Home / Romance / THE GENERAL'S LOVER / CHAPTER XXIV (MAN OF HONOR)

Share

CHAPTER XXIV (MAN OF HONOR)

last update Huling Na-update: 2023-05-22 04:58:14

RED’S POV

“Y O U . . . what?!” parang kulog na dumagundong ang tinig ni General Rodriguez sa buong kabahayan.

“I said, I submitted myself for trials at the Military Court Justice, on the grounds of committing unlawful act against a woman”, he confidently answered while keeping a straight face.

Kita niya ang halo-halong galit, frustration at pagkalito sa mukha ng heneral. He stood there like a soldier at rest, habang nakapa-meywang itong nagpabalik-balik.

“ARE YOU OUT OF YOUR MIND?!” sigaw ulit nito.

Sa labing siyam na taon na tumayo ito bilang ama niya, bilang na bilang niya sa daliri kung ilang beses pa lang siya nitong napagalitan. Madalas kasi ay tumatahimik lang ito o di kaya ay tinitingnan lang siya ng makahulugan para malaman niyang may mali siya.

Dali-daling dumating ang Tita Vida niya nang marahil ay marinig ang malakas na boses ng asawa.

“What’s going on here? Onyo? Abot hanggang kabilang kanto ang boses mo!”

“Itong anak mo! Gumawa ng gulo!” tila nagsusumbong na sagot ng heneral.

“Wha—Anong... Red, what happened?” baling ng ginang sa kanya.

Hindi muna siya nagsalita.

“Iyang magaling mong anak, he went to the Military Court Justice and submit himself for trial on the grounds of ‘raping’ the Dysanco abductee!”

“What? Court Justice... ‘di ba iyon ‘yong nagdi-dismiss ng mga sundalo sa serbisyo?”

Naisuklay ng heneral ang mga daliri sa sarili nitong buhok dahil sa panggagalaiti. Habang siya ay nanatiling kalmado.

“I will still have to go through series of investigations and trials Tita V-----”

“At sa tingin mo sasantuhin ka ng mga tiga Court Justice?! Alam mo namang mainit ang mata ng mga iyan sa ’yo, dahil malinis ang record mo! Parang mga buwitre ang mga puny*tang ‘yan! Hinihintay lang na mapatid ka tsaka ka dadakmain! And now, not only na napatid ka sa harap nila, ikaw pa mismo itong nagpain sa sarili mo sa pugad ng mga animal!”

Nagtaas-baba ang dibdib ng nakatatandang lalaki sa labis na galit. Agad naman itong nilapitan ng asawa para subukang pakalmahin.

“Ang puso mo, Onyo. Pakinggan muna natin si Red. I’m sure he has a good reason for doing this”

“Dapat! Dahil isinumpa ko sa nasira mong ama na kargo kita hanggang sa huli kong hininga!”

“Onyo! Tumahimik ka nga muna! Para namang hindi mo kilala itong si Red, hindi naman ‘yan basta basta gumagawa ng mga bagay ng hindi niya pinag-iisipang mabuti”, pagtatangol ng ginang sa kanya tsaka siya binalingan at inudyok na magpaliwanag.

“I did rape her”, he said in a calm voice.

Napatingin sa kanya ang mag-asawa.

“Undercover or not, the fact still remains. Ginalaw ko si Trinity and I did it against her will”,

“Pero ginawa mo lang ‘yon dahil sa tawag ng pagkakataon! She was there when she was not part of our plan. Pero kahit na gan’on, it was our duty to save her, and you did!”

“By sexually assaulting her---”

“Red you did what you had to do to protect her and protect our mission! Kung hindi mo ginawa ang ginawa mo, baka hindi lang siya rape victim ngayon, baka murder pa ang inabot niya”

“Wisconscio!” saway ulit ng Tita Vida niya.

“Bakit? Totoo naman! Deep inside, alam kong alam mo din ‘yan, Red. She is unfortunate to have to go through all that, yes. Pero kung tutuusin, swerte pa din siya dahil ikaw ang nandoon. You were quick enough to think of a way para iligtas siya without compromising the mission, where, if I may remind you, the entire country’s safety depended on”

Of course alam niya iyon. Everyone is telling him that. Even his alter ego is telling him that.

“And so? If tell myself this, will it undo all the awful things I did to her? Maibabalik ba n’on ang mga bagay na nawala sa kanya? Dangal, puri, her self... her life?! I took her entire life from her! She will never forget what happened, what I did to her. Not in her lifetime!”

Noon lang siya nagtaas ng boses sa pamamahay na iyon, kaya natigilan ang mag-asawa. He has been keep all that to himself. Iyon ang laman ng isip niya sa bawat oras, sa bawat minutong nagdaraan. Iyon din ang laman maging ng panaginip niya gabi gabi. He has never told anybody that, until now.

“Kahit ilang beses kong sabihin sa sarili ko na ‘I did it for her and for the country’, na ‘I only did what I had to do’, the fact still remains. I took advantage of her. I raped her! At ilang beses man akong ma-dismiss sa ADFP, kahit na makulong pa ako, it will never equal to what Trinity had to go through”, dagdag niya pa.

Pinakatitigan muna siya ng heneral tsaka niya nakita ang pagbagsak ng mga balikat nito, kasabay ng pagbuntong hininga.

“Pero Red, ang pamilya niya na mismo ang ayaw magsampa ng kaso. Ayaw na nilang palakihin pa ang gulo. Hindi mo ba naisip na baka by doing this, you are only doing her bad than good?” mas mahinahon mang wika ni General Rodriguez.

Napailing siya. Ito kasi ang hindi niya maintindihan. What parents would not seek justice after what happened to their daughter?

“Court trials come with series of investigations, and they will ask for the victim to take part in it. Paulit-ulit nilang tatanungin ang biktima na isalaysay ang lahat ng nangyari. And that means she will have to re-live every agonizing moments... are you gonna be okay with that?”

“And if I don’t stand up for her...who will?” mabilis niyang tanong din sa tanong nito.

Ilang segundo silang natitigan lang.

Naiintindihan niya ang bawat punto ng heneral. And if he were to be honest, hindi rin siya sigurado sa kung ano ang naghihintay sa kanya sa dulo ng lahat ng ito. Pero buo na ang desisyon niya. Kung ayaw ng pamilya nito na papanagutin siya, pwes, siya na mismo ang magpapanagot sa sarili niya.

Sa huli ay ang nakatatandang lalaki din ang unang nagbawi ng tingin. He just nodded in defeat and turned his back on him.

“Very well. You’re dismissed”

Hindi agad siya gumalaw. Alam niyang nag-aalala lang ito sa kanya. Gusto pa sana niya magsalita pero hindi niya alam kung paano ito kukumbisihin na huwag nang masyadonh mag-alala. Tiningnan niya ang Tita Vida niya. She gave him a weak smile, followed by a slow nod. As if telling him that it will be okay.

Doon na siya nagpasyang tumalikod para umalis. Pero natigilan siya sa gulat nang makitang sina Yoda, Daniel, Sixto at Major Andrada na nakatayo sa may pintuan ng sala. Base sa tingin ng mga ito, ay mukhang narinig nito ang usapan nila ng heneral.

“Pasok kayo”, ma-awtoridad na sabi ng Tito Onyo niya na ang tinutukoy ang mga bisitang dumating.

Mukhang inaasahan nito ang mga kasamahan niya.

Hindi na lang siya nagsalita at nilampasan ang mga ito. Nagtuloy tuloy siya palabas ng gate at agad na sumakay sa kotse niyang ipinarada niya lang sa labas.

YODA’S POV

Sinalubong ni Yoda ang mga kasamahan ni Red sa gate ng bahay ni General Rodriguez. Long story short, matapos ang misyon ng mga ito ay nakiusap siya sa heneral na manilbihan sa mga ito. Hindi pumayag ang matandang lalaki na manilbihan siya, sa halip ay pag-aaralin siya nito. Pero iginiit niyang anuman ang kailangan ng mga ito ay handa siyang gawin. Kaya ngayon, dito siya nakatira sa bahay ng mga Rodriguez.

“’lika pasok kayo, pasok. Nasa sala sina General at Colonel”, galak niyang bati sa mga ito.

Pinauna niya ang mga ito papasok, tsaka siya sumunod sa likuran. Pero bigla na lang huminto ang mga bisita nila bago pa man ito makapasok sa sala. Dahil matatangkad ang mga nasa unahan, kinailangan niyang tumingkayad para masilip kung ano ang mayroon at napahinto ang mga ito.

“I took her entire life from her! She will never forget what happened, what I did to her. Not in her lifetime!”

Narinig nilang halos pasigaw na na sabi ng tinig na alam niyang pagmamay-ari ni Red. Nagkatinginan ang mga bisita. Mukhang nagtatalo ang magtiyo sa sala.

Dahil nasa kabilang dako lang sila ng dingding na humahati sa sala at sa entrada ng bahay ay dinig nila ang lahat ng usapan ng dalawa.

Nanatili sila doon hanggang sa makita nilang palabas na si Red. Bahagya pa itong natigilan at halatang nagulat nang makita ang mga kasamahan.

“Pasok kayo”, narinig niyang utos ng heneral.

Wala namang sinabi ang colonel at dire-diretso na silang nilampasan. Sinundan niya ito ng tingin at nakita niyang nagtuloy tuloy ito sa gate. Nag-alangan siya kung susundan ba niya ito o papasok sa loob gaya ng utos ng heneral.

“Pst! Yoda!” pabulong na tawag sa kanya ni Lt. Caceres.

“O-Oo!”

Nagpasya siya na sumunod na lang muna siya sa mga bisita nila.

Inabutan niyang magkakatabing nakatayo ang tatlo na parang mga sundalong nakaharap sa kumander nila.

Ay, sundalo nga pala talaga sila at kumander nila ang kaharap nila, natatawa niyang sabi sa isip.

Pero agad niyang pinagpormal ang sarili nang magsalita ang heneral.

“Kaya ko kayo ipinatawag na tatlo dito, including you, Yoda”, wika nito.

“Po?!” sagot niya naman at napatuwid na parang sundalo din.

“...ay para sana samahan si Red, para kausapin. Alam kong apektado pa din siya n’ong nangyari doon sa biktima ng kidnapping and human trafficking charge kay Dysangco”

Bakas sa mukha ng heneral ang pagod at sakit habang sinasabi ang mga iyon.

“But my ever responsible son, being who he is, went to the Military Court Justice and turn himself in for raping the girl”,

Pasimple siyang bumulong kay Lt. Caceres na siyang katabi niya.

“Ano raw sabi? Puro ingles, di ko naintindihan”,

Kunot naman ang noo na napalingon sa kanya ang huli.

“Raping the girl lang ang na-gets ko eh, so si Miss Byutipul ‘yon di ba?”, bulong niya ulit.

Sa pagkakataong iyon ay napatingin na sa kanya ang lahat. Napangiti siya ng alanganin sabay nag-peace sign na lang sa mga ito.

Tumikhim naman ang heneral tsaka muling ipinagpatuloy ang sinasabi.

“As of now, wala akong ideya kung ano ang lagay ng kaso n’ya sa Court Justice. I still have to make a few phone calls and do some damage control. For now, gusto kong subukan n’yong kausapin muna si Red. Keep him company and make sure na wala nang gagawing kalokohan ang batang ‘yon habang inaayos ko ang gusot na ginawa niya”,

“Yoda”, baling nito sa kanya.

“Sir, yes, Sir!”

“Huwag na huwag mong iiwanan si Red. Report back to me kapag may ginawang kakaiba ‘yang alaga mo”,

“Copy, Sir!” sagot niya sabay saludo pa.

Hindi na siya pinansin ng heneral dahil nakatuon na pansin nito sa cellphone.

“Hello, General Kawili! Kumpadre!”,

Iyon na lang ang narinig nila dahil tuluyan na sila nitong iniwan sa sala. Sinundan naman ito ng may bahay nito.

“Iba talaga si Colonel! Colonel Enriquez lang ang sakalam!” pabirong komento ni Sixto.

“Hindi biro ang pinasok ni Red na ‘to. Sana maayos pa ni General”, sabi naman ni Major Andrada.

Medyo nagulat siya sa pagsasalitang iyon ng huli.

“Bakit?” kunot noo nitong tanong sa kanya nang makita ang gulat niyang reaksyon. Umiling na lang siya dahil baka bigla itong magbunot ng baril at iputok sa kanya.

Pero sa totoo lang, sa loob loob niya, noon lang ‘ata niya ito narinig magsalita ng gan’on kahaba. Lagi kasi itong tahimik sa tuwing nagkakausap sila noong ginagawa ng mga ito ang undercover mission. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa ito ang pinakamatanda sa grupo, o sadyang iyon lang ang personality nito.

Pero naagaw ni Daniel ang atensyon niya nang magsalita ito.

“Military Court Justice ‘yon Major, imposibleng papayag ang ‘yon na hindi maikulong si Colonel”,

“T-Teka, so ano, makukulong si insan?” singit niya.

“Pwede. Pwede ring tanggalan siya ng uniporme, pwedeng pareho”, sagot ng huli.

“P-Pa’nong pareho? Makukulong na siya? Tapos , matatanggal pa sa pagkasundalo?”

Napangisi si Daniel.

“Maraming kalaban si General Rodriguez sa loob ng ADFP, Yoda. Lalo na ang mga tiwaling nasa katungkulan. Kilala ang tandem ni General Rodriguez, pati na ng nasirang ama ni Red na si Former General Emilio Enriquez, sa pagsisiwalat ng mga tiwaling opisyal ng ADFP noon. Kaya natural na marami silang kaaway. Matagal na nilang hinahanapan ng butas si General, pero wala silang makita-kita. Matino si General eh”, mahabang paliwanag ulit ni Daniel.

“At ngayong may nakita silang maliit na siwang, siguradong hindi nila palalampasin ‘yon”, dagdag ni Major Andrada.

Tumango tango lang si Sixto.

Mas lalo siyang kinabahan sa mga narinig.

“H-Hindi pwede!” malakas niyang sabi.

“Hindi ako papayag! Te-testigo ako kung kinakailangan! Oo tama! Nand’on ako eh n’ong nangyari eh! Totoo namang pinilit lang ni Deo si Red!”

Napailing si Daniel.

“Di mo pa yata nagi-gets, Yoda”

Nilapitan siya nito tsaka tinapik-tapik sa balikat.

“Hindi mahalaga sa kanila ang totoo. Ang importante, involve si Colonel sa gulo. At hindi nila padaraanin lang si Red ng wala ni galos”

Hindi siya nakaimik. Mukhang nakakatakot pala talaga itong Military Court Justice na sinasabi nila.

“Pero wag muna siguro tayo masyadong mag-alala. Sigurado namang hindi pababayaan ni General si Red. Sa ngayon, sundin muna natin ang utos ni General”, bawi ni Major Andrada tsaka nagpatiuna nang lumabas.

Agad na sumunod ang dalawa pa nitong kasama kaya hindi na siya nakapagtanong pa. Sumunod na lang din siya sa mga ito.

Prinsesa Maria

Haloo mga royalties! sorry sa late update natin! medyo maging abala ang inyong Maria sa pagtimpla ng napakaraming kape hehehe pero hinabaan ko naman po ang chapter ng Man of Honor para sa inyo :) salamat po ulit!

| Like
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 123 (THE SIGNAL)

    S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 22 (DEJA VU BUT NOT A DEJA VU)

    "JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 121 (THE UPPER HAND)

    "G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 120 (REAL IDENTITY)

    JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 119 (A FOE)

    JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya

  • THE GENERAL'S LOVER   CHAPTER 118 (TABLES TURNED)

    RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status