Chapter 152Nakahawak si Revenant sa balikat ni Veronica habang nanginginig siyang nagsimulang magsalita. Ang mukha niya'y duguan, ang mga mata'y punong-puno ng takot—pero ngayon, wala akong pakialam. Wala akong puwang sa awa. Hindi sa babaeng ito. Hindi matapos ang nangyari kay Kara."Si Mr. Kenya ang lider, pero hindi lang siya ang may sala," bungad niya, habang kumakapit sa hininga niya."Meron pa—mga kasabwat niya sa loob ng gobyerno, mga negosyanteng naghugas-kamay, at... isang tao sa loob ng circle mo, Chris.""Sino?!" singhal ko, habang dumadagundong ang dibdib ko sa galit.Lumapit ako sa kanya, halos ilapit ang mukha ko sa kaniya. "Sabihin mo kung sino, Veronica. Bago ako mawalan ng kontrol!""Ramon... si Ramon Del Fierro ang isa sa mga utak ng lahat ng ito!" halos wala nang boses si Veronica sa kakaiyak at kakasigaw. "Matagal na silang konektado ni Mr. K—matagal na nilang gustong pabagsakin ka, Chris!"Napatigil ako. Ang pangalan ni Ramon ay parang lasong biglang sumabog sa u
Chapter 153 728G-KARA. Pinangalanan niya ang passcode ayon sa pangalan ng asawa ko. Dahan-dahan akong napahawak sa baril sa aking tagiliran. Tumalikod ako, huminga ng malalim, saka tumingin kay Revenant. "Ihanda ang sasakyan. Pabayaan mo na 'tong si Ramon dito... hanggang makalimutan niya ang sarili niyang pangalan." “Chris... wag, awa na... may pamilya ako—!” Lumingon ako, ang mga mata ko'y wala ng kahit anong emosyon. “May pamilya rin akong kinitil ninyo. Ngayon... patas na tayo.”Walang ni isang patak ng awa sa puso ko.BLAG!BLAG!BLAG!Tatlong putok. Diretso sa dibdib. Hindi ko siya tinigilan hanggang hindi na siya gumagalaw. Ang puting pader sa likod niya, ngayon ay puno na ng dugo. Tumalsik ang katawan ni Ramon sa likod ng upuan, napalugmok, walang buhay.Tahimik ang buong silid. Tanging echo ng mga putok at mabigat kong paghinga ang naririnig.Lumapit si Revenant, seryoso ang tingin.“Sigurado ka bang hindi natin kailangan 'to buhay?” tanong niya, pero alam niyang huli
Chapter 154 Dahan-dahan akong lumingon. At doon ko nakita—ang isang mukha na akala ko'y kakampi, kapatid, pamilya. Si Lander. Ang adopted son ni Grandpa. Ang taong itinuring kong kapatid kahit hindi kami magkadugo. Nakaayos siya. Maayos ang suot, pero sa likod ng malamig niyang titig, alam kong matagal niya na itong pinlano. “Ikaw…?” halos hindi makalabas ang boses ko. Ngumisi siya habang papalapit. “Ang hirap pala ng pakiramdam na palaging ikaw ang pinoprotektahan, Chris. Lahat ng attention, lahat ng tiwala—binigay sa’yo ni Grandpa. Pero ako? Ako ang laging nasa anino mo.” Tinutok ko sa kanya ang baril. “Anong kinalaman mo kay Mr. K?” “Simple lang. Ako ang totoong utak. Siya lang ang pasimuno. Lahat ng galaw niya, ako ang nagbigay ng basbas.” Tumawa siya ng malamig. “Si Kara? Hindi dapat siya ang target. Pero nung nalaman kong minahal mo siya nang higit pa sa sarili mo, alam kong siya ang kahinaan mo.” Pak! Hindi ko napigilan. Isang malakas na suntok ang tumama s
