Share

3 - Choices

Author: Redink
last update Last Updated: 2025-04-15 08:08:53

Chapter 3

SIX O' CLOCK ang dinner meeting na dadaluhan ni Rodjak. Caucus iyon ng partido niya para sa nalalapit na national and local election. Habang naghihintay kay Jovy inabala muna niya ang sarili sa mga legislation na nakabinbin sa kamara. Nagbibihis pa ang babae sa loob ng guest room kasama ang kilala niyang make-up artist.

Pumayag itong maging escort niya kapalit ang sampung milyon. Marahil ay may ideya naman ito kung ano ang kasunod ganap nila pagkatapos ng dinner. Mapagsamantala na siyang maituring pero wala siyang balak na pakawalan ang babae ngayong napasok na nito ang pugad niya.

"Rosela, confirm the hospital about the money I transferred to their account for the surgery of a child named Karylle Concepcion," utos niya sa staff na pumasok doon.

"Cong, mas okay po yata kung mag-forward din tayo ng formal letter of transaction galing sa bank account ninyo."

"No need, just get the director's name. Making a call is easier than typing a lousy letter."

"Okay po, tatawagan ko po ang hospital ngayon din." Paalis na ito nang muli niyang tawagin.

"Do you remember her? That woman you bring in a while ago?" Tumayo siya at lumapit sa built-in bar ng study room. May kopita roon na may wine. Dinampot niya at tinikman ang alak.

"Si Ms. Jovy po ba?"

"Yes, naalala mo ba siya?"

"Opo, siya nga po 'yong sinabi ko sa inyo na nakapulot sa bottle na pinaglagyan ni Madam Jissel sa nalaglag na fetus."

"Do you still have the photos of her you took that day?" tanong niya.

"Bakit po?"

"I want those picture now, forward it to my email."

"Okay po," tango nito.

"You may go," he dismissed his staff and emptied the glass.

Pumihit si Rosela at tinawid na palabas ang pintuan.

Lumagok siya ng wine at binalikan ang laptop. Nakita niya kanina mula roon ang pagdating ni Jovy. Konektado sa laptop lahat ng installed CCTvs na nakakalat sa buong premises ng bahay.

Two years ago na nang makita niya ang photos nito habang maingat na yakap ang glass container na naglalaman ng fetus.

Si Jovy ang nakapulot sa anak niya noong inutos ni Jissel sa personal assistant nito na itapon ang fetus na nilaglag at nilagay lang ng dati niyang asawa sa babasaging garapon ng beauty pill.

Si Jovy ang unang umiyak para sa anak niya. Nanghinayang sa buhay, nanghinayang sa sanggol na matagal niyang inaasam-asam na makita at mahawakan pero ipinagkait ni Jissel. Si Jovy ang nagdala sa anak niya sa simbahan para mabasbasan ng pari bago nito isinuko sa police. Sumubok pa itong magpaalam na iuwi na lamang ang anak niya at ito na ang magbibigay ng maayos na libing.

Ang babaeng iyon, halos malasahan niya ang kabutihan ng puso nito.

Hindi pa siya nakapagpasalamat nang maayos sa ginawa nito. Naging okupado siya sa petisyon ng annulment. Ang tulong na ibinigay niya para sa kaligtasan ng anak nito ay hindi pa sapat kung tutuusin. Pero nag-iba na ang kaniyang plano ngayon. Magiging makasarili siya pero siguradong maiintindihan ng anak niya ang kaniyang gagawin.

***

PARANG pinipilas na papel si Jovy habang pinagmamasdan ang sarili sa malaking salamin sa kaniyang harapan. Hating-hati siya. Ang isip at puso niya ay walang tigil sa pagtatalo mula pa kanina. Parehas na mahalaga ang kaniyang mag-ama. Ang pagmamahal ni Kris at ang buhay ni Karylle.

Alam niyang hindi maganda ang naghihintay sa kaniya sa dulo ng gabing iyon. Kita niya sa mga mata ni Cong. Rodjak ang naiibang pagnanasa.  Kung tatanggi siya at aalis ngayon din, may iba pa ba siyang matakbuhan para matiyak ang kaligtasan ni Karylle? Kung pikit-mata siyang sasama at lulunukin ang gagawin ng lalaki sa kaniya, makakaya ba niyang harapin muli ang kaniyang asawa?

