"Snow!" inis na sigaw ko sa kapatid kong babae. Dalawa lang kaming magkakapatid. Patay na ang mga magulang namin, dahil parehong may sakit na Asthma ang mga ito.
"Wait lang po, ate!"
Nakasimangot naman ako nakatingin rito. Labing pitong taon na ito at nasa ikalawang taon na ito sa kolehiyo. Sabay kami araw-araw umaalis ng bahay. Ang sinasakyan kong taxi ay nadadaanan din ang university na pinapasukan ni Snow. Sa Crimson University siya pumapasok. Kahit malaki ang tuition, pinipilit kong makatapos sa magandang university ang kapatid ko.
"Ang bagal mo talaga! Ma-late na ako sa trabaho ko."
"Ate naman eh, naliligo pa lang ako!"
Inirapan ko naman ito. Palabas na kami sa inuupahang bahay namin na may limang lalaki ang nakaabang sa labas.
"Kath Antonio?" tanong ng malaking lalaki na marami itong tattoo.
"Ate, ikaw ang hinahanap." bulong ni Snow sa akin.
Napangibit naman ako. "Y-Yes. Bakit po?"
"Sumama ka sa amin." maawtoridad na saad niya.
"B-Bakit naman ako sasama!" galit-galitan na saad ko.
Nanlalaki ang mga mata namin ni Snow na bumunot ito ng baril.
"A-Ate." napakapit ang kapatid ko sa aking braso.
"H-Huwag! S-Sasama na ako. P-Pero ang kapatid ko, huwag niyo idamay." nanginginig na saad ko.
"Ate!"
Humarap ako kay Snow. "Sige na, pumasok ka na. Hindi naman nila ako sasaktan. Baka isa ito sa mga tauhan na inutangan ko."
"B-Basta Ate, umuwi ka ha."
Ngumiti naman ako rito. Pumara muna ako ng taxi at pinasakay ang kapatid ko.
Humarap ako sa limang lalaki. "S-Sino ang nag-utos sa inyo?" tanong ko rito habang inalalayan nila ako sumakay sa van.
"Malalaman mo mamaya kapag nakarating na tayo sa mansion ng boss namin," aniya ng lalaking nagmamaneho.
Nakasuot pa naman ako ng maiksing skirt at blouse na kulay puti. Hindi naman ako katangkaran. Sa edad kong bente syete, wala pa talaga akong nobyo. Mas priority ko muna si Snow. Gusto ko makatapos ito ng pag-aaral at may magandang trabaho.
Napamangha ako ng sobra sa napakalaking mansion kung saan pumasok ang van sa loob ng higanteng gate.
"Baba na, Miss," aniya sa aking ng may tattoo.
Inayos ko muna ang skirt ko at bumaba na sa van.
"Tara sa loob, kanina pa naghihintay si Boss."
Huminga muna ako ng dalawang beses. Habang naglalakad, sobrang kinakabahan talaga ako. Hindi ako mapakali.
Pagkapasok namin may lalaking sobrang tangkad na nakatalikod ito sa amin. Likod pa lang, halata an very masculine ito. Halatang maganda ang pangangatawan.
Hinila ako ng isang lalaki palapit sa misteryosong lalaki.
"Boss, nandito na siya."
"Leave." diin na saad ng Boss na tinatawag nila.
Napasunod ako ng tingin sa limang lalaki na lumabas ito.
"H-Hi? B-Bakit mo nga pala ako pinapatawag? Ikaw ba iyong bombay na inutangan ko?'' kinakabahang tanong ko rito.
Parang slow motion itong humarap sa akin. Agad sumalubong sa akin ang kan'yang berdeng mga mata. Amg guwapo niyang mukha, ang kulay niyang labi at sobrang kapal niyang kilay.
"Remember me?" aniya na nakangisi ito sa akin.
Napalunok naman ako. "I-Ikaw?
"Yes. Ako nga."
Parang bigla ako naninigas sa aking kinatatayuan. Parang bigla rin ako naputulan ng dila.
"Alam mo ba ang kahihiyan na ginawa mo sa akin."
"P-Pasensiya na. A-Akala ko kasi ikaw iyong-."
"Nakabuntis sa kaibigan mo?"
Yumuko ako at panay ang kurot ko sa aking palad.
"Ikaw ang unang babaeng pinahiya ako sa maraming tao, alam mo ba ang kaparusahan sa isang katulad mo?"