Chapter 155 Kenya POV Sa loob ng isang marangyang underground safehouse na nakabaon sa ilalim ng isla, nakaupo ako sa isang leather chair. Tahimik. Isang baso ng mamahaling alak sa kamay ko. Pinagmamasdan ko ang malaking monitor sa harapan ko, kung saan kita ang bawat sulok ng isla—motion sensors, thermal cameras, encrypted com-lines. Ako si Kenya. Hindi ako basta-basta kriminal. Ako ang mastermind. Ang hindi makikita, ang hindi mahuhuli. Ang nagtago sa loob ng gobyerno, lumusot sa mga batas, at pinaniwala ang mundo na patay na ako. “Chris Montero...” bulong ko habang pinapaikot-ikot ang alak sa baso. “Tinatanggal mo ako isa-isa sa mga asset ko. Pero hindi mo alam, ako ang nagturo sa’yo ng galit.” Tumayo ako, lumapit sa isang metal vault, at binuksan ito gamit ang fingerprint at voice code. Hissss. Lumabas ang maliliit na vials—neurotoxins, experimental serums, at DNA samples. “Your wife was just the beginning. Your pain fuels the game.” Lumapit ang isa sa m
Chapter 156 Chris POV Patay ang lahat ng ilaw. Tanging pula at kumikislap na emergency lights ang gumagabay sa bawat hakbang ko. Dugo ang naging guhit ng daan. Mga katawan ng mga tauhan ni Kenya ang nilampasan ko—walang awa, walang habag. Hindi sila ang pakay ko. Pero humarang sila, kaya tinanggal ko. Hindi na ito negosyo. Hindi na ito personal. Isa na itong paghuhukom. Nilagay ko sa cold mode ang comms. Wala munang distractions. Ako lang. Ako lang ang tatapos kay Kenya. "Sa dami ng kasalanang ginawa mo, Kenya, wala kang lugar kahit sa impyerno," bulong ko na may panganib. Umalingawngaw ang boses niya mula sa loob ng panic room. "Kung lalaki kang tunay, pumasok ka rito! Harapin mo ako!" galit na sigaw ni Kenya mula sa speaker na bakas sa boses nito ang pagtarannta. Ngumisi ako. ‘Yan ang gusto ko—ang marinig siyang natataranta. Ang boses ng isang taong sanay mag-utos pero ngayon ay unti-unting nawawalan ng kontrol. "Pumapatay ka ng mga inosente. Ginulo mo ang buhay
Chapter 157Tumitig ako sa paligid—mga dingding ng kuta ni Kenya na minsang naging simbolo ng kanyang kapangyarihan. Ngayon, ito ang magiging libingan ng lahat ng kanyang kasalanan.Narinig ko ang mahinang static sa earpiece ko."Boss, lahat ng exits naka-lock na. Mga tauhan ni Kenya, cornered. Awaiting green light," sabi sa kabilang linya ng tauhan ko. "Green light. Ipadama sa kanila kung paano dumurog ang demonyo," isang ngiti nang demonyo ang kumawala sa aking labi. Agad kong narinig ang sunod-sunod na putok ng baril—ratatatatat!—kasunod ang mga sigaw ng pagmamakaawa, pagtakas, at panginginig. Walang awa. Walang kahabag-habag. Isa-isang nalagas ang mga kalaban, tinamaan sa ulo, sa dibdib—sigurado, wala nang tatayo.Humakbang ako palapit sa patay na katawan ni Kenya, duguan, wasak ang ulo pero kita pa rin ang dating ngisi sa kanyang labi."Sa huli, ikaw pa rin ang natalo. Katulad ng palad ng mga traydor," bulong ko sa sarili. Kumuha ako ng maliit na device sa bulsa ko—blast trigg
Chapter 158 Napalunok siya. Hindi siya makagalaw. Ang buong boardroom ay tila nahulog sa ilalim ng lupa—walang hangin, walang galaw, puro titig lamang sa akin. “Chris... pwede natin pag-usapan ‘to. Hindi ako kalaban—ginamit lang nila ako. Pamilya tayo—” sabi ni Ramon pero agad ko itong pinutol. “Ginamit ka? At sino'ng pinatay ang pamilya ko? Sino'ng nagsangla sa pangalan ng kompanya kapalit ng mga illegal na transaksyon? Huwag mo akong lokohin. Alam kong may bahid ng dugo ang bawat sentimong kinita mo," malamig kung sabi doto at puno ng galit. Tinapik ko ang baril sa mesa. Tumunog ito—matinis, nakabibingi sa gitna ng katahimikan. “Akala mo ba hindi kita nakilala noon pa lang? Akala mo hindi ko alam ang koneksyon mo kay Kenya? Mas matagal kong inipon ang ebidensya kaysa sa oras na ginugol mong traydorin ako," matalim ko itong tinitigan. Tumingin ako sa shareholders na kasabwat ni Ramon. “Mga kasamahan ninyo, pinatay ko na. Mga lihim ninyo, hawak ko na. Kung may isa pang magt
