Kontento si Jovy sa pamilyang mayroon siya. Hindi sila mayaman pero may sarili silang bahay ng asawa niyang si Kristoff at biniyayaan ng dalawang anak, lalaki ang panganay at babae ang bunso. Mechanical techinican ng isang malaking precision company sa kanilang lungsod si Kristoff. Sapat na ang sahod nito sa pangangailangan nila. Ngunit sinubok ng panahon ang kanilang pamilya nang magkasakit ang bunso nilang anak. Nagkaroon ng bukol ang atay nito at kailangang alisin ang bahagi kung saan tumubo ang cancer. Hindi lamang iyon, nirekomenda rin ng doctor ang pagkakaroon ng liver transplant para maagapan ang pagkalat ng cancer cells sa malusog na parte ng atay ng bata. Hindi sila handa lalo na sa financial na aspeto. Wala silang matakbuhan. Buhay ng anak niya laban sa kaniyang dignidad at katapatan bilang asawa, pinili niya ang una. Tinanggap ang alok na tulong ng congressman kapalit ang isang gabing aliw. Pero ang gabing iyon ng pagkakasala ang nagsadlak sa kaniya sa kulungang hindi niya alam kung may karapatan pa ba siyang lumaya.
Lihat lebih banyakChapter 1
NARINIG ni Jovy ang rebolusyon ng motorsiklong pumasok sa bakuran ng bahay nila. Iniwan niya ang hugasin sa lababo at nagpunas ng basang kamay sa suot na apron. Inayos muna ang sarili at ang buhok na nakatakas sa pantali at isinabit sa likod ng tainga. Kumaripas siya palabas ng kusina para salubungin ang asawang si Kristoff. "Kylle, dumating na si Papa!" masaya niyang tawag sa panganay na anak na gumagawa ng assignment sa may study area na kanugnog lang ng sala. "Opo, Ma!" masiglang sagot ng walong taong gulang na batang lalaki. Humabol ito kaniya palabas ng bahay. Nadatnan nilang naglalagay si Kris ng trapal sa motor na ilalim ng resting shed na gawa sa native materials. Bitbit nito ang full-faced helmet at ecobag laman ang ilang groceries. Nasa likod nito ang itim na laptop bagpack. Nakangiting tumingin sa kanilang mag-ina ang lalaki matapos ihulog sa bulsa ang susi ng NMAX. "Papa!" Agad yumapos si Kylle sa ama matapos magmano. "Perfect ako kanina sa test namin sa Math," masayang balita ng bata. "Patingin ako ng test mo mamaya." Naaaliw na ginulo ni Kristoff ang buhok ni Kylle. Napahagikgik na lang din siya sa tuwa. Mana sa Papa ang panganay nila, matalino pagdating sa numbers. Mula kinder ay consistent itong kasali sa honors. "Kumusta ang trabaho?" malambing niyang tanong at kinuha ang ecobag na bitbit nito. Hinapit siya ng asawa at h******n sa noo. "Ganoon pa rin, laging loaded, sunud-sunod na nagto-trouble ang grinding machines, kailangan ng madaliang repair dahil may quota sa production." Umuklo ito at dinampian din ng halik sa ulo ang anak nila. "Buti hindi ka pinag-overtime?" Kumapit siya sa braso nito habang papasok sila ng bahay. "Last week pa ako kinukulit ng section head namin na mag-OT, tinanggihan ko kasi wala kayong kasama rito sa bahay. Kalat ngayon ang balita sa nakawan." Pati ang night shift schedule ay tinanggihan din nito. Sabagay, sapat pa naman sa kanila ang sahod nito kahit may kaltas sa mga loans nito sa SSS at Pag-ibig. "Papa, sabi ni Teacher sasali raw ako sa quiz bee. "Kailan, pwede ba kaming manood ng mama mo?" Bakas sa tono ni Kristoff ang pagmamalaki sa anak at ang excitement. "Itatanong ko po bukas kay Teacher!" tuwang-tuwa na sagot ng bata. Itinuloy niya sa kusina ang ecobag at ipinatong lang muna sa hapag-kainan. Binalikan niya ang kaniyang mag-ama sa sala. Dinaluhan niya ang asawa habang hinuhubad nito ang suot na jacket. "Si Karylle?" tanong nitong pinukol ng sulyap ang silid ng bunsong anak nila. "Natutulog, katatapos ko lang siya pakainin, napainom ko na rin ng gamot." Tumango ito. Tatlong araw nang may lagnat ang