“I am coming home, Honey! I can’t wait to see you!” Parang pinompyang ng tenga ni Philip ng makita ang mensahe sa kanyang e-mail. “Nagawa ko lang ang lahat dahil mahal kita at gusto kong matupad mo ang mga pangarap mo sa buhay bago tayo ikasal.”
It was a lame alibi.
Philip saw the crowds in that big event where Castela was also invited. She looking stunning in her beautiful flaunt cocktail dress. Katabi ang isang matandang mayaman nakahawak pa sa kanyang balakang at dikit na dikit ang kanilang mga katawan habang pabulung-bulong pa siya sa babae. Kitang-kita ni Philip kung gaano kagiliw ang dalaga sa matanda, palibhasa ay nakuha niya ang atensyon nito.
Isa si Dax Perry sa tinaguriang first multi-billionaire in business community. No doubt, Castela would be the first to find a way to seek his attention. Nagtagumpay naman siya. Nagpakasaya si Philip ng gabing iyon kausap ang ilang mga babae hanggang hindi niya namalayan na wala na sa kanyang paningin si Castela at ang matanda.
“I want a multi-billion-dollar baby boy.” Iyon ang simple ngunit pangahas na kahilingan ng matanda. Only an ambitious human being, as greedy as Castela Newton would dare to give the old man an heir to his enormous wealth.
Iyon ang dahilan kumbakit hindi niya tinanggap ang marriage proposal ng lalaki at hindi kaagad umuwi ng Pilipinas.
Dalawang taon na silang graduate sa Harvard habang pinangakuan ni Philip si Astrid ng kasal bago ito umalis upang mag-aral sa Amerika. Sa pagbabalik niya ay bubuuin ang kanilang mga pangarap ngunit ang lahat ng iyon ay nananatiling pangako.
Naging malamig ang pakikitungo ni Philip sa kasintahan. Isang buwan na nga siyang nakarating sa bansa bago pa siya magpakita kay Astrid.
“Astrid, I’ll come and see you tonight. I’ll send you a dress. Hope you like it.” Na-excite tuloy si Astrid. Nagtaka siya sa biglaang pagdalaw ng kasintahan.
“Uy, baka naman magpo-propose na Astrid. Get ready! Siguraduhin mong imbitado kami riyan,” masayang sabi rin ng mga kaibigan ng dalaga habang nasa faculty room sila. Alam niyang busy ang lalaki at hindi ito masyadong demanding sa kanya.
Matagal na ang relasyon nila ngunit ni minsan ay hindi siya nagawang ipakilala sa kanyang mga magulang.
“Sigurado ka bang mahal ka ng boyfriend mo? Ni hindi ka pa nga naipapakilala niyan sa mga magulang niya hindi ba? Kung ako sa iyo, ibi-break ko na ‘yan. Hindi ako mag-aaksaya ng oras sa kanya,” pang-aasara ni Castela.
“Bakit hindi ka na lang mag-asawa ng mayaman?” sulsol naman ng kanyang Tito Noel.
“Bakit, Ate Castela? Mayaman ba ang mas mahalaga sa iyo kaysa mahal ka?”
“Uy, Fabro! Huwag ka ngang nakikisali sa usapan ng matatanda,” saway ni Castela.
But behind those words, may balak pala si Castela sa boyfriend ng pinsan. Hindi inaasahan nina Noel at Mina ang kanyang pagbabalik.
“O, Castela! Anak! Bakit hindi mo sinabing uuwi ka?” Binati ni Noel ang anak na matagal niyang hindi nakita.
“Para ano pa kung hindi naman talaga ninyo ako susunduin?”
Padabog siyang pumasok sa kanyang kuwarto. Doon pa rin natutulog si Astrid. Nakita niya ang mga gamit nito at isa-isang itinapon na lang sa labas ng kuwarto.
“Kakain ka ba? Ipagluluto kita ng ulam na gusto mo!” sigaw ng ama.
Nagtaka si Astrid ng makitang abala ang kabahayan. Biglaan ang pagdating ni Castela.
Gulat na gulat siya ng makita ang kanyang mga gamit sa labas ng kuwarto. Akala niya ay mayroong demolition job sa kanilang bahay.
“Uy, bumallik ka sa maid’s quarter ha! Bakit ba ninyo pinagamit ang kuwarto ko sa basurang ito?”
“Castela! Kauuwi mo lang pero mas basura ang bibig mo. Manahimik ka!” sabi ni Mina. “Pasensiya ka na Iha.”
“Tita, may bisita po pala ako mamayang gabi.”
“Gaya-gaya! Ako rin po, Nanay. Darating ang fiancé ko.”
“Fiance? Sino naman ‘yan, Castela? Foreigner ba ‘yan? Aba eh mukhang mapapasabak ako sa ingles nito.” sabi ni Noel.
“Hindi mo yata nababanggit sa amin na may plano ka nang mag-asawa matapos mong maka-graduate. Why not enjoy first?”
“We already enjoyed each other’s company abroad, Nanay.”
“What? Nag-live in na kayo sa abroad?”
“Nanay, nakapagtapos naman po kaming pareho kaya huwag po kayong mag-alala. Besides, magugulat kayo dahil mayaman ang mapapangasawa ko. How about you Astrid? Siya pa rin ba ang one and only love mo?”
“Okay lang, Iha. Doon na lang kayo sa beranda habang nandito sa ibaba ang boyfriend ni Castela.”
“Tsss, let’s wait and see. I want to surprise you later, Cousin. I will make the announcement first bago moa ko maunahan. You have money and I’ll have your honey.”
Kitang-kita ni Castela kung gaano kagiliw ang ina sa kanyang pinsan simula ng kupkupin niya ito. Inggit na inggit siya at madalas iyong pagsimulan ng tampuhan sa pagitan nila.
“Wala nang magulang ang pinsan mo. Ituring mo siyang kapatid.”
“Wala akong kapatid kundi si Fabro.” Ngunit patay na ang lalaki dahil sa hazing. Sa kabila ng pagiging tahimik ng binata ay nagawa niyang makipagbarkada sa mga bad influence kaya napahamak siya.
Kinagabihan ay masayang isinuot ni Astrid ang damit na padala ni Philip. Ginamit din niya ang pabagong pinakatipid-tipid pa niya dahil mamahalin ang pabangong iyon. Limited edition from Victoria’s Secret.
“Sweetheart, I am here!” Narinig ni Astrid ang busina ng kotse ng kasintahan. Nagmadaling lumabas ang dalaga at nagkasabay pa sila ni Castela sa paglabas. Ngunit laking gulat niya ng makitang pareho sila ng damit. “Huh!”
Napansin niya ang kuwintas at bracelet ng pinsan halos pareho lang ng istilo sa kanyang hikaw. Inismiran siya ng pinsan. Dumiretso siya sa bakuran at pinagbuksan ang boyfriend.
Halos buhatin ni Philip ang babae. Masayang – masaya siya na parang hindi sila nagkita noong isang araw lang. Medyo na-weirduhan si Astrid but she is happy.
“Halika, pasok ka!”
“Bagay na bagay ang damit sa iyo.”
"Yeah, thank you!"
Pagpasok nina Astrid at Philip ay nasa sala na sina Mina at Noel kasama si Castela. Nagkatitigan ang dalawang matanda dahil magparehong dress ang suot ng magpinsan.
Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan—ang sakit, ang paghihiganti, at ang mga hindi mabilang na kalungkutan—dumating din ang sandali nang tahimikan. Payapa ang kalooban nina Pancho at Astrid dahil sa magandang takbo ng mga pangyayari. Mahigpit na hinawakan ni Pancho ang kamay ni Astrid. Humilig si Astrid sa balikat ni Pancho habang ang mga bata ay nasa isang puting van kasama ng kanilang lolo at lola.“Happy now?”“Oo, sobrang saya ko.” Dumamping muli ang labi ni Pancho sa noo ng asawa. Napapikit siya at nagpasalamat sa Diyos.“Hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging tahimik ang araw at gabi natin, Astrid. Sa buhay natin, magkakaroon tayo kahit mga pagtatalo. Magkakaroon tayo ng problema, sa trabaho, sa mga bata, sa relasyon natin pero kakayanin natin, hindi ba?”“Oo, makakaya na natin. Sa dami ng pagsubok sa atin, sinukuan ba natin ang isa’t isa?”“Hindi!”“Hindi ko magagawa ang lahat ng iyon kung hindi dahil rin sa iyo, Pancho.”“Dahil mahal na mahal kita, Astrid. Walang imposible ang
Nasa loob na ng ICU si Astrid. Visiting hours na rin. Nakasuot siya ng isolation gown, face mask at hawak-hawak ang kamay ni Pancho habang wala pa ring malay at may tubo ang kanyang bibig. Tunog lamang ng aparato ang kanyang naririnig sa labis na katahimikan sa loob.Hindi niya napigilan ang mapaiyak.“Ganito siguro ang nararamdaman mo noon habang ako ang nasa higaan. Ni hindi mo pa ako kamag-anak pero dinamayan mo na ako. Salamat, Pancho. Salamat at hindi mo ako noon iniwan. Sana, hindi mo rin ako iiwan ngayon. Nandito lang ako at naghihintay na imulat mo ang iyong mga mata,” mahinang sabi ni Astrid sabay ang panginginig ng kanyang mga labi.Hindi naman nawalan ng pag-asa si Astrid. Nanatili siya sa tabi ni Pancho. Hanggang isang umaga, habang kinakausap ni Astrid si Pancho, hindi na rin nakatiis ang babae. Nilapit niya ang kanyang mukha kay Pancho.“I missed your good morning kiss already.” At saka hinalikan ang labi ng asawa.Biglang nagkaroon ng seizure ang pasyente na ikinagulat n