Chapter 159 Nang sinabi ni Revenant na ang lalaking nagligtas kay Kara ay si Phantom, para bang may tumusok sa ulo ko. Parang kidlat na humati sa ulap ng alaala. “Impossible…” bulong ko sa sarili. “Boss… Phantom used to be one of us. Siya ang pinaka-silent, pinaka-efficient, at pinaka-loyal noon… o ‘yun ang akala natin," sabi ni Revenant na matigas ang tono. “Gian," sagot ko habang binulong sa mapanlinlang na katahimikan. Ang tunay niyang pangalan. Isa siya sa mga unang miyembro ng Unit X, ang elite black-ops group na itinayo ko bago ako tuluyang pumasok sa ilalim ng Montero Empire. Tahimik. May sariling panuntunan. Walang emosyon. Pero masyadong matalino. At minsang nawala sa misyon sa Prague. Wala nang balita. Noong panahong ‘yun, akala naming pinatay siya ng mga kalaban. Pero ang totoo, siya pala ang tumalikod. “Buhay ka pala, Gian. At mas pinili mong itago si Kara kaysa sabihin sa akin? Anong pakay mo? Utang na loob? Pagbawi? O... gusto mo siyang angkinin sa paraan na hin
Chapter 192 Nang makarating kami sa pinakadulong pinto ng kuta, nagsimula nang mag-ingay ang ilang tao sa loob. May mga nagsasalita, ngunit wala akong pakialam sa kanila. Ang tanging nasa isip ko ay ang kaligtasan ni Kara at Ellie. Bago ko pa magawa ang lahat ng plano, tumunog ang phone ko. Si Gian. "Chris, nahanap namin sila. Nasa silid sa itaas. Kailangan nating magmadali," sabi ni Gian, ang boses niya ay puno ng urgency. "Got it. I’ll be there," sagot ko. Walang pasabi, tumakbo kami papunta sa itaas. Alam ko, kailangan ko na silang makuha at wala nang oras para maghintay. Pagpasok sa silid, nakita ko si Kara, naka-kadena at nakagapos. Nasa tabi niya si Ellie, ang mga mata ni Ellie ay puno ng takot, ngunit nang makita ako, bigla siyang ngumiti. "Daddy!" sabi niya, mahina at may takot sa boses. Naglakad ako sa direksyon ni Lolo Carlo. "Ikaw na lang, Lolo. Bakit? Magsalita ka?" sabi ko, ang mata ko’y puno ng galit at determinasyon. "Oo apo," sagot ni Lolo Carlo, may ngiti sa l
Chapter 191 Ang sakit na dulot ng bawat salitang binitiwan niya ay tila isang matalim na kutsilyo na tumusok sa puso ko. Hindi ko matanggap na ang lahat ng ito ay isang malupit na laro para kay Senyor Carlo—ang lolo ko. "Kung hindi mo sasabihin kung saan siya, babalikan kita. At hindi na ako magiging magaan," ang sinabi ko kay Lucas, na puno ng galit at pasakit. Bago pa niya makuha ang pagkakataon na magsalita, naglakad na ako palayo sa kanya. Kailangan ko ng oras. Kailangan ko ng tamang plano. At higit sa lahat, kailangan ko na hanapin si Kara bago pa mahulog ang lahat sa mga kamay ng aking pamilya.Ang galit ko ay hindi matitinag. Nagmamadali akong lumabas ng silid, at ang mga hakbang ko ay mas mabilis kaysa sa karaniwan. Ang bawat segundo ay may bigat—hindi ko kayang mag-aksaya ng oras. Gusto ko na makuha si Kara at matigil na ang lahat ng ito bago pa mahulog sa mga kamay ng aking pamilya.Nagmadali akong dumaan sa mga kasamahan ko sa kuta. "Kailangan kong malaman kung nasaan si
