Chapter 4
NAMALUKTOT si Jovy habang nakasiksik sa headboard ng kama. Niyakap ang magkasalikop na mga tuhod at isinubsob doon ang mukha. Yugyog ang mga balikat. Ayaw na yatang tumila ng mga luha niya tulad ng ulan sa labas na sige pa rin ang pagbuhos. Alam niyang walang saysay ang umiyak dahil pinili naman niyang gawin ang kasalanang iyon. May pagkakataon siyang tumanggi. May lakas siyang tumutol. May karapatan siyang ipaglaban kung ano ang tama pero isinara niya ang katinuan at hinulog ang sarili sa bangin. Kahit buong buhay siyang magsisi, hindi na niya mababawi ang kataksilang ginawa. Kahit araw-gabi pa siyang magluksa para sa namamatay niyang puso, hindi na niya mabubura ang bakas at marka ni Rodjak sa kaniyang pagkababae. At ang masakit, mas nangingibabaw iyon kaysa sa mahabang pinagsamahan nila ni Kris. Tunay nga na kahit isang beses lamang gawin ang pangit na kasalanan, kayang-kayang pa rin nitong takpan ang ganda at dalisay na pagmamahalan katulad kung ano ang mayroon sila ng asawa. Narinig niya ang pagbukas ng pinto at nadama ang agresibong presensya ng lalaking pumasok. Walang ingay ang mga yapak nito sa sahig dahil sa makapal na carpet pero pinipilipit ng tahimik nitong kamandag ang hininga niya. Matapos ang nangyari sa kanila ay natanto niya kung ano ang mayroon sa pagkatao nito. Marami itong kayang gawin gamit ang yaman, kapangyarihan at impluwensiya. Ang buhay na idinugtong nito sa anak niya ay kaya rin nitong bawiin anumang oras nito gustuhin. "Still crying?" Maingat at mahinahon ang tono nito. "I brought you tea for stress and fatigue, you should try this. Hindi ideal na iiyak ka lang diyan, paano ka makapag-iisip ng tama?" Galit na inangat niya ang mukha at padaskol na pinahid sa likod ng palad ang mga luhang namalisbis sa kaniyang mga pisngi. "Mayroon pa ba akong natitirang option para mag-isip ng tama? Ginawa ko kung ano ang sa tingin ko kailangan para lang mabuhay ang anak ko kahit sa maling paraan!" sikmat niyang humihikbi. "Hindi mo alam kung ano ang pakiramdam dahil ang iniintindi mo lang naman ay ang makaraos sa libog mo!" Umiling ito at kung tingnan siya ay para bang mali ang kaniyang sinabi. May iba pa bang dahilan kaya siya nito ginalaw kahit alam naman nitong may asawa siya? Nilapag nito sa kama ang bitbit na tray na naglalaman ng maliit na tea kettle, isang mug, platito na may iilang pirasong cookies at boiled brown eggs. "After what we did, you need to think properly and decide whether you go back to your husband or you stay with me. Iyan ang ibig kong sabihin. I couldn't care less with how you perceive my act earlier." Nawalan siya ng imik. Siya babalik kay Kris? Ano'ng mukha ang ihaharap niya sa asawa pagkatapos siyang lamutakin at pagsawaan ng lalaking ito? Pakiramdam niya ay nanlilimahid siya sa dumi at kahit mapatawad pa siya ni Kris, mananatiling anino sa pagitan nila ang kasalanan niya. Bibigyan lang niya ng kahihiyan ang pamilya niya kung isisisiksik niya ang sarili. Nilagyan nito ng tea ang mug at ibinigay sa kaniya pero umusod siya palayo at umiwas ng tingin. Ibinalik nito ang tasa sa tray. Binitbit iyon at nilipat sa sidetable. Umuga ang kama nang maupo itong muli at matagal siyang pinagmasdan lang. "I have a perfect parents, I am proud to say that. Alam kong wala talagang perpekto sa mundo pero para sa akin nagawa ng mga magulang kong patunayan ang imposibleng bagay na iyon. Only child ako. Lumaking sagana sa pagmamahal at atensiyon kaya ang naging pamantayan ko rin sa mga taong gusto kong makasama ay halos perpekto na." Nagsalita ito, himig nagkukuwento sa personal nitong buhay. "Isa si Jissel, ang ex-wife ko sa inakala kong tutupad sa perpektong pamilya na gusto kong mabuo. Pero siya rin ang sumira sa paniniwala ko." "Kaya sinira mo rin ang pamilya ko?" angil niyang nasusuklam na muling tumingin sa lalaki. Pero agad ding natigilan. Hindi ito ang sumira sa pamilya niya kundi siya mismo. "I can't change your role as a mother to your kids, Jovy. Habang buhay kang mananatiling ina sa kanila at hindi ko iyon mababago. Ang pwede ko lang alisin sa iyo ay ang pangalan ng asawa mo, ang mga alaala niya na ikakahon ko sa nakaraan ninyo. Hindi kita ipagkakait sa mga anak mo. Makakasama mo sila anumang oras mo gustuhin." "Hindi ko pa rin maintindihan! Ang daming babaeng higit na mas maganda kaysa sa akin! Mga babaeng walang pananagutan, walang asawa at mga anak! Bakit ako?" "Because you restore my faith after I lost it with Jissel. For a while I doubt that your kind is worthy of my trust again, but you break that easy with your kindness. Hindi ka basta babae lang na gusto kong dalhin sa aking kama para makaraos ako. Ikaw ang kailangan ko, Jovy. Ang katulad mo ang kailangan ko sa buhay." Umiling siya. Hindi pa rin niya ito naintindihan. Ang tanging malinaw lang sa kaniya na inabuso nito ang hawak na kapangyarihan at sinamantala ang kaniyang kahinaan. Tumayo ito at kinuha ang mug. Ibinigay sa kaniya. Naamoy niya ang aroma ng tea at pinakakalma niyon ang kaniyang utak. Kinuha niya ang mug at itinuloy sa bibig. Tinikman ang mainit na tea. Humagod pababa sa nanunuyo niyang lalamunan ang manamis-tamis na likido. Pero ang sikip sa kaniyang dibdib at bigat ng puso niya ay hindi nabawasan. "Aalis tayo, may ipapakita ako sa iyo, kung gusto mong maintindihan kung bakit ikaw ang nandito ngayon at hindi ang ibang babae. But you have to eat first and replinish your energy. Heavy meal is no good, that's why I prepare these for you. Kumain ka. Kahit gutumin mo pa ang sarili mo, alam natin pareho na nakakulong ka na sa kasalanang ginawa nating dalawa. Pero babangon ka, tiyak iyon, para sa akin at hindi para sa asawa mo," pahayag nitong hinaplos ang likod niyang malaya pa rin sa anumang kasuotan at wala siyang magawa kundi ang kumislot tanda ng paghihimagsik. *** MAHIGIT sampung oras ang lumipas at sa wakas ay nagdeklara ang doctor na matagumpay ang surgery ni Karylle. Ngunit kailangan ipasok sa ICU ang bata para sa close monitoring at nang makaiwas na rin sa infection na posibleng mag-manifest habang sariwa pa ang operasyon. Nakadama ng ginhawa si Kris, pero hindi niya makapa ang saya na dapat ay pinagsaluhan nila ngayon ng asawa niya dahil ligtas na ang kanilang bunso. Hungkag ang pakiramdam niya. Pagod na pagod siya pero hindi siya makatulog at ayaw magpahinga ng kaniyang utak. Pabalik-balik sa isip niya ang sinabi ni Jovy. Huwag na raw niya itong hanapin. Sumubok siyang kontakin ang landline number na ginamit ng babae noong tumawag ito pero nagri-ring lang ang telepono sa kabilang linya at walang sumasagot. "Magpahinga ka muna, Kris, dalawang gabi ka nang walang tulog," sabi ng mama niya habang nakatanaw sila kay Karylle na inasikaso ng nurse sa loob ng ICU. "Okay lang, Ma. Uuwi pa ako sa bahay para silipin doon sina Karlo at Kylle saka ko hahanapin ang asawa ko." "Baka nasa kaibigan iyon, nakitulog muna. Hindi siguro nakakuha ng ayuda mula kay Congressman kaya hindi pa bumalik dito. Kung alam lang niyang hindi na iyon kailangan dahil na-operahan na ang bata." Hindi siya sumagot. Pupunta siya sa bahay ng congressman. Malakas ang kutob niyang naroon lang ang asawa. Kagabi pa siya dinudurog ng mga pangit na eksenang naiisip kahit hindi tanyag na babaero si Rodjak Guadarama. Pero hindi rin niya kabisado ang tunay na pagkatao ng lalaking iyon. Laman ng dasal niyang sana ay nagkamali lang siya ng kutob. Pero sakaling tama siya, sakali mang may ginawa ang congressman sa asawa niya, magkakasukatan sila. Kailan man ay hindi naging banta sa kaniya ang yaman ng ibang lalaki kung ang asawa niya ang pag-uusapan. Hindi niya bibitiwan nang ganoon lang kadali si Jovy. "Magpahinga ka muna kahit dalawang oras lang, baka ikaw naman ang magkasakit niyan." "Doon na lang sa bahay, Ma." Tumango na lamang siya para matahimik at mapanatag ang ina. Nag-iwan siya ng pera at tiniyak niyang maayos ang lahat doon sa hospital bago siya umalis at umuwi ng bahay. Pababa pa lang siya ng motor ay tumatakbo na si Kylle palabas para salubungin siya. "Papa, si Mama po?" bungad nitong tanong. Bumara ang lalamunan niya at humigpit ang kaniyang puso. Kung hindi niya maibabalik si Jovy sa piling nila, araw-araw niyang maririnig ang ganitong tanong mula sa mga anak nila. Tanong na hindi niya alam kung masasagot niya ng maayos. "May pinuntahan si Mama, si bunso ligtas na rin. Malapit na siyang umuwi rito sa bahay." Sinikop niya ang batang lalaki at pinangko. Pumasok sila sa loob ng bahay. "Good boy ka ba rito habang wala kami? Hindi ka pasaway kay Tito Karlo mo?" "Hindi po pero nalulungkot ako kasi wala kayo nina Mama at Karylle. Namimiss ko po kayo." "Patawarin mo sina Papa at Mama ha? Kailangan namin bantayan si Karylle roon sa hospital." "Okay lang po!" masigla nitong sagot at ngumiti nang malapad. "Kuya!" si Karlo na lumabas galing ng kusina, bitbit ang wooden ladle. Naaamoy niya ang niluluto nitong menudo. "Kumusta si Karylle?" "Ligtas na, nasa ICU para sa close monitoring. Wala kayong pasok?" "Absent muna ako, half-day lang naman ang klase namin kapag Sabado. Wala rin kaming importanteng gagawin ngayon sa school. Nagpaalam ako kahapon sa adviser ko." Third year college na si Karlo sa kursong Civil Engineering. "Hindi ako magtatagal, may lalakarin ako. Huwag mo nang labhan ang mga damit ni Kylle, ako ang maglalaba mamaya pagbalik ko." Ibinaba niya si Kylle. Binalikan ng bata ang lego toys na nasa couch at itinuloy ang ginagawang gusali. "Sige po, Kuya. Maglilinis na lang ako pagkatapos kong magluto. Kumain ka po muna bago umalis." Tumango siya at