bunso nila. Pina-check nila noong nakaraang araw sa pedia. Binigyan ng gamot ang bata pero ni-rekomemda ng doctor ang blood test at ultrasound kung hindi pa rin bumaba ang lagnat. "Kylle, ang tsinelas ni Papa!" utos niya sa anak na abala sa pagkalkal sa loob ng bag. "Saglit lang po!" Ibinuhos na nito sa study table ang laman ng bag. "Ito po, Papa!" Dinaluhong sila ng bata, bitbit ang test paper nito sa Math. Itinabi ni Kris ang helmet sa rack na lagayan ng mga sapatos at natatawang kinuha ang papel. "Very good, ano'ng gusto mong reward?" "Okay lang po ba kung bagong sapatos? 'Yong umiilaw kapag naglalakad ako." Tumakbo ito sa lagayan ng mga tsinelas at binitbit ang tsinelas ng ama. "Light-up shoes ba iyon?" baling ni Kris sa kaniya. "Iyon yata, mayroon siguro sa online, titingnan ko." Tumango ang asawa. "Bilhan mo siya." "Slipper n'yo po, Papa." Nilapag ng bata sa sahig ang tsinelas Naupo sa single set si Kris at naghubad ng sapatos. Itinabi nito iyon at isinuot ang tsinelas. "Silipin natin si Karylle." Kinarga nito si Kylle na humagikgik at pumulupot sa ama. Nagtungo silang tatlo sa silid ng bunso nila. Mahimbing ang tulog ng limang taong gulang na batang babae sa bunk bed, yakap nito ang manikang regalo ni Kris noong 4th birthday nito. Sinalat niya ang leeg at noo ng anak. "May sinat pa rin siya." Tumingala siya sa asawa. Ibinaba ni Kris si Kylle at umuklo ito, h******n sa noo ang batang babae. "Magpa-file ako ng leave bukas. Ipapa-lab natin siya. Mag-withdraw ka bukas sa ATM." "Hindi na, may naitago pa naman ako doon sa binigay mo last month." "Jovy, para sa allowance mo iyon, kung may gusto kang bilhin. Iyon na nga ang reward na maibibigay ko sa iyo, tinitipid mo pa ang sarili mo. May budget tayo para sa mga bata." "Ayaw ko lang gumastos kung hindi naman necessity." Umiling ito at inakbayan siya habang nakayapos dito si Kylle. Binibigyan siya nito ng allowance, sampung libo kada buwan, hindi pa kasali roon ang five thousand na ipinapadala nito sa mga magulang niya sa Bohol. Hindi siya nakatapos ng college dahil nabuntis siya. Nasa first year pa lang siya ng Tourism course niya nang magsimula silang magtalik ni Kris. Nagko-control naman sila pero may time na naging sunud-sunod ang contact nila at nakalimutan ni Kris magsuot ng baluti. Nabuo si Kylle at pinakasalan naman agad siya ng asawa bago pa lumobo ang tiyan niya. Ilang beses siyang kinumbinsi ni Kris na ituloy ang pag-aaral pero nauubos ang oras niya sa pag-aalaga sa mga anak nila. Mas kampante rin kasi sa pagiging siyang hands-on Mama kaysa i-asa sa ibang tao ang pag-aalaga sa mga bata. Breastfeed si Kylle hanggang two years old. Paghinto nito sa dede ay nabuntis naman siya kay Karylle. Nawalan na siya ng panahong isipin pa ang sarili niyang kinabukasan dahil ang priority niya ang kaniyang pamilya. Lumabas sila ng silid at sinamahan niya ang asawa sa kuwarto nila para magbihis. Si Kylle ay bumalik sa study area at tinapos ang assignment. "Ako na ang magluluto ng ulam, ano bang gusto mong kainin?" boluntaryo ni Kris habang naghuhubad ng black shirt na may logo ng kompanya. "Paksiw na dalagang bukid, nakabili ako ng sariwa kanina sa suki nating naglalako. Hindi ka ba pagod? Ako na lang ang magluluto." Binuksan niya ang closet at kumuha ng bihisang pambahay. Muscle shirt na gray at malamig ang tela saka loose trouser na white. Ibinigay niya ang mga iyon sa asawa at kinuha ang hinubad nitong damit at pantalon. Dinala niya sa laundry basket na nasa sulok. "Pagod ka rin naman dito sa bahay. Ang dami mong ginagawa, sa ganitong oras lang ako nakatutulong sa gawain mo rito." Malambing niya itong inirapan. "Nagpapa-good shot ka ba, Mister? May balak