Share

CHAPTER TWO

last update Last Updated: 2025-09-11 18:02:52

THIRD PERSON:

Mabigat pa rin ang dibdib ni Althea habang nakahiga sa kama. Ramdam niya ang hapdi sa pisngi, pero higit na masakit ang mga salitang iniwan ng kanyang ama at ina.

"Governor Silas Montenegro is a man who always gets what he wants… At sa kasamaang-palad, ikaw ang gusto niya."

Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sawa na siyang umiyak, sawa na siyang masakal ng mga utos at kasunduan. Ngayong gabi, gusto lang niyang makalimot.

Dinampot niya ang cellphone sa tabi ng kama at nag-dial ng numero. Ilang ring lang, agad na sumagot ang pamilyar na boses.

“Bes, ano na naman ’yan?” masiglang tanong ng kanyang kaibigang si Jasmine, na kilala sa kanilang social circle bilang palaging present sa lahat ng exclusive parties.

Hindi nag-aksaya ng oras si Althea. “Jas… please, ilabas mo ’ko. Hindi ko na kaya dito.”

“OMG!” singit ng isa pang boses mula sa speaker—si Carlo, o mas kilala ng lahat bilang Caroline, ang flamboyant at witty nilang kaibigan. “Finally, darling! Akala ko kailan pa kita mahihila sa totoong buhay. Let’s party!”

Bahagyang natawa si Althea, kahit mapait. Kung hindi dahil sa dalawang ito, baka tuluyan na siyang nalunod sa kalungkutan. Hindi man sila ang tipikal na kaibigan na gugustuhin ng isang konserbatibong pamilya, pero dahil parehong galing sa mayayamang angkan at may pangalan din ang kanilang mga magulang, tinanggap sila ng pamilya ni Althea—sa kondisyon na sila lamang ang magiging kaibigan niya.

At dahil doon, sina Jasmine at Carlo lang ang tanging sandalan ni Althea sa mundong kontrolado ng kanyang mga magulang.

“Okay, beshie, get dressed. We’re picking you up in 30 minutes!” excited na wika ni Jasmine.

“At maghanda ka na, kasi tonight, hindi ka muna si Althea Cruz na anak ng mga tyrant parents mo. Tonight, you’re my fabulous baby girl!” sabay hiyaw ni Carlo.

Makalipas ang kalahating oras, nasa labas na ng mansyon nina Althea ang magarang sasakyan ni Jasmine. Nakasuot si Jasmine ng body-hugging red dress, habang si Carlo naman ay naka-shimmering silver top na kumikislap sa ilaw ng poste. Parehong mukhang handang-handa sa magdamagang sayawan.

“Hop in, babe!” sigaw ni Carlo mula sa passenger seat habang kumakaway. “Tonight is your emancipation party!”

Pagdating nila sa isang sikat na bar sa lungsod, sinalubong si Althea ng malakas na tugtog, nakasisilaw na ilaw, at halakhak ng mga taong walang iniisip kundi kasayahan.

Inabot ni Jasmine ang isang baso ng alak at ngumisi. “Welcome to freedom, bestie. Forget about your dictator parents, forget about that scary governor—tonight, it’s just us.”

Sabay kuha rin ni Carlo ng isa pang baso at iniabot sa kanya. “Cheers to temporary happiness, darling!”

At sa unang lagok ng alak, dama ni Althea ang mapait na init na bumalot sa kanyang katawan. Kahit panandalian lang, pakiramdam niya’y nakawala siya sa mga tanikala ng kanyang pamilya—kahit alam niyang bukas, babalik muli ang lahat sa reyalidad.

Habang abala sina Jasmine at Carlo sa dance floor, napilitang sumama rin si Althea. Sa gitna ng malakas na tugtog at makukulay na ilaw, pilit niyang nilulunod ang mga iniisip. Pinikit niya ang mga mata, hinayaang tangayin ng musika ang bigat sa kanyang dibdib.

Ngunit kahit paano siya ngumiti, kahit paano siya sumayaw kasama ng mga kaibigan, may kakaiba siyang naramdaman—parang may mga matang nakatutok sa kanya.

Napadilat siya at saglit na lumingon. Sa dulo ng bar, sa isang private corner na madilim at malayo sa ingay ng karamihan, natanaw niya ang isang lalaki. Nakasandal ito, may hawak na basong alak, malamig ang anyo at matalim ang mga matang nakatitig diretso sa kanya.

Halos matigilan siya nang makilala ang mukha.

Governor Silas Montenegro.

Ang lalaking kinatatakutan ng lahat… at ang lalaking pilit na ipinapakasal sa kanya ng kanyang mga magulang.

Hindi niya alam kung anong mas kinilabutan siya—ang mismong presensiya nito sa lugar na iyon, o ang malamig ngunit nag-aalab na tingin na para bang sinasabi ng mga mata nito:

“Kahit saan ka magtago, Althea… hindi ka makakatakas sa akin.”

Mabilis niyang iniwas ang tingin, parang natataranta, ngunit ramdam niya pa rin ang bigat ng mga matang iyon na hindi kumikilos ngunit hindi rin kumakawala.

“Bes, okay ka lang?” tanong ni Jasmine habang patuloy na sumasayaw.

“Yeah… I just… need some air.” bulong niya bago mabilis na lumabas ng dance floor.

Ngunit paglingon niya muli sa kinaroroonan ng gobernador, wala na ito. Para bang naglaho na lamang sa dilim.

At mas lalo lamang siyang kinabahan—dahil kung naroon si Governor Silas, ibig sabihin ay simula na ng lahat ng bagay na pilit niyang tinatakasan.

Habang sumasayaw, biglang umikot ang paningin ni Althea. Napahawak siya sa sentido at pilit na pinanatiling tuwid ang mga paa.

“Bes, okay ka lang?!” sigaw ni Carlo habang abala si Jasmine sa pakikipagsayaw.

“Restroom lang ako…” mahina niyang sagot, sabay pilit na naglakad palabas ng dance floor.

Kada hakbang niya ay parang lumulubog ang sahig na tinatapakan, tila ba may bigat na hindi niya maipaliwanag. Malakas ang tibok ng kanyang dibdib at ramdam na ramdam niya ang init ng alak na unti-unting sumasakop sa kanyang buong katawan, halos pabalik-balik ang hilo sa kanyang ulo. Pagdating niya sa hallway papuntang restroom, nanlalabo na ang kanyang paningin at halos matumba na siya kung hindi lang biglang may mainit na kamay na sumalo sa kanyang braso, dahilan para mapahinto siya at mapatingala sa taong nasa harap niya.

Isang kakaibang init ang biglang dumaloy mula sa kamay na humawak sa kanyang braso—mahigpit, matibay, at halatang hindi basta bibitaw. Ramdam niya ang lakas at bigat ng pagkakahawak na tila ba pinipigilan siyang tuluyang bumagsak.

"Easy…" mababa ngunit malamig ang tinig na dumampi sa kanyang tainga, malapit at halos pabulong na parang sinadya nitong ilapit ang sarili.

Napakurap siya, nagtataka kung panaginip ba o totoo ang nangyayari, at nang unti-unti niyang itaas ang kanyang tingin, muntik na siyang mapaatras sa gulat sa taong nakahawak sa kanya—isang presensya na hindi niya inaasahang makakasalubong sa ganoong pagkakataon

Si Silas Montenegro.

“Bitiwan mo ako!” sigaw niya sabay pagpupumiglas, halos desperado habang pilit niyang inaangat ang kamay para itabig ito. Ngunit parang bakal ang pagkakahawak ng gobernador, mahigpit at matatag na para bang kahit anong lakas niya ay walang epekto.

“Wala ka talagang kasanayan sa pag-iingat, Althea.” malamig nitong bulong, mariin ang titig. “Kung hindi ako ang nakasalo sa’yo, baka kung ano na ang nangyari sayo.”

“Hindi ko kailangan ng tulong mo! At lalong hindi ko kailangan ng pakialam mo!” pinilit niyang iatras ang sarili, ngunit lalo lamang siyang binalot ng takot nang maramdaman ang pader sa kanyang likuran.

Ngumiti ng mapanganib si Silas, isang ngiting may halong banta at tiyak na hindi nakakagaan ng loob. Bahagya siyang yumuko upang mas lalong mailapit ang kanyang mukha sa dalaga, halos maramdaman nito ang mainit niyang hininga.

"Hindi mo pa rin ba talaga maintindihan?’ mababa at mariin ang boses niya, puno ng pananakot. ‘Kahit saan ka magpunta… kahit kanino ka pa sumama… ako pa rin ang masusunod sa buhay mo.’”

“Hayop ka!” sigaw niya, muling nagpumiglas, halos mamutla sa kaba. Ngunit ang mga mata ni Silas, matalim at puno ng tiyak na pag-aari, ay hindi kumurap sa kanya.

Napatigil si Althea, halos hindi makahinga. Ramdam niya ang mabilis na tibok ng puso, parang sasabog sa kaba.

“…ako pa rin ang masusunod sa buhay mo.”

Mabilis ang ilaw ng disco sa kisame, pumapailaw-patay, para bang sinasaksihan ang sariling bangungot ni Althea. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang tumakbo—pero mas mahigpit pang bumaon ang pagkakahawak ni Silas sa kanyang braso.

At bago pa siya makapiglas, biglang nagdilim ang paligid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SEVEN

    THIRD PERSON:Pagkaalis ni Don Ricardo, nanatiling balot ng katahimikan ang buong bahay. Mabigat, nakabibingi—tila ba ang mismong hangin ay natigil sa paggalaw. Tanging mabilis na pintig ng puso ni Althea ang gumuguhit sa kanyang pandinig, kasabay ng marurupok na hikbi na pilit niyang pinipigilan. Ang malamyos na hangin mula sa bintana ay tila ba hindi nakapansin sa kanyang pagluha, malamig ngunit walang kaaliwan.Dahan-dahan niyang sinilip ang pasilyo, sinigurong wala na ang anino ng kanyang ama at maging ang ina niya ay hindi rin naroroon. Nang makatiyak, agad siyang bumalik sa kuwarto, halos manginig ang bawat hakbang. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa cellphone—para bang iyon na lamang ang natitirang sandalan niya sa gitna ng unos.At sa loob ng apat na sulok ng silid, tanging mga hikbi niya na lamang ang umaalingawngaw, kasabay ng maliliit na kalansing ng mga preno ng bintana at bahagyang pag-ikot ng ilaw mula sa cellphone na sumasalamin sa madilim

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER SIX

    THIRD PERSON:Tahimik ang loob ng opisina ng gobernador. Nakasalansan ang mga dokumento sa mesa habang si Silas ay seryosong nakayuko, abala sa pagbabasa at pagpirma. Tanging tik-tak ng orasan ang umaalingawngaw, kasabay ng bigat ng kanyang presensya.Biglang bumukas ang pinto. “Governor…” maingat na tawag ni Lucas, ang personal assistant. Kita ang kaba sa kanyang mukha habang hawak ang cellphone.Hindi inalis ni Silas ang tingin sa papeles na kanyang pinipirmahan. “Ano iyon?” malamig na tanong niya.“Mas mabuting kayo na po ang makakita, Gov.” Dahan-dahang iniabot ni Lucas ang cellphone.Kinuha ito ni Silas, bahagyang nagtaas ng kilay. At nang makita ang laman ng screen—tumigil siya sa paghinga ng ilang segundo.Larawan niya iyon—siya mismo, buhat-buhat si Althea sa kanyang mga bisig. Isang kuha na parang eksena sa nobela: siya, ang makapangyarihang gobernador; at si Althea, ang dalagang wari’y isang prinsesang mahigpit niyang inaalagaan.Bahagyang kumunot ang noo ni Silas habang pin

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER FIVE

    THIRD PERSON:Mahigpit ang hawak ni Althea sa cellphone, halos bumaon ang mga daliri niya sa gilid nito. Mabilis ang tibok ng puso niya habang naghintay ng sagot mula sa kabilang linya. Pagkaraan ng ilang sandali, sinapo niya ang dibdib at mahina, ngunit puno ng kaba, ang tanong niya.“Rod… tuloy na ba ang plano?”Sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya sinagot ng pamilyar na tinig.“Nag-aasikaso pa ako ng iba pang mga papeles.” Malalim ang boses ni Rod Vergara, seryoso ngunit may halong pagod.Napakagat-labi si Althea, ramdam ang kaba at inis. “Ang tagal naman, Rod…” mahina niyang sambit, may bahid ng lungkot sa tinig niya.Bahagyang natawa si Rod, pero halatang pinipilit lang iyon. “Pasensya na. Ayokong magkamali. Gusto kong siguruhin na pag tumakas ka, wala nang balikan. Wala nang makakahabol sa’yo, lalo na siya.”Mariing pumikit si Althea, mahigpit na yumakap sa unan habang pinapakinggan ang bawat salita. “Rod, sana… sana totoo ’yan. Kasi kung hindi, baka tuluyan na akong

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER FOUR

    THIRD PERSON:“I’m sorry, hijo,” malumanay na wika ni Señora Miriam habang nakaupo sa tapat ni Silas, hawak-hawak ang tasa ng tsaa. “Medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan ang mag-ama, kaya siguro naisipan niyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.”Bahagyang tumango si Silas, ngunit hindi nawala ang matalim na titig sa kanyang mga mata. “Kung gano’n, Señora… dapat mas maging maingat na kayo. Hindi puwedeng lagi siyang nakakalusot. Isang beses lang akong napikon, at muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko.”Sandaling natahimik ang ginang, saka napangiti ng payak—ngiting parang may kasamang plano. “Hijo, kaya nga nandito ka. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa pagiging suwail ng anak ko. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya.”Tahimik lamang si Althea, nakaupo sa sulok habang mahigpit na nakayakap sa sarili. Pilit niyang iniwas ang tingin, ngunit bawat salita ng kanyang ina at ni Silas ay malinaw na pumapasok sa kanyang pandinig. Para siyang ikinulong sa isang s

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER THREE

    THIRD PERSON:Mula sa dance floor, abala pa sa tawanan sina Jasmine at Carlo nang mapansin nilang papalabas si Althea. Una’y inisip nilang baka iihi lang ito, pero ilang segundo pa lang ang lumipas, napansin nilang tila umiika-ika na ang lakad ng kaibigan.“Bes?!” sigaw ni Jasmine, napansin ang bahagyang pag-ikot ng ulo ni Althea, bago ito tuluyang natumba.Parang bumagal ang lahat. Sa ingay ng musika, sa kislap ng mga ilaw, malinaw nilang nakita kung paano muntik nang sumubsob ang katawan ng dalaga—ngunit bago pa man ito bumaon sa sahig, may isang anino ang biglang humakbang mula sa dilim. Isang matikas na lalaking mabilis na sumalo sa kanya, para bang kontrolado ang