Nanlalaki ang mga mata ko na tumingin sa lalaking kulay berde ang mga mata.
"H-Huwag mo ako patayin! M-May kapatid pa ako nag-aaral!" natatarantang pakiusap ko rito.
Nakangisi ito sa akin at nakatingin ito sa aking hita.
"Then you need to stay here," aniya na seryosong nakatingin sa akin.
"Stay? Hindi puwede!" napasigaw naman ako.
"It's up to you." nakangising saad niya sumenyas ito sa lalaking kasama ko kanina. Lumapit ito sa amin.
"Yes, Boss?"
"Kunin niyo ang kapatid niya-."
No! No! H-Huwag niyo idamay ang kapatid ko! P-Payag na ako."
"Good. Be my bed warming, after a week, kakalimutan ko ang ginawa mo. Back to reality. Hindi mo ako kilala, at hindi rin kita kilala."
"A-Anong bed warming?" natatarantang tanong ko rito.
"Fuck buddy. Sex partner. Sex slave or whatever na puwede itawag."
"Ano! Ayoko!" galit na sigaw ko sa kan'ya.
"So, ang kapatid mo puwede?"
"Hindi! Please, iba na lang. Kung gusto, maging kasambahay mo ako ng isang linggo."
"Huwag mo ako diktahan kung ano ang dapat kong gawin! Just choose. You will stay and be my sex slave or your sister-."
"I'll stay! Huwag mo idamay ang kapatid ko, please!"
"Madali ka naman pala kausap," aniya at humarap ito sa kan'yang tauhan. "Huwag niyo siya palabasin sa bahay. Then, ang kapatid niya, papuntahan mo kay Alejandro."
"A-Ano ang gagawin niyo sa kapatid ko?" agad ako lumapit rito at hinawakan ang kan'yang braso. Humarap ito sa akin.
"Don't worry, may isang salita ako. Walang mangyayaring masama sa kapatid basta, sumunod ka lang sa gusto ko."
Nanlumo akong napaupo sa sahig. Bakit ang malas-malas ko! Hindi ko sukat akalain na sobrang yaman at nakakatakot ang lalaking pinahiya ko noong nakaraang linggo.
"Dalhin mo siya sa silid ko. May pupuntahan lang ako. Pakitawagan si Conrad na ngayong alas otso ng gabi ang shipment."
Agad naman lumapit sa akin ang lalaking may tattoo at inalalayan ako patayo. Lumapit sa akin ang lalaking tinatawag nilang boss. Sinalubong ko ng tingin ang kaniyang kulay berdeng mga mata.
"I'll be back. Be ready," aniya at tumalikod na ito.
Nakasunod lang ako ng tingin rito habang palabas ito.
"Ihatid na kita sa silid ni Boss Dos."
"Boss Dos? Dos ang pangalan niya?" tanong ko sa lalaking may tattoo.
"Huwag na maraming tanong. Halika ka na!"
Agad niya ako hinila at pumunta sa elevator. Ngayon lang ako nakakita ng bahay na may elevator. Hindi pala ito bahay. Mansion pala ito. Pagdating namin sa taas. Lumiko kami sa kanan. Tumigil kami sa kulay gold na pinto.
"Pumasok ka na sa loob. Bawal ka lumabas hangga't hindi dumadating si Boss. Hahatiran ka lang ng katulong ng pagkain mo."
"I-Iyong kapatid ko! Baka hahanapin ako at wala iyon-." pero tumalikod na ang lalaking may tattoo.
Gusto ko umiyak sa inis at galit sa demonyong Dos na iyon! Ang isang sampal na ginawa ko sa kan'ya, sobra-sobra naman ang kapalit. Kainis! Kailangan makatakas ako dito. Pero paano? Halos napalibutan ng armadong lalaki ang mansion.
Napabuntong hininga naman ako. Humarap ako sa pinto at dahan-dahang pinihit ang seradura.
Nakanganga akong hinagod ang tingin ang kabuuan ng silid.
Ang ganda!
Very manly.
Grabe parang hari ang nakatira.
Inikot ko ang buong silid. Hindi maipagkaila na hari talaga ang Dos na iyon. Binuksan ko ang closet. Sa brand pa lang ng mga gamit niya, halatang malaking halaga na.
Hinubad ko ang aking heels at humiga sa kama. Sobrang lambot at ang sarap humiga. Parang dinuduyan ako habang nakahiga.
"Sobrang misteryoso niya. Ang guwapo- ay kainis!" napasabunot ako sa aking buhok.