Chapter 190 “Gusto kong malaman kung sino ang mga nangungunang tao sa likod ng operasyon niyo,” sabi ko, ang boses ko’y parang buo ng yelo. “At hindi ako maghihintay ng matagal para makita kung gaano katagal ka pa magsasalita.” Naglakad ako palapit sa kanya at itinapat ang baril sa kanyang kaliwang braso. Sabay sigaw ng pwersa at tapat ang tanong: “Sabihin mo na!” Ngumisi siya, “Hindi ko sila kayang ipagkanulo, Chris.” Gamit ang lahat ng galit at sakit, ginamit ko ang pinakapangit na pamamaraan na alam ko. Mabilis kong pinutol ang mga daliri ni Lucas gamit ang matalim na kutsilyo. “Alam ko na matigas ang ulo mo, pero hanggang kailan mo kayang tiisin ang sakit?” tanong ko, ang galit ay bumabalot sa bawat salitang binibigkas ko. Sumabog ang katahimikan sa pagitan namin. Ilang segundo ng pagka-gulat bago siya sumigaw, tila napuno ng pasakit. Pero matigas pa rin siya. Sa kabila ng lahat ng pain, hindi siya nagsalita. “Sa huli, ikaw din ang magpapasa ng hatol sa sarili mo,” sabi ni
Chapter 189 "Gian, kailangan bumalik ka sa Panglao para maprotektahan mo sila," malamig kong utos habang pinupunasan ang bahid ng dugo sa aking kamay. "Ako ang hahanap kay Lucas." Napatingin sa akin si Gian, puno ng pag-aalala ang mga mata niya. "Sigurado ka ba, Chris? Mag-isa ka lang—" "Mas magiging ligtas sila kung hindi ako kasama. Alam kong ako ang puntirya. Ikaw lang ang pinagkakatiwalaan kong makakabantay sa kanila nang buong puso." Tumango si Gian, bagama't halata ang bigat sa desisyong iyon. "Sige, pero mangako kang babalik ka nang buhay." "Kapag nahanap ko si Lucas... matatapos na ang lahat." "Isa pa," madiin kong sabi habang tumayo ako sa harap ni Gian, "andito sila Revenant, Miguel, Richard, at Troy upang samahan ako." Napatingin si Gian sa paligid. Isa-isang tumango ang mga nabanggit ko—matatapang, determinadong mga kaibigan, kapwa mandirigma ng hustisya. Muli kong nilingon si Gian. "Hindi ako mag-iisa. Hindi kami matatalo. Pero ikaw—ikaw ang susi sa kaligtasan nil
Chapter 188 Pagdating namin sa kuta, hindi na ako nag-aksaya ng oras. "Dalhin siya sa interogation room. Siguraduhing may CCTV at walang makakalapit sa paligid maliban sa tauhan natin," malamig kong utos sa isa sa mga tao ko. Agad nilang hinila si Don Armando pababa ng van, nakaposas, may itim na supot sa ulo, at bahagyang naglalakad dahil sa pagkakabugbog sa engkwentro kanina. Sumunod ako sa kanila. Mula sa hallway hanggang sa silid, bawat hakbang ay may baon akong tanong—mga katanungang matagal ko nang gustong masagot. Ang dahilan kung bakit muntik nang mawala sa akin ang asawa ko, ang mga anak ko, at ang tahimik naming buhay. Pagkapasok namin sa interogation room ay agad nilang ipinatong sa bakal na upuan si Armando at itinali ang mga kamay at paa nito. Tinanggal ng isa kong tauhan ang supot sa ulo nito. "Bumati ka naman, Don Armando," sarkastikong wika ko habang lumalapit ako, "matagal ko nang hinihintay ang araw na ‘to." Lumapit ako kay Don Armando, hawak ang lumang litrat
Chapter 187Wala akong inaksayang oras. Agad kong sinundan ang anino na dumaan sa likurang lagusan ng base. Tahimik ang paligid pero dama ko ang tensyon sa bawat hakbang. Mabilis ang tibok ng puso ko, pero mas mabilis ang galaw ng katawan ko—sanay sa dilim, bihasa sa panganib.Sa bawat liko ng pasilyo, sinisiguro kong walang nakakakita. Sa malayo, naririnig ko ang mahinang yabag. Isa lang ang ibig sabihin—tama ang direksyon ko.“Hindi ka na makakatakas, Don Armando…” bulong ko sa sarili habang mahigpit ang hawak sa baril ko.Handa na akong harapin ang katotohanan… o ang kalaban.Bawat madaanan ko, bawat humaharang sa aking daraanan—wala akong sinayang na segundo. Walang alinlangan. Isa, dalawa, tatlo... kasabay ng bawat putok ng baril ay ang pagbagsak ng mga kalaban. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nararating si Don Armando.Ang mga sigaw at yabag sa paligid ay tila ba musika sa aking pandinig. Pero hindi ito musika ng takot—ito'y himig ng katarungan at paghihiganti. Marami na siy