Kasalanan niya kaya nasa ganoong kalagayan ngayon ang bunsong anak. Hindi sapat ang pag-iingat at pag-aalagang ginawa niya. Kulang pa. At para maging mabuting ina, kailangan niyang sirain ang pangako niya sa lalaking lubos siyang minahal at mahal na mahal niya. Kailangan niyang maging taksil na asawa at durugin ang puso nito kapalit ang buhay ng kanilang anak.

Sumpa ang pagiging mahirap. Noon ay hindi siya naniniwala roon dahil kontento siya kung ano lang ang mayroon sila. Pero ngayon ay napatunayan niya kung gaano kahirap mahing dukha.

"Okay na po ba tayo, Ma'am?" tanong ng make-up artist na nakamasid lang sa kaniya mula sa hiwalay na dresser.

Matamlay na nilingon niya ito at binigyan ng mababaw na tango. Hindi niya ma-appreciate ang hitsura niya, maging ang evening gown na suot niya. Ang itim na kulay ay kumikinang sa pahiwatig na katapusan na ng maligayang araw niya sa piling ni Kris.

"We need to hit the road, are you ready?" Sumagad sa pintuan ang bulto ni Cong. Rodjak. Ikinumpas nito ang pulso na may relos.

Tumango siya at taas-noong iniwan ang salamin. Sana kaya niya ring iwanan at ikulong doon ang kaniyang puso at kaluluwa para kung masadlak sa putik ang katawan niya, kahit ang mga iyon man lang ay manatiling malinis.

Inalok ng lalaki at kamay nito at hindi na siya nagpakipot pa. Humawak siya roon at seryoso ang mukhang sinabayan ang mabagal nitong hakbang.

"I transferred the money earlier. Pina-check ko na sa staff ko ang hospital. We will be getting updates about your daughter. I also asked Rosela to monitor and expedite the surgery." Nagsalita ito.

Tumango lang ulit siya. Hindi niya ibibigay rito ang kasiyahang makita siyang ngumiti na para bang gusto niya ang kapalit na hiningi nito sa tulong na ibinigay sa kaniya. For sure gagawin siya nitong throphy roon sa meeting, dekorasyon para sa mapanuring mga matang pag-aari ng mga taong nabubuhay sa alta-sociodad.

"Don't worry, I am not expecting you to be submissive and to follow my instructions like a docile little kid. Hindi mo gusto ito? It's fine by me. Sapat na ang presensya mo, hindi mo kailangang magpanggap, Jovy. Pwede kang magalit."

"Ang importante lang sa akin ay mabuhay ang anak ko, Congressman, iyon lang. Bahala ka na kung ano'ng gusto mong gawin. Pero ipapaalala ko sa iyo na may asawa ako, hahanapin niya ako. Mahal ako ni Kris at hindi niya ako basta ibibigay sa ibang lalaki," matigas niyang sagot.

"Pareho lang tayong may priority, Jovy. Right now, I will show you mine. Different folks, different strokes."

Nalipat sa baywang niya ang kamay nito, hinapit siya at kinaladkad patungo sa opposite na pasilyo, imbis na pababa ng hagdanan. Mistulang tornado na sa bilis ang tibok ng puso niya. Hindi na siya makahinga sa takot.

"Hindi importante sa akin ang meeting, ang priority ko ngayon ay ikaw. Let me perform, Jovy. I have prepared your cage."

Mariin niyang kinagat ang labi. Sana bawian na lang siya ng buhay. Sana tamaan na lang siya ng kidlat. Pumasok sila sa kuwartong mas malaki kaysa sa silid na pinanggalingan niya. Sa gitna niyon ay ang king-size bed na nalalatagan ng pulang bed sheet at mga unan na kasing-puti ng snow.

He carried her halfway to the bed. Pumikit siya na lamang siya nang lumapat ang likod sa malambot na kama. Pilit niyang hinagilap sa alaala ang mukha ni Kris. Tama. Iisipin niya si Kris. Ang asawa niya. Ang lalaking mahal na mahal niya.

Ginulo ni Rodjak ang hairdo niya, hinayaang sumabog sa unan ang kaniyang buhok. Tinalop nito paalis sa kaniyang katawan ang evening gown. Pinilas mula sa slit sa gilid.

"Taste me," bulong nitong siniil ng halik ang labi niya habang abala ito sa pagtanggal ng mga kasuotan. Marahas at magaspang ang haplos nito sa kaniyang balat.

Nagsimula nang magtubig ang mga mata niya kahit ano'ng pigil niyang huwag umiyak. Hindi siya gumanti nang halik. Kung gaano siya nangilabot ganoon din ang kirot sa kaniyang puso na pakiramdam niya ay tinapakan ng libo-libong mga paa.

"Sit on my mouth," habol ang hiningang nahiga ito sa tabi niya at hinatak siya, iginiya paupo sa mukha nito. Ang sentro ng kaniyang pagkababae ay nasa bibig nito at halos mangaligkig siya nang humagod ang dila nito at s******n ang maliit na tatsulok na nakatanim sa gitna.

Kahit ano'ng pilit niyang ituon ang utak sa alaala nilang dalawa ni Kris pero ang katawan niya ay mistulang ligaw na hayop na nauulol sa sensasyon na tumutupok sa kaniyang katinuan.

"Kris...ahhh..." ang puson niya, sasabog na siya!

"No, honey...it's Rodjak...learn to spell that," he corrected in jumbled tone and continue ravishing her depths with his tongue.

Sumabog ang katas niya sa bibig nito.

Sumidhi pa ang nag-aapoy na parusa. Lupaypay siyang bumagsak sa kama, sakal na sakal sa kakaibang pwersa ng makamundong karanasan. Pumuwesto sa ibabaw niya si Rodjak at pinaghiwalay ang kaniyang mga hita kasunod ang magaspang na pagbaon ng pagkalalaki nito sa naglalawa niyang lagusan.

***

GABI NA at kalahating oras na ring bumubuhos ang ulan pero hindi tumigil sa pag-iikot si Kris kahit basang-basa na. Hinahanap niya si Jovy. Sabi ng Mama niya pumunta sa bahay ni Cong. Guadarama pero kaninang hapon pa raw nakaalis ang asawa sabi ng staff. Wala itong dalang cellphone, naiwan siguro sa pagmamadali kanina.

Napuntahan na niya ang karamihan sa mga kakilala at kaibigan nila. Pati mga suki nito sa palengke pero walang nakakita sa babae. Hindi siya pwedeng mag-report sa police dahil wala pang biente-kuwatro oras.

Tumunog ang cellphone niya na nasa pocket ng motor. Tumabi siya sa shoulder ng highway at bumaba. Nagtungo sa isang waiting shed, bitbit ang cellphone at doon sinilip kung sino ang tumawag. Landline number?

"Hello?"

"K-Kris...ahm...ako 'to," si Jovy. Namamaos ang boses nito at para bang pagod na pagod. Halos isipin na niyang umiiyak ito.

"Nasaan ka, Mahal? Kanina pa kita hinahanap. Baka gagawin na ang surgery ni bunso ngayon. May nag-donate ng pera para sa operasyon."

"Mabuti naman, makapagpahinga ka na sa paghahanap ng pera. Hindi ka na rin mababaon sa utang."

"Iyon ba ang inaalala mo? Lahat naman ng naging utang natin nabayaran ko, di ba? Nagbigay nga pala ng kunting tulong ang kompanya, gagamitin natin iyon habang nagpapagaling si Karylle. Saan ka ba at susunduin kita?"

"Huwag na, Kris. Ikaw na muna ang bahala sa mga anak natin." Halata ang pagbara ng salita, kumbinsido na siyang umiiyak nga ito.

"Mahal, ano bang nangyari? Huwag mo akong takutin, sobrang nag-aalala na ako sa iyo."

"Hindi pa ako makakauwi at 'wag mo na akong hanapin, ligtas ako. May sasabihin ako sa iyo pagkatapos ng surgery. Lagi kayong mag-iingat ng mga bata. Mahal na mahal kita...at Kris, pakiusap, wag mo akong patawarin."

"Sandali lang, Jovy, ano bang-" naputol na ang linya.

Tulirong napatitig na lamang siya sa screen ng cellphone. Nasaan ang asawa niya? Ano'ng ibig nitong sabihin? Nagtagis siya ng mga bagang. Huwag sanang magkatotoo ang kutob niya. Hindi pwede! Nagpupuyos ang dibdib na hinulog niya sa pocket ang cellphone at pinasibad pabalik ng hospital ang motorbike.

Ibininta ba ni Jovy ang sarili nito kapalit ng perang kailangan nila para sa operasyon ni Karylle?

Pagdating niya ng hospital ay tinakbo niya ang mahabang pasilyo na tila wala hangganan. Pero ang nadatnan niya sa dulo niyon ay ang pagpinid ng pinto ng operating room kung saan nasa loob ang anak niya.

Habol ang hiningang tiningala niya ang nakatatak at umiilaw na mga letrang nagsasabing nagsisimula na ang surgery. Mabubuhay ang anak niya pero mawawala ba sa kaniya ang babaeng pinakamamahal niya?

"Si Jovy?" tanong sa kaniya ng ina.

Blangko ang utak na tumingin siya sa magulang at ibinagsak ang sarili sa bench na nakadikit sa dingding. Yumukyok siya sa pagkakaupo at sinaklot ang ulo. Pinalaya ang mga likidong nagpapahapdi sa kaniyang mga mata.

Siya ang nagkulang. Hindi naging sapat ang pagsisikap niya bilang asawa ni Jovy at ama ng kanilang mga anak. Kulang pa.

"Kris, nasaan ang asawa mo? Bakit hindi mo kasama?" utas ng mama niya.

"Hindi..." umiling siya at piniga ang ulo. "Hindi ko alam...parang ayaw na niya kaming makita ng mga bata, ewan, siguro mali ako, Ma. Sana mali ako!"

Kung totoo ang pangamba niya, ano'ng gagawin niya? Ano'ng gagawin nila ng mga anak niya? Hindi pwede. Kailangan niyang hanapin ang asawa. Babawiin niya si Jovy kung saan man ito naroon ngayon at kung sino man ang kasama nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Dhei A. Tomines
para sa kapakanan ng mga anak handang magsakripisyo ang isang ina
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   33 - happy hours

    "PATAWARIN MO ako, Rose! Ayaw kong makulong, pakiusap!" atungal ni Roxanne habang nakaposas na iginiya ng dalawang police patungo sa nakahintong patrol car sa may bakuran. Malamig na tinitigan lamang ni Rosela ang pinsan. Sa dami nang kasinungalingang sinabi nito sa kaniya, hirap na siyang maniwala pa sa salita at pagsisisi nito kahit may kaakibat pang mga luha. Hindi nito obligasyong kilalanin siya at ituring na pamilya kung ayaw nito sa kaniya, pero hindi rin nito kailangang saktan siya at ipahamak. Sobrang kababuyan ang naranasan niya dahil sa kagagawan nito at hanggang ngayon ay hindi pa siya lubusang nakabawi. Kung wala si Celso sa tabi niya at kung sinukuan siya ng lalaki baka tuluyan na lang niyang itatapon ang sarili. Ang hirap ibigay sa ngayon ang kapatawarang hiningi ni Roxanne at kahit pa mapatawad niya ito, kailangan pa rin nitong pagbayaran ang kasalanan. Gusto rin niyang matuto ito kagaya kung paano siya natuto sa kamangmangan niya. Binawi niya ang paningin at ibinali

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   32 - healing

    YUKO ANG ulo at kabadong nakaupo si Rosela sa couch sa loob ng private room kung saan inilipat si Celso. Tulog ang lalaki nang dumating siya. Nag-alangan pa siyang umakyat dito sa ikaapat na palapag kanina pero nakita siya ni Harry doon sa ground floor at isinabay na siya nito sa elevator. Ang bigat ng mga mata niya dahil sa pagpipigil ng mga luha. Hindi siya makatingin sa nanay at mga kapatid ni Celso na nasa kabilang couch. Tuwing napapako naman ang paningin niya sa lalaking natutulog, para siyang nauupos na kandela. Oras na idilat nito ang mga mata, baka gustuhin na lang niyang tumakbo paalis. Takot, matinding hiya, pandidiri ang nagsisisiksikan sa puso niya."Okay ka lang ba?" tanong ni Harry sa kaniya. Wala sa sariling sumulyap siya sa lalaki. Hindi malaman kung tatango o iiling. "Ligtas na siya, huwag ka nang mag-alala. Gumising siya kanina at hinanap ka."Napahikbi siya nang tuluyang sumabog ang sikip sa kaniyang dibdib. Mabilis niyang pinalis ang mga luha at kinagat ang nak

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   31 - fear

    HOW TO MOVE ON?written by PulangTintaGIMBAL NA bumalikwas nang bangon si Rosela matapos idilat ang mga mata at nasumpungan ang hindi pamilyar na kuwarto. Nasaan siya? Piniga niya ang ulo nang humataw ang pumipintig na sakit. Ano'ng nangyari sa kaniya? Wala siyang maalala! Sinipat niya ang sarili. Bathrobe lang ang suot niya! Nasa suite ba siya ng hotel? Lalo siyang natilihan nang isa-isang nagbalik sa utak niya ang nangyari kagabi. Pumunta siya ng bar. Uminom siya at malamang napasobra na naman. Tapos...may lalaki...hindi niya matandaan ang mukha pero sigurado siyang may lalaking umakay sa kaniya paalis ng bar at sa loob ng sasakyan..."M-may nangyari sa amin!" tigagal niyang bulalas at natulala na lang habang bumubukal ang mga luha. Ginawa na naman niya. Nagkasala na naman siya kay Celso. Hindi na niya pwedeng gawing excuse na galit siya at masama ang loob. May choice siya. May pagkakataon siyang umiwas. Pero hinayaan na naman niya ang sarili na talunin ng kahinaan. Paano ba ka

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   30 - conspiracy

    KINSE MINUTOS na lang para mag-ala una ng hapon. Nagmamadaling pumasok ng mansion si Rosela at dumeretso sa study room. Nadatnan niyang abala sa pagpirma sa mga nakabinbin na dokumento si RJ."It's good that you're here, Rose. Pasensya ka na kung pinag-report kita despite your day-off. May urgent lang akong lakad at darating dito ang ilang kasapi ng farmer's association sa lungsod para sa assistance na ipinangako ko sa kanila." Kinuha ng lalaki mula sa safety chest ng desk ang sobre na naglalaman ng pera. "Here's the money, ikaw na muna ang bahala." At ibinigay iyon sa kaniya. "Saan po kayo pupunta, Cong?" tanong niya. "Susunduin ko si Chilson, may seminar ngayon si Jovy. Wala rin si Kris dahil nasa training para sa promotion." Hinubad nito ang suot na eyeglasses at nilapag sa desk. "Mamaya ko na tatapusin ang pagpirma sa mga natitirang papeles.""Sige po, ingat kayo." "Thank you." Hinablot ni RJ ang jacket na nakasampay sa sandalan ng swivel chair at isinuot habang tinutungo ang p

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   29 - communication

    HINDI hinayaan ni Rosela na talunin siya ng pagdududa. Nasa tamang edad na siya para lamunin ng negatibong dikta ng kaniyang utak. Kahit pa may posibilidad na gumaganti lang si Celso, tatanggapin niya ang lahat dahil may kasalanan siya na dapat pagbayaran. Dumaan siya ng palengke at bumili ng mga lulutuin niya para sa hapunan. Pagkauwi ng apartment ay inabala niya agad ang sarili sa paghahanda ng makakain. Pasado alas-sais nang dumating si Celso, sakto lang na tapos na siyang magluto. Masigla niyang sinalubong sa may pintuan ang lalaki. "Nag-grocery ka?" Natuon ang paningin niya sa grocery bags na bitbit nito. "Dumaan na ako." Hinagkan siya nito sa noo. "Namalengke rin ako. May hinatid kasi ako roon sa city hall." Bumuntot siya rito patungong kusina. "Gutom ka na? Maghahain na ako." "Sige, babalik pa ako ng mansion. May inutos si RJ." Nilapag nito sa counter ang grocery bags. Gumana naman agad ang utak niya. Sa mansion kaya ito pupunta o kay Roxanne? Agad niyang inalis sa utak

  • THE CONGRESSMAN'S MISTRESS   28 - love and chance

    "NANDIDIRI AKO sa iyo, mag-break na tayo!" Iyon ang huling sinabi niya noon kay Celso. Pagkatapos niyang magkasala at makipagtalik sa ibang lalaki sa mismong apartment nila, siya pa ang may lakas ng loob na sabihin sa binatang nandidiri siya. Siya pa ang matapang na nakipaghiwalay at hindi hinayaan si Celso na sumbatan siya sa ginawa niya. Pero nang makita niya noon ang video scandal, doon niya na-realize kung sino sa kanilang dalawa ni Celso ang totoong nakadidiri. Siya iyon. Hindi ang lalaki.Pinahid ni Rosela ang nanlandas na mga luha. Kung pwede lang niyang ibalik ang oras. Liliwanagin niya ang lahat kay Celso. Magtatanong siya para magkaroon ng linaw ang mga pagdududa niyang wala naman talagang katotohanan at gagawin niya ang lahat para isalba ang pagsasama nila. Pero huli na ang lahat. Dahil sa pride niya naubusan siya ng oras. Dahil pinaiiral niya ang paniniwalang siya ang tama at si Celso ang mali, nawalan siya ng pagkakataong iwasto ang lahat. Araw-araw, unti-unti siyang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status