ka mamaya, no?" Tumawa ito at niyakap siya mula sa likod. "Lagi iyon, hindi ako papalya. Energy booster kita, Misis." Bumaon sa leeg niya ang labi nito. "Doon ako matutulog sa kuwarto ni Karylle." "Doon tayo matutulog." "Hindi mo ako mahaharot, magigising si bunso." "Tingnan natin," pilyo nitong bulong. "Techician ang asawa mo, akala mo hindi ko kayang mag-improvise ng space at position?" Kinikilig na umikot siya paharap dito at nagtagpo ang mga labi nila. Mapusok at masidhi ang halik. Ang pinakamasarap na pasalubong na lagi niyang inaabangan araw-araw mula sa asawa pagkagaling nito sa trabaho. "Mahal na mahal kita, Kris..." anas niyang habol ang hininga. "Mas mahal na mahal kita," sagot nito sa malat at malalim na boses. *** DINIG ni Kris ang kulitan ng kaniyang mag-ina sa sala habang naghahanda siya ng hapunan. Pati siya natatawa sa nakakikiliting hagikgik ni Jovy. Ang nag-iisang babaeng kayang pabilisin at pahintuin ang tibok ng puso niya. His own oxygen, his air, his food, his life support, his wife. "Okay ka lang ba diyan? Tulungan na kita." Tumawid ang malamyos nitong boses mula sa pintuan. Lumingon siya at binigyan ito ng poging kindat. Sumabog ang pula sa mga pisngi nito. Walang pagbabago mula pa noong kasisimula lang nilang mag-date. Pumasok ito, kagat ang ibabang labi at nasa likod ang mga kamay. "Patikim nga ako ng paksiw," ungot nitong namumungay ang mga mata. Nag-blend sa rosy nitong mukha ang patak-patak na pink prickles. Nagiging klaro iyon tuwing namumutla ito at nakadagdag sa sexy nitong ganda. Lima silang sabay na lumigaw rito noong nasa grade 10 pa lang ito. Siya ang pinalad. Unang boyfriend siya nito at unang girlfriend niya rin ito. Noong unang may nangyari sa kanila, higit pa siya sa sigurado, higit pa sa handa na maging asawa at katuwang nito habang-buhay. Inalis niya ang takip ng kawali. Kumulo na ang sabaw ng paksiw at agad sumama sa usok ang aroma na medyo maasim dahil sa organic vinegar at kamyas. "Nagugutom na tuloy ako," angal nitong ngumuso. "Ako kanina pa gutom dahil sa iyo," pabulong niyang sabi at kinagat ang earlobe ng asawa. "Harot mo talaga." Kinurot siya nito. Nilingon niya ang pintuan, baka kasi sumunod si Kylle. "Ano'ng ginagawa ni Kylle?" pilyo niyang tanong. "Nanonood ng movie sa desktop, ba-" hindi na nito natapos ang salita dahil sinarhan niya ng halik ang labi nito. Mas matagal at marubdob kaysa kanina roon sa kuwarto nila. Dahil sa lambingan nila roon ay muntik nang matuyo ang sabaw ng paksiw. Tawanan na lang sila habang magkatulong na hinanda ang hapunan. Sakto lang na nakapaghain siya, nagising din si Karylle kaya isinabay na rin nila. *** CONG. Rodjak Guadarama, 5th district representative sa lalawigan ng Gallero. Nakapaskil ang pangalan niya sa billboard na nasa bukana ng beam bridge na kasalukuyang under-construction. Isa sa mga proyekto niya ang tulay na iyon na nagdudugtong sa dalawang lungsod at nagbibigay ng mas accessible route para sa mga motorista. Sagot din sa lumalalang problema ng trapiko sa probinsya. Ibinalya ng lalaki ang bilis ng sasakyan at nag-overtake sa wing van, sa likuran niya at humahabol sa SUV, sakay ang kaniyang back-up. Para siyang nabunutan ng tinik ngayong araw matapos aprobahan ng korte ang annulment niya sa asawang si Jissel. Dalawang taon din nilang inilaban sa husgado ang kaso at nanalo siya. "Celso," nagsalita siya mula sa suot na earpiece. "Dumaan tayo sa museleo." Ilang taon na ba? Tatlo? May anak na sana siyang tatlong taong gulang kung hindi lang ipinalaglag ng ex-wife niya ang baby nila. Isa sa mga kilalang national model ang dati niyang asawa. Anim na taon na silang kasal pero ayaw nitong magkaanak dahil mas importante