THIRD PERSON:
Mula sa dance floor, abala pa sa tawanan sina Jasmine at Carlo nang mapansin nilang papalabas si Althea. Una’y inisip nilang baka iihi lang ito, pero ilang segundo pa lang ang lumipas, napansin nilang tila umiika-ika na ang lakad ng kaibigan.
“Bes?!” sigaw ni Jasmine, napansin ang bahagyang pag-ikot ng ulo ni Althea, bago ito tuluyang natumba.
Parang bumagal ang lahat. Sa ingay ng musika, sa kislap ng mga ilaw, malinaw nilang nakita kung paano muntik nang sumubsob ang katawan ng dalaga—ngunit bago pa man ito bumaon sa sahig, may isang anino ang biglang humakbang mula sa dilim. Isang matikas na lalaking mabilis na sumalo sa kanya, para bang kontrolado ang bawat galaw.
At doon, natutok ang tingin ng dalawa.
Nakita nila kung paano buhatin ng lalaki si Althea, parang wala itong bigat. Hindi ito ordinaryong pagkakasalo—may kapangyarihan, may tiyak na pag-aari.
“Wait… sino ’yon?” bulong ni Carlo, nanlalaki ang mga mata.
Napatingin si Jasmine, at sa kabila ng kumikislap na ilaw mula sa strobe, unti-unting luminaw ang mukha ng lalaki. Malamig na titig, matalim ang panga, presensiyang mahirap ipagkamali.
“Si… Silas Montenegro…” halos pabulong ngunit nanginginig na sagot ni Jasmine.
Pareho silang napahinto. Para bang biglang bumigat ang kanilang mga paa, na tila pinako sa sahig. Hindi sila makalapit, kahit pa gusto nilang agawin si Althea mula sa mga kamay nito.
Nagkatinginan sina Jasmine at Carlo, sabay pa silang nagtulakan.
“Ikaw na!” bulong ni Carlo, pilit itinulak si Jasmine.
“Hindi! Ikaw na, ikaw ang lalaki!” sagot nito, ramdam ang kaba na parang binabalot ang kanilang mga dibdib.
Ngunit sa bawat hakbang na tila balak nilang gawin, sapat na ang isang sulyap mula kay Silas upang mapaatras sila. Ang malamig na titig ng gobernador, na diretsong nakatuon sa kanila, ay parang isang bala na dumiretso sa kanilang mga kaluluwa.
At sa kabila ng ingay ng musika at sigawan ng mga tao, parang iisang tinig lang ang narinig nila—ang boses na hindi man binigkas, ay malinaw na malinaw sa kanilang isipan:
“Huwag kayong lalapit.”
Walang nagawa sina Jasmine at Carlo nang tuluyang igiya ni Silas palabas ng bar si Althea. Para silang na-freeze sa kinatatayuan, habang pinapanood ang makapangyarihang gobernador na parang isang leon na may hawak na nahuling usa.
Sa labas, naghihintay na ang itim na sasakyan. Mabilis na binuksan ng isang bodyguard ang pinto, at walang alinlangan na ipinasok ni Silas si Althea, na halos mawalan na ng malay. Saka ito sumakay sa tabi ng dalaga, malamig at tahimik ang ekspresyon habang dumaan sa ilaw ng siyudad ang sasakyan.
Ilang oras ang lumipas. Dahan-dahan dumilat si Althea. Hindi na tugtog at ilaw ng bar ang naririnig niya. Tahimik ang paligid bumungad sa kanya ang isang marangyang silid—silid na pamilyar na sa lahat ng high society.
Hotel Montenegro.
Ang pinakamahal, pinakasekreto, at pinakapribadong hotel sa lungsod.
Nakahiga siya sa isang king-sized bed na napapalibutan ng mamahaling kurtina at puting bedsheet. Ramdam niya ang bigat ng katawan, parang dinurog ng alak at kaba. Ngunit mas ramdam niya ang presensiya ng lalaking nasa tapat lang niya—nakaupo sa malambot na armchair, may hawak na basong alak, at walang tigil ang titig sa kanya.
Napahigpit ang hawak niya sa kumot. Ramdam pa rin niya ang bigat ng alak at ang pagkahilo, pero higit sa lahat, ramdam niya ang malamig na presensiya ng lalaking nakaupo sa tapat niya.
