Share

CHAPTER 113 (SILENCE)

JADE’S POV

HINDI…niya alam kung gaano katagal siyang nakatalungko sa sulok at umiiyak. Ilang sundalong dumaan na ang huminto para tanungin siya kung okay lang ba siya o kung kailangan niya ba ng tulong. Pero hindi niya magawang tugunin ang mga ito.

Ilang beses niya ring narinig na tumunog ang cellphone niya pero hindi niya ring sagutin iyon.

Gustuhin man niya ay wala siyang lakas na tumayo o magsalita. Wala siyang ibang magawa kung di umiyak ng umiyak hanggang sa wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya.

Humikhikbi at nanginginig na niyakap niya ang mga tuhod, ‘tsaka ipinatong ang baba roon. Ramdam na rin niya ang pamamaga ng mga mata niya dahil sa walang humpay na pag-iyak mula kagabi.

Hindi niya alam kung kailan umalis ang kapatid niya. Basta napagtanto na lang niya na mag-isa na lang siyang nakaupo sa pasilyo.

Maya maya ay may isang pares ng paa na tumigil sa tapat niya mismo. Base sa suot nitong sapatos, ay babae ito.

Unti unti siyang nag-angat ng tingin para tingnan kung si
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP
Komen (2)
goodnovel comment avatar
RIAH CARLOS
next epi pls
goodnovel comment avatar
Lovelyn Yusay
please ... NXT episode please
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status