Share

IKA-3 YUGTO- The Deal is On

Wala nang nagawa pa si Janice kundi ang pirmahan ang dala nitong Marriage Certificate. Masama ang loob niya at ng mga oras na iyon ay gusto niya itong pahirapan.

"Congratulations, you are now Mrs. Matteo Cordova," nakangiting bati nito sa kanya.

Sininghalan niya ito ng tawa at inirapan. "Congratulate yourself, Mr. Cordova. Maaring nakuha mo ang gusto mo ngayon but it doesn't mean you already have me."

Nawala ang ngiti nito sa labi at seryoso siyang tinitigan nito sa mga mata. "That's fine with me, hindi ako titigil hangga't hindi ka tuluyang nakukuha—heart, body and soul."

Ipinilig niya ang kanyang ulo at nakakalokong ngumiti. "Oh, dear, it won't happen because after this meeting I will call my lawyer and file an annulment."

Sa pagtataka niya at bigla itong tumawa ng mahina. "Suit yourself, pero sinasabi ko sa'yo, hindi ka magtatagumpay, Janice. Bago ako nagpunta dito, ay galing na ako sa abogado ko at ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. A marriage can be annulled any time after the wedding ceremony with a maximum time limit of three years, however, there has to be valid grounds which have to be cited and met." Nakangising sabi pa nito.

Naikuyom niya ang kanyang mga kamao dahil may punto ito. Hindi papayag ang korte kung sakali mang mag-file siya ng annulment kung walang matibay na ebedensiya na puwedeng gamitin para ma-approve ang request niyang annullment.

"Why the f*ck are you doing this to me?" gigil na tanong niya rito.

"I like you, Janice, and believe it or not, I'm started to fall for you . . . harder. Deeper," seryosong sagot nito. "I won our bet and want to prove myself to you."

Napasinghal siya ng tawa at sarkastikong tumingin dito. "At ito ang paraan mo para patunayan sa akin ang pagmamahal mo? Seriously?"

"You pushed me to do this," mariin nitong sagot sa kanya. "Ilang beses akong nagtapat sa 'yo and ask you to go out with me but you always find reasons to reject me."

"That's because you're working with me!" sigaw niya rito at galit na hinampas ang mesa. "Bakit ba ang hirap mong makaintindi? Ilang beses kong sinabi sa'yo na hindi kita puwedeng patulan dahil—"

"F*ck those excuses!" galit na sigaw nito. Literal na nagulat siya sa galit na rumehistro sa mukha nito. Kitang-kita niya ang pag-igting ng panga nito at ang pamumula ng mukha dahil sa matinding galit. "Stop using that f*cking excuses to deny your feelings for me, Janice. I know that we both have the same feelings for each other."

"Ha!" singhal niya at sumandal sa upuan niya saka tumawa ng malakas. "What feelings are we talking here? Is it the feelings when we both f*ck each other? Iyon ba iyon? Well, I'm sorry to tell you that I also have the same feelings with every person I fu—" Hindi niya naituloy ang sasabihin dahil mabilis siya nitong nalapitan at hinapit sa beywang saka mapusok na hinalikan sa mga labi.

Dahil sa pagkagulat sa ikinilos nito ay hindi agad siya nakahuma, naramdaman niya ang pagpupumilit ng dila nitong makapasok sa loob ng kanyang bibig ngunit hindi niya ito pinagbigyan. Sinubukan niyang lumayo dito ngunit gamit lamang ang isang kamay nito ay nagawa nitong ilagay sa likod ng upuan ang dalawa niyang kamay at hinawakan iyon habang patuloy pa rin sa paghalik sa kanya.

Mariin niyang itinikom ang bibig at gusto na niyang sumabog sa sobrang galit, walang sinumang lalaki ang gumawa niyon sa kanya. She was a dominant and being in a helpless situation like this makes her ashamed.

Tumigil sa paghalik si Matteo at lumuwag na rin ang hawak nito sa kamay niya.

"Get the hell out of here," matigas at puno ng awtoridad niyang utos dito.

Hindi ito kumibo ngunit mayamaya lang ay huminga ito ng malalim. "I'm sorry," malumanay na wika nito. "I get jealous and—"

"Damn, you! I don't want your f*cking explanation. Get the hell out of here!" sigaw niya rito.

Dahan-dahan itong umatras sa kanya at isa-isang inilagay ang mga papeles kasama ang Marriage Contract nila sa attache case na dala ng Assistant nito.