Sa sobrang sarap ng paghiga ko, hindi ko namalayan nakatulog na ako. Nagulat ako na may kumatok at pumasok ang isang may edad na babae. Hinatiran ako ng tanghalian.
"Puwede po ba lumabas ako?" tanong ko kay manang.
"Pasensiya ka na, Ineng. Mahigpit na sinabi ni Sir Tristan na huwag ka palabasin sa mansion."
"Pero manang, ang kapatid ko po."
"Hindi mo pa yata kilala ng lubusan si Sir Tristan. Wala akong maitulong sa'yo, Ineng. Pasensiya ka na," aniya ni manang na lumabas na ito.
Hindi ko napigilang umiyak. Mas nag-alala ako sa kapatid ko. Natatakot ako baka kung ano ang gagawin nila. Napatingin ako pagkain na dinala ni manang. Kahit wala akong ganang kumain, pinilit ko pa rin ang aking sarili. After ko kumain may pumasok ulit na katulong at kinuha ang pinagkainan ko. Buong maghapon nasa silid lang ako. Wala akong ginawa kun'di umikot sa loob ng silid at nanuod ng TV. Bandang alas sais, hinatiran ulit ako ng pagkain. Binigyan rin ako ng bagong underwear at bra. Pero walang damit.
"Kailangan ko po ng damit," saad ko sa katulong.
"Kumuha na lang daw po kayo sa closet ni Sir Tristan."
"Po? B-Baka magalit po."
"Hindi po. Sabi ni Sir, sa damitan niya daw ikaw kumuha."
Nakakunot naman ang noo ko. After ko kumain ng hapunan agad din kinuha ng katulong ang plato. Pumasok ako sa loob ng shower at maliligo sana. Naalangan ako gumamit ng mga sabon. Hinubad ko ang damit ko at nilabhan ito. Mabilisan din ang pagligo ko. Kumuha ako ng puting t-shirt na sa closet. Halos nasa kalahati ng hita ko ito. Sinampay ko muna ang mga saplot ko sa loob din ng banyo.
Nakahiga na ako sa kama na may nagbukas ng pinto.
"Good. Hindi mo pinag-isipan nq tumakas," aniya ni Tristan o Dos ang tawag nila dito sa mansion.
Napaismid naman ako. Paano ako makakatakas kung buong mansion niya may bantay.
"P-Puwede ba bukas, uuwi na ako? I-Iyong kapatid ko kasi-."
"One week. You'll stay in one week."
"W-What! Hindi puwede."
Humarap ito sa akin. "How many times I told you. If you want to leave, ang kapatid mo ang kukunin ko." diin na saad niya.
Napatigil naman ako.
"I'll take a shower. Be ready," Aniya at dumiretso na ito sa shower room.
Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ako mapakali.
Sa edad kong bente syete, birhen pa rin ako. No boyfriend since birth pa talaga ako. Tonight, kukunin na ng lalaking hindi ko pa tuluyan kilala ang aking Iniingatang dangal.
Hindi ako mapakali sa inuupuan ko habang nasa loob naman ng banyo si Tristan. Panay ang buga ko ng hangin at halos sasabog na ang dibdib ko sa sobrang kaba.Nagulat pa ako nang bigla bumukas ang pinto ng banyo at lumabas si Tristan na nakatapi lang ito ng puting tuwalya.Lumapit ito sa akin at tumayo sa aking harapan."Do you have a boyfriend?" seryosong tanong niya.Nakatitig naman ako sa berde niyang mga mata."Y-Yes. A-At hindi na ako virgin!" natatarantang sagot ka na baka sakali na magbago ang kan'yang isip."I'm just only asked kung may boyfriend ka. Hindi ko tinatanong kung birhen ka pa ba." nakangising saad niya sa akin. Nakanganga naman akong nakatingin rito."P-Please, gusto ko na umuwi sa amin. Nag-aalala ako sa kapatid ko." pagmamakaawa ko rito."Not now. After one week, puwede ka na bumalik sa inyo," aniya na itinayo ako at hinahaplos-haplos ang aking mahabang buhok.Napapitlag naman ako nang hinawakan niya ang t-shirt na suot ko at pilit na pinapahubad. Bumaba ang kan'ya
