Chapter 5
PAGDATING kay Jovy, sinasagad ni Kris ang sarili. Pagmamahal, pagsisikap para sa pamilya nila at kung ano ang mga responsibilidad niya bilang asawa at ama ng kanilang mga anak. Binibigay niya ang lahat. Hindi niya naisip na magtira para sa kaniyang sarili dahil naniniwala siyang mahal siya ng asawa at ang pagmamahal nito ay higit pa sa sapat para paulit-ulit siyang buuin araw-araw. Pumihit siya paalis, dama ang humahabol na tanaw ni Jovy kung kailan nakatalikod na siya. Sinadya niyang ibaba ang kaniyang depensa para isipin ng mga bodyguards ni Rodjak na sumuko siya. Nang dumistansiya ng ilang hakbang ang mga ito'y umikot siya pabalik at sinugod ang congressman. Bangkay siyang uuwi kung hindi rin lang niya maisasama ang asawa. "Kris!" Kasabay ng malakas na tili ni Jovy ay ang pagbira niya nang malakas na suntok. Sapul sa mukha si Rodjak na sadyang hindi umilag dahil hinawi nito palayo ang asawa niya at ginawang pananggalang ang saliri sa kaniyang atake. Nasira ang balanse nito at humampas ang bigat ng lalaki sa sasakyan. "Tigil, putang-ina!" marahas na sigaw ni Celso kasunod ang putok ng baril pero sa itaas nakatutok. "Congressman!" sigaw ng mga bodyguards at dinaluhong si Rodjak. "Kris!" Patulak siyang niyakap ni Jovy at halos matumba na sila sa puwersa nito. "Tama na, tama na, maawa ka sa akin! Mamamatay ako kung may mangyari sa iyo, mamamatay ako! Hindi ko kakayanin iyon! Tama na! Tama na!" Umuuga ang buong katawan nito at halos matupok siya sa matinding takot na nasa boses ng asawa. "Mahal," doon lang niya natantong gusto lang siya nitong protektahan. Hindi totoong ayaw na nito sa kaniya. Hindi ganoon karupok ang asawa niya. Hindi ito basta sasama sa ibang lalaki kung walang mabigat na dahilan. Nanigas siya nang marinig ang kasa ng baril na nakatutok sa likod ng kaniyang ulo. Hindi lang iisa, pinalibutan na sila ng mga tauhan ng congressman, lahat ng armas ay nakaumang sa kaniya. Kumawala sa kaniya ang asawa at nagkulay-papel ang mukha. Histerikal at sadlak sa matinding panic na dinaluhong nito si Rodjak. "Hindi mo siya sasaktan, di ba? Sasama ako sa iyo, gagawin ko lahat ng gusto mo, pakiusap huwag mong sasaktan si Kris." Kulang ay lumuhod ito sa may paanan ng congressman, kung hindi ito nasaklot ng lalaki sa braso. "Stand down!" matigas na sigaw ni Rodjak, pinahid sa daliri ang dugo mula sa hiwa na nasa labi dahil sa suntok niya. "Sir, we can't, baka kung ano'ng gawin ng gagong iyan sa inyo!" tutol ni Celso na lalong idiniin sa ulo niya ang barrel ng magnum 357. "I can handle myself, you bastards, move away! You're scaring my woman!" Nagpanting ang tainga niya. His woman? Sino? Si Jovy? "Kailan mo pa naging pag-aari ang asawa ko, Congressman?" marahas niyang sigaw. "Kris, tama na, utang na loob!" humahagulgol na hiyaw ni Jovy. Kinabig ito ni Rodjak at niyakap. Sa harap niya, h******n at inaalo ng ibang lalaki ang asawa niya, bagay na siya lang dapat ang may karapatang gumawa. Pero isang maling kilos niya, baka mabaliw si Jovy sa takot. Ang sakit! Pakiramdam niya ay pinipilit ng higanteng kamay ang kaniyang puso. Hindi niya malaman kung aling parte ng dibdib niya ang pwede niyang balingan para kumalma ang kirot. Nag-ulap ang mga mata niya at mabilis na natunaw ang emosyon, naging likidong nanlandas pababa sa kaniyang mukha. "Kakausapin lang naman kita, ano'ng sasabihin ko sa mga anak natin kung hindi kita kasama? Kausapin mo lang ako, kahit sandali lang..." pagsusumamo niya. "Talk to him, papasok lang ako sa loob para gamutin ang pasa ko." Nagsalita