Share

Chapter 416

Author: SKYGOODNOVEL
last update Last Updated: 2025-08-12 21:24:44

Chapter 416

Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.

“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”

“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”

Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.

Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.

“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.

Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.

“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.

Ngu
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 420

    Chapter 420Elias POV(Ama ni Jasmine)Bawat putok ng baril ay parang pumapalo sa dibdib ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa takot na baka tamaan ang anak ko.“Jasmine! Umatras ka!” sigaw ko habang tinamaan ko ang isang tauhan ni Damian sa binti. Pero parang wala siyang naririnig—punong-puno siya ng galit. Alam kong matagal niya itong inipon, at ngayon ay parang isang bagyong handang sumira ng lahat sa harap niya.Nakipagpalitan ako ng putok sa kaliwang bahagi kung saan nagkukubli ang tatlong tauhan ni Damian. Isa-isa silang bumagsak, pero hindi ako nakampante. Sa ganitong laban, isang maling galaw lang ay katapusan.Mula sa gilid ng usok, nakita ko si Damian na nakatutok ang baril kay Jasmine. Ang puso ko ay halos tumigil sa pintig. Mabilis akong gumapang, ginamit ang mga nasusunog na kahon bilang takip, at tinutok ko ang baril sa kanya.Pero bago ko mahila ang gatilyo, si Damian ay biglang ngumisi at sumigaw,“Kung tunay kang ama, pigilan mo siya… o pareho kayong mawawala!”

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 419

    Chapter 419Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok, mabilis na hinugot ang baril at tinutok sa direksyong iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, bawat segundo parang naghihintay ng kapalit na buhay.Mula sa makapal na usok, may lumitaw na anino—mabigat ang hakbang, mabagal pero sigurado. Sa bawat lapit niya, mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Hindi ito basta tauhan lang.“Damian…” mahina kong bulong, at halos sabay kaming tumutok ng baril sa isa’t isa.Pero bago pa ako makapagpaputok, naramdaman ko ang malamig na bakal na dumampi sa gilid ng ulo ko. Isang pamilyar na boses ang sumunod.“Huwag kang kikilos, Demon… kung ayaw mong dito na magtapos ang kwento mo.”Ang huling bagay na nakita ko bago sumiklab ang gulo ay ang malamig na ngiti ni Jasmine—at ang tingin niyang parang siya ang may kontrol sa lahat."Bakit mong nagawang gamitin ang tauhan ng aking kapatid, ginawa mo pang isang clone," galit kong sabi, halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na h

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 418

    Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 417

    Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 416

    Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu

  • THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE   Chapter 415

    Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status