rito ang career at ang kurba ng katawan na posibleng maapektuhan oras na magbuntis ito. Ngunit nakalusot siya. Nakabuo sila. Limang buwan na ang ipinagbubuntis nito at nasa ibang bansa siya nang mabalitaan niyang nadulas daw ito sa loob ng banyo kaya nalaglag ang bata. After a year nalaman niya ang totoo na sadyang uminom ito ng pampalaglag. Nilason nito ang anak nila sa loob ng sinapupunan nito. Sinikap niya ito intindihin at sinubukan niyang ayusin pa rin ang pagsasama nila pero hindi na niya naibalik ang dating pagmamahal niya rito hanggang sa lubos nang naglaho iyon. Para bang tinangay ng kaniyang anak sa hukay. Itinabi niya sa driveway ang sasakyan at bumaba. Nagpulasan palabas ang dalawang back-up na kasama niya. Humimpil na rin ang SUV na sinakyan nina Celso at ng tatlo pa niyang guards. Naglakad siya papasok ng museleo. Nasa altar ang puti at babasaging urn na kinalalagyan ng abo ng kaniyang anak. Yakap ng dalawang rebulto ng mga batang anghel. "Walang pasalubong si Daddy, hindi ko alam kung ano'ng pwede kong dalhin. Kung sana nagkaroon ka ng pagkakataong masabi sa akin ang mga laruan na gusto mo, pagkain o kahit ano na kaya kong ibigay. Hanggang ngayon, sabik pa rin akong makita ka. Hanggang ngayon, Anak." Hinaplos niya sa daliri ang urn at bumuntong-hininga nang bumara ang hangin sa kaniyang lalamunan. "Cong, may balita tungkol kay Madam." Pumasok doon si Celso, bitbit ang cellphone. Lumingon siya at nahulog ang paningin sa screen ng cellphone kung saan naka-display ang page ng online newsletter. -Jissel Guadarama, isinugod sa hospital, nag-overdose sa sleeping pill- Iniwas niya roon ang mga mata at muling ibinaling sa urn ng kaniyang anak. "Bigyan mo ng instruction ang opisina ko, sila na ang bahalang magpadala ng assistance kay Jissel." "Sige, Congressman." "Celso, no more news about her. She's no longer connected to me, this will be the last time I tolerate hearing her name in my property." "Loud and clear, Sir." Tumalikod ang bodyguard at iniwan siya roon.Chapter 18KALALABAS lang ni Jovy mula sa banyo. Tuwalya lang ang nakabalot sa katawan. Nakausli na ang kaniyang tiyan. Magpipitong-buwan na rin kasi. Regular naman ang pre-natal check-up niya at sa awa ng Diyos ay maayos ang pagbubuntis niya. Malakas ang pintig ng puso ng sanggol at sakto lang din ang timbang niya. Normal ang blood pressure. Tinungo niya ang bihisang inihanda at nasa ibabaw ng kama. Pero naudlot ang pagbibihis niya nang marinig ang iyak ni Karylle sa kabilang kuwarto. Muli niyang itinapis ang malaking towel at tarantang lumabas ng kuwarto. Nadatnan niya ang mga anak sa loob. Hinahaplos ni Kylle ang peklat ng operasyon ni Karylle sa tiyan na sariwang-sariwa pa habang nagngunguyngoy ang bunso niya."Ano'ng nangyari, Kylle?" tanong niyang dinaluhong ang dalawa. "Kinamot po niya, Mama, ayan namumula tuloy. Sabi ko huwag niyang kamutin at baka magkasugat ulit." Tumabi siya kay Karylle at pinangko ang anak, iniupo sa kaniyang kandungan. "Mama, naiipit po ang baby," sab
Chapter 17NASA bakuran sina Rodjak at Kylle nang dumating si Jovy kasama si Celso. Naglalaro ang dalawa ng basketball sa mini-court na nasa kaliwang gawi ng bakuran. May tanglaw na bombila roon mula sa lamp post ng gate at pabor doon ang baha ng liwanag. Hinayaan muna niyang maihagis ng bata ang hawak na bola patungo sa ring. Pumasok iyon. Malutong na tumawa si Kylle at pumalakpak saka nakipag-apir kay Rodjak. "Kylle?" Doon na siya lumapit."Mama!" Tumakbo ang bata. Sinalubong siya at yumakap sa kaniya. "I'm sorry hindi ka nasundo ni Mama, matagal ka bang naghintay roon sa school?" Sinapo niya sa dalawang palad ang maliit nitong mukha. Ngayon lang nangyaring nakalimutan ni Kris na sunduin ang anak nila. Marami sigurong iniisip ang asawa niya dahil sa sitwasyon nila ngayon at baka pagod din iyon sa trabaho. "Alam ko naman po kung paano umuwi basta maglalakad lang ako at doon lang sa tabi ng daan. Kapag tatawid makikiusap ako sa mamang traffic enforcer, iyon po ang itinuro n'yo. Bi