si Rodjak at ikinumpas ang kamay, utos iyon para lumayo ang bodyguards nito. Nag-iwan sa kaniya ng matalim na tingin ang lalaki bago tumalikod pabalik sa loob ng mansion. Hinabol ito ng ilan sa mga bantay nito habang ang iba ay dumistansiya pero alerto pa ring nakabantay na para bang nanakawin niya ang kaniyang asawa. Humakbang siya. Pero umurong si Jovy. Nakaiwas na naman sa kaniya ang paningin. Hawak nito sa kanang kamay ang kaliwang braso at pinipisil. Bawat patak ng luhang nakikita niyang lumaya sa mga mata nito ay tinik sa puso at inuubos ang tiwala niya sa sarili. Siya ba ang dahilan ng mga luhang iyon? "Jovy, hindi ito ang ipinangako ko sa iyo noong nagpakasal tayo. Hindi ganitong iiyak ka kapag nakita mo ako. Okay lang. Hindi mo kailangang magkuwento kung ano'ng nangyari. Hindi ko kailangang magpaliwanag." Maingat ang boses niya habang nagsasalita. Umiling ito. "Hindi mo ako naintindihan, hindi na ako gaya ng dati. Nagkasala ako sa iyo, Kris. May ginawa ako at kahit sarili ko ay hindi ko kayang patawarin. Kung hindi ako naging pabaya, hindi magkakasakit si Karylle." "Mali ka! Inalagaan mo kaming mabuti, iningatan mo kami ng mga anak natin. Ako ang nagkulang. Hindi sapat ang pagsisikap ko." "Hindi iyon totoo!" Napilitan itong tumingin sa mga mata niya. "Kung ganoon bakit nawalan ka ng tiwala na kaya kong pasanin ang pamilya natin sa krisis na ito?" Yumuko ito. Umuga ang mga balikat. "Ang dumi ko na. Iningatan mo ako pero hinulog ko lang sa putik ang sarili ko. Kapag sumama ako sa iyo, papatayin ako ng konsensya ko, hindi ako matatahimik at darating ang araw na magsasawa ka. Maalala mo ang kasalanan ko." Pumikit siya at kahit tumingala na ay hindi pa rin niya naikulong sa saradong mga mata ang mga luha. Mayroon pa ba siyang pwedeng sabihin sa asawa kung nakatanim na sa utak nito ang paniniwalang iyon? "Hihintayin ko kung kailan mauubos ang takot mo at lahat ng pangit na bagay na iniisip mo sa iyong sarili, hanggang ang matira na lang ay ang pagmamahal mo sa akin. Mahal mo ako, di ba?" Tumango ito sa pagitan nang impit na pagluha. "Mahal na mahal, sobra. Mahal na mahal kita." "Babalik ka sa piling ko, Jovy, babalik ka dahil ako at ang mga anak natin ang tunay mong tahanan." Kinabig niya ito at isinubsob sa kaniyang dibdib. "Mahal na mahal kita, hindi iyon nabawasan, hindi mababawasan at hindi magbabago gaano man kalaki ang naging kasalanan mo. Mahal na mahal kita." Pinakawalan niya ang masaganang alon ng luha at lihim na hiniling sa langit na sana ay hindi magtatagal ang bagyong pinagdadaanan ng pamilya nila. *** HINANG-HINA ang mga tuhod ni Jovy, kung hindi siya nahawakan ni Rodjak baka bumagsak sa pavement ang mga tuhod niya. Kanina pa nakaalis si Kris pero hinagilap niya sa kawalan ang bulto nito. Made-dehydrate na lang yata siya sa kaiiiyak hindi pa rin matatapos ang sakit na dumudurog sa puso niya. Kanina nang tingnan niya sa mga mata ang asawa, para siyang lalamunin ng awa at ng hapdi na nakalatay sa likod ng mga luha nito. Hindi rin ganito ang panunumpa niya noong ikinasal sila. Pero hindi niya alam kung paano bumalik. Siya ang nagkasala. Siya ang unang sumira sa pangako. Hindi niya kayang ihakbang ang mga paa para bumalik sa pamilyang nagmamahal sa kaniya kung ang tingin niya sa sarili ay mas marumi pa sa lubak. Bukod sa sarili niya, kailangan din niyang isipin ang kaligtasan ni Kris at ang mararamdaman ng pamilya nito. Ang naiisip lang niyang solusyon ay isangla ang dignidad kahit habang-buhay siyang magdurusa. Sapat lang na kabayaran