Tinanghali na nang gising si Astrid habang nagkakagulo na ang mga bata sa bakuran. Gustong gusto nilang magtatakbo sa malawak na bakuran nila. Hindi tulad sa kanilang mansion na palagi silang sinasaway ng kanilang lola. Hindi kasi sanay si Lynette sa kanilang takbuhan lalo pa’t maliksi sina Ashton at Ashley.Natanggap ni Pancho ang tawag sa kanyang cellphone. Nagtungo siya sa beranda upang hindi makaistorbo habang himbing pa ang asawa.“Anong balita? Napatawag ka ng ganito kaaga.”“Sir Pancho, nakatakas si Noel kagabi. Nakapuslit siya sa kanyang mga bantay sa ospital. Tumawag po ako para maingatan ninyo si Mam Astrid.”“Salamat, Inspector! Malaking tulong ito sa pamilya ko.” At ibinaba na ni Pancho ang kabilang linya.Kailangan nang tuldukan ang kasamaan ni Noel. Bumaba na siya upang magpahanda ng almusal saka niya ginising ng halik ang kanyang asawa.“Wake up, Astrid. Let’s have breakfast with the kids.”Hinila ni Pancho ang asawa dahil ayaw pa niyang gumising. Pinangko niya ito at bi
In no time, they are back to reality. Maiksi lang ang isang buwang honeymoon vacation sa South Korea. Medyo bitin pa si Pancho pero gusto niyang pasunurin ang mga anak ngunit sinaway siya ni Astrid. Gusto niyang dalhin ang mga bata sa Disneyland sa Hongkong pagbalik nila. Gabi na nakabalik sa Pilipinas ang bagong kasal. Sinundo sila nina Felix at Lynette, maging sina Dave at Benny. Kasama rin ang mga bata.Halos mapatakbo si Astrid palapit sa kanilang lahat. Tuwang tuwa naman sila sa kanilang pag-uwi. Dala ni Pancho ang bag ni Astrid. Muntik pa itong matapilok sa sobrang pagmamadali.“Ano ba naman Iha, mag-ingat ka nga?” sabi ni Lynette.“Sorry, Mama. Excited lang po ako na makita kayo! Miss na miss ko po kayo!” At niyakap niya ng mahigpit ang mga ito matapos niyang magbeso kina Dave at Benny.“Iho, mukhang mas naging good looking tayo ngayon ah. Mas naka-relax kang mabuti,” biro ni Felix.“Yes Papa. We really had a great time ‘di ba, Honey?”“Yes Papa, the place is so nice. Sa susuno
After the wedding, they took the flight to South Korea. It was month-long vacation in Jeju Island. Hindi na isinama ang mga bata dahil iyon ay para lang sa bagong kasal.Hindi nakaramdam ng pagod sa biyahe si Pancho. He was only thinking about the honeymoon. Walang ibang nasa isip niya kung anong mangyayari sa unang gabi nila bilang mag-asawa. Nakakabighani ang lugar ng Jeju Island. It was like a paradise for both of the,. An idea place for honeymooners.“I love you, Astrid!”“I love you, Pancho!” And they kissed tenderly.“Naalala ko ang labing unang humalik sa akin. Akala ko ay panaginip lang talaga. I was still in coma. I remember that tender loving kiss. Iyon ang nagpabilis ng tibok ng puso ko at tuluyan akong nagising.” They are looking at the view of the sea outside.“I have never seen a sleeping beauty as beautiful as you. I was mesmerized when I first saw you. I longed to kissed you wide awake. But I am afraid to show myself.” Naka-back hugged si Pancho kay Astrid.“Astrid, I l
Sabay kumain ng almusal sina Pancho at Astrid. Kahit antok pa at bahagyang masakit ang ulo ni Pancho, hinid siya nagreklamo na tumayo ng gisingin siya ni Astrid. Nagpadeliver siya ng breakfast meal. Dinalhan siya ng bagong damit at nasa mansion rin si Nurse Imee for her medicine. After checking on Astrid ay umalis na rin sila.“What do you plan for today?”“Wanna come with me? Ako na ang magda-drive.”“Nah, I’ll drive you. Saan ba tayo pupunta?” But Astrid stood up and went inside. Diretso siya sa banyo para maligo. Gulat na gulat si Astrid ng makitang seryosong nakatayo si Pancho sa pinto ng banyo.“What are you doing there?”“Mahal mo pa ba ako? Bakit mo ako iniiwasan?”“Pancho, maaga pa gumagawa ka na naman ng away. Maligo ka na.”“Kailan mo ba ako seseryosohin? Look, I am proposing to you but you stopped me last night.” Hinayaan ni Astrid na mahulog ang kanyang tuwalya sa carpet. Napaiwas ng tingin si Pancho.“Honey, why don’t you take a bath para mahimasmasan ka? Are you starting