Chapter 5
Christopher POV "Tol, sigurado kana ba?" sabi sa akin ni Daniel isa sa mga kaibigan ko. Pagkatapos naming mag-usap sa office ni Kara ay agad akong pumunta sa bar para uminum. "Oo, pamamagitan sa kanilang anak ay makaganti ako sa kanilang pag ginawa sa aking magulang." "Pero, you need investigate more. Baka hindi sila ang dahilan pagka-aksidinte nila ni Tita," bigkas ni Troy. Sinilip ko ang basong nasa harapan ko, ang whiskey na kanina ko pa iniinom ay hindi man lang nabawasan. Hindi ko alam kung dahil ba sa bigat ng alaala o dahil sa salitang binitiwan ni Troy. "Sigurado na ako," mariin kong sagot. "Kara Smith Curtiz ang magiging daan para makuha ko ang hustisya." Napalunok si Daniel bago nagsalita. "Pero, tol... kung hindi sila ang tunay na dahilan? Paano kung wala siyang kinalaman?" Natawa ako nang mapakla. "Then, malas niya. Isa siyang Curtiz. Iyon lang ang mahalaga." Tahimik na nagpalitan ng tingin sina Daniel at Troy. Alam kong pareho silang may pag-aalinlangan, pero wala akong pakialam. Matagal ko nang pinlano ito. "Ikaw na mismo ang nagsabi, Troy," sabay tingin ko sa kanya. "Walang aksidenteng nangyayari nang walang dahilan. Hindi coincidence na bago nangyari ang lahat, may usapang negosyo ang pamilya nila at ang Montero Group." Tumikhim si Troy. "I’m just saying… hindi pa natin alam ang buong kwento." "At wala na akong pakialam." Binaba ko ang baso at tumayo. "Ang kasal ay sa Sabado. At pagkatapos niyon, sisiguraduhin kong hindi lang siya magiging asawa ko sa papel. Gagawin ko siyang isang tunay na Montero." Napailing si Daniel. "Paano kung mahulog ka sa kanya?" Natawa ako. "Hindi mangyayari ‘yon. Isa lang itong laro para sa akin. At sa larong ito… ako ang panalo." Lumabas ako ng bar, iniwan silang parehong tahimik. Wala akong panahon sa pag-aalinlangan. Dahil sa planong ito, siguradong may isang masasaktan sa huli. At hindi ako iyon. Pagkauwi ko sa mansion, agad akong dumiretso sa aking study. Sa halip na magpahinga, binuksan ko ang laptop at inisa-isa ang mga dokumentong may kaugnayan sa Curtiz family. Habang tinitignan ko ang mga lumang reports tungkol sa negosyo nila, isang pangalan ang paulit-ulit na lumalabas—Robert Curtiz. Ang ama ni Kara. Siya ang dating may-ari ng Curtiz Corporation bago ito bumagsak. At siya rin ang huling taong nakausap ng ama ko bago nangyari ang aksidente. Napahigpit ang hawak ko sa basong may laman pang whiskey. "Hindi ko papayagang matapos ito nang walang hustisya," bulong ko sa sarili ko. Ngunit isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Kahit pa sigurado ako sa plano ko, hindi ko maiwasang maalala ang ekspresyon ni Kara kanina sa opisina—ang bahagyang panginginig ng kanyang mga labi, ang kaba sa kanyang mga mata. Para siyang isang taong desperado pero walang ibang pagpipilian. "Hindi ako dapat mag-alinlangan." Pinilit kong iwaksi ang iniisip ko at isinara ang laptop. Ngunit bago ako makalabas ng study, biglang tumunog ang cellphone ko. Nang tingnan ko ang screen, lumabas ang isang hindi inaasahang pangalan. Kara Smith Curtiz. Saglit akong natigilan bago sinagot ang tawag. "Hello?" malamig kong sagot. Sa kabilang linya, may bahagyang katahimikan bago siya nagsalita. "Kailan ako lilipat sa bahay mo?" Napangisi ako. Diretso siya sa punto. "Bukas." "Okay," mahina niyang tugon. "Anong oras?" "Sa umaga. May driver akong susundo sa'yo. Ayaw kong may makaalam ng kasal natin bago ito mangyari, kaya siguruhing wala kang sasabihan." Tahimik siya saglit bago sumagot. "Naiintindihan ko." Napatitig ako sa sahig, hindi sigurado kung bakit biglang nag-iba ang pakiramdam ko. "Good," sagot ko na lang. "Matulog ka na. Malaking araw ang naghihintay sa'yo bukas." At bago pa ako makaisip ng kung ano pang sasabihin, binaba ko na ang tawag. Dahil alam kong kapag mas humaba pa ang usapang ito, baka may mabago sa plano ko. At hindi ko hahayaang mangyari iyon. Pagkatapos naming mag-usap ni Kara, agad akong bumagsak sa kama, nakatingin sa kisame habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. Bukas, magsisimula na ang lahat. Ang kasunduan. Ang kasal. Ang paghihiganti. Dapat ay masaya ako, pero may kung anong bigat sa dibdib ko. Napapikit ako at napabuntong-hininga. "Wala nang atrasan, Montero." Pinili ko ito. At sisiguraduhin kong walang makakahadlang sa plano ko. Saka ko pinikit ang aking mga mata, pilit na pinapatahimik ang magulong isipan. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi ko maalis sa utak ko ang mukha ni Kara—ang paraan ng pagsasalita niya, ang bahagyang pag-aalinlangan sa kanyang tinig. Hindi siya kagaya ng iniisip kong magiging asawa ko. Akala ko, magiging madali lang ito. Isang pirma sa kontrata, isang kasunduan, at tapos na ang lahat. Pero bakit may kung anong bumabagabag sa akin? Napabuntong-hininga ako, pinilit ipikit muli ang mga mata. Bukas, isang bagong umaga. Isang bagong laro. At kailangang siguraduhin kong ako ang mananalo. Kahit na ako ang dahilan kung bakit bumagsak ang kanilang kumpanya. Kahit na ako ang dahilan kung bakit naghirap sila. At kahit na alam kong kapag nalaman niya ang totoo, kamumuhian niya ako. Ngunit wala akong pakialam. Ang importante, maisakatuparan ko ang plano ko. Ang kasunduang ito ay isang hakbang palapit sa paghihiganti. Sa sandaling maging akin na siya, sa sandaling maging isang Montero si Kara Smith Curtiz, sisiguraduhin kong mararamdaman niya ang sakit na naranasan ng pamilya ko. At wala nang makakapigil sa akin. Hanggang tulungan akong nakatulog.Chapter 420Elias POV(Ama ni Jasmine)Bawat putok ng baril ay parang pumapalo sa dibdib ko, hindi lang dahil sa ingay kundi dahil sa takot na baka tamaan ang anak ko.“Jasmine! Umatras ka!” sigaw ko habang tinamaan ko ang isang tauhan ni Damian sa binti. Pero parang wala siyang naririnig—punong-puno siya ng galit. Alam kong matagal niya itong inipon, at ngayon ay parang isang bagyong handang sumira ng lahat sa harap niya.Nakipagpalitan ako ng putok sa kaliwang bahagi kung saan nagkukubli ang tatlong tauhan ni Damian. Isa-isa silang bumagsak, pero hindi ako nakampante. Sa ganitong laban, isang maling galaw lang ay katapusan.Mula sa gilid ng usok, nakita ko si Damian na nakatutok ang baril kay Jasmine. Ang puso ko ay halos tumigil sa pintig. Mabilis akong gumapang, ginamit ang mga nasusunog na kahon bilang takip, at tinutok ko ang baril sa kanya.Pero bago ko mahila ang gatilyo, si Damian ay biglang ngumisi at sumigaw,“Kung tunay kang ama, pigilan mo siya… o pareho kayong mawawala!”
Chapter 419Napalingon ako sa pinanggalingan ng putok, mabilis na hinugot ang baril at tinutok sa direksyong iyon. Ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko, bawat segundo parang naghihintay ng kapalit na buhay.Mula sa makapal na usok, may lumitaw na anino—mabigat ang hakbang, mabagal pero sigurado. Sa bawat lapit niya, mas lalo kong nararamdaman ang tensyon sa paligid. Hindi ito basta tauhan lang.“Damian…” mahina kong bulong, at halos sabay kaming tumutok ng baril sa isa’t isa.Pero bago pa ako makapagpaputok, naramdaman ko ang malamig na bakal na dumampi sa gilid ng ulo ko. Isang pamilyar na boses ang sumunod.“Huwag kang kikilos, Demon… kung ayaw mong dito na magtapos ang kwento mo.”Ang huling bagay na nakita ko bago sumiklab ang gulo ay ang malamig na ngiti ni Jasmine—at ang tingin niyang parang siya ang may kontrol sa lahat."Bakit mong nagawang gamitin ang tauhan ng aking kapatid, ginawa mo pang isang clone," galit kong sabi, halos nanginginig ang kamay ko sa pagpipigil na h