sa kasalanan niya sa asawa. "We can go there some other time, kung gusto mo munang magpahinga." Binigyan siya ni Rodjak ng malamig na bottled water. Kinuha niya iyon at binuhusan ang natutuyo niyang lalamunan. "Umalis na tayo, di ba may gusto kang ipakita sa akin?" malamig niyang sabi at naunang sumampa sa loob ng sasakyan. Ang bigat ng ulo niya habang nasa biyahe. Mainit ang kaniyang sikmura at tinutusok ng lamig ng aircon ang balat niya. "Just tell me kung may gusto kang ipabili para sa mga anak mo, I will ask Rosela to get it and bring it to the kids." "Susuhulan mo ang mga anak ko?" "If that is how you interpret it. Pero nanay ka pa rin nila, may responsibilidad ka to see their needs. Don't worry, hindi ako makikipagkompetinsya kay Kris pagdating sa mga anak ninyo. Soon, we will have our own set of children to take care of." "Ang layo na ng narating ng delusyon mo, Congressman. Sampung milyon ang halaga ng pakikipagtalik ko sa iyo. Ngayon hindi ko na kailangan ng sampung milyon, paano mo naisip na magagalaw mo ako ulit?" sikmat niyang tinatapatan ng tapang ang malagkit nitong titig. Pero sa halip na maapektuhan ay parang naaaliw pa ito sa kaniya. "I can read your purpose, Jovy, why you choose to stay with me. Sa posisyon na hawak ko at sa estado ko sa lipunan, yes, I can do what you think I am capable of. Kung ang pananatili mo sa akin ay nangangahulugang kailangan kong abusuhin ang kapangyarihan ko, then makikita mo kung paano ko gagawin iyon." "Wala sa akin ang pinangarap mong perpektong pamilya, Rodjak. Hindi ako ang magbibigay n'on sa iyo." "We shall see. It's too early to decide now. Whether you like it or not, I have all the time I need to make you fall in love with me and when that happens, you will navigate me towards a happy family that I dream of having. Ganoon kang klase ng babae, likas kang mabuting asawa at ina." Dahil sa sagutan nila sa loob ng sasakyan ay halos hindi na niya namalayang narating na pala nila ang isang pribadong memorial garden at isang museleo sa gitna niyon. Huminto sa driveway ang sasakyan at hindi siya naghintay na pagbuksan ni Rodjak o ng kahit sinong bodyguard nito. Pero hindi na rin siya umangal nang hawakan nito sa siko at inakay papasok ng museleo. Sa loob ay sumalubong sa paningin niya ang altar kung saan nakasampa ang urn, katabi iyon ng naka-kuwadrong larawan ng fetus na nasa loob ng glass jar. Napakurap siya. Pamilyar sa kaniya iyon. Teka, iyon ang fetus sa loob ng garapon na natagpuan niyang itinapon sa site na may gabundok na mga basurang hindi pa nakolekta ng truck. "Do you remember now?" tanong ni Rodjak. Wala sa sariling tumingin siya sa lalaking malungkot na nakatanaw sa larawan. "That baby is my son. Mas pinili ng kaniyang ina na ilaglag siya kaysa buhayin." Namamaos ang boses nito dahil sa pagtagas ng emosyon. "A-anak mo siya?" gimbal niyang bulalas. "I understand now. Pumili ang anak ko ng babaeng alam niyang kahit hindi niya kadugo, pero ipagluluksa siya, iiyakan siya, panghihinayangan siya. He chose you to find him. Kahit walang buhay siyang nakarating sa akin pero nagpapasalamat ako at nagkaroon ako ng pagkakataong makita ang hugis niya, malaman ang kaniyang kasarian at mabigyan siya ng maayos na libing dito." Humarap sa kaniya ang lalaki at hinawakan ang kamay niya. "I haven't tell you yet, maraming salamat, Jovy. Binigyan mo ang anak ko ng halaga, nagsayang ka ng oras para dalhin siya sa simbahan at mabasbasan." "Hindi ko alam na anak mo siya," mahina niyang sambit, nagsisikip ang dibdib. "Anak ko siya, panganay namin siya ni Jissel. Pero kalaban niya ang career ng mommy niya at siya ang talo. Nagkaroon pa siya ng ama na inutil at walang kwenta, hindi siya na-protektahan." Lumapit sila sa altar at inabot niya ang picture. Hinaplos ang fetus na nasa loob ng glass jar. Naalala niya ang araw na nakita niya iyon. Hindi niya alam kung ano'ng gagawin dahil pakiramdam niya noon ay humihinga pa ito. Niyakap na lang niya ang garapon at itinakbo patungo sa pinakamalapit na simbahan. Iyak siya nang iyak noon. Hindi niya maintidihan kung bakit ang sakit ng puso niya. Ganoon nga siguro ang maternal love. Pero ngayon iiwan din niya ang mga anak niya. Wala siyang pinagkaiba sa nanay ng fetus na pinili ang career kaysa sa buhay ng anak. Magkaiba man sila ng dahilan pero parehas silang tumalikod sa obligasyon bilang ina. Sinulyapan niya si Rodjak. Siguro hindi pa ito nakabangon dahil sa pagkawala ng anak nito. Sinisisi nito ang sarili at gusto nitong bumawi at siya ang gagamitin nito para makaahon."PATAWARIN MO ako, Rose! Ayaw kong makulong, pakiusap!" atungal ni Roxanne habang nakaposas na iginiya ng dalawang police patungo sa nakahintong patrol car sa may bakuran. Malamig na tinitigan lamang ni Rosela ang pinsan. Sa dami nang kasinungalingang sinabi nito sa kaniya, hirap na siyang maniwala pa sa salita at pagsisisi nito kahit may kaakibat pang mga luha. Hindi nito obligasyong kilalanin siya at ituring na pamilya kung ayaw nito sa kaniya, pero hindi rin nito kailangang saktan siya at ipahamak. Sobrang kababuyan ang naranasan niya dahil sa kagagawan nito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lubusang nakabawi. Kung wala si Celso sa tabi niya at kung sinukuan siya ng lalaki baka tuluyan na lang niyang itatapon ang sarili. Ang hirap ibigay sa ngayon ang kapatawarang hiningi ni Roxanne at kahit pa mapatawad niya ito, kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kasalanan. Gusto rin niyang matuto ito kagaya kung paano siya natuto sa kamangmangan niya. Binawi niya ang paningin at ibinali
YUKO ANG ulo at kabadong nakaupo si Rosela sa couch sa loob ng private room kung saan inilipat si Celso. Tulog ang lalaki nang dumating siya. Nag-alangan pa siyang umakyat dito sa ikaapat na palapag kanina pero nakita siya ni Harry doon sa ground floor at isinabay na siya nito sa elevator. Ang bigat ng mga mata niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. Hindi siya makatingin sa nanay at mga kapatid ni Celso na nasa kabilang couch. Tuwing napapako naman ang paningin niya sa lalaking natutulog, para siyang nauupos na kandela. Oras na idilat nito ang mga mata, baka gustuhin na lang niyang tumakbo paalis. Takot, matinding hiya, pandidiri ang nagsisisiksikan sa puso niya."Okay ka lang ba?" tanong ni Harry sa kaniya. Wala sa sariling sumulyap siya sa lalaki. Hindi malaman kung tatango o iiling. "Ligtas na siya, huwag ka nang mag-alala. Gumising siya kanina at hinanap ka."Napahikbi siya nang tuluyang sumabog ang sikip sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at kinagat ang nak