Bago pa man ito tuluyang makalayo sa kanya ay nagsalita siya. "Iy you really want this sh*t, fine, I'll do it." Tumingin siya rito ng walang kahit anong emosyong mababasa sa mukha niya. "I'll give you one month, pero pagkatapos ng isang buwan na walang nagbago. Aaminin mo sa buong mundo ang pagpipilit mong ikasal tayong dalawa."

Natigilan ito ng ilang segundo at nang makabawi ay tumango ito. "We are settled then," nakangiting sabi nito. "Tawagan mo ako kung—"

"I'm not yet done," putol niya sa sinasabi nito. "Stop bossing me around. If I want to call you, I will call you but if not and you want to talk to me, call me." Naglakad siya palapit dito at nang nasa harap na siya nito ay nang-aakit siyang ngumiti. "You're going to regret messing with me," dagdag pa niya at inunahan na itong lumabas ng Conference.

Pagbukas niya ng pinto ay nahuli niyang naglalandian ang dalawang Assistant nila ni Matteo. Mabilis namang umayos ng tayo si Darla at lumapit sa kanya.

"I-I'm sorry, Miss," nahihiyang sabi nito nito habang nakatungo ang ulo.

Sinulyapan niya ang Assistant ni Matteo bago tumingin sa kanyang Assistant. "Tapos na kaming mag-usap, pakiligpit ng mga gamit ko at dalhin mo sa office ko," kaswal niyang utos dito.

"Yes, Miss Ortega," sabi nito at pagkatapos magpaalam ay pumasok na ito sa loob ng conference.

Tumalikod na siya at hahakbang na sana paalis sa lugar na iyon nang marinig niyang magsalita ang Assistant ni Matteo.

"So, are you done signing the contract?" makahulugang tanong nito sa kanya.

Lumingon siya dito at katulad kanina ay wala pa ring emosyon ang mukha niya, sa klase ng tanong nito ay tiyak niyang may alam ito sa plano ni Matteo.

"Which contract? The one with my company seal? Or the one with a seal of Civil Registrar's f*cking office?" sarkastiko niyang tanong dito.

Hindi naman ito nakaimik at laglag ang panga sa sinabi niya. Bumukas ang pinto ng Conference Hall at lumabas mula roon si Matteo, matalim niya itong tiningnan bago tuluyang talikuran ang mga ito at dumeretso ng elevator.

Nang sumara iyon ay malakas niyang hinampas ang dingding ng elevator, mabuti na lamang at mag-isa lang siyang sakay doon kaya nailabas niya ang galit na naipon sa dibdib niya. Galit siya sa binata ngunit mas lamang ang galit niya sa sarili niya dahil hindi niya kayang itanggi na nagustuhan niya ang paraan nang paghalik nito sa kanya.

Kung hinayaan niyang maging marupok sa harap nito ay tiyak na mauuwi iyon sa mainit na tagpo, which is she badly f*cking missing.

Marahas siyang napabuga ng hangin at inayos ang sarili nang huminto ang elevator, pagbukas niyon ay nakita niyang may apat na kababaehang pumasok. Binati siya ng mga ito at tanging tango lang ang isinagot niya. Nagkaroon ng mahabang katahimikan doon at napansin niya ang isang kasamahan ng mga itong panay ang tingin sa kanya.

Masama ang timpla niya ngayon at kailangan niya nang magpalamig, total sira na rin naman ang reputansyong ilang taon niyang iningatan, bakit hindi na lang niya sagarin.

"Hey, what's your name?" tanong niya sa empleyadong panay ang tingin sa kanya.

"M-Melinda Santos po," magalang na sagot nito. Nakita niyang nagkatinginan ang mga ito sa isa't isa ngunit nang makitang nakatingin siya ay mabilis na nagsitunguan ng ulo.

"Which Department are you?" tanong niya ulit dito.

"E-Editorial po."

Tumangu-tango siya. "You know my assistant, right?" tanong pa niya rito.

Tumango naman ito. "Y-Yes, Miss."

"Good, I want you to look for her and tell her to meet me in my office. A-S-A-P," seryosong utos niya rito.

Nagulat man ay mabilis itong tumango. Huminto ang elevator at lumabas ang mga kasama nito, nag-alangan itong lumabas at sinenyasana ang mga kasamahan na magpapaiwan ito. Lihim siyang napangisi, kahit hindi ito magsalita ay alam niyang may lihim itong pagnanasa sa kanya.

