공유

Chapter 135

작가: SKYGOODNOVEL
last update 최신 업데이트: 2025-04-08 19:27:17

Chapter 135

Agad kong inayos ang barong ko at kinuha ang coat sa likurang bahagi ng opisina. Habang naglalakad palabas ng korte, seryoso kong tinawagan si Miguel.

“Miguel, samahan mo ako. Pupuntahan natin ang anak ni Alberto Rivas sa ospital. Gusto kong makita ang kondisyon ng bata. At ako na rin ang aaku sa lahat ng gastusin—mula sa operasyon kung mayroon man, hanggang sa gamot at pang-araw-araw na pangangailangan.”

“Noted, Judge. Susunod po ako sa kotse.”

Makalipas ang tatlumpung minuto, narating namin ang pampublikong ospital sa Maynila. Amoy alcohol at antiseptic, maingay ang paligid ngunit ramdam ang lungkot sa bawat pasilyo. Inihatid kami ng isang nurse sa ward kung saan naroon si Elias Rivas.

Sa pagkakakita ko sa binatilyo, tila may kirot na tumama sa dibdib ko. Nasa 17 anyos lamang, payat at maputla, may oxygen sa ilong, at nakakabit ang suwero sa kamay. Hindi ako makapaniwala na ganito kabigat ang dinadala ng isang menor de edad.

Tahimik akong lumapit at ngumiti.

“Ako si Judg
이 책을 계속 무료로 읽어보세요.
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 314

    Chapter 314Jasmine POVNakakahiya! Literal na gusto kong matunaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang linya ni Mr. Montero:"Anak, kahit CEO ka, wag mong gawing literal ang one-shot, one-kill."Napasinghap ako habang pinipigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya.Seryoso ba 'to? As in, joke ng future father-in-law ko 'yon habang hawak pa ang kutsilyo at tinidor?Parang gusto kong sumigaw ng— "Sir Jacob! Anong ginawa mo sa buhay ko?"Muntik na akong mabulunan sa tubig na iniinom ko, buti na lang at alert si Cherie, agad akong kinabig at pinalo sa likod.Napatingin ako kay Ellie—na proud na proud pa rin sa pag-aanunsyo niya—parang spokesperson ng baby reveal.At si Jacob?Hindi makatingin ng diretso. Para siyang batang nahuling pumasok sa kwarto ng magulang habang... alam mo na.Napakamot siya sa batok habang pilit ngumiti pero halatang gusto niya ring maglaho sa earth.Napapikit na lang ako, sabay buntong-hininga."Ahm... sorry po, Mr. Montero... hindi ko po sinasadya..."Seryoso na

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 313

    Chapter 313Gusto kong tumawa. As in—yung tawa na may kasamang hampas sa mesa at gulong sa sahig. Pero siyempre, nasa mansion ako ng future in-laws ni Jasmine, kaya ang tawa ko ay tinago ko muna sa dibdib... ng matagal."Hello?! Hindi po 'yan mahilig sa make-up! Pero kung barilan, suntukan, at pakikipaglaban ang pag-uusapan? Aba, tiyak ako—summa cum laude 'yan si Jasmine!"Pero sa isip ko lang sinabi 'yon. Syempre, baka matahimik ang lunch table namin forever kapag nalamang Rambo pala ang future daughter-in-law nila.Napatingin ako kay Jasmine—at hindi ko kinaya ang reaksyon niya. Literal napangiwi habang pilit na ngumiti kay Maricar. Yung tipong, "Anak, pasensya ka na, hindi ako beauty vlogger, pang-Mission Impossible ako."Si Maricar naman, aliw na aliw. Akala mo may nakita siyang Disney Princess sa anyo ni Jasmine.“Please po ate Jasmine! Turuan mo ko ng smoky eyes!”Sabay biglang tanong,> “Ate, marunong ka rin po ba mag-contour ng nose?”OH. MY. GOD. Kung hindi lang ako siniko ni