Chapter 16LUNCH break. Deretso na agad si Kris sa locker room. Pinayagan siya ng section head na mag-undertime. Dalawang grinding machines lang naman ang nag-down at nakumpuni nilang dalawa ni Archie kanina. Sinilip niya ang cellphone na iniwan niya sa locker bakasakaling may message si Jovy. Maingay ang group chat ng barkada, mukhang may ganap na naman. Mamaya na siya magba-backread. Binuksan niya ang text message mula sa asawa.Jovy: ikaw muna ang sumundo kay Kylle mamaya, narito ako sa hospital at baka gabi na ako makauwi. Isang mensahe lang. Dati laging may pahabol na I love you ng messages nito. Hindi siya nag-reply. Nakaiirita. Ibinalik muna niya sa loob ng locker ang cellphone at bumalik sa production area para mag-log out. May limang minuto pa bago ang time. Nilapitan niya si Archie. "Undertime ako, ikaw na muna ang bahala." Tinapik niya sa balikat ang kaibigan. "May problema ba si bunso?" tanong nito. "Wala naman. Ano nga pala ang ganap sa Saturday at maingay ang gc nat
Chapter 15KULANG dalawang oras nang naghihintay ni Celso sa labas ng pintuan ng apartment ni Rosela. Naubos na niya ang limang stick ng sigarilyo at maya't maya siyang kumakatok. Baka nasa banyo ang dalaga. Isa't kalahating oras ang pinakamabilis na pananatili nito sa bathroom tuwing naliligo. Bagay na nai-enjoy niya noong live-in partners pa sila. Hindi siya nababagot kahit gaano pa katagal itong nakababad sa shower. For how many months ngayon lang ulit siya nakabalik dito. Kapag gusto niyang magpahinga'y rito siya madalas umuuwi. Hindi siya pinalayas ni Rosela at ayaw rin naman niyang umalis. Siguro lango siya sa ideyang sila pa ring dalawa hanggang ngayon dahil wala naman itong ibang lalaking karelasyon gaya niya na hindi na nagka-interes pa sa iba. Narinig niya ang pag-alma ng lock at ang paggalaw ng doorknob. Kasunod ang pagbukas ng pinto. Sumilip si Rosela na naka-bathrobe at balot ng tuwalya ang ulo. Naligo nga ito. "Nasaan ang susi mo?" maldita nitong tanong at tumalikod p
Chapter 14BUMABA ng ground floor si Jovy at naghintay sa malayong sulok. Patapos na ang maikling appreciation program na inihandog ng hospital para kay Rodjak. Kasalukuyang nagbibigay ng maiksing talumpati ang lalaki. "It is imperative for the government to maintain a profound standard of preventing high risk which threatened the lives of our children. Cancer is one.Proper cautions and stopping the stigma to spread in our community is our common obligation. We are called to protect the future, both in terms of substance and generation.We could say we are fortunate during these times since we are provided with solid platform to recognize the tangible links between the rule of law and sustainable development in medical fields. Yet, the effort of our people in need are mask with uncertainty beyond face value. We still have ways to go. Which is why, we will bring the support to your doorsteps, hoping that you will maximize it to your advantage. Thank you for never giving up on living
