Share

IKA-2 YUGTO: MARRIAGE CONTRACT

IKA-2 YUGTO: MARRIAGE CONTRACT

Lumipas ang halos isang oras, kanina pa sia kating-kati na silipin si Matteo sa labas ng kanyang pintuan ngunit nangangamba siyang baka malaman nito na nasa loob lang siya ng bahay niya. Kahit papaano ay nahihiya pa rin naman siya sa ginagawa niyang pag-iwas at pagtataboy sa binata.

Sinulyapan niya ang kanyang cellphone na nasa ibabaw ng maliit na mesa, mabilis niya iyong kinuha at tiningnan kung may nakaligtaan siyang text ng binata ngunit wala siyang nakita. Huminga siya ng malalim at idinayal ang numero ni Jeydon, iyon lang ang alam niyang paraan para malaman kung totoong nasa harap nga ng pintuan niya si Matteo.

Ilang beses munang nag-ring sa kabilang linya bago niya narinig ang boses nito.

"Hello, Jeyd? Where are you?" tanong niya rito.

"I'm driving home, bakit?" tanong nito sa kanya.

"Can you call Matteo? I just want to know where he is right now?" pakiusap niya rito.

"Why me? Hindi mo na ba kayang gawin iyon?" kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang may naglalarong nakakalokong ngiti sa mga labi nito.

"He's your damn friend, Jeydon!" mariin niyang sagot dito.

"Yeah? But friends don't like sharing updates to where and what they're doing," nakakalokong sabi nito sa kanya.

Napairap siya sa kawalan at marahas na nagbuga ng hangin. "He called me and he told me he's waiting outside my door," aniya. Alam niyang wala siyang mapapala dito kung magpapaligoy-ligoy pa siya at hindi sasabihin ang totoo dito.

"Oh? And if I'm not mistaken, you don't want to entertain him?" nakakalokong tanong nito sa kabilang linya na sinundan pa ng mapang-asar na tawa.

"Jeydon, hindi ako nakikipaglaro sa empleyado ko," deretso niyang sabi rito. Nag-uumpisa na siyang mainip, kaya nagsimula na siyang magpabalik-balik ng lakad sa loob ng kuwarto niya.

"But he likes you . . . a f*cking lot," natatawang turan nito.

"Obssesing someone isn't healthy," sabi niya rito.

"Ba't 'di mo sabihin iyan sa kanya?" anito.

"I always told him we can't be I any affair or even be just a f*cking buddies! Hindi ko puwedeng sirain ang matagal ko ng reputasyon sa industriyang ginagalawan ko!" singhal niya rito.

"But you want him, eh?" tanong nito na nagpatigil sa kanya. Yes I want him! I f*cking want him!

"Five seconds rule, silence means yes," sabi nito sa kabilang linya. "Janice, don't fight your self desiring him. Your feelings are mutual, bakit hindi ka na lang magpaubaya?"

"What? Hell no!" mabilis na singhal niya rito. Kailanman ay hindi siya magpapaubaya kay Matteo! Kahit kailan ay hindi pa niya nagawang sumurrender sa isang lalaki—lalong lalo na sa mga nakakaniig niya. She was always the dominant and her f*ck buddies love being tortured by her when they're having an intimate s*x!

"Letting go of your pride can cause ecstacy, you know," natatawang sabi pa nito sa kabilang linya.

Malakas niya itong sininghalan sa kabilang linya. "Jerka*s," inis na turan niya rito.

Tinawanan lang siya nito kaya mas lalo siyang nainis.

"Pagbibigyan kita ngayon, I'll call him pero wala ng susunod. If you want to get rid of him, do it by yourself," sabi nito at pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya.

Marahas siyang napabuntonghininga nang ibaba niya ang kanyang cellphone, pasalampak siyang umupo sa may paanan ng kama at tumingin sa may pintuan ng kanyang kuwarto. Mayamaya pa ay hindi na siya nakatiis at dahan-dahang lumabas, dumeretso siya sa may pinto at patingkayad na sinilip ang peephole upang tingnan kung may tao pa ba sa labas.

Wala siyang nakita tao roon, posible kayang dahil iyon kay Jeydon? Babalik na sana siya sa kanyang kuwarto nang mapalundag dahil sa pagtunog ng intercom niya.

"I know you're there Janice," dinig niyang sabi ni Matteo mula sa labas ng pinto. "Please open this door and let's talk."

"F*ck!" inis na singhal niya sa sarili. Huminga siya ng malalim bago hawakan ang seradura at pihitin iyon.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya si Matteo na madilim ang mukha at salubong ang mga kilay na nakatingin sa kanya.

"Why are you staring me like that?" nakataas ang kilay na tanong niya rito. Pinilit niyang maging mataray sa harap nito kahit ang totoo ay nangangatog na ang kanyang tuhod sa hindi niya malamang dahilan.

Is it because the way he looks at me? Lihim niyang ipinilig ang kanyang ulo at iwinaksi sa isip ang katanungang iyon. Hindi siya puwedeng magpadala sa atraksyong nararamdaman niya rito.