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 312

    Chapter 312Cherie POVNapailing na lang talaga ako habang pinagmamasdan si Ellie na para bang detective na sabik sa kanyang unang kaso. Nakakatuwa siyang panoorin—excited, alerto, at parang batang naglalaro ng “detective kunwari”."Parang hindi ito ang Ellie na seryoso at prim and proper," bulong ko sa sarili ko habang pinipigil ang tawa. Pero sa totoo lang, gusto ko rin 'yung energy niya. Sa kabila ng pagiging isang Montero, may tapang at kusa siyang makialam sa mga bagay na alam niyang may kakaiba.Habang nakasilip kami sa may hallway kung saan dumaan ang dalawang security guard na napansin ko kanina, hindi ko maiwasang mag-scan muli ng paligid gamit ang aking undercover instincts.“May tama akong kutob. May hindi karaniwang kilos sa dalawang iyon,” bulong ko sa kanya."Pero sis," sabay bulong ni Ellie sa akin habang nakangiti,"kung totoo ngang suspicious sila... ibig sabihin, may 'mission part two' na tayo."Tumingin ako sa kanya at bahagyang natawa."Ellie, mas bagay ka yata sa

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 311

    Chapter 311Napalingon ako kay Mommy nang bigla niya akong tawagin. Kita sa mukha niya ang kakaibang composure—'yung tipong seryoso pero may halong excitement at kontroladong tensyon."Ellie, tawagan mo ang triplets mong kapatid. Sabihin mong may importante tayong bisita," wika niya sa akin habang nakatitig pa rin kay Jasmine.Agad akong tumango."Yes, Mom."Kinuha ko ang phone ko at naglakad papalayo ng bahagya, pero hindi pa rin lumalayo sa main entrance.Nag-type agad ako sa group chat naming magkakapatid: “Emergency. Punta kayo agad sa receiving area. May special guest tayo. Si Kuya ang dahilan.”At sa hindi inaasahan, halos sabay-sabay ang “Seen” notification. After a few seconds, may reply si Mateo.Mateo: "Wait, special guest? Babae?"Matias: "Siya ba 'yung sinasabi ni Ellie noon na crush ni Kuya?"Maricar: "Oh my gosh. Baka future sister-in-law na to!"Napailing ako sabay ngiti. Kahit 16 lang ang mga kapatid ko, mas mabilis pa sila sa tsismis kaysa sa internet.Bumalik ako sa

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 310

    Chapter 310Ilang sandali lang, dumating na si Kuya Jacob sakay ng kanyang SUV. Siya mismo ang nagmamaneho, habang ang driver niya naman ay inabot ko ng susi ng kotse ko para siya na ang magdala papunta sa mansion. Gusto ni Kuya na sabay-sabay kaming umalis—isang pamilya.“Sure ka ba na sasama ako? Di ba nakakahiya doon?” bulong sa akin ni Cherie habang nakaayos kami sa gilid, nakatingin sa mamahaling sasakyan na huminto sa mismong harapan ng hospital.Napatingin ako sa kanya, at hindi ko napigilang mapangiti. Uy, marunong din palang mahiya ang undercover agent na ‘to.“Relax ka lang. Parang bahay mo na rin 'yon,” sabi ko sabay tapik sa balikat niya. “At isa pa, kilala ka na ni Mom bilang best friend ni Jasmine. Hindi ka na outsider.”Tumango siya ng bahagya, pero alam kong may kaba pa rin.Napalingon ako kay Jasmine. Tahimik lang siya. Hindi ko mawari kung ano ang iniisip niya. Blangko ang ekspresyon ng mukha niya, na para bang may sinusukat sa sarili niya. Hindi ko alam kung kaba ba

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 309

    Chapter 309Ellie POVNapangiti ako sa aking nasaksihan. Hindi ko mapigilan ang kilig habang pinagmamasdan si Kuya Jacob na buong pusong nagpapakatotoo sa harap ni Jasmine.Si Cherie, na ngayon ay malapit ko nang matatawag na kaibigan, ay bahagyang nagtakip ng bibig habang lihim na tumatawa sa tabi ko. Halata ring aliw na aliw siya sa eksena. Parang sa isang romantic drama, pero this time—totoong buhay na.'Sa wakas,' sambit ko sa aking isipan, 'Ang babaeng gusto ko para sa aking kuya ay mabibilang na sa aming angkan.'Hindi ko alam kung bakit pero simula’t simula pa lang ay may naramdaman na akong koneksyon kay Jasmine. Siguro dahil sa tapang niya, sa tiwala niya sa sarili kahit amnesia ang peg niya ngayon. O baka dahil kahit anong gulo sa paligid niya, nakakahanap pa rin siya ng paraan para maging kalmado. At higit sa lahat, nakita ko kung paano siya tinitingnan ni Kuya—hindi tulad ng mga babaeng ipinapakilala sa amin noon. Hindi basta-basta.Hindi siya trophy girlfriend. Isa siyang

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 책을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 책을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status