nagtungo sa kuwarto nilang mag-asawa. Sumalubong agad sa ilong niya ang likas na bango ni Jovy. Tiim-bagang na kinuyom niya ang mga kamao at sumandal sa nakapinid na pinto. Nasa kama pa ang bakas ng huli nilang pagniniig. Umiling siya at aburidong pumihit palabas ng silid. Matulin ang mga hakbang na tinungo ang front door ng bahay at tuluy-tuloy sa kaniyang motorsiklo. Nasipat pa niya sa side mirror sina Karlo at Kylle na nakatanaw sa kaniya mula sa pintuan. Bawat segundong sinasayang niya ay nagdadagdag ng distansiya kay Jovy sa pamilya nila. Kailangan niyang makita ang asawa at mabawi. Tinahak niya ang daan papunta sa bahay ni Cong. Rodjak Guadarama. Ibinalya ang bilis ng motorbike at lumulusot sa pagitan ng mga sasakyan. Nakabukas ng malaki ang gata ng bahay ng congressman at nagkalat ang mga bantay. Ipinarada niya sa labas ng bakud ang motorbike at bumaba. Hinubad ang suot na helmet. "Ano'ng kailangan mo?" sita ng gwardiyang lumabas sa guardhouse. "Pwede ko bang makausap si Congressman?" "May appoitment ka sa kaniya? Isa pa Sabado ngayon, walang opisina." "Mayroon akong appointment, personal matters." Nagdududang tinitigan siya nito pero bumigay rin at naniwala sa palusot niya. Kinapkapan muna siya. "Pasok na!" utos nito. Pumasok siya at halos takbuhin ang mahabang driveway. Nasumpungan niya pagsampa sa malawak na bakuran ang dalawang sasakyan na nakabukas lahat ng pinto. At mula sa dambuhalang main door ng mansion ay lumabas sina Cong. Rodjak at Jovy. Sumalubong sa mga ito ang close in bodyguards ng lalaki. Napatid ang hininga niya nang makitang h******n ng lalaki sa noo ang asawa niya. Bumuhos ang lamig sa sistema niya at hinigop ang kaniyang lakas. Buong magdamag na kasama ni Jovy ang congressman? Tawagin mo siya, Kris! Asawa mo siya! Tawagin mo! Hiyaw ng utak niya pero ayaw makisama ng kaniyang dila. Ayaw bumuka ng kaniyang bibig. Para siyang may busal at pati ang tibok ng puso niya ay iginapos kasabay ng pagkaubos ng hangin sa kaniyang baga. Pasakay na ng sasakyan ang babae nang huminto ito at tumingin sa gawi niya. Nanlaki ang mga mata nito na parang nakakita ng multong iniiwasan nitong masilayan kahit sa panaginip. "K-Kris!" Nabuwal ito sa mga bisig ni Rodjak. Doon lang siya nahimasmasan. "Jovy?" Dinaluhong niya ang asawa pero hinarang siya ng dalawa sa mga bantay ng congressman at hinawakan sa magkabilang braso. "Pakawalan n'yo ako! Narito ako para sunduin ang asawa ko! Jovy, umuwi na tayo! Tapos na ang surgery ni bunso at ligtas na siya! Paggising n'on siguradong hahanapin ka!" sigaw niyang nagpumiglas. "Celso, let him go and all of you, spread out!" matigas na utos ni Rodjak sa mga bodyguard nito. Atubiling binitiwan siya ng dalawang bantay. Pero si Jovy, ayaw siyang tingnan. Nagtago ito sa likod ni Rodjak. Bawat hakbang niya papalapit ay para bang takot na takot ito. Bakit? Ano'ng ginawa niya para sa matakot nang ganito ang asawa? "Mahal, halika na, umuwi na tayo. Hinahanap ka na rin ni Kylle, namimiss ka na ng anak natin." "Hindi ba sinabi ko sa iyong huwag mo na akong hanapin?" garalgal ang boses na sigaw nito. Huminto siya sa paghakbang. Hindi pa rin siya nito tinitingnan. Kailangan ba niyang