Chapter 4
"Sandali, pwede bang walang makakaalam muna?" Agad akong nagsalita bago pa niya maisara ang envelope ng kontrata. "Gusto kong ako muna ang magsabi kay Mama. Ayokong mabigla siya. Maaari ba?" Tahimik siyang tumitig sa akin, tila iniisip kung pagbibigyan ba niya ako o hindi. Halos pigil ang hininga ko habang hinihintay ang sagot niya. Maya-maya, bahagyang tumango siya. "Fine. Pero hanggang kailan?" "Bigyan mo ako ng isang linggo. Kailangan ko lang siyang ihanda." Napangisi siya nang bahagya. "One week, huh? Mukhang may dahilan kung bakit gusto mo pang itago ito." Napakuyom ako ng kamao. "Hindi ko ito itinatago. Ayoko lang na mag-alala si Mama nang biglaan." Hindi siya sumagot agad. Sa halip, uminom siya ng alak mula sa baso sa harap niya bago muling nagsalita. "Fine. One week. Pero pagkatapos niyan, gusto ko nang matapos ang lahat ng pag-aayos. Lilipat ka na sa bahay ko." Para akong sinampal ng katotohanan. Totoo na talaga ‘to. "Salamat." Mahina kong sabi. Tumayo ako, handa nang umalis. Pero bago pa ako makalakad palayo, nagsalita siyang muli. "Kara." Napalingon ako. Malamlam ang titig niya sa akin, pero may kung anong matigas sa boses niya. "Walang bawian." Ramdam ko ang bigat ng mga salitang iyon. Kahit gusto ko mang magduda o umatras, alam kong wala na akong karapatan. Ito ang pinili ko. Ito ang kailangan kong panindigan. Tumango ako. "Alam ko." At saka ako tuluyang lumabas ng hotel, bitbit ang lihim na maaaring magpabago sa buhay ko magpakailanman. Habang naglalakad palabas ng hotel, ramdam kong bumibigat ang bawat hakbang ko. Walang bawian. Tumunog pa sa isip ko ang sinabi ni Mr. Montero. Pagkasakay ko ng taxi, hindi ko maiwasang mapatingin sa papel na nasa bag ko. Paano ko sasabihin ‘to kay Mama? Pagkarating ko sa ospital, nag-ipon muna ako ng lakas bago pumasok sa kwarto ni Papa. Tahimik itong natutulog, habang si Mama naman ay nakaupo sa tabi niya, hawak ang kamay ng asawa niya na tila dasal na lang ang pinanghahawakan. "Mama," mahinahon kong tawag. Napalingon siya sa akin at pilit na ngumiti. "Anak, anong ginawa mo sa labas? Baka napagod ka na, ha? Hindi mo kailangang magsakripisyo ng sobra." Napakurap ako. Kung alam niya lang… Kung alam niya lang kung ano ang ginawa ko. Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kanyang kamay. "Ma, may gusto sana akong sabihin sa’yo." Napakunot ang noo niya. "Ano ‘yun, anak?" Huminga ako nang malalim, sinusubukan kong hanapin ang tamang mga salita. "May paraan akong nahanap para matulungan natin si Papa at makabangon tayo." Medyo nagliwanag ang mukha niya. "Talaga? Ano ‘yun?" Pinakawalan ko ang isang mahinang ngiti, kahit ramdam kong nanginginig ako sa loob. "Ma… ikakasal na ako." Saglit siyang natigilan. "Ano?" "Ikakasal na ako, Ma." Kita ko ang pagkalito sa mukha niya. "A-anak… kailan pa ‘to? Wala ka namang nabanggit na boyfriend! S-sino? Kilala ba namin?" Lalo akong kinabahan. "Si… si Christopher Lee Montero." Napakunot ang noo niya. "Montero? ‘Yung may-ari ng malaking kumpanya?" Dahan-dahan akong tumango. "Oo, Ma." Mas lumalim ang gulat sa mukha niya. "P-pero paano? Kailan pa kayo nagkakilala?" Nag-iwas ako ng tingin. "Matagal na, Ma. Pero… biglaan lang itong desisyon." Hinawakan niya ang kamay ko, halatang