Chapter 186"Hi to, inumin mo muna para bumalik agad ang lakas mo. Galing yan sa black market. Isang bagong gamot naa ibininta kaya agad naming binili para sa ating organisasyon," wika ni Troy sa akin.Kinuha ko ang maliit na bote mula sa kamay ni Troy. Maitim ang likido sa loob, at may kakaibang amoy.“Sigurado ka bang ligtas ‘to?” tanong ko habang tinititigan ang gamot.Tumango si Troy. “Oo, sinubukan muna ng isa sa ating mga tauhan. Ilang minuto lang, bumalik ang lakas niya. Wala ring naitalang side effects. Pero huwag kang mag-alala, mayroon din tayong antidote just in case.”Saglit akong nag-isip bago ininom ang laman ng bote. Mainit ito habang bumababa sa lalamunan ko, at ilang sandali lang ay ramdam kong gumaan ang pakiramdam ko. Parang unti-unting bumabalik ang lakas ng katawan ko—mas malinaw na rin ang isip ko.“Ganyan nga ang epekto,” sambit ni Gian habang pinagmamasdan ako. “Sa ganyang kondisyon, kaya mo nang humarap sa susunod na hakbang.”Napahawak ako sa mesa, matatag an
Chapter 185CHRIS POVTumayo ako mula sa kinauupuan ko at lumapit sa mesa kung saan nakalatag ang ilang surveillance photos at intel folders."Gian, kailangang simulan na natin agad ang Phase One. Hindi pwedeng patagalin pa. Sa bawat araw na lumilipas, mas lumalapit ang panganib kay Kara at sa mga bata."Tumango si Gian. "Naka-ready na ang core team. Si Revenant ang magli-lead ng reconnaissance para sa unang target.""Good," sagot ko habang binubuklat ang folder ni Armand—ang isa sa pinakamalapit kay Falcon noon.Huminga ako nang malalim. "Kailangan matapos 'to bago manganak si Kara. Hindi ako makakapayag na sa araw ng pagsilang ng triplets namin ay may takot pa rin sa paligid nila."Tahimik si Gian sa ilang saglit, bago siya nagtanong ng mahinahon, "Chris… sa totoo lang, kaya mo pa ba?"Napatingin ako sa kanya—diretso sa mata. "Hindi ako pwedeng mapagod, Gian. Dahil ang pamilya ko ang kapalit nito. At handa akong isugal ang lahat, kahit sarili ko… para sa kanila."Tumango siya, matig
Chapter 184 Mabilis ang kilos namin. Pati ang mga yapak namin ay halos walang tunog. Pagbaba namin sa tunnel, naamoy ko ang halumigmig at lumang simento. Ngunit sa bawat hakbang, isang bagay lang ang nasa isip ko—makabalik kay Kara at sa mga anak ko. Ngunit hindi pa ngayon. Kailangan ko munang buwagin ang natitira pang mga anino sa likod ng banta sa buhay namin. “Revenant,” tawag ko. “Ayusin mo na ang transport. At i-encrypt lahat ng communication natin. Gusto kong tapusin 'to bago pa man manganak si Kara.” “Copy that, Boss.” Walang atrasan. Sa oras na ito, ako ang multo ng kalaban. At hindi ako titigil hangga’t hindi ko sila tuluyang binura. Pagkalabas namin ni Gian sa dulo ng tunnel, agad kaming sinalubong ng malamig na simoy ng gabi. Isang itim na SUV na may tinted windows ang nakahimpil sa lilim ng mga puno. Bukas ang pinto sa likuran, senyales na handa na ito sa mabilisang pag-alis. "Boss, clear ang paligid," sabi ng driver na agad bumaba para pagbuksan kami. Agad kaming