lumuhod? At ang lalaking nakatayo sa pagitan nila, hindi man lang nito tinangkang umalis o ibigay sa kaniya ang asawa niya. "Paano mo nasasabing huwag na kitang hanapin? Para mo na rin akong inutusang magpakamatay, Jovy! Tingnan mo ako! Kausapin mo ako!" "Mr. Concepcion, pupunta kami mamaya sa bahay mo para kausapin ka. Doon mo na lang hintayin si Jovy." Nagsalita ang congressman. "Celso, escort him outside and make sure he left safe and alright," utos nito sa bodyguard. Papaalisin siya? Hindi pwede! Kung aalis siya, kasama niya ang asawa!NABAWASAN ang agam-agam ni Rosela tungkol sa pagkalalaki ni Celso. Sa mahigit isang buwan nila sa bagong tirahan ay hindi siya ginutom ng binata sa pagkain o sa kama. Pumapalya lang ito tuwing fertile siya at mas magaling pa itong magbilang sa kalendaryo kaysa sa kaniya. At dahil feel na feel na niya ang pagbukod nila, nag-iisip na rin siyang magkaanak. Nawiwili siya sa pagbrowse ng mga infant outfit sa online stores at nai-imagine niyang isa sa mga iyon ay suot ng anak nila ni Celso."Tapos ba ba kayo sa pag-decorate roon sa verandah?" tanong ng head servant sa ilang kasambahay na nasa ibaba ng hagdanan.May malaking ganap bukas kaya abala sila. Tumulong din siya sa paglilinis at marami naman sila kaya madaling natapos. May usapan sila ni Celso ngayon na dumaan sa boutique para makabili siya ng dress para bukas. "Sobra na 'yong motorbike na binigay mo, RJ." "Reward mo iyon dahil sa magandang performance. Ano iyan, protection? Kailangan mo ba talagang magsuot niyan?" Naudlot siya
MAHAPDI NA ang sugat sa mga pulso ni Rosela pero may dalawang kumot pa siyang kukusutin. Hindi siya makontento sa linis mula sa washing machine kaya inulit niya ng manual na paglalaba pati ang pillow cases. Maaga kasi niyang natapos kanina sa paglalaba ang mga damit nila ni Celso kaya nilabhan na rin niya ang bed sheets at mga kumot. Ito na lang yata ang ambag niya rito sa bahay bukod sa paglilinis dahil ang pagluluto at paghuhugas ng mga pinggan pagkatapos nila kumain ay nakatuka lagi kina Elma at Eliza. Salitan ang dalawa. Napangiwi siya nang ilusong sa tubig sa planggana ang mga kamay. Halos mangawit ang mga braso niya dahil sa sobrang hapdi ng mga sugat sa kaniyang pulso. "Rose?" Dinaluhong siya ni Celso na kararating lang. Nagsalubong ang mga kilay nito at agad hinango ang mga kamay niya sa tubig. Dumilim ang mukha ng lalaki nang makita ang mga lapnos sa pulso niya. "Okay lang ako, malapit na akong matapos." Binawi niya ang mga kamay."Elma!" sigaw nito. "Elma!" Kumaripas pat
NAG-ANGAT ng mukha si Rosela mula sa sinusulat na outline para sa parating nilang final exam. Nilingon niya ang gawi ng dalawang kaklaseng babae sa bandang likuran. Nag-uusap ang mga ito at narinig niyang binanggit ni Rutchie ang pangalan ni Celso."Kainis talaga ang lalaking iyon. Magbibigay lang naman ako ng chicken lasagna kay RJ tapos hinarang ako at pinagbawalang lumapit. Ano'ng akala niya, may lason ang pagkaing dala ko?" maktol ng babae."Alam mo nagdududa ako sa lalaking iyan, palagay ko bakla siya. Ayaw kasing umalis sa tabi ni RJ. Sunod nang sunod, parang aso. Naalala mo noong may event sa stadium? Nakita ko siyang yakap si RJ habang palabas sila. Para bang takot na hawakan ng iba 'yong kaibigan niya," pakli ni Barbara."Tingin mo bakla talaga si Celso? May narinig kasi akong usap-usapan na ganoon, taga-ibang school daw ang nagsabi." "Baka totoo.""Nakita mo bang may girlfriend siya? Balita ko pa nga itinataboy niya 'yong mga babaeng gustong makipagkaibigan." "Pero di ba,