"A-Ate? Huwag mo ako iwanan. Ate gumising ka!"Napabalikwas naman ako dahil sa pag-iyak ng malakas ni Snow."Ate ko, buhay ka!"Bigla kong binatukan si Snow. "Bakit naman ako mamamatay!" Inis na inirapan ko ito.Napalinga naman ako sa aking paligid. "S-Sino ang nagdala sa akin sa hospital?""Hindi ko po alam. Basta tinawagan ako at sinabi sa akin nasa hospital ka. Then, may isang lalaki dito na inabangan ako at binigyan ng maraming pera.""L-Lalaki? A-Anong itsura?" "Parang sanggano, Ate. Ang pangit."Hindi si Tristan ang nagdala sa akin? "Ano po ba nangyari sa'yo, Ate? Sinaktan ka ba nila?""H-Hindi. Nabayaran na ba ang bill? Uuwi na tayo," saad ko sa kapatid ko at akmang tatayo nang naramdaman ko ang sakit sa bahaging gitna ng aking hita."Okay ka lang po?" Nag-alalang tanong ni Snow."Okay lang. Uwi na tayo." Sana nga hindi na kami magkikita ulit. Pero magdamag na nasa isip ko si Tristan. Nakalipas ang ilang araw, nagulat ako na tinanggal ako sa trabaho. Gusto ko sana kausapin s
"Kuya Tristan, ang pogi mo po talaga," aniya ni Snow. Kasalukuyang kumakain kami ng hapunan."Thanks, Snow. And by the way, bakit Snow ang pangalan mo?"Hinayaan ko na lang ang dalawa na nagkukwentuhan. Parang magkasundo nga ang dalawang ito."Kasi po, pangarap ni Nanay makapunta sa Canada. Gusto niya maranasan na makahawak man lang ng snow. Kaso, mahirap lang kami kaya noong ipinanganak ako, Snow ang pinangalanan sa akin." Napangiti naman ako sa sinabi ng kapatid ko. Wala akong masabi sa ugali ni Snow. Sa edad na labing pito, wala itong kaarte-arte. Kung ano lang mayroon kami, hindi ito nagrereklamo."Nice. I like your name.""Thank you, Kuya. Ang saya ko po kasi mag-aasawa na si Ate. No boyfriend since birth kasi si Ate Kath. Siguro kung magkakaanak kayo kakulay ng mga mata mo Kuya Tristan, parang si Tuck-..I mean i-iyong kaklase ko, kulay berde ang mga mata." Sabay iwas ni Snow ng tingin sa akin. Nagdududa akong nakatingin rito. "Tuck? Sinong Tuck, Snow?" Diin na tanong ko rito.
"Subukan niyo kaya ng ibang posisyon, iyong kakaiba talaga. Malay niyo, makabuo agad kayo," aniya sa amin ni Ziena. Nandito kasi kami sa bahay ni LC, kaarawan niya at inimbita niya kami.Nahihiyang ngumiti lang ako sa kanila. Halos limang buwan na kaming nagsasama ni Tristan pero hirap pa rin ako mabuntis. Nagpatingin na kami sa Doctor pero healthy naman kaming dalawa."Baka hindi pa talaga time na magkaroon kayo ng anak. Be patience na lang. Dadating din iyan," saad naman ni D."Sigurado ba na hindi talaga baog si Dos?" Nakangising tanong ni Ziena sa akin."Grabe ka naman, Ziena! Wala kaming lahi na baog," aniya naman ng Asawa ko na ang sama ng tingin kay Ziena. Tumayo na kami ni Tristan at nagpaalam kay LC."Happy birthday ulit, Dove," saad ni Tristan na niyakap pa si LC. Lumapit naman ako at niyakap din ito."Happy birthday, LC," saad ko rito."Salamat. Ingat kayo. Sana mabiyayaan na kayo ng anak."Ngumiti lang ako. Nagpaalam din kami sa ibang kaibigan ni Tristan. "Tired?" Tanong
"Hi, baby Sky."Nakalipas ang dalawang buwan, lalong naging masaya ang pagsasama namin ni Tristan."Hi, Daddy," agad ko naman binuhat ang anak ko at lumapit kami sa kan'yang Daddy na nakaupo ito at kaharap ang laptop.Tumayo naman si Tristan at hinalikan ako sa labi."Puwede na ba?" tanong niya sa akin."Puwede?" nagtatakang saad ko rito."Sex," bulong niya at kinagat pa ang aking tainga."Dalawang buwan pa lang si baby," mahinang saad ko naman."Hmmm.." bumaba ang labi niya sa aking leeg."Tristan, kalong ko si Sky," saad ko at itinulak ito ng kaunti.Mahina naman itong napatawa. Kinuha niya sa akin si Sky at dahan-dahang inilapag sa kuna."I missed my wife," aniya na binuhat ako at inihiga sa kama."I missed you too," nakangiting saad ko rito. Kararating lang niya sa Pilipinas. Nasa Britain ito halos isang buwan. Nagtataka rin ako kung bakit nandoon lagi ito sa Britain. Noong nagkasakit ang Daddy ni Tristan nandoon kami lagi sa Britain hanggang namatay ito.Dali-daling naghubad kami