"Let me in," buong awtoridad na utos nito sa kanya.

"No," matigas niyang sagot dito. "I'm tired and I want to rest, maaga pa akong papasok bukas dahil may importante akong meeting with VVIP," dagdag niya rito.

Umangat ang sulok ng labi nito. "A VVIP, huh? Gano'n ba kahalaga sa'yo iyon?"

"Of course," mabilis niyang sagot. "MC Underwear Trading Co is one of the major undergarment suppliers. Meeting the CEO will be my top priority, so please, go home."

Matagal siya nitong tinitigan lang at hindi nagsasalita. Ayaw naman niyang maging bastos at pagsarhan ito ng pinto.

"Okay, you win—I'll let you win . . . for now. Pero hindi pa rin ako titigil, Janice. A deal is a deal, and I want you to keep the deal or else . . ." Hinintay niyang dugtungan nito ang sinasabi ngunit tinalukuran na siya nito at humakbang ito palayo.

Or else what? Kunot-noong tanong niya sa kanyang isip.

Nang makasakay na ito ng elevator ay saka lang niya sinarado ang pinto at naglakad papuntang kusina. Tumunog naman ang kanyang cellphone at nakita niyang may text message si Jeydon sa kanya.

Sorry, he knows me. I can't lie. ?

"That jerk!" gigil na singhal niya. Pasalamat talaga siya at wala ito sa harapan niya dahil kung hindi ay nabatukan niya ito. Nagtipa siya ng mensahe at nang maipadala iyon ay nakangisi siyang lumapit sa ref at kumuha ng tubig.

Ilang segundo lang ang lumipas ay tumunog ang kanyang cellphone, napangisi siya nang makita ang pangalan ni Jeydon.

"I'm going to sleep, stop calling me," sabi niya rito.

"What did you just text me?" tanong nito na halatang nairita sa kanya.

Natawa siya ng mahina. "Nami wants to meet some of my male models, so I conducted a party," aniya.

"And why would she do that?" tanong nito.

"Uhm . . . let's just say, she wants to claim herself from being a fool," sagot niya.

Natahimik naman ang ito sa kabilang linya, tila tinamaan sa sinabi niya. Dapat lang na tamaan talaga ito dahil hindi tama ang ginagawa nitong pagpapaasa kay Nami, pero malalagot naman siya kay Nami kapag nagsumbong ang gagong ito.

"I'm just kidding," sabi niyang tumawa pa. "The truth is, inimbitahan ko siyang sumama sa 'kin. She needs to have some fun," dagdag pa niya.

"And where are you going to take her?" tanong nito.

Humikab siya upang iparating dito na matutulog na siya. "Inaantok na ako, good night!" Hindi niya na hinintay pang magsalita ito at kaagad niyang pinatay ang koneksyon nila. Wala siyang pakialam kung mataranta man ito o magalit, he deserves it for being a jerk.

*****

Kinabukasan ay talagang inagahan ni Janice ang pagpasok sa opisina niya dahil gusto niyang siguraduhing maayos ang lahat at walang magiging aberya sa magiging usapan nila ng CEO ng MCUT Co. Malaking bagay kapag nakuha niya ang kompanyang ito dahil hindi na siya mahihirapan pang mag-angkat sa kung saan-saan ng mga magagandang kaledad ng tela at produkto. Natitiyak niyang magiging mas kilala ang Sun Glow Fashion sa buong mundo, isa pa tamang-tama lang iyong pasok ng negosyo nito sa kompanya niya dahil sa nalalapit na Queen of Arc Fashion Show na gaganapin Paris, France, three months from now.

"Darla, paki-check naman sa IT Department kung walang magiging aberya mamaya sa presentation na gagawin ng grupo natin," utos niya sa kanyang Assistant.

"Sige po," sabi nito at iniwanan siya doon.

Nang mapag-isa ay tiningnan niya ang buong paligid, kailangang walang mapuna ang CEO ng MCUT na kahit na anong mali dahil ayon na rin sa mga naririnig niyang usapan ng ilang mayayamang negosyante ay masyado itong maselan at piling-pili lamang ang mga tinatanggap nitong mga local investors.

Ilang beses na ring na-feature ang kompanyang MCUT sa mga international magazines at sa ilang mga international fashion shows kaya hindi niya puwedeng pakawalan ang oportunidad na iyon nang makatanggap siya ng tawag mula sa Assistant ng CEO ng kompanyang MCUT.

Pagsapit ng takdang oras para sa meeting nila ay nauna na siyang magpunta sa Conference Hall, kasama niya si Darla na naghintay doon ng ilang minuto. Eksaktong alas nuwebe ng umaga ay dumating na ang ka-meeting niya.

Dahil nakatalikod siya ay hindi niya agad nakita ang mga dumating ngunit nang humarap siya para batiin ang mga ito ay bigla siyang natulala at napatingin sa isang matangkad at matipunong lalaki na naglalakad palapit sa kanila. He's weering a dark navy slim-fit suit—his aura is as powerful as a Mighty King and everyone will surely obeys him.