BUMUNTONG-HININGA na lamang si Celso matapos pakinggan ang paliwanag ni Rosela. Hindi tama ang ginawa ng dalaga pero hindi rin makatutulong kung sisisihin niya ito. Kung tutuusin may pagkukulang siya. Dapat kinausap niya si Aling Renata at ipinahayag ang sensiridad ng layunin niya sa dalaga. "Sorry na, natatakot kasi akong may gawin si Tiya para magkahiwalay tayo." Humawak sa braso niya si Rosela habang magkatabi silang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng kuwarto niya."Naintindihan ko. Halika na, ayusin natin ang mga gamit mo sa cabinet." Banayad niyang pinisil ang kamay nito at tumayo.Buti na lang may spare cabinet pa siya roon sa kuwarto niya. Marami rin kasi siyang gamit na dinala sa guard's quarter niya sa mansion kaya naiwang walang laman ang kabilang compartment ng cabinet. "May duty ka ba ngayon?" tanong ni Rosela. Kahit papaano ay sumigla na ang tono nito. Umaliwalas na rin ang mukha. Nahawi ang ligalig sa mga mata. "Mamayang alas-diyes ang relibo ko. Kung takot kang matu
"LUMAYAS ka! Layas!" singhal ni Aling Renata kasunod ang sampal na nagpatulig kay Rosela. "Tiya..." naiiyak na sambit ng dalaga, tutop ang kanang pisngi. Natatakot siya sa poot na nakikita sa mga mata ng tiyahin. Pero kung aalis siya, saan siya pupunta? Kina Celso? Hindi ba siya magiging pabigat doon? May dalawang kapatid ang lalaki na pinagpaaral nito bukod sa ito pa ang bread winner sa pamilya. Dadagdag ba siya roon?Pwede siyang humingi ng tulong kay RJ, alam niyang hindi siya papabayaan n'on. Kaya lang magkikita pa rin sila roon ng tiyahin niya. "Renata," si Mang Lando, ang tiyuhin niya. Umahon sa kahoy na sofa ang lalaki at nilapitan ang asawa. "Pag-usapan ninyo ng maayos iyan. Dalaga iyang si Rose, normal lang ang magkaroon ng boyfriend sa ganyang edad."Pero hindi ito pinansin ng tiya niya, bagkus ay hinaklit siya sa braso at nagmartsa patungo sa silid niya. Kinakaladkad siya. "Sabi ko naman kasi sa inyo, hindi iyan makakatapos ng pag-aaral. Siguradong mabubuntis iyan. Pina
9 years ago...NAPAIGTAD si Rosela sa inuupuang bench sa cafeteria nang ibagsak ni Samantha ang mga aklat. Nagtataka siya at nakasimangot na naman ito. "Ano'ng nangyari?" tanong niya sa kaibigan."Lilipasan ka na ng gutom kung hihintayin mo pa sina Celso at RJ. Kumain ka na," sabi nitong binuksan ang box ng special siopao. "Alam mo ba kung nasaan sila?" pahabol niya at nagpasya na ring kumain na. Kanina pa kumukulo sa gutom ang sikmura niya. "Ayon, nakipagrambulan na naman. Binitbit ng mga guwardiya at dinala sa guidance. Malamang suspended na naman ang dalawang iyon. Wala nang ginawa kundi magbasag-ulo, eh." Nilagyan ni Samantha ng sauce ang siopao. "Gusto mo?" alok nitong itinulak palapit sa kaniya ang box. May dalawang siopao pa roon. Paborito nito iyon at solve na ito kahit buong araw siopao lang ang kinakain. "Baka naman may dahilan kaya sila nakipag-away." Depensa niya sa dalawang lalaki. Binuksan niya ang bento box na binili niya roon sa cafeteria. "Itong si Celso talaga
