismayang apo sa lahat! Kung sinu-sinong babae na lang ang inuuwi mo rito!"Bahagyang napangiwi si Nancy."Kung sinu-sinong babae?""Grabe naman ang lolo nito."Bubuka pa lamang sana siya ng bibig nang marinig niya ang malamig na tinig ni Oliver."Hindi ba ganoon din naman kayo noon, Lolo?"Biglang nanahimik ang buong silid.Dahan-dahang lumipat ang tingin ni Oliver sa babaeng nakatayo sa likuran ng matanda.Namutla ang babae at kusang umurong ng isang hakbang.Napahigpit ang hawak ni Do
"Alam kong ayaw mo na pinipilit o tinatakot ka ng kahit sino." Tahimik na tumingala si Nancy kay Oliver Mendoza—ang lalaking kilala sa buonbansa bilang ang pinakabatang negosyanteng nakapagtayo ng sarili niyang imperyo. Ngunit sa kabila ng yaman at impluwensiya nito, mas kilala siya ng mga tao sa ibang pangalan. The Cold King of Mendoza Holdings. "Pero ano bang magagawa ko?" mahina niyang dagdag, pilit pinatatatag ang boses. "Lubog na sa problema ang pamilya ko at ayaw mo naman akong pakinggan." Nanatiling walang emosyon ang mukha ni Oliver. Parang marmol. Parang walang anumang salita ang kayang makabasag sa pader na itinayo niya sa paligid ng sarili. "Kung iniisip mong maaawa ako, mali ka ng taong pinili." Diretso ang titig niya kay Nancy. "At kung iniisip mong magbabago ang desisyon ko dahil sa drama, lalo kang nagkakamali." Bahagyang ngumiti si Nancy. Hindi iyon masayang ngiti. Iyon ang ngiti ng isang taong alam na wala na siyang ibang pagpipilian. "Ganito ka pala tal
Napakalamig ng tingin ni Oliver habang nakatingin kay Nancy."Akala ko ba ako lang ang ginulo mo noon?"Napakurap si Nancy.Sa tabi nila ay napakamot na lamang sa ulo si Dr. Adrian, ang matalik na kaibigan ni Oliber at direktor ng pribadong ospital ng pamilya Mendoza sa Tagaytay."Hoy, Oliver, huwag mo namang gawing interrogation room ang ospital ko."Ngumiti si Nancy at itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko."Wala kaming relasyon noon, Doc. Inosente ako."Bahagyang lumapit siya kay Oliver at pabulong na nagsalita."Magkaibigan pala kayo?"Isang hibla ng buhok niya ang dumampi sa dibdib ng lalaki.Agad na umiwas ng tingin si Oliver."Lumayo ka sa akin."Sa halip na mainis ay napangiti lamang si Nancy."Kung alam ko lang noon na kaibigan mo siya, ikaw na sana ang niligawan ko."Hindi siya pinansin ni Oliver.Napailing si Adrian."Pwede bang unahin muna natin ang test bago ang love story?"Doon lamang napagtanto ni Nancy na pagmamay-ari pala ng pamilya Mendoza ang ospital.Kaya
Napatigil si Manager Ken sa kabilang linya ng video call.May gusto na ba talagang magpakamatay sa paglapit sa pinakamapanganib na negosyante sa bansa?Bago pa man makapagsalita nang buo ang driver, nahagip nito sa rearview mirror ang malamig na ekspresyon ni Oliver.Agad itong natahimik.Sa passenger seat, bahagyang lumingon si Felix, ang personal assistant ni Oliver."Sir Oliver, hintayin n'yo po muna ako rito sa sasakyan. Ako na ang bahala sa kung sino man ang humarang."Tahimik na tumango si Oliver.Kinuha niya ang mamahaling rosaryo na nasa tabi niya at ipinikit ang mga mata.Sa paningin ng publiko, siya ang kilalang "cold billionaire" na bihirang ngumiti at mas bihirang magtiwala.Ang rosaryo ay regalo pa ng kanyang lolo mula sa isang pari sa isang tanyag na dambana sa Batangas.Ayon dito, makatutulong daw iyon upang mapakalma ang kanyang isip at mabawasan ang kanyang init ng ulo.Hindi siya naniniwala rito.Pero hinahayaan niyang isipin ng mga tao na isa siyang lalaking payapa
"Sigurado ba akong tao lang ang lalaking iyon?"Iyon ang unang pumasok sa isip ni Nancy Manalo habang nakatitig siya sa lalaking nakahiga sa harapan niya noong gabing iyon.Malabo ang alaala niya.May ilaw ng lungsod na sumisilip mula sa bintana ng mamahaling hotel.May tunog ng ulan sa labas.At may isang estrangherong lalaking may malamig na mukha na kahit natutulog ay mukhang handang manghusga ng buong pagkatao niya.Lasing si Nancy, sobrang lasing.Kaya sa halip na matakot, nakanguso pa siyang pinagmasdan ang lalaki."Grabe naman ang katawan nito. Nagbabayad ba siya ng renta sa gym o siya mismo ang may-ari?"Hindi niya namalayang natawa siya sa sarili niyang biro.Bahagya siyang yumuko upang tingnang mabuti ang mukha ng lalaki.Matangos ang ilong, makapal ang kilay.At ang aura nito ay parang nagsasabing, Lumayo ka kung mahal mo pa ang buhay mo.Ngunit si Nancy Manalo ay hindi kilala sa salitang lumayo."Ikaw ba ang inorder ko kagabi?"Walang sagot."Wow, professional."Makalipas