Hindi ko alam kung paano ko kinaya ang sakit na nararamdaman ko. Lalo na lagi umaalis si Tristan. Kapag umuuwi naman siya, kay baby Sky lang siya lumalapit. Napatingin ako sa pinto na bumukas ito. Si Manang Precy. Tuwing umaga pinapaarawan niya si Sky sa garden."May problema ba kayong mag-asawa?" tanong sa akin ni Manang Precy.Malungkot akong tumango kay Manang. Dito sa mansion, tikom ang bibig ng lahat. Ayaw ni Tristan na makialam lalo kapag nakikita nila na nag-aaway kami lagi.Napabuntong hininga naman si Manang Precy. "Alam mo naman ang sitwasyon namin dito. Ayaw ni Sir Dos na nakikialam kami. Kung ano man ang problema niyong mag-asawa, pag-uusapan niyo na lang," aniya ni Manang at kinuha na si Sky at lumabas na sila.Hinaplos ko naman ang pitong buwan kong tiyan. Sa isang araw pupunta ako sa hospital para magpa-check up. Tumayo ako at pumunta sa bintana. Nagulat ako na dumating na pala ang asawa ko. Siya ang nagbabantay kay Sky sa Garden. Kinuha ko ang aking cardigan at buma
"Kath? Kumain ka na," aniya ni Manang sa akin. Ilang araw na nawalan ako ng gana kumain. "Isipin mo ang dalawang bata nasa sinapupunan mo, hija. Si Sky, hinahanap ka rin niya."Dahan-dahan naman akong bumangon. "Susunod po ako," saad ko kay Manang.Ngumiti si Manang Precy sa akin at lumabas na ito. Tumayo naman ako at pumunta sa banyo. Naghilamos at nagpalit ng damit.Naabutan ko si Sky na gumagapang ito sa sala. Agad ko naman ito binuhat at pinugpog ng halik."I love you," nakangising saad ko rito habang kinikiliti ito sa tiyan. Gumagaan naman ang pakiramdam ko sa mahinang hagikhik ni Sky."Huwag ka malikot, natatamaan ang tiyan ni Mommy," natatawang saad ko naman rito. Malapit na mag-isang taon si Sky at bukas walong buwan na rin ang tiyan ko. Ang bilis ng araw. Malapit na rin ako manganganak. "Kath?"Nagtatakang tumingin ako kay Manang Precy. "Bakit po?""Ahm. N-Nandito si Sir Dos." Napabuntonghininga naman ako. Si Sky lang naman ang pinupuntahan niya. Noong isang araw, hiniram
Tatlong araw. Hindi pa sinasauli ni Tristan si Sky. Gabi-gabi na lang ako umiiyak. "Manang, baka tinakas ni Tristan si Sky," Umiiyak na saad ko kay Manang Precy."Kahit gan'yan si Sir Dos, hindi niya gagawin iyon," aniya ni Manang na panay ang alo sa akin.Sana nga. Oras nilayo niya si Sky sa akin, habang buhay hindi ko siya mapapatawad."Magpahinga ka muna, magluluto lang ako ng tanghalian natin."Tumango lang ako kay Manang. Pagkalabas ni Manang sa silid ko agad ko naman tinawagan ang numero ni Tristan. Ilang araw na hindi ko ito makontak. Laking saya ko na tumunog na ito."Why?" bungad na tanong ni Tristan sa akin."Nasaan si Sky?! Tatlong araw na sa'yo ang anak ko!""Nag-eenjoy dito si Sky. Don't worry, inaalagaan naman siya ni Eden.""No! Ibabalik mo ang anak ko o dadatnan mo akong walang buhay kasama ang kambal sa aking sinapupunan!" nanginginig na saad ko rito."Kath!""Hindi ako nagbibiro, Tristan. Pagod na ako. Kapag hindi mo pa i-uwi ang anak ko, alam mo na kung anong mangy