naguguluhan. "Anak, sigurado ka ba rito? Hindi ito biro! Hindi ko maintindihan… Mahal mo ba siya?" Para akong natigilan. Mahal? Hindi ko alam. Pero ang sigurado ako—ito ang kailangan naming gawin. "Ma… basta ang mahalaga, makakatulong ‘to sa atin. Mapapagamot natin si Papa. Magiging maayos ang lahat." Napatingin siya sa natutulog kong ama, saka bumalik ang tingin niya sa akin. May pag-aalinlangan sa mga mata niya, pero alam kong iniisip niya rin ang sitwasyon namin. Maya-maya, malalim siyang bumuntong-hininga. "Anak… kung sigurado ka na, susuportahan kita. Pero sana, sigurado ka talaga." Hindi ko alam kung totoo ang sagot ko, pero pinilit kong ngumiti. "Oo, Ma. Sigurado ako." Pero sa loob-loob ko, isang tanong ang bumabagabag sa akin… Hanggang kailan ko kaya paninindigan ito? Matapos ang pag-uusap namin ni Mama, mas bumigat ang pakiramdam ko. Hindi ko sigurado kung napaniwala ko siya o kung sinusubukan lang niyang intindihin ang desisyon ko. Pero isang bagay ang malinaw—wala na akong atrasan. Kailangan ko nang ipaalam kay Mr. Montero na pumayag na si Mama. Pagkalabas ko ng ospital, agad akong nag-message sa kanya. Kara: Pwede ba tayong magkita? Hindi ko inasahang mabilis siyang magre-reply. Mr. Montero: Come to my office. Now. Napakagat-labi ako. Alam kong hindi siya isang taong mahilig maghintay. Kaya agad akong sumakay ng taxi papunta sa Montero Corporation. Pagkarating ko sa opisina niya, sinalubong ako ng kanyang secretary. Agad niya akong pinapasok sa loob, at pagpasok ko pa lang, agad akong nakaramdam ng kakaibang tensyon sa paligid. Nakatayo si Christopher malapit sa floor-to-ceiling window ng opisina niya, nakaharap sa skyline ng lungsod. Kahit hindi siya nakatingin sa akin, ramdam ko ang presensya niya—matikas, makapangyarihan, at tila palaging nagmamasid. "So?" malamig niyang tanong, hindi man lang lumilingon. "Ano ang balita?" Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Pumayag na si Mama." Dahan-dahan siyang lumingon sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, pero may kung anong bahagyang ningning sa mata niya—o baka guni-guni ko lang. "Good." Isang salita lang ang sinambit niya, pero ramdam kong marami itong kahulugan. Umupo ako sa harap ng desk niya. "Ano na ang susunod?" Naglakad siya papunta sa kanyang upuan at umupo. Pinagmasdan niya ako saglit bago sumagot. "We get married. This weekend." Napalunok ako. "A-agad?" Tumango siya. "Ayaw kong patagalin pa. The sooner, the better." Napalunok ako. "Akala ko ba ako ang magsasabi kay Mama? Hindi pa niya alam na sobrang lapit na pala." Bahagya siyang napangisi. "Then tell her now. Wala nang atrasan, Kara." Muli kong narinig ang mga salitang iyon. Wala nang atrasan. Dahan-dahan akong tumango. "Sige." "May isa pa akong kondisyon." Malamig niyang dagdag. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Ano?" Lumapit siya nang bahagya, ang matalim niyang titig ay dumiretso sa mga mata ko. "Simula ngayon, matututo kang magpanggap na mahal mo ako." Para akong natigilan. "A-ano?" Mas lumalim ang kanyang ngiti—hindi mapanlinlang, hindi rin masaya. "Gusto kong maging totoo ang kasal na ito sa mata ng lahat. Kaya matututo kang ngumiti sa tabi ko, hahawakan mo ang kamay ko sa publiko, at ipaparamdam mo sa lahat na ikaw ang babaeng pinili ko." Napalunok ako. "At kung hindi ko magawa?" Mas lumalim ang titig niya. "Then, say goodbye to the deal." Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko kayang umatras. Hindi ko kayang bumitaw sa kasunduang ito. Kaya kahit nanginginig ang loob ko, pilit kong tinignan siya nang diretso. "Fine. Kung ‘yan ang gusto mo, magpapanggap ako." Sa unang pagkakataon, ngumiti siya. Isang ngiting hindi ko maintindihan. "Good. Then, I’ll see you at the wedding, future Mrs. Montero."Chapter 451 Third POV Maging masaya ang Montero family sa lumipas ng mga taon. Ang kanilang bunsong anak na si Honey, at ang kanilang adopted son na si Harvey, kasama ang kambal na sina Elira at Caelan, ay naging dahilan upang lalo pang tumibay ang kanilang pagsasama. Sa kabila ng mga matitinding pagsubok na dumaan sa kanilang buhay—mga sikreto, pagkawala, at mga pagkakahiwalay—natutunan nilang walang mas makapangyarihan pa kaysa sa pagmamahalan ng isang pamilya. Si Jasmine at Jacob ay patuloy na naging haligi ng tahanan, nagtuturo sa kanilang mga anak ng halaga ng pagtanggap, pagmamahal, at pag-asa. Si Harvey, na minsan ay itinuring lamang nilang “napulot,” ay naging tunay na anak sa puso ng bawat isa. At si Kaye, na noon ay simpleng yaya lamang, ay natagpuan ang kanyang tunay na pagkatao at pamilya sa Italy—ngunit kailanman ay hindi nawala sa kanyang puso ang pamilyang nagbigay sa kanya ng tahanan noong mga panahong wala siyang inaasahan. Sa dulo, naging buo at mas matatag ang
Chapter 450Last Chapter Dalawang taon na ang lumipas mula nang umalis si Kaye—ang Yaya ni Harvey na kalaunan ay natuklasan naming isang prinsesa pala sa Italy. Hanggang ngayon, sariwa pa rin sa alaala ko ang huling yakap ng kambal sa kanya, at ang pagluha ng mga bata sa kanyang paglisan.Ngayon, dalawang taon na si Harvey—masayahin, malikot, at parang tunay na anak na namin. At ang bunsong anak namin ni Jasmine, si Honey, ay nagdiriwang na ng kanyang unang taon.Habang pinagmamasdan ko sina Caelan at Elira na masayang nakikipaglaro kay Harvey sa hardin, at si Jasmine naman ay buhat si Honey na walang sawang pinapatawa, hindi ko maiwasang mapangiti. Para bang napakabilis ng panahon.“Daddy, tignan mo si Harvey, o! Marunong na siyang magbilang hanggang five!” sigaw ni Elira.“Daddy, ako naman magtuturo sa kanya ng ABC!” sabad naman ni Caelan na halatang proud na proud sa kanilang parang kapatid na bata.Natawa ako. “Sige lang, mga anak. Habang bata pa siya, turuan niyo na ng mabubutin
Chapter 449Jacob POV Lumapit ako kina Elira at Caelan na halos ayaw pakawalan si Kaye. "Mga anak," malumanay kong sabi habang yumuko ako para pantay ang tingin naming tatlo. "Hindi tayo iniiwan ni Ate Kaye. Sandali lang siya mawawala dahil kailangan niyang makasama ang kanyang pamilya. Pero tandaan ninyo, lagi siyang babalik dito sa puso ninyo."Hinaplos ko ang pisngi ni Elira na basa ng luha. "Alam ko, mahirap tanggapin… pero isipin ninyo, mas masaya si Ate Kaye kapag alam niyang nakangiti kayo.""Pero Daddy," bulong ni Caelan na pinipigilang humikbi, "paano po kung hindi na siya bumalik?"Napatingin ako kay Kaye, at ramdam kong pareho kaming natigatig sa tanong ng bata. Dahan-dahan kong ngumiti at sagot ko, "Kapag totoong pamilya ang turingan, kahit saan pa siya dalhin, babalik at babalik ang koneksyon ninyo. Hindi iyon mawawala."Kaye, na halos mapaiyak na rin, yumakap nang mahigpit kina Elira at Caelan. "Promise, babalik ako. Hindi ko kayang kalimutan ang pagmamahal ninyo."Tahi
