Share

Chapter 7

Author: Diane Ruiz
last update publish date: 2026-07-17 10:11:28

SIOBEH

Pagkatapos namin sa gadgets store ay pumunta naman kami sa isang malaking boutique shop. Naroon na ata lahat ng klase ng damit sa laki nito, halos sakop niya na kasi ang buong 2nd floor. 

“Get whatever you need and like.” saad niya ngunit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko.

“How long am I going to stay here?” 

“Forever. Hindi ba’t habangbuhay ang kasal?” pilosopong sagot niya, inirapan ko nalang siya at saka pumili ng mga damit. 

Inuna ko yung mga undies ko saka bra. Kumuha rin ako ng jeans and tops, blouses at kapag maganda yung damit ay bumibili talaga ako ng iba’t-ibang kulay pero same design kung kaya’t bahala si Aarav dyan, sana lang ready ang pambayad niya sa lahat ng mga kinuha ko dahil may kamahalan rin ang mga ito. Kumuha rin ako ng isang birkin bag dahil isa lang naman ang kailangan ko. Hindi rin naman ako gaanong ka-materyosa para pahirapan si Aarav ngayon.

Meron din silang shoe center dito kung kaya’t pumili na rin ako ng bagong boots, rubber shoes, sandals and high heeled closed shoes. 

Nalibang naman ako dahil magaganda ang mga damit at gamit doon at pasok talaga sa tastes ko lahat kung kaya’t kahit papaano ay nababawasan ang galit ko ngunit hindi pa rin naiibsan ang sakit. 

“Yan na lahat?” tanong ni Aarav ng matapos akong mamili ng mga damit na gusto ko. 

“Yup.”

“Okay, uhm, Miss, pa-total naman oh.” 

“Sige po Sir,”

Nang mai-total na lahat ng sales lady ang mga binili kong gamit at damit ay tinawagan ni Aarav ang mga tauhan niya at sila ang nagbitbit ng mga pinamili ko ngunit pumasok pa ulit si Aarav sa isa pang boutique shop. 

“Aarav, don’t you think this is too much?” tanong ko sa kanya. 

“Anong tingin mo sa akin? Pulubi?! Mamili ka pa ng gusto mo.”

“Sira-ulo! Hindi iyon ang ibig kong sabihin! I mean marami na kasi ‘tong pinamili natin eh.” 

“Isang dress nalang pang special occasion kasi may pupuntahan tayo.”

“Ganon.”

“Oo, sige na, mamili ka na at saka sukatin mo lahat ng mapipili mo para makapili din ako ng bagay sayo.”

“Fine.” saad ko na sinunod nalang ang utos niya dahil wala naman akong choice, at saka mas okay na ‘to kaysa naman ikulong niya ako sa kwarto niya sa Mansyon.

Una kong pinakita sa kanya ang silk scarlet sexy dress na may slit. Hantad ang cleavage ko dito kung kaya’t medyo natulala siya ngunit nang maka-recover ay tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. 

“No. That’s too revealing, Siobeh. Change it!” utos niya kung kaya’t pumasok ako ulit sa fitting room. 

Nakita ko naman ang isang A-line knitted party dress. Color grey ito at puno ng glitters. Sinubukan kong isuot iyon and not bad, bagay sa akin kung kaya’t lumabas na ako para ipakita kay Aarav ngunit biglang nagdilim ang paningin niya. 

“Can you dress properly?! Don’t try to seduce me here in the boutique shop!”

“I’m not seducing you! Jerk!” hindi ko na napigilan ang sarili ko dahil nagagalit na siya

“Palagi nalang nakalabas ‘yang hinaharap mo! At saka may glitters pa ‘yang sinuot mo, ano ka? Sasayaw? Palitan mo yan!” singhal niya sa akin. 

“Ano ba kasing okasyon?! Hindi ako makakapili ng maayos kung hindi ko alam kung saan tayo pupunta!”

“Just dress nice, like date-nice.” 

“Fine!” saad ko na inirapan siya at muling bumalik sa fitting room. 

Hindi ko na talaga maintindihan ang lalaking ito. Pa-iba-iba ang timpla. Sala sa init, sala sa lamig!

Sinuot ko na yung huling damit na napili ko kanina. Chub na mini black dress na pa-balloon ang skirt at lumabas ng fitting room. Natulala naman si Aarav at napalunok pa, hindi ko alam kung bakit ganon ang reaksyon niya. 

“Gorgeous.” saad niya at sinenyasan ako ng wait lang. 

Pagbalik naman niya ay may hawak na siyang isang pair ng black pointed heels. 

“Pero Aarav, nakabili na ako kanina, iyon nalang isusuot ko.” pagtutol ko sa kanya dahil ang dami na nga ng binili ko kanina na sapatos. Magkaka-award na ako ng hakot award sa ginawa ko kanina eh.

“It’s okay, bagay ‘to dyan sa dress mo.” saad niya na iniluhod pa ang isang tuhod sa sahig at sinuot sa akin yung sapatos.

Nakagat ko ang ibabang labi ko dahil ngayon lang ako nakaranas ng ganon mula sa isang lalaki. Ito na ata yung sinasabi nilang princess treatment at hindi ko akalaing ang isang malupit na mafia boss pa ang magpaparanas nito sa akin. 

“Sakto lang ba? Hindi masakit sa paa?” tanong niya sa akin. Mapapansin ang sinseridad sa kanyang mga mata.

“Okay lang, kumportable naman.” saad ko. 

Pati puso ko kumportable din pero hindi pwede ‘to. Am I falling in love with the enemy? No! This can’t be happening!

“Okay na, wag ka na magpalit. Pupunta na tayo sa pupunta na tayo sa pupuntahan natin.” saad niya na hinila ako palabas ng boutique shop.

“Saan ba kasi iyon, Aarav?” tanong ko habang papasok kami ng elevator. Kami nalang ulit dalawa ang magkasama at wala na ang mga bodyguards niya. Ni-hindi ko napansin na nawala sila.

“To the top of the world.” saad niya na ngumiti ng sarkastiko sa akin. Puno ng buhay at kislap ang mga mata niya na para bang may isang napakaligayang tagpo ng buhay niya ang nakatakdang mangyari.

Nang makarating kami sa pinaka-itaas ng shopping center ay tumambad sa harapan ko ang napakaganda at napakalaking penthouse. Ang mga pader nito ay yari sa matibay na mga salamin. Kitang-kita ang view sa paligid at talagang busog na busog ang mga mata ko. Mas mukhang mamahalin pa ito at modern style kumpara sa Mansyon ng mga Clemente. 

“It’s beautiful here.”

“Do you like it?”

“I love it! It’s cozy, hindi ko alam na may property ka pala na ganito ka-ganda.”

“This is yours now.” saad niya na ibinigay sa akin ang isang blue satin box.

“Open it.” utos niya na ginawa ko naman at tumambad sa aking harapan ang isang susi, pati na rin ang papel na naka-pangalan nga sa akin ang property. 

“Wha– for real?” tanong ko sa kanya na halos hindi makapaniwala. 

“This is too much, I can’t accept this Aarav.” saad ko na pilit ibinabalik sa kanya ang box pero tinutulak niya iyon sa akin.

“This is an engagement gift, Siobeh, please accept it. Ito lang ang tanging naiisip kong paraan para mapatunayan sayo na seryoso ako sa kasal na ‘to.” 

“Pero… kakakilala palang natin Aarav, masyado kang mabilis.” saad ko na tumalikod sa kanya dahil nagugulumihanan ako at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. 

“I know this sound’s insane but I really wanna make this right Siobeh. This whole thing. The Bet. The wedding. I want you to be mine.” 

“Ano ba talagang binabalak mo?! Kasi kung ginagamit mo lang ako, wala kang mapapala sa akin! Hindi ipapamana sa akin ng daddy ko ang crime family dahil si kuya ang hahawak non! Hindi mo ako larua–” natigilan ako nang humarap ako sa kanya dahil nakaluhod na ang isang tuhod niya sa sahig at may sing-sing na rin siyang hawak. 

“Marry me, Siobeh. I promise that you won’t regret this. Mamahalin kita, pagsisilbihan, ipagtatanggol, iingatan, kahit buhay ko ibibigay ko para sayo. Seryoso ako sa sinasabi ko kaya please, pagkatiwalaan mo ako. Open your heart to me and I’ll make sure that it will be worth it. I’m going to ask you again. My baby boo boo, will you spend your life with me?”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 28

    SIOBEH“Who fucking dare touched my wife?!” napalingon kami sa nagsalita at napatingala kami nang makita namin si Aarav sa grand staircase nakatayo ng malamig habang hawak ang isang baril sa kanyang kanang kamay. Bigla akong binitawan ni Julianna. Kapwa sila takot na takot na lumuhod sa tabi ko. “Don Aarav, hindi ho namin sinasadya, naglalaro lang kami ni Ms. Aldama!” sabi ni Elianna. “Opo, opo, Don Aarav, practice sparring lang po!” sabi pa ni Julianna. Ngunit… nananatiling malamig ang bawat tingin ni Aarav sa kanilang dalawa. Mahigpit ang hawak sa baril. Kitang-kita ni Aarav ang naghihirap kong mukha pati na ang nagulo kong buhok at ang halos mapunit kong damit. Inalalayan niya akong tumayo at binuhat niya ako pa-bridal style. Pagtingin ko ay naka-abang na ang mga Capo niya na sila Azrael. Tumingin siya ng madilim sa dalawang babae. “My wife doesn't do violence. Sige na, parusahan ninyo ang dalawang yan.” utos ni Aarav sa mga Capo at mabilis na hinawakan si Eliana at Julliana

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 27

    SIOBEHHabang tumatagal ako dito sa poder ng mga Clemente ay unti-unti na akong nasasanay pero may mga pagkakataon pa rin na gusto kong tumakas at umuwi sa amin. si Kent. Miss na miss ko na siya… at kung magkasama lang kami ngayon malamang ay kung anu-ano na ang kalokohan ang ginagawa namin. I’m just eighteen. Hindi ko alam kung tama pa ba ‘tong pinapasok ko…Mahal ko naman si Aarav pero… natatakot ako. Maya-maya ay bigla kong naramdaman ang pagyakap sa akin ni Aarav mula sa likod. “Anong iniisip mo?” tanong niya, nasa terrace kami ngayon at pinagmamasdan ang napakagandang view ng Mansyon. “Wala… uhm, Aarav, sigurado ka ba talagang gusto mo akong pakasalan?” “Ano bang klaseng tanong yan? Syempre naman… at saka you can’t back out now. Pumayag ka na eh at gawa na rin ang nga invitations, naipadala na sa mga bisita. Nakapagsukat ka na rin ng wedding gown. Naayos na natin ang lahat ng mga preparations.” “But… I’m just eighteen…” “Don’t worry… magiging maayos lang ang lahat. Ipinapa

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 26

    SIOBEHDinala ako ni Aarav pabalik sa kwarto namin dahil hanggang doon ay umiiyak ako. Hindi ko kinakaya. Hindi ko alam kung panic attack ba ‘to o ano. Sobrang sakit ng nakita ko. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ako iyak ng iyak nung araw na iyon. Dahil nakita kong pinatay ng daddy ko si Don Leon… ang tatay ni Aarav. Siguro ay nakalimutan ko lang pero habang tumatagal na nandito ako sa poder ng mga Clemente, unti-unti kong nalalaman ang totoo. Doon nagsimula nung nakarinig ako ng putok ng baril. Sa murang edad ko nakasaksi ako ng karahasan at kahit anong gawin ko, hinding-hindi na iyon maalis sa utak ko. “Nakita ko… nakita ko noon, Aarav, kung paano pinatay ng daddy ko ang daddy mo… patawarin mo ako…” humahagulgol kong sabi kay Aarav. Pinipilit na magsalita ng maayos kahit pa nasasaktan ako. “Ayos lang… wala na iyon, nakaraan na iyon… wag mo ng intindihin… hindi naman ako galit eh, basta wag lang akong insultuhin ng tatay mo o kaya ay maliitin niya ang tatay ko.” “Hindi eh…

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 25

    AARAVIlang araw na lang ay kasal na namin ni Siobeh. Sa wakas ay matutupad ko na ang ipinangako ko sa amain ko at matatapos na rin ang lahat. Sana lang ay hindi pumalpak ang mga plano ko. “Napakaganda niya, Aarav, gustong-gusto ko!” masayang sabi ni Siobeh habang hinahaplos pa ang pendant ng gold necklace. Isa ang kwintas na iyon sa mga pinaka iingat-ingatan ni Don Leon na mga alahas at isa rin sa misyon kong ibigay ang lahat kay Siobeh kaya heto… ginagawa ko na ngayon habang may pagkakataon pa ako. “Just like you. It’s yours now…” sabi ko sa kanya na ngumiti ng tipid. Kung alam niya lang kung saan galing ang kwintas na iyon… sigurado akong hinding-hindi niya susuotin. “Talaga? Sa akin na ‘to?” tanong niya na hindi makapaniwalang basta ko na lang siya binigyan ng gold necklace. “Oo. you’re going to be Mrs. Siobeh Aldama Clemente. You deserve everything that your heart desires, My Love…”“Thank you, Honey, sobrang nagustuhan ko!” napakalawak ng ngiti na iyon na napakahirap igno

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 24

    SIOBEHKINABUKASAN ay aalis na naman kami. Hindi ko na naman alam kung saan ako dadalhin ni Aarav. Talagang napaka-busy niyang tao. No wonder na wala siyang oras para manligaw ng babae at kasal agad ang offer niya sa akin dahil sa sobrang hectic ng schedule niya. Ngayong araw ay inilibot niya ako ulit sa buong shopping centre at sa Mansyon. Sa Mansyon malapit ang planta ng drugs at production nito. Dumaan pa kami sa pasikot-sikot at underground. Nakakainis naman! hindi ko alam na dito pala kami pupunta, nag boots pa ako. Sayang naman ang boots ko. Ang ganda-ganda pa naman pagkatapos ay mapuputikan lang. Dumaan kami sa parang tunnel at pagkatapos ay may elevator paakyat. Hawak-hawak lang ni Aarav ang kamay ko buong panahon ng paglalakad namin. Hinding-hindi niya ako binibitawan kahit pa seryosong seryoso ang mukha niya. Nakasunod sa amin ang mga tauhan niyang sila Daniel, Uriel at Gabriel. Lahat sila ay armado just in case na may mangyari. Si Aarav lang ang walang dalang baril n

  • THE GOOD MAFIA (Riot Men Series #26)   Chapter 23

    SIOBEHGaya ng sinabi ni Aarav ay nagpunta kami sa pamilya ko. Naabutan ko ang kuya kong si Antonio na nililinis ang kotse niya. Tahimik at mukhang seryoso sa ginagawa ngunit napatingin siya sa amin. Ngumiti siya sa akin, nakita ko ang bakas ng pananabik sa kanyang mga mata. “Kuya?... kuya! Kuya ko!” sa sobrang pagkasabik ko ay tumakbo ako papalapit sa kanya at sinalubong niya ako ng yakap. “Siobeh! Bakit ngayon ka lang dumalaw ulit? Ma! Dad! Nandito si Siobeh!” sigaw ni kuya Antonio na tinatawag ang mga magulang namin. Kumalas ako ng yakap kay kuya nang lumabas si mommy at daddy. Yumakap ako kay mommy dahil sobrang na-miss ko siya. Sandali pa kaming nagyakapan sa labas at pagkatapos ay lumingon ako kay Aarav. Tila hindi siya makahakbang at nakatingin lang sa amin habang nakakunot ang noo. Alam niyang ayaw sa kanya ng pamilya ko sa pagkakataong ito kaya nilapitan ko siya at kinuha ang kamay niya. Tutal, siya ang mapapangasawa ko kaya pamilya ko na rin siya ngayon. Nagpatianod siya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status