PASADO ALAS-DIYES na ng gabi. Umaambon kanina pero nawala rin at pumalit ang malamig na simoy ng hangin mula sa direksiyon ng kalakhang bahagi ng iilang unexploited rainforests ng Gallero. Tiningala ni Celso ang buwan na kanina lang ay tila dalagang nahihiya at nagtago sa likod ng makapal na ulap. Inalog niya ang inumin sa loob ng baso kasama ang ice cubes at dinala sa bibig. Ibinuhos para sa isang lagok. Kaharap niya sa pabilog na wine table sina Harry at Ryan. Si RJ ay pasaglit-saglit lang doon. May pinagpupuyatan itong bagong house bill na ihahain nito sa kongreso sa susunod na regular session. Sila na lang ang naiwan pagkatapos ng boodle fight kanina kasama ang buong team ng security. Bumalik na sa trabaho ang ibang naka-assign sa field, mga moving guard at ang mga bantay sa gate. Bawal sa mga itong uminom at maglasing kapag oras ng trabaho. Mahigpit niyang ipinatutupad ang batas na iyon. "Malutong na iyang edad mo, Celso. Wala ka pa bang balak lumagay sa tahimik?" komento ni R
Chapter 20NARINIG ni Jovy ang malakas at matinis na palahaw ng sanggol. Pilit niyang pinanghahawakan ang kaniyang kamalayan kahit pagod na pagod at kumikirot ang buong katawan niya. Naisilang niya ng maayos at matagumpay ang anak niya. Ang batang nabuo sa kasagsagan ng pagsubok at pagsasakripisyo niya pero naging bagong lakas na pinagmumulan ng kaniyang determinasyon bilang ina at pag-asang nagdadala sa kaniya sa mas maliwanag na pananaw ng buhay na gusto niyang tahakin. Karangalan para sa kaniya na itinakda siya ng langit na maging ina at pinaranas sa kaniya ang maging asawa. Biyaya para sa kaniya ang mga anak niya. Mga anghel na ipinagkatiwala ng Diyos sa kaniyang pangangalaga upang hubugin at turuang mamayagpag balang araw. Pumatak ang butil ng luha sa kaniyang mga mata nang ilapag ng nurse sa kaniyang tabi ang umiiyak na sanggol. Huminto ang pagpalahaw nito pagkalapat ng init niya sa mamula-mula nitong pisngi. Agad itong naglikot at hinagilap ng cute na nguso ang nipple niya. M
Chapter 19NAPALUHA na lang din si Jovy habang pinapanood ang biyenang babae na yakap ni Kris at histerikal na nag-iiiyak. Nasa labas sila ng ICU at nakaantabay sa doctor at mga nurse sa loob. Tatlong beses nang ni-revive si Karlo at ito ngayon ang pinakamatagal. Parang sasabog ang ulo niya sa takot tuwing tumatalbog ang katawan ng binata dahil sa electric shock para mapatibok muli ang puso nito.Nabangga ng wing van si Karlo at malubha ang injury sa ulo. Marami ring dugo ang nawala sa binata. Nasalinan na ito kanina at kailangang ma-operahan kaagad pero hinihintay pa ang neurosurgeon. Ang ama naman ni Kris ay admitted din dahil inatake sa alta-presyon nang malaman ang aksidenteng sinapit ng bunsong anak. Makaraan ang ilang saglit ay muling nag-register sa vital machine ang pintig ng puso ni Karlo, pumatak na rin mula sa monitor ang blood pressure nito at ang oxygen. Binigyan ng doctor ng instruction ang mga nurse pero hindi nila marinig dahil sa harang na salaming dingding. "Ang ka