Si Silas Montenegro.
Hindi ito nagsasalita. Hindi rin kumikilos. Pero ang mga mata nito—madilim, matalim, at walang palya—parang kinukulong siya sa isang invisible na hawla.
Parang bawat hininga ni Althea, sinusundan nito.
“Gising ka na,” malamig ngunit mababa ang boses ni Silas, saka tumayo mula sa kinauupuan. Mabigat ang bawat hakbang niya papalapit, hanggang sa tumigil ito sa gilid ng kama.
“Hayop ka talaga! Bakit mo ako dinala dito?!”
“Bakit? Gusto mo bang sa ibang hotel kita dalhin? Oh mas gusto mong sa ibang hotel na kasama ang iba mong lalaki—”
Pak!
Isang malakas na sampal ang ibinigay ni Althea. Umalingawngaw iyon sa buong silid. Nanigas ang panga ni Silas at dahan-dahang bumalik ang matalim na tingin sa kanya.
Mabilis niyang sinunggaban ang dalaga. Hinawakan ang dalawang kamay nito, madiin at mariin, at pinako sa ibabaw ng kama. Lumapit siya, halos magdikit ang kanilang mga mukha. Ramdam ni Althea ang init ng hininga nito at ang mabigat na aura na bumalot sa kanya.
“Alam mo…” mariin ang boses ni Silas, halos pabulong pero puno ng apoy. “…kanina pa ako nanggigigil sa’yo. Pero ngayon—” mas lalo niyang diniinan ang pagkakahawak, halos mapahinga ng malalim si Althea sa sakit. “Ngayon, inubos mo ang pagtitimpi ko dahil sa sampal na ’yon.”
Nagpupumiglas si Althea, nanginginig sa takot at galit. Pero lalo lang humigpit ang hawak ni Silas, habang ang mga mata nito ay nagliliyab ng kakaibang obsesyon—isang titig na nagsasabing hindi siya makakatakas kailanman.
Nagpumiglas si Althea, halos maubos ang lakas sa pagpupumilit na makawala. Nanginginig ang kanyang mga kamay sa higpit ng pagkakahawak ni Silas.
“Bitiwan mo ako!” halos pasigaw niyang sabi, pilit na iniwas ang mukha.
Pero lalo lang itong lumapit, halos maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa kanyang pisngi. Ang mga mata ni Silas, hindi kumukurap—parang apoy na ayaw mamatay.
“Subukan mo pang tumakas, Althea,” mabagal at mariing bulong niya. “Mas lalo kitang hindi pakakawalan.”
Ramdam ni Althea ang malamig na takot na gumapang sa buong katawan niya. Sinubukan niyang ipaling ang ulo, pero mas lalo lang siyang sinundan ng tingin ni Silas—matindi, mabigat, at puno ng pag-aari.
At sa sandaling iyon, alam niyang hindi lang basta galit o kapritso ang dahilan ng pagkakahawak nito.
…Isang obsesyon na baka maging simula ng kanyang bangungot.
“Bitiwan mo ako, hayop ka talaga!!” sigaw ni Althea, halos maiyak sa galit.
Ngunit lalo lang hinigpitan ni Silas ang pagkakahawak niya sa mga kamay ng dalaga. Halos mapadiin si Althea sa kama. Dahan-dahan pang lumapit ang mukha ng gobernador, tila ba wala nang makakapigil sa kanya.
Hanggang sa—
Tok! Tok!
“Gob… nandito na po si Mrs. Cruz.”
Biglang tumigil si Silas. Nanlilisik pa rin ang mga mata, pero hindi niya itinuloy ang balak. Mula sa kabila ng pinto, muling kumatok ang tauhan.
Dahan-dahan niyang binitawan si Althea, ngunit hindi inalis ang titig dito—matindi at puno ng babala.
At nang bumukas ang pinto, tumambad ang nakakagulat na eksena.
Nakahiga si Althea sa kama, pulang-pula ang mukha at habol-habol ang hininga. Nasa ibabaw niya si Silas, mahigpit na nakadagan at hawak ang dalawang kamay ng dalaga, para bang hindi ito makakawala.
Halos hindi makapaniwala ang ina ni Althea sa nadatnan niyang tanawin. Imbes na magalit, bahagyang kumurba ang kanyang labi, tila ba nagustuhan ang eksenang nasaksihan. Ang anak niyang nakahiga sa ilalim ni Silas, at ang binatang iyon—mahigpit na nakatitig kay Althea na para bang siya lang ang tao sa mundo.
Sa halip na pumagitna o pigilan, nanatili lamang si Señora Miriam sa may pinto, pinagmamasdan ang dalawa na may kakaibang kislap sa mga mata.
“Napaka-sakto ng dating mo, Señora,” ani Silas, malamig ang ngiti habang dahan-dahang binitiwan ang kamay ng dalaga. “Mukhang kailangan nating pag-usapan ang tungkol sa anak mo.”
Sa halip na magalit, marahan lamang na ngumiti si Señora Miriam. “At mukhang nagsisimula na kayong magkaintindihan,” sagot niya, may bahid ng tuwa sa boses.
Saglit na napatitig siya kay Althea, bago muling ibinalik ang tingin kay Silas. “Kung ganito rin lang, baka hindi na tayo mahirapang pag-usapan ang lahat.”
Saglit na natahimik ang silid, at ang tanging maririnig ay ang mabilis na tibok ng puso ni Althea. Si Silas, malamig pa rin ang titig. Si Señora Miriam, nanatiling nakangiti.
At sa gitna ng katahimikan, isang bagay lang ang naging malinaw kay Althea—
THIRD PERSON:Pagkaalis ni Don Ricardo, nanatiling balot ng katahimikan ang buong bahay. Mabigat, nakabibingi—tila ba ang mismong hangin ay natigil sa paggalaw. Tanging mabilis na pintig ng puso ni Althea ang gumuguhit sa kanyang pandinig, kasabay ng marurupok na hikbi na pilit niyang pinipigilan. Ang malamyos na hangin mula sa bintana ay tila ba hindi nakapansin sa kanyang pagluha, malamig ngunit walang kaaliwan.Dahan-dahan niyang sinilip ang pasilyo, sinigurong wala na ang anino ng kanyang ama at maging ang ina niya ay hindi rin naroroon. Nang makatiyak, agad siyang bumalik sa kuwarto, halos manginig ang bawat hakbang. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa cellphone—para bang iyon na lamang ang natitirang sandalan niya sa gitna ng unos.At sa loob ng apat na sulok ng silid, tanging mga hikbi niya na lamang ang umaalingawngaw, kasabay ng maliliit na kalansing ng mga preno ng bintana at bahagyang pag-ikot ng ilaw mula sa cellphone na sumasalamin sa madilim
THIRD PERSON:Tahimik ang loob ng opisina ng gobernador. Nakasalansan ang mga dokumento sa mesa habang si Silas ay seryosong nakayuko, abala sa pagbabasa at pagpirma. Tanging tik-tak ng orasan ang umaalingawngaw, kasabay ng bigat ng kanyang presensya.Biglang bumukas ang pinto. “Governor…” maingat na tawag ni Lucas, ang personal assistant. Kita ang kaba sa kanyang mukha habang hawak ang cellphone.Hindi inalis ni Silas ang tingin sa papeles na kanyang pinipirmahan. “Ano iyon?” malamig na tanong niya.“Mas mabuting kayo na po ang makakita, Gov.” Dahan-dahang iniabot ni Lucas ang cellphone.Kinuha ito ni Silas, bahagyang nagtaas ng kilay. At nang makita ang laman ng screen—tumigil siya sa paghinga ng ilang segundo.Larawan niya iyon—siya mismo, buhat-buhat si Althea sa kanyang mga bisig. Isang kuha na parang eksena sa nobela: siya, ang makapangyarihang gobernador; at si Althea, ang dalagang wari’y isang prinsesang mahigpit niyang inaalagaan.Bahagyang kumunot ang noo ni Silas habang pin
THIRD PERSON:Mahigpit ang hawak ni Althea sa cellphone, halos bumaon ang mga daliri niya sa gilid nito. Mabilis ang tibok ng puso niya habang naghintay ng sagot mula sa kabilang linya. Pagkaraan ng ilang sandali, sinapo niya ang dibdib at mahina, ngunit puno ng kaba, ang tanong niya.“Rod… tuloy na ba ang plano?”Sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya sinagot ng pamilyar na tinig.“Nag-aasikaso pa ako ng iba pang mga papeles.” Malalim ang boses ni Rod Vergara, seryoso ngunit may halong pagod.Napakagat-labi si Althea, ramdam ang kaba at inis. “Ang tagal naman, Rod…” mahina niyang sambit, may bahid ng lungkot sa tinig niya.Bahagyang natawa si Rod, pero halatang pinipilit lang iyon. “Pasensya na. Ayokong magkamali. Gusto kong siguruhin na pag tumakas ka, wala nang balikan. Wala nang makakahabol sa’yo, lalo na siya.”Mariing pumikit si Althea, mahigpit na yumakap sa unan habang pinapakinggan ang bawat salita. “Rod, sana… sana totoo ’yan. Kasi kung hindi, baka tuluyan na akong
THIRD PERSON:“I’m sorry, hijo,” malumanay na wika ni Señora Miriam habang nakaupo sa tapat ni Silas, hawak-hawak ang tasa ng tsaa. “Medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan ang mag-ama, kaya siguro naisipan niyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.”Bahagyang tumango si Silas, ngunit hindi nawala ang matalim na titig sa kanyang mga mata. “Kung gano’n, Señora… dapat mas maging maingat na kayo. Hindi puwedeng lagi siyang nakakalusot. Isang beses lang akong napikon, at muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko.”Sandaling natahimik ang ginang, saka napangiti ng payak—ngiting parang may kasamang plano. “Hijo, kaya nga nandito ka. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa pagiging suwail ng anak ko. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya.”Tahimik lamang si Althea, nakaupo sa sulok habang mahigpit na nakayakap sa sarili. Pilit niyang iniwas ang tingin, ngunit bawat salita ng kanyang ina at ni Silas ay malinaw na pumapasok sa kanyang pandinig. Para siyang ikinulong sa isang s
THIRD PERSON:Mula sa dance floor, abala pa sa tawanan sina Jasmine at Carlo nang mapansin nilang papalabas si Althea. Una’y inisip nilang baka iihi lang ito, pero ilang segundo pa lang ang lumipas, napansin nilang tila umiika-ika na ang lakad ng kaibigan.“Bes?!” sigaw ni Jasmine, napansin ang bahagyang pag-ikot ng ulo ni Althea, bago ito tuluyang natumba.Parang bumagal ang lahat. Sa ingay ng musika, sa kislap ng mga ilaw, malinaw nilang nakita kung paano muntik nang sumubsob ang katawan ng dalaga—ngunit bago pa man ito bumaon sa sahig, may isang anino ang biglang humakbang mula sa dilim. Isang matikas na lalaking mabilis na sumalo sa kanya, para bang kontrolado ang bawat galaw.At doon, natutok ang tingin ng dalawa.Nakita nila kung paano buhatin ng lalaki si Althea, parang wala itong bigat. Hindi ito ordinaryong pagkakasalo—may kapangyarihan, may tiyak na pag-aari.“Wait… sino ’yon?” bulong ni Carlo, nanlalaki ang mga mata.Napatingin si Jasmine, at sa kabila ng kumikislap na ilaw
THIRD PERSON:Mabigat pa rin ang dibdib ni Althea habang nakahiga sa kama. Ramdam niya ang hapdi sa pisngi, pero higit na masakit ang mga salitang iniwan ng kanyang ama at ina."Governor Silas Montenegro is a man who always gets what he wants… At sa kasamaang-palad, ikaw ang gusto niya."Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sawa na siyang umiyak, sawa na siyang masakal ng mga utos at kasunduan. Ngayong gabi, gusto lang niyang makalimot.Dinampot niya ang cellphone sa tabi ng kama at nag-dial ng numero. Ilang ring lang, agad na sumagot ang pamilyar na boses.“Bes, ano na naman ’yan?” masiglang tanong ng kanyang kaibigang si Jasmine, na kilala sa kanilang social circle bilang palaging present sa lahat ng exclusive parties.Hindi nag-aksaya ng oras si Althea. “Jas… please, ilabas mo ’ko. Hindi ko na kaya dito.”“OMG!” singit ng isa pang boses mula sa speaker—si Carlo, o mas kilala ng lahat bilang Caroline, ang flamboyant at witty nilang kaibigan. “Finally, darling! Akala ko kailan pa kit