Chapter 277"Let's go to the meeting," ani Sir Jacob habang inaayos ang sarili pagkatapos lumabas ito kung saan ako nangalin. "By the way, 'yung tatlo sa picture — mga kapatid ko 'yan. Triplets sila.""Wait, what?!" sambit sa isipan ko.Kahit trained akong magpigil ng emosyon, hindi ko napigilang kumurap ng dalawang beses at mapakunot ang noo."Triplets? As in... tatlo? Ka-level ng kambal pero may bonus?" usal ko sa akin isip."Wow," tanging nasabi ko na lang habang naglalakad kami palabas ng lounge.Kailangan kong magkunwaring normal ang reaksyon ko, pero sa isip ko."Kung gwapo si Boss, edi cute din mga kapatid niya for sure. Pero teka… sila pala 'yung nasa intel kahapon. Tangina, ‘di ako prepared!""At nasa panganib din sila ngayon, pero nasa safehouse na sila," dagdag pa niya, habang seryoso ang tingin sa akin."Grabe… pati pamilya niya, target ng mga kalaban."Sa loob-loob ko, nagsimula nang magbago ang ihip ng hangin.Hindi na lang ito undercover mission para sa kung sinong biga
Chapter 276Jasmine POVHindi nila alam… Hindi alam nina Sir Jacob at Ma'am Ellie…Na ako ang nagpadala ng mensahe.Oo, ako ang nagsabing "Be careful, Mr. Montero. Your sister Ellie is a target too."At habang nag-uusap sila sa loob ng opisina,dinig na dinig ko ang bawat salita nila.Salamat sa maliit na bug mic na naka-embed sa isang gift item na iniabot ko kay Ellie kahapon bilang “welcome gift.”Hindi ko ginusto na makialam sa personal na usapan nila,pero sa ganitong operasyon,lahat ng impormasyon ay posibleng makapagsalba ng buhay.Huminga ako nang malalim habang nakatalikod ako sa glass wall, hawak ang clipboard.Pasimpleng binuksan ang earpiece ko sa kaliwang tainga habang naglalakad palayo."She’s either the most innocent woman in this building... or the most dangerous."Napangiti ako.Ang sakit naman nun, Sir Jacob... but thanks for the compliment.Lumingon ako sa CCTV corner sa taas ng hallway.Walang kahirap-hirap kung gusto kong tanggalin ang recording ng eksenang ito.P
Chapter 275"Be careful, Mr. Montero. Your sister Ellie was a target too. Keep eyes on her!"Katatanggap ko lang ng mensaheng iyon mula sa unknown number — walang pangalan, walang kasamang lokasyon — pero sapat na iyon para kumulo ang dugo ko."F*ck! Goddammit!"Malakas ang mura ko, hindi ko na napigilan. At kumukulo na ang dugo ko sa katawan. Parang granadang sasabog."Kuya Jacob! Why?"Takang tanong ni Ellie, nakakunot ang noo, hawak pa rin ang iced coffee na halos malaglag sa pagkabigla. Para siyang batang sinigawan ng teacher sa gitna ng klase — walang kamalay-malay."Ellie, come here." Seryoso kong utos habang pinipilit panatilihing kalmado ang boses. Hinila ko siya palapit sa mesa.“May nagpadala ng babala… ikaw na raw ang susunod.”Nanlaki ang mata niya. “Ha? B-bakit ako? Ano bang nangyayari, Kuya?”“Hindi na ito basta company infiltration lang, Ellie. Pamilya na natin ang target.”Umikot ako sa mesa, nilock ko ang pinto, saka ko tinap ang security panel.“From now on, stay wit
Chapter 274 Jacob POV Palihim kong inoobserbahan ang secretary ko mula sa glass panel sa taas ng lobby. Nakita ko siyang naglalakad kasama si Ellie — parehong may hawak na kape, parehong nakangiti, at parehong… parang walang inaalalang panganib. Pero ako? Hindi mapakali. "No... impossible she is," bulong ko sa sarili habang sinusundan ng tingin ang bawat kilos niya. "She’s so clumsy… so innocent. Walang bahid na koneksyon sa sinumang kriminal." Pero bakit? Bakit nung gabing iyon, sa gitna ng kaguluhan, sa gitna ng takot… ang babae sa maskarang tumulong sa’kin — kamukha niya ang mga mata. Hindi ko iyon basta-basta malilimutan. May determinasyon. May tapang. May lihim. At ngayon, habang nakikita ko si Jasmine na tumatawa pa kasama si Ellie, mas lalo lang gumugulo ang isip ko. Agad akong naglakad pabalik, papasok sa private elevator. Pagpasok ko, pinindot ko ang 10th floor. Pagtingin ko sa repleksyon sa loob ng elevator… nakita ko ang sarili kong seryoso, naguguluhan, at puno ng
Chapter 273Pagkarating namin sa hideout, agad akong bumaba ng motorsiklo habang si Cherie naman ay humugot ng malalim na buntonghininga."Grabe, bes… akala ko mabubuking ka na ni CEO Sir!" natatawa pero halatang kabado ang tono niya."Hmp. Muntik na nga. Buti na lang at naka-full gear ako," sagot ko habang tinatanggal ang gloves at maskara ko. Ramdam ko pa rin ang kaba — hindi sa laban kanina, kundi sa tumingin sa akin si Jacob na para bang... alam niya.Pagkapasok namin sa loob ng safehouse, agad naming inilabas ang USB at sinaksak ito sa secured laptop."Analyzing data..."Nagflash ang screen ng mga encrypted files, footage, mga pangalan, transaksyon, at schedules ng susunod na pagdukot."Shit," bulalas ni Cherie. "Look at this. Target nila si Ellie Montero... kapatid ni Jacob."Napako ang tingin ko sa screen. Nanlamig ang batok ko. Hindi lang basta kumpanya ang puntirya — pamilya na ni Jacob ang susunod."Nakikita mo na ‘to, Luna?"Tumango ako, pero ang isip ko ay malayo na."Hind
Chapter 272 Kahit hapon pa lang at oras pa ng trabaho, kakaiba ang katahimikan sa paligid ng kumpanya. Sa bawat hakbang ko sa hallway, naririnig ko ang tunog ng aking sapatos sa sahig — walang ibang ingay. Wala ring nagbubukas ng pintuan, walang tawanan, wala ni isang kaluskos. Parang multo ang buong floor. “Siguro… kanya-kanya silang nagtago,” bulong ko sa sarili habang dahan-dahang lumingon sa paligid. Maya-maya pa, may nag-pop na mensahe sa aking phone mula kay Cherie: "Confirmed. May nag-leak ng impormasyon na may raid. Kaya tahimik ang paligid. Yung iba, pinauwi na ng mga kasabwat." Napamura ako sa loob-loob ko. Sino ang nag-leak? At paano nila nalaman na may gumagalaw sa loob? Tumigil ako sa tapat ng isang opisina — conference room na ginagamit minsan para sa private meetings. Tinesting kong buksan ang pinto — naka-unlock. Dahan-dahan akong pumasok. Mabilis kong sinara ang pinto sa likod ko, sabay bunot ng spy pen cam sa bulsa. Isa-isang pinicturan ang mga papel na naiwan