Chapter 418Demon POVIto ang kinatatakutan ko… kaya ayaw na ayaw kong galitin si Jas—dahil buhay ang kapalit.Hindi siya basta-basta pumapatay para lang magpatahimik. Kapag gumalaw si Jas, may rason, at siguradong wala nang makakatakas.Ngayon, nakikita ko na naman ang tingin niyang iyon… malamig, walang emosyon, at nakatutok lang sa isang bagay—paghiganti.Kung ako ang kalaban, mas pipiliin ko pang tumakbo sa gitna ng bagyo kaysa harapin siya sa ganitong estado.Alam kong sa bawat hakbang niya ngayon, parang may dumadagundong na orasan sa paligid—bilang ng segundo bago bumagsak ang hatol.Tahimik lang siya, pero ramdam ko ang tensyon sa hangin.Si Cherie, alam din ang ibig sabihin nito; nakita ko kung paano siya bahagyang huminga nang malalim, parang naghahanda na rin sa nalalapit na salpukan.Sa teritoryo ni Damian, walang lugar para sa mahina.At ngayong galit si Jas… wala ring lugar para sa awa.Hanggang nagsalita ito, malamig at mababa ang boses na parang gumagapang sa ilalim ng
Chapter 417Cherie POVHumigpit ang kapit ko sa baril habang patuloy ang palitan ng putok sa paligid. Ramdam ko ang tibok ng puso ko—mabilis, pero kontrolado. Hindi ako puwedeng matinag, hindi ngayon na alam kong nasa bingit kami ng kamatayan.Sa bawat paglingon ko, sinusuri ko ang kilos ni Elias. Masyado siyang kalmado, parang may alam siya na hindi pa niya sinasabi. At kung tama ang kutob ko, siya ang susi sa makakaligtas kami… o siya mismo ang dahilan ng kapahamakan namin.May dalawang lalaki ang sumulpot mula sa gilid. Hindi na ako nag-aksaya ng bala—isang mabilis na slide sa sahig, inikot ko ang katawan, at dalawang putok ang pinakawalan. Tumama. Wala nang oras para mag-alinlangan.“Keep moving!” sigaw ko kina Jas at Jacob. Hindi ako natatakot mamatay… pero hindi ako papayag na mamatay kami nang walang laban.At habang patuloy ang putukan, ramdam kong mas lalong humihigpit ang bitag na pumasok kami.Bumigat ang hangin—hindi lang dahil sa usok ng pulbura, kundi dahil ramdam ko na
Chapter 416Sa bawat segundo, lalong lumalakas ang ugong ng motor. Hindi ito bangka—mas malalim at mas matinis ang tunog.“Jet ski…” bulong ni Demon, nanlilisik ang mga mata. “Mas mabilis sila sa atin.”“Hindi sila makakadaan nang madali sa makipot na pasok ng ilog na ’to,” sagot ni Elias habang patuloy na nagsasagwan. “Pero maghanda kayo. Kapag lumitaw sila, hindi na natin maiiwasan ang putukan.”Hinugot ko agad ang aking baril, ramdam ang lamig ng bakal sa palad ko. Si Cherie naman ay mabilis na nag-reload ng kanyang rifle.Sa di-kalayuan, lumitaw ang dalawang jet ski, sakay ang apat na lalaki na naka-itim at may suot na tactical vest. Isang tingin pa lang, alam kong hindi basta-basta ang mga ito—mga sanay pumatay.“Jas, ikaw sa kanan. Demon, sa kaliwa. Ako sa gitna,” mabilis na utos ni Elias.Bago pa sila makalapit, biglang may narinig akong pamilyar na tunog sa unahan—click… kasunod ng mahinang ugong na parang mula sa ilalim ng tubig.“Mine trap?” tanong ko, nakakunot ang noo.Ngu
Chapter 415Bumilis ang tibok ng puso ko, hindi dahil sa takot, kundi sa excitement ng paparating na laban.Si Demon ang unang gumalaw—isang mabilis na side step at tinamaan niya ng matinding siko ang panga ng kalaban sa kaliwa. Bumagsak agad ito na parang pinutol ang kuryente sa katawan.Si Cherie naman ay gumamit ng diskarte—isang mababang ikot, sinipa ang tuhod ng isa, sabay suntok sa sikmura. Umubo ito nang malakas bago mawalan ng malay.Dalawa na lang ang nakatayo, at ako ang hinarap nila.Ang una, sumugod nang mabilis, pero hinawakan ko ang baril niya, pinaikot ang braso niya, at isang CRACK!—nabali. Bago pa makareact ang isa, inihagis ko ang unang kalaban papunta sa kanya. Sabay kaming umabante ni Mr. Crus para tapusin sila.Sa loob ng ilang segundo, wala nang nakatayo sa harapan namin.“Walang takot, sabi ko sa’yo,” bulong ko kay Mr. Crus na nakangiti lang at tumango.Pero bago kami makagalaw ulit, biglang tumunog ang malakas na alarm sa buong gusali.“Uh-oh,” ani Demon. “Mukh