HOW TO MOVE ON?written by PulangTintaGIMBAL NA bumalikwas nang bangon si Rosela matapos idilat ang mga mata at nasumpungan ang hindi pamilyar na kuwarto. Nasaan siya? Piniga niya ang ulo nang humataw ang pumipintig na sakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala! Sinipat niya ang sarili. Bathrobe lang ang suot niya! Nasa suite ba siya ng hotel? Lalo siyang natilihan nang isa-isang nagbalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng bar. Uminom siya at malamang napasobra na naman. Tapos...may lalaki...hindi niya matandaan ang mukha pero sigurado siyang may lalaking umakay sa kaniya paalis ng bar at sa loob ng sasakyan..."M-may nangyari sa amin!" tigagal niyang bulalas at natulala na lang habang bumubukal ang mga luha. Ginawa na naman niya. Nagkasala na naman siya kay Celso. Hindi na niya pwedeng gawing excuse na galit siya at masama ang loob. May choice siya. May pagkakataon siyang umiwas. Pero hinayaan na naman niya ang sarili na talunin ng kahinaan. Paano ba ka
KINSE MINUTOS na lang para mag-ala una ng hapon. Nagmamadaling pumasok ng mansion si Rosela at dumeretso sa study room. Nadatnan niyang abala sa pagpirma sa mga nakabinbin na dokumento si RJ."It's good that you're here, Rose. Pasensya ka na kung pinag-report kita despite your day-off. May urgent lang akong lakad at darating dito ang ilang kasapi ng farmer's association sa lungsod para sa assistance na ipinangako ko sa kanila." Kinuha ng lalaki mula sa safety chest ng desk ang sobre na naglalaman ng pera. "Here's the money, ikaw na muna ang bahala." At ibinigay iyon sa kaniya. "Saan po kayo pupunta, Cong?" tanong niya. "Susunduin ko si Chilson, may seminar ngayon si Jovy. Wala rin si Kris dahil nasa training para sa promotion." Hinubad nito ang suot na eyeglasses at nilapag sa desk. "Mamaya ko na tatapusin ang pagpirma sa mga natitirang papeles.""Sige po, ingat kayo." "Thank you." Hinablot ni RJ ang jacket na nakasampay sa sandalan ng swivel chair at isinuot habang tinutungo ang p
HINDI hinayaan ni Rosela na talunin siya ng pagdududa. Nasa tamang edad na siya para lamunin ng negatibong dikta ng kaniyang utak. Kahit pa may posibilidad na gumaganti lang si Celso, tatanggapin niya ang lahat dahil may kasalanan siya na dapat pagbayaran. Dumaan siya ng palengke at bumili ng mga lulutuin niya para sa hapunan. Pagkauwi ng apartment ay inabala niya agad ang sarili sa paghahanda ng makakain. Pasado alas-sais nang dumating si Celso, sakto lang na tapos na siyang magluto. Masigla niyang sinalubong sa may pintuan ang lalaki. "Nag-grocery ka?" Natuon ang paningin niya sa grocery bags na bitbit nito. "Dumaan na ako." Hinagkan siya nito sa noo. "Namalengke rin ako. May hinatid kasi ako roon sa city hall." Bumuntot siya rito patungong kusina. "Gutom ka na? Maghahain na ako." "Sige, babalik pa ako ng mansion. May inutos si RJ." Nilapag nito sa counter ang grocery bags. Gumana naman agad ang utak niya. Sa mansion kaya ito pupunta o kay Roxanne? Agad niyang inalis sa utak
"NANDIDIRI AKO sa iyo, mag-break na tayo!" Iyon ang huling sinabi niya noon kay Celso. Pagkatapos niyang magkasala at makipagtalik sa ibang lalaki sa mismong apartment nila, siya pa ang may lakas ng loob na sabihin sa binatang nandidiri siya. Siya pa ang matapang na nakipaghiwalay at hindi hinayaan si Celso na sumbatan siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya noon ang video scandal, doon niya na-realize kung sino sa kanilang dalawa ni Celso ang totoong nakadidiri. Siya iyon. Hindi ang lalaki.Pinahid ni Rosela ang nanlandas na mga luha. Kung pwede lang niyang ibalik ang oras. Liliwanagin niya ang lahat kay Celso. Magtatanong siya para magkaroon ng linaw ang mga pagdududa niyang wala naman talagang katotohanan at gagawin niya ang lahat para isalba ang pagsasama nila. Pero huli na ang lahat. Dahil sa pride niya naubusan siya ng oras. Dahil pinaiiral niya ang paniniwalang siya ang tama at si Celso ang mali, nawalan siya ng pagkakataong iwasto ang lahat. Araw-araw, unti-unti siyang