Chapter 316Nang marinig ko ang sinabi ni Cherie, ay unti-unting lumamig ang paligid para sa akin. Hindi na ito simpleng misyon. Hindi na lang ito tungkol sa akin—may buhay na akong dala. At may taong gustong sirain ang lahat ng pinapahalagahan ko.“Kung ako ang target nila…” mariin kong sambit, habang nakatitig sa kurtinang kanina lang ay masayang tanawin sa bintana, ngayon ay parang anino ng panganib.“…then I’ll become the threat they fear.”“Jas?” tawag ni Ellie, halatang gulat sa biglang pagbabago ng tono ko.Dahan-dahan akong tumayo mula sa wheelchair. Masakit pa rin ang balakang ko pero pinilit kong ituwid ang likod ko. Ayokong makita nila akong mahina.“Simula ngayon, ayoko ng bantay. Ayoko ng tinutulak sa wheelchair. Gusto kong malaman kung sino ang nagtangkang pumatay sa ama ng anak ko. At gusto kong sila ang unti-unting mamatay sa takot.”“Whoa, chill ka lang, Jas—” si Cherie, medyo nag-aalangan.“No, Cherie. Hindi na ito panahon para magpa-cute, para magkunwaring helpless.
Chapter 315Pagkatapos naming kumain ay agad akong dinala ni Jacob—my future husband 'char' sa silid na tutulugan ko. Habang tulak-tulak niya ang wheelchair na kinauupuan ko, pakiramdam ko ay para akong prinsesang inaalalayan ng hari. Kulang na lang ay may pa-harp background music habang paakyat kami sa hagdan. Pero syempre, reality check—may elevator kasi mansion ‘to, hindi bahay kubo. Pagdating sa mismong silid, dahan-dahan niyang binuksan ang pinto. “Ipinahanda ko ‘to para sa’yo,” malambing niyang sambit habang tinutulak pa ako sa loob.Literal akong napatulala. Ang kuwarto ay parang kuha sa magaling na architec, may king-sized bed, pastel curtains, carpeted floor, at syempre, isang table na punong-puno ng snacks.“May junk food?” tanong ko, medyo nagbibiro pero umaasang totoo.“Lahat ng gusto mo, nandiyan. Lalo na 'yung mga cravings mo… just in case.” sabay ngiti ng may meaning.“Jacob!” napasigaw ako sabay suntok sa braso niya—slight lang kasi baka ma-fall ako ulit.“Bakit? Futu
Chapter 314Jasmine POVNakakahiya! Literal na gusto kong matunaw sa kinauupuan ko nang marinig ko ang linya ni Mr. Montero:"Anak, kahit CEO ka, wag mong gawing literal ang one-shot, one-kill."Napasinghap ako habang pinipigilan ang sarili kong mapatingin sa kanya.Seryoso ba 'to? As in, joke ng future father-in-law ko 'yon habang hawak pa ang kutsilyo at tinidor?Parang gusto kong sumigaw ng— "Sir Jacob! Anong ginawa mo sa buhay ko?"Muntik na akong mabulunan sa tubig na iniinom ko, buti na lang at alert si Cherie, agad akong kinabig at pinalo sa likod.Napatingin ako kay Ellie—na proud na proud pa rin sa pag-aanunsyo niya—parang spokesperson ng baby reveal.At si Jacob?Hindi makatingin ng diretso. Para siyang batang nahuling pumasok sa kwarto ng magulang habang... alam mo na.Napakamot siya sa batok habang pilit ngumiti pero halatang gusto niya ring maglaho sa earth.Napapikit na lang ako, sabay buntong-hininga."Ahm... sorry po, Mr. Montero... hindi ko po sinasadya..."Seryoso na
Chapter 313Gusto kong tumawa. As in—yung tawa na may kasamang hampas sa mesa at gulong sa sahig. Pero siyempre, nasa mansion ako ng future in-laws ni Jasmine, kaya ang tawa ko ay tinago ko muna sa dibdib... ng matagal."Hello?! Hindi po 'yan mahilig sa make-up! Pero kung barilan, suntukan, at pakikipaglaban ang pag-uusapan? Aba, tiyak ako—summa cum laude 'yan si Jasmine!"Pero sa isip ko lang sinabi 'yon. Syempre, baka matahimik ang lunch table namin forever kapag nalamang Rambo pala ang future daughter-in-law nila.Napatingin ako kay Jasmine—at hindi ko kinaya ang reaksyon niya. Literal napangiwi habang pilit na ngumiti kay Maricar. Yung tipong, "Anak, pasensya ka na, hindi ako beauty vlogger, pang-Mission Impossible ako."Si Maricar naman, aliw na aliw. Akala mo may nakita siyang Disney Princess sa anyo ni Jasmine.“Please po ate Jasmine! Turuan mo ko ng smoky eyes!”Sabay biglang tanong,> “Ate, marunong ka rin po ba mag-contour ng nose?”OH. MY. GOD. Kung hindi lang ako siniko ni
Chapter 312Cherie POVNapailing na lang talaga ako habang pinagmamasdan si Ellie na para bang detective na sabik sa kanyang unang kaso. Nakakatuwa siyang panoorin—excited, alerto, at parang batang naglalaro ng “detective kunwari”."Parang hindi ito ang Ellie na seryoso at prim and proper," bulong ko sa sarili ko habang pinipigil ang tawa. Pero sa totoo lang, gusto ko rin 'yung energy niya. Sa kabila ng pagiging isang Montero, may tapang at kusa siyang makialam sa mga bagay na alam niyang may kakaiba.Habang nakasilip kami sa may hallway kung saan dumaan ang dalawang security guard na napansin ko kanina, hindi ko maiwasang mag-scan muli ng paligid gamit ang aking undercover instincts.“May tama akong kutob. May hindi karaniwang kilos sa dalawang iyon,” bulong ko sa kanya."Pero sis," sabay bulong ni Ellie sa akin habang nakangiti,"kung totoo ngang suspicious sila... ibig sabihin, may 'mission part two' na tayo."Tumingin ako sa kanya at bahagyang natawa."Ellie, mas bagay ka yata sa
Chapter 311Napalingon ako kay Mommy nang bigla niya akong tawagin. Kita sa mukha niya ang kakaibang composure—'yung tipong seryoso pero may halong excitement at kontroladong tensyon."Ellie, tawagan mo ang triplets mong kapatid. Sabihin mong may importante tayong bisita," wika niya sa akin habang nakatitig pa rin kay Jasmine.Agad akong tumango."Yes, Mom."Kinuha ko ang phone ko at naglakad papalayo ng bahagya, pero hindi pa rin lumalayo sa main entrance.Nag-type agad ako sa group chat naming magkakapatid: “Emergency. Punta kayo agad sa receiving area. May special guest tayo. Si Kuya ang dahilan.”At sa hindi inaasahan, halos sabay-sabay ang “Seen” notification. After a few seconds, may reply si Mateo.Mateo: "Wait, special guest? Babae?"Matias: "Siya ba 'yung sinasabi ni Ellie noon na crush ni Kuya?"Maricar: "Oh my gosh. Baka future sister-in-law na to!"Napailing ako sabay ngiti. Kahit 16 lang ang mga kapatid ko, mas mabilis pa sila sa tsismis kaysa sa internet.Bumalik ako sa