"Miss Ortega?" untag sa kanya ng kasama nitong lalaki.

Napakurap-kurap siya at sunod-sunod na umiling saka nagpakawala ng malalim na buntonghininga. 'I'm sorry," sabi niya at nakangiting binati ang mga ito. "Welcome to Sun Glow Fashion."

"Thank you, Miss. By the way, I am Niccolo Montenegro, and this is Matteo Cordova-Montreal, the CEO of Montreal-Cordova Underwear Trading Corporation. I believe that you know already," nakangiting pagpapakilala nito sa kasama nito.

Napatingin siya kay Matteo at hindi niya maitago ang gulat na bumalandra sa mukha niya. Nakita niya ang portfolio nito pero walang nakalagay doon na may apelyido itong Montreal.

"I'm sorry but I don't know him," sabi niyang nakatingin dito. "I only knew Matteo Cordova but your Boss . . . I don't know anything about him," seryoso niyang sagot dito.

Hindi ito sumagot at nanatiling nakatingin sa kanya, nilabanan niya ito ng titigan. Nag-uumpisa na siyang mainis sa mga bagong dating—lalo na kay Matteo na talagang hindi niya inaasahang makita doon.

He fooled me! And I want a f*cking explination! sabi niya sa kanyang isip.

Tumikhim si Niccolo para alisin ang tensyon sa pagitan nilang dalawa ni Matteo. "Can we start the meeting? Guys, let's talk about business," dagdag pa nito na pinagkadiinan ang huling salitang sinabi.

Nakangiti siyang bumaling dito. "Of course, let's all have a seat."

Nilingon niya ang kanyang Assistant at sinenyasan itong ibigay na ang kontrata sa mga bagong dating ngunit bago pa man ito makabalik sa pagkakaupo ay nagsalita na si Matteo.

"Leave us," usal nito saka tumingin kay Niccolo at sa Assistant niya. "Both of you."

Napasinghal siya sa kawalan at hindi makapaniwala sa sinabi nito, magsasalita na sana siya ngunit mabilis na tumayo si Niccolo at magalang na inaya si Darla. Hinintay siya ni Darla na magsalita at sumang-ayon ngunit isang tango lang ang ibinigay niya rito. Kung anuman ang plano ng lalaking ito ay sisiguraduhin niyang hindi siya ang susuko!

Nang maiwan silang dalawa doon ay kinuha nito ang mga papeles sa ibabaw ng mesa at tahimik iyong binasa habang siya ay nakakrus ang mga kamay at matamang pinagmamasdan ito. Ang daming tanong sa kanyang isipan at gusto niyang masagot ang mga iyon ng lalaki.

Nagdaan ang ilang sandali na nanatili sa ganoong posisyon—walang nagsasalita sa kanilang dalawa at binabasa pa rin nito ang kontrata. Dapat ay ipinapaliwanag niya rito ang mga nilalaman sa dokumentong binabasa nito at dapat rin ay nagtatanong ito at humihingi ng eksplinasyon ngunit lumipas ang mahigit tatlumpong minuto na walang nagsasalita maski sino sa kanilang dalawa.

Mayamaya ay may dinukot ito sa loob ng jacket nito at napataas ang isang kilay niya nang makitang sign pen iyon. Walang kaabog-abog itong pumirma doon at nang matapos ay saka lang ito tumingin sa kanya.

"I signed the contract, now it's your turn," seryosong sabi nito.

Napangisi siya. "I already signed the—"

"When I say it's your turn to sign, I didn't mean this contract. What I mean is the marriage contract," putol nito sa sinasabi niya.

Nagsalubong ang kilay niya at tumayo ito upang buksan ang attache case na dala ng assistant nito. May inilabas itong mga dokumento, lumapit ito sa kanya at inilapag ang papel sa harapan niya. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang malalaking letra ng: CERTIFICATE OF MARRIAGE CONTRACT.

"You're going to sign it Janice, or else I will tell everyone that we're having an intimate f*cking affair," nagbabanta ang boses nito ngunit nakakaloko ang kislap ng mga mata nito. "I'm sure you don't want that to happen."

Nagtagis ang bagang niya at kung nakamamatay lang ang talim ng tingin niya ay malamang kanina pa ito nasa morge at inihahanda para sa libing nito!

Nanggigil na kinuha niya ang sign pen na inaabot nito, gusto niyang itusok iyon sa mga mata nito sa sobrang galit na nararamdaman niya. Hindi siya makapaniwala na mako-corner siya nito, mahalaga sa kanya ang career niya at ang tingin ng mga tao sa kanya at hindi siya papayag na mabago iyon dahil lamang sa isang eskandalo.

"F*ck you!" gigil na singhal niya rito pagkatapos niyang pirmahan ang Marriage Contract.

Kinuha agad nito iyon at nakangising tumingin sa kanya. "Yeah, I will . . . only if you really mean it."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status