She's expert of reading everyone's desire, marahil ay dahil na rin sa napakraming babae't lalaking nakakasiping niya. Wala siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao sa kanya. As long as they're single and ready to have fun with her in bed, okay sa kanya. And her being a dominant, she likes to order and punished them. Kung ang mga kaibigan niya ay nagmula kay Maria Clara, siya naman ay galing sa angkan ni Magdalena, ang kaibahan niya lang kay Magdalena ay hindi siya nagbebenta ng katawan—she's using her body to have fun and to satisfy herself.

Nasa makabagong panahon na ang mundo, mulat na ang lahat sa ganitong uri ng kasiyahan.

Paghintong muli ng elevator ay sinulyapan niya ito.

"Come with me in the office," kaswal na utos niya rito.

"H-Ho?" gulat na sabi nito ngunit hindi na niya ito pinansin pa at naglakad na palabas ng elevator.

Dere-deretso lang siya hanggang sa makapasok siya sa opisina niya, tahimik namang nakasunod si Melinda sa kanya.

"Sit down," sabi niya at itinuro ang mahabang sofa na nasa 'di kalayuan ng mesa niya.

"Uhm . . . ang sabi niyo po ay hahanapin ko si—"

"Tell me," agaw niya sa sinasabi nito. "Are you attracted on me?" prangka niyang tanong dito. Naglakad siya papunta sa kinaroonan ng maliit na Bar, kumuha siya ng dalawang baso at pagkatapos lagyan ng yelo ay sinalinan niya ng whiskey.

"Sagutin mo lang ang tanong ko, I won't get mad," sabi niya pa habang papalapit sa kinaroroonan nito.

Nakita niya ang pamumuo ng pawis nito sa noo nang umupo siya sa harapan nito at iabot ang basong may lamang alak.

"I-Idolo po kita . . ." nauutal na sagot nito. "Sa katunayan kaya po ako pumasok dito ay para magkaroon ng tsansang makita at makausap ka ng ganito—I mean, iyong tayong dalawa lang." Nilagok nito ng isahan ang alak, gumuhit ang pait sa mukha nito ngunit balewala iyon sa babae.

Napangiti siya at inisang lagok lang din ang alak. Humagod sa lalamunan niya ang pait ng inumin ngunit hindi niya iyon pinansin.

"M-Miss Ortega, a-alam ko pong hindi kayo pumapatol sa mga empleyado at nakakatrabaho niyo, pero . . ." Huminto ito sa pagsasalita at kinagat ang ibabang labi. "Handa po akong mag-resign para lang hindi masayang ang oportunidad na 'to."

Napataas ang kilay niya nang isa-isa nitong baklasin ang botunes sa suot nitong polo.

"Are you aware of what you're doing?" tanong niya rito.

Tumango naman ito habang patuloy sa pagbabaklas ng mga butones ng damit nito. "Sobrang crush po kita, Miss Ortega at handa akong gawin ang lahat para paligayahin ka."

Napangiti siya, itinulak niya ito pahiga sa mahabang sofa, tinulungan niya itong hubarin ang suot nitong damit at nang mahubad iyon ay kaagad niyang itinali ang mga kamay nito sa likuran nito. Tumayo siya upang lagyan ng alak ang baso niya, pagdaan niya sa kanyang table ay tumawag siya sa intercom.

"Darla, come at my office and cancel all my meetings today. I want to relax, come and join us!" sabi niya rito at bumalik sa kinaroroonan ni Melinda. Halata sa mukha nito ang pagkagulat sa narinig na sinabi niya.

"M-May nangyayari sa—"

"Darla's my personal Assistant. She wasn't hired here and she's not my emplyee," nakangiting sabi niya.

Bumukas ang pinto at pumasok si Darla, agad itong lumapit sa kinaroroonan nila.

"Let's go to my room," utos niya rito. Nauna siyang tumayo habang inalalayan naman nitong makatayo si Melinda na halatang na-excite sa mangyayari sa pagitan nilang tatlo. Lihim siyang napailing nang may mapagtanto.

Kung babawiin niya ang sinabi niyang kailanman ay hindi siya makikipagrelasyon sa mga nakakatrabaho niya at mga employee niya malamang na dadagsain siya ng mga taong gustong makalaro siya sa kama

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status