Chapter 13IBINABA ni Kris ang cellphone at pinukol nang tanaw ang sasakyan sa kabilang parking lane. Bumukas ang pinto sa right side at lumabas ang babaeng sakay. Naningkit ang mga mata niya. Si Rosela nga. May kunting nagbago pero kompirmadong ito ang babaeng nakasama niya noong gabi bago ang kasal nila ni Jovy. Huminga siya nang malalim kasabay ang pagbuhos ng mga alaala ng nakaraan pabalik sa kaniyang utak. Bisperas iyon ng kasal niya, nalaman ni Kris ang surprise party na in-organize ng kaniyang barkada. Tinawagan siya ni Archie. Nag-ambag-ambag daw ang mga ito at nagpa-book ng exclusive schedule sa isang kilalang bar sa siyudad. "Pwede ba akong pumunta?" Nagpaalam siya kay Jovy na kausap niya sa cellphone. "Uuwi rin ako agad, magpapakita lang ako roon, nakakahiya kasi sa kanila, nag-effort ang tatlo para bigyan ako ng party.""Okay lang sana pero sabi ni Nanay hindi raw dapat umalis, alam mo naman ang pamahiin ng matatanda. Hindi ba pwedeng i-urong 'yong party? Pwede pa naman
Chapter 12MADALING-ARAW nang dumating si Rodjak sa Guadarama Hill Complex. Gising ang karamihan sa mga househelps na malamang ay ginising ni Celso para asikasuhin siya kahit hindi naman kailangan. "Pahinga na kayo, Harry. I need you in the morning, seven sharp!" utos niya sa mga bodyguard. Hinatid siya ng mga ito hanggang sa sala ng bahay. "Sabi ni Harry overnight kayo roon," si Celso na humabol sa kaniya roon sa sala matapos bigyan ng instruction ang relibong mga bantay sa labas at moving security na nag-iikot. "How can I stay there after you disclose that good news for me?" Nilingon niya ang kaibigan. "Thank you for looking out Jovy. Kumusta na siya? Natingnan ba ng doctor kanina?" "Galing siya ng hospital, nagkita sila ni Kris," balita ni Celso.Naudlot ang paghakbang niya. "Nagkita sila? Paano?" "Good morning po, Congressman," bati ni Carlota."Good morning, Manang." Ibinigay niya rito ang shoppin bags na naglalaman ng mga pasalubong."Para po ba ito kay Ma'am Jovy?""Hin
Chapter 11KUNG mayroon mang hindi sinungaling sa mundong ito, iyon ay ang oras. Kahit ang mga gintong inilibing noon sa ilalim ng lupa ay unti-unting umaangat sa paglipas ng panahon. Walang usok ang hindi sisingaw. Walang sekretong nasa dilim ang hindi mabubunyag sa liwanag kapag oras na ang nagdidikta.Nagpupulso ang kirot sa ulo ni Jovy at hindi sapat kahit ipinikit na niya ang mga mata. Lumala ang pagkahilo niya at ang kumukulong asim sa kaniyang sikmura. Maya't maya siyang naduduwal na parang lango sa alak. Nasa tabi niya si Celso at sa paanan niya ay ang plastic na nilagyan ng kaniyang suka. "Di ba sinabi ko sa iyo, sa amin ni RJ ka lang makikinig. Pinatulan mo pa ang kagagahan ni Rosela kahit alam mong walang magandang idudulot sa iyo. Paano kung nabangga ka kanina?"Natawa siya nang bahaw. "May pakialam ka ba? Nagmamalasakit ka sa akin?" "Next time ipapakita ko sa iyo kung paano ako magmalasakit, Jovy, papatay ako ng tao, sampolan na natin ang asawa mong manyak at sira-ulo."
"K-KRIS...wait lang muna-" hindi makahirit si Jovy, tuwing ibubuka niya ang bibig ay isinasara iyoni Kris nang mapusok nitong halik. Napapadaing na lamang siya. Ang kamay ng asawa ay nakapasok na sa loob ng damit niya at salitan kung masahiin ang kaniyang dibdib.Bumaba ang haplos nito at napaigik siya nang sumiksik ang haba ng daliri nito sa ilalim ng panty niya. Hinimas at pinisil ang malambot na tinik sa gitna ng pagkababae niya, hanggang sa bumukal ang likido roon kasabay ang paghulagpos ng kaniyang hininga. Isa pang daliri nito ang dalubhasang hinagilap ang pinto papasok sa kaniyang kaluluwa at bumaon nang walang babala. Ibinuka niya nang husto ang mga hita at hindi na malaman kung saan ihahampas ang ulo. Dumiin, umaangat ang pang-upo niya sa hagupit ng pagnanasang animo'y nagbabagang putik na kumukulo at nagbabadyang sumabog. Hindi na niya magantihan ang halik ni Kris dahil nauubusan siya ng hangin. Nakaawang na lamang ang bibig niya, tumitirik ang mga mata at umaarko ang kat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen