RED’S POV
T I N A N A W . . . ni Red ang pilit pa ring nangalaban na si Deo habang iginigiya ito ng mga sundalo papunta sa transport car ng ADFP. Ngunit dahil nakaposas ang mga kamay nito sa likod, ay wala din itong nagawa kung di ang tuluyang sumakay kasama ang mga tauhan nitong nadakip din.
“Speedy, transmitting. Red, do you copy?” sabi ng biglang nagsalita sa radyo niya.
Napahawak siya sa may bandang tenga niya para mas marinig ng malinaw ang mga sasabihin nito.
“This is Red. Ayos ka lang, Speedy?”
“Sir, bad news. Nabaril ang isa sa mga bata natin, kaya nakawala ang mga hapon. Reinforcement needed”
Napalingon siya sa direksyon kung saan naganap ang labanan kani-kanina lang.
“And the butterfly?”
“Negative. Tangay pa rin nila ang paru-paro”
“Sh*it!” napalakas niyang mura at agad na lumakad nang walang direksyon.
“Red transmitting! Uno, locate the butterfly and the mantis!!” utos niya sa pagitan ng mabibilis at mahahabang paghakbang, habang nagrere-load ng bala sa magasin ng caliber 45 niya.
“Checking...”
Naramdaman niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya dahil sa halos patakbo na niyang lakad. Ngunit pinanatili niyang kalmado ang sarili.
“Found it! Butterfly and mantis heading to Dock 42! Approximate time before they reach the dock, three minutes!”
“Copy. Directions, Uno”, kalmado pa rin niyang sabi, habang ang kanina’y mabilis na lakad ay tuluyan niyang itinakbo.
“Turn right at 2 metres”
Sinunod niya naman ito.
“Left, 2 metres then keep going straight for another 2 metres, you’re nearly there Colonel”
Ikinasa niya ang baril at ihinanda ang sarili.
Doon naman may biglang umatake sa kanya at tinamaan siya ng sipa mula sa likuran. Nabitawan niya ang hawak niyang baril pero agad din siyang nakabawi. Sinagot niya rin ng isang high kick ang hapon sanhi para tumilapon ito.
“Uno! Ano ‘to? Di mo nakita?” paninita niya sa pinakabatang miyembro ng team niya, habang patuloy na pakikipagbuno sa kalaban.
“Sorry Sir, na-focus ako kay Miss Trinity”
Muli siyang sinugod ng suntok ng pangalawang hapon na dumating pero agad niyang naiwasan ‘yon.
“Ayusin mo! Asan na ang paru-paro?”
“1 minute and 30 seconds to dock!”
“Sh*t!”
Nasa pagitan siya ng pakikipagpalitan ng suntok nang dumating nina Hunter at Speedy. Agad nitong binira sa batok ang kalaban niya. Samantalang binigyan niya ng speeding high kick ang isa pa. Kapwa nagsi-bagsakan ang dalawa nilang kalaban.
“50 seconds, Colonel!” paalala ni Uno sa radyo nila.
Agad niyang dinampot ang baril niyang tumilapon nang atakehin siya ng mga hapon kanina, at mabilis na tinakbo ang direksyon itinuro ni Uno. Sumunod naman sa kanya sina Hunter at Speedy.
Hindi nagtagal ay nakita na nila ang papalayo nang mga kalaban. Kaya mas binilisan niya pa ang pagtakbo.
Ilang hakbang ang layo niya mula sa mga lalaking tumangay kay Trinity ay sinunggaban niya na ang mga ito ng sipa. Agad na gumulong ang dalawang may hawak sa dalaga, sanhi para mabitawan ng mga ito ang huli at masadlak sa simento. Nilapitan niya ang dalaga para siguruhing hindi ito nasaktan. May malay ito pero labis ang panghihina. Gayon pa man ay nagawa pa din nitong humikbi.
“Shh, it’s okay. I’m here now. You’ll be okay”, pang-aalo niya dito.
“Colonel!”
Paglingon niya sana sa tumawag ay agad siyang sinalubong ng malakas na bigwas sa mukha. Napadapa siya sa ibabaw ni Trinity. Tuluyang nawalan ng malay ang dalaga. Agad naman siyang nakabawi at patayong sinipa ang kalaban na sumuntok sa kanya. Susugod pa sana siya pero mabilis na tumakbo ang hapon kasunod ng mga kasama pa nito.
Nagkatinginan silang tatlo nina Hunter at Speedy sa pagtataka kung bakit bigla na lang nagsi-takbo ang mga ito.
“Retreat! Retreat!” maya maya ay narinig nilang sigaw ni Uno sa mga radyo nila.
“In coming Mantis reinforcement!!! Back to base! Back to base!”
Habang sinasabi nito iyon ay nakita nila ang paparating na lupon ng mga hapon. Kasunod n’on ay ang pagpapa-ulan ng mga ito ng bala sa kanila. Mabilis niyang binuhat sa likod niya si Trinity at kanya kanya silang tago sa likod ng mga container van.
Sinubukan niyang sumilip para tingnan ang sitwasyon pero agad siyang pinaputukan ng kalaban.
“Uno, gaano kami kalayo sa base?” humihingal niyang tanong.
“Approximately 20 metres, Colonel. Papunta na ang mga minions natin for backup. Pero kailangan n’yong lumayo mula d’yan. Mantis is aggressive pushing”
Nag-isip siya kung ano ang dapat nilang gawin. Gaya ng sabi ni Uno, papalapit sa kanila ang mga kalaban. Kaya hindi uubrang hindi sila kikilos palayo kung di ay magagapi sila.
Kinalkula niya ang layo ng dapat nilang takbuhin pati na ang bilis at dami ng kalaban na papalapit.
“Approximate time for backup to arrive?”
“3 minutes and 25 seconds, Colonel”
“Okay. Check for possible exits from my point”
“Checking...”
Mula sa pinagtataguan niya ay tanaw niya naman sina Hunte at Speedy na panaka-nakang nagpapaputok sa kalaban.
“Exit, 7 o’clock from your point, Colonel”
“Roger! Hunter! Speedy! We will move on 3. Keep a cover!”
“Roger, Sir!” panabay na sagot ng dalawa.
Gaya ng utos niya, nagbilang siya ng tatlo tsaka tumakbo habang pasan niya si Trinity, papunta sa direksyong itinuro ni Uno. Nakasunod naman ang dalawa niyang kasama sa likuran nIla at pinapaulanan ng bala ang mga kalaban para ligtas silang makatawid papunta sa exit.
Niratrat din sila ng bala ng mga hapon.
“Argh!”
Narinig niya ang tunog na likha ng pagtama ng bala kasabay ng pagdaing ng tinamaan.
Napalingon siya sa mga kasama.
“Hunter!” sigaw ni Speedy habang patuloy ang pagpapaputok kontra sa kabilang kampo.
Bumabagal ang pagtakbo nila sa gitna ng umuulang bala ng mga kaaway.
“A-Ayos lang ako, daplis lang. Move! Move!”
Halata sa boses at mukha ng ni Hunter ang iniinda nitong sakit mula sa tama ng bala. Nakita niya din ang pag-agos ng dugo mula sa kaliwa nitong balikat, ngunit patuloy pa din ito sa pagtakbo habang bumabaril.
“Malapit na kayo sa tropa! Keep going!” panghihikayat ni Uno sa kanila mula sa radyo.
Sa narinig ay mas lalo niyang binilisan ang takbo. Ramdam niya na ang sakit ng mga hita at braso niya. Napasigaw siya para mas lalong pilitin ang sariling magpatuloy.
Mayamaya pa ay kasalubong na nila ang sumusulong na batalyon ng ADFP na nagsimula na ding paputukan ang mga kalaban nilang hapon. Kahit paano ay nakahinga na siya ng maluwag.
Patuloy pa rin siyang tumakbo hanggang sa marating na nila ang safe zone. Sinalubong naman siya ni Uno kasama ang ilang Defense Force Paramedics. Maingat niyang ibinaba mula sa likuran niya si Trinity at isinakay ito sa stretcher.
“Colonel! Ayos ka lang?” tanong ni Uno.
“Ayos lang ako. Ikaw na ang bahala kay Trinity. Babalikan ko sina Hunter at ang tropa”,
“Okay Sir. Mag-iingat ka”,
Natigilan siya sa akmang pagbalik sa battlefield nang marinig niya ang pag-ungol ng dalaga. Mukhang nagkamalay na ito. Agad itong umiyak nang marahil ay marinig ang tunog ng putukan.
Dumukwang siya sa ibabaw ng stretcher para kunin ang atensyon nito.
“Shh, Trinity. It’s okay. It’s okay”, pang-aalo niya dito.
“You’re safe now. We are the Defense Force. It’s over, okay? Ligtas ka na”,
Naputol ang pagsasalita niya nang may biglang sumabog sa gawi kung saan nagaganap ang bakbakan.
“Sh*t!” napamura si Uno nang makita nila ang malaki at maitim na usok.
“This is Red transmitting, situation report”, sabi niya agad sa radyo.
“Man down! Man down!” sigaw ng kung sino sa radyo nila.
“F*ck!”
Mabilis siyang tumayo at inabot ang armalite gun mula sa isang sundalo. Kailan na niyang bumalik sa labanan para pangunahan ang mga tauhan niya. Nag-sukbit na rin siya ng ilan pang armas gaya ng mga baril na extra at granada.
“Uno, siguraduhin mong mabibigyan ng first aid si Trinity, tapos ay bumalik ka na sa pwesto mo, survey the scene at alamin mo kung ano ang mga armas ng kalaban”, ma-awtoridad niyang utos habang patuloy ang paghahanda para sa pagsabak sa bakbakan.
“Yes Sir!” sumaludo lang ang huli at agad na tumalima.
“This is Red transmitting. Makinig kayong lahat. We don’t need anyone alive mula sa mga lint*k na ‘yan! Shoot before they shoot you! Shoot them dead if you must and do not let them kill you, understand?!” nanggigigil na utos niya sa mga tauhan via radio transmitter.
Hindi siya makakapayag na malagasan sila nang dahil lang sa protocol na hulihin ang mga kriminal ng buhay.
Natapos siya sa paghahanda at akmang tatakbo na pabalik sa labanan ng may pumigil sa kamay niya. Nilingon niya ito.
“I-Ikaw si Red?” nanghihina at tila di makapaniwala na tanong ni Trinity.
Nakikinig pala ito sa kanya.
Hindi siya naka sagot agad. He knows he has a lot of explaining to do.
Halo! Halo! Maraming salamat po ulit sa mga patuloy na sumusuporta! Makapagpaliwanag kaya si Red kay Trinity? Tatanggapin naman kaya ni Trinity ang paliwanag ni Colonel kung bakit nito nagawa ang mga ginawa nito sa kanya??? ABANGGGGGAAANNNN!
S H E . . . heard the sound of the thin fabric tearing and right there she immediately felt Red's hot breath in between her breasts. Napamulagat siya sa gulat. Muling nagbunyi ang lahat sa paligid nila. "Atat na atat si General!!!!" sigaw ng mga ito. Alam niyang nasa gitna sila ng krisis pero sino ang hindi pananayuan ng mga balahibo sa sensasyong dala ng bawat dampi ng mga labi ni Red sa dibdib niya?! His lips hurriedly went up to her neck again, and God knows how she fought not to close her eyes and savor every bit of whatever he's doing. Kelan ba 'yong signal???? she silently prayed. "When all these are over, mananagot ka sa'kin for all these," bulong nito sa tenga niya na parang may himig ng paninermon. Napakunot tuloy siya ng noo. At ano naman ang ginawa niya para sermonan siya nito??? At ito pa talaga ang may ganang manermon sa kanilang dalawa???? Lumayo naman ito sa kanya atsaka sumandal sa back rest ng silya. "Get down on your knees," maya maya ay malakas u
"JM . . . cannot be here in this room for your little show. He's still a minor. Have your people move him next door," kalmadong sabi ulit ni Red. Kunot ang noo ni Deo pero sinenyasan din nito ang mga tauhang may hawak kay JM na sundin ang hiling ni Red. Tumalima naman ang dalawang lalaki at inilabas si JM mula sa silid. Hindi tuloy niya maiwasang hindi mag-alala. Baka mamaya ay ano ang gawin ng mga ito sa anak niya! "Red!" tawag niya sa katabi pero tinginan lang siya nito mula sa gilid ng mga mata at hindi natinag. NagsImulang magtubig ang mga mata niya. Gets niya naman na may hindi sila pagkakaunawan, pero hindi ito ang tamang lugar at pagkakataon para unahin nila ang mga gan'ong issue. "Next. I did the work last time. This time, why not let do the job?" maya maya ay pagpapatuloy ni Red sa pangalawa niyang kondisyon. Ilang segundo ang lumipas bago nagsink in sa kanya ang ibig sabihin ng mga salitang binitiwan nito. He did not mean that! ika niya sa isip. Marahas n
"G E N E R A L . . . Juan Miguel Enriquez!!!" galak na tawag ni Deo kay Red habang nagsi-slow clap pang humahakbang para lapitan ang bagong dating. Nagpalipat-lipat ang tingin niya dito at kay Red na tila na-estatwang nakatutok pa rin ang baril kay Deo. Pero ni hindi natinag ang huli at umakto pa itong parang long-lost friend ang wine-welcome. Napakunot siya ng noo. Mukhang malakas talaga ang sira nito sa ulo. "Let my son and Trinity go, Deo!" mariing giit ni Red. Tumawa naman ang huli. "Relax, masyado ka namang nagmamadali, General. Baka gusto mo munang magkape?" cool na cool pa nitong pag imbita. Nagtatagis ang bagang na kinalabit ni Red ang paltik ng baril na nakatutok pa rin kay Deo. "Sa lamay mo na lang ako magkakape. Now let them go and surrender yourself calmly," sagot ni Red dito. Muling tumawa ang tila nababaliw na intsik na hilaw na 'to at mukhang amused na amused pa sa reaksyon at mga sinasabi ni Red. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sitwasyon, General
JADE'S POV“A-ATE?” wala sa loob niyang tawag sa babaeng kakapasok lang sa entrada ng silid na kinaroroonan niya. “Oh don’t look to surprise just yet, Teej. Simula pa lang ‘to o. Wala pa tayo sa exciting part,” tila nang uuyam naman nitong sagot at sinundan pa iyon ng isang makabuluhang ngiti. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaking nagpakilala bilang si Deo kanina. Although the picture in front of her already suggests a definitive and clear meaning of what the situation is, she still cannot find it in her to believe na may kinalaman ang sarili niyang kapatid sa lahat ng ito. “A-Anong ibig sabihin nito? W-Why are you here? A-And…” wala sa loob niya pa ring tanong. “Anong ‘anong ibig sabihin nito’ ba? God! Isn’t it obvious? Yes, Trinity! Kasabwat ako ni Deo sa lahat ng ito!” may pagmamalaki pa nitong tugon. It was one thing to know, but it’s another thing to hear it directly from her own sister. Pakiramdam niya ay may malaking batong ibinagsak sa dibdib niya sa nari
JADE'S POVNAALIMPUNGATAN...siya ng gising dahil sa masamang panaginip.Kasabay ng pag dilat ng mga mata niya ay ang pagdaloy ng mala-kuryenteng kirot sa ulo niya, kaya agad din siyang napapikit muli.At nang subukan niyang hilutin ang sentido, noon niya napagtantong nakagapos sa likuran niya ang mga kamay.Akala niya ay nananaginip lang siya kaya sinubukan niya pang kalagan ang sarili. Hanggang sa tuluyang magising ang diwa niya at malamang totoo nang nakatali siya. Hindi lang ang mga kamay niya kung di ang buon niyang katawan ay nakatali sa silyang kinauupuan niya.Agad na bumilis ang tibok ng puso niya.Parang biglang nanumbalik sa kanya ang masalimuot na alaala ng pagkakadukot sa kanya noon. Ang sandaling sumira sa buhay niya bilang Trinity Santiago.Pero sa kabila ng takot at kaba ay agad niya ring naisip ang anak.Si JM! sigaw niya sa isip.Mabilis na iginala niya ang paningin para hanapin ang anak, pero wala siyang ibang nakita kung di puro dingding na walang pintura.Lalo siya
RED’S POVNAPABULAGTA… si Red matapos ang high intensity work out na araw-araw niyang ginagawa. Pakiramdam niya ay sasabog ang baga niya sa labis na pagkahingal. This is how he has been trying to get by since he came here in Basilan. He tries his best not to think of anything or anyone else other than his duties, their mission and ADFP. Although their current situation is far from the privileged life na mayroon siya sa kampo, at the moment as mas gusto niyang narito muna siya sa gitna ng kawalan, pre-occupied by everything else na walang kinalaman kay Trinity. It has been over a week magmula nang dumating siya rito para alalayan ang local armed force sa misyon nitong pasukuin ang mga rebelde. Breaking up was never in his plans. But he cannot stop thinking about the possibility na baka nga may nararamdaman din si Trinity para sa kaibigan nito. Maybe she herself is not aware. Baka iniisip lang nito na kailangang siya ang mahalin nito dahil may anak sila, and she has that responsibil