Chapter 448Hinawakan ko ang balikat ni Kaye at nginitian ko ito para gumaan ang loob niya."Kaye, wag kang mag-alala. Andito naman kami ni Jacob para kay Harvey. Siya ang naging parte ng pamilya namin kaya hinding-hindi namin siya pababayaan," mahinahon kong sagot.Tumango rin si Jacob na nasa tabi ko."Oo, Kaye. Nandito ka man o wala, pamilya na si Harvey sa mga Montero. At kapag nakilala mo na ang tunay mong magulang, makakabalik ka pa rin dito para bisitahin si Harvey kung gugustuhin mo."Kita ko sa mga mata niya ang lungkot at pagkadurog ng loob, pero naroon din ang pag-asa at excitement na tila pilit na sumisingit.“Pero… nakasanayan ko na po siya, Ma’am. Para ko na ring anak si Harvey…” mahina niyang sabi, sabay silip sa kuwarto kung saan mahimbing na natutulog ang bata.Nilapit ko siya at niyakap.“Alam ko, Kaye. At hindi mawawala iyon. Kahit anong mangyari, mananatili ang pagmamahal mo sa kanya. Pero ngayon… oras na rin para maranasan mo ang buhay na talagang para sa’yo.”"Ng
Chapter 447Magdamag akong nagising-gising. Hindi dahil sa kambal sa aking sinapupunan o kay Harvey na natutulog sa nursery, kundi dahil sa iniisip ko si Kaye. Naiimagine ko siya, nakahiga pero hindi mapakali, paulit-ulit na bumabalik sa isipan ang sinabi ko kanina.Alam ko, hindi siya agad makakatulog. Hindi biro ang biglaang pagbabago ng kanyang mundo. Mula sa pagiging isang simpleng yaya, bukas ay posibleng malaman niyang prinsesa pala siya ng Italy.Kinabukasan, habang abala si Manang Belen at ang mga bagong kasambahay sa paghahanda ng almusal, ramdam ko ang tensyon sa mansyon. Tahimik si Kaye habang nag-aayos ng pagkain ni Harvey, pero halatang nanginginig ang mga kamay niya.Lumapit ako at hinawakan ang kanyang balikat.“Relax ka lang. Huminga ka nang malalim, Kaye. Nandito kami para sa’yo.”Tumango lang siya at pilit na ngumiti. Pero nakita ko ang pamumula ng kanyang mga mata—malamang hindi nga siya nakatulog kagabi.Ilang oras pa, isang maitim na kotse ang pumarada sa harapan
Chapter 446Habang nasa hapag-kainan kami, tahimik si Kaye na abala lang sa pag-aasikaso kay Harvey. Pero ako at si Jacob ay nagkatinginan—ito na ang tamang oras para sabihin ang lahat.“Uhmm… Kaye,” bungad ko habang maingat na inilapag ang kubyertos. “May isang mahalagang bagay kaming kailangan ipaalam sa’yo.”Napatingin siya sa amin, halatang nagtataka. “Ano po iyon, Ma’am, Sir?”Huminga nang malalim si Jacob bago nagsalita. “Kaye, ang totoo… hindi ka basta ulila tulad ng akala mo. Mayroon kang totoong pamilya sa Italy. Isa kang anak ng isang makapangyarihang tao roon—at prinsesa ka sa totoo lang.”Nanlaki ang mata ni Kaye, muntik pang mabitawan ang hawak na kutsara. “A-anong ibig n’yo pong sabihin? Baka po nagkakamali kayo. Ako po ay lumaki sa bahay-ampunan… wala po akong magulang.”Umiling ako, sabay hawak sa kanyang kamay para iparamdam na totoo ang lahat. “Hindi kami nagkakamali. Nakipag-ugnayan kami sa pamilya mo, at nagpadala na sila ng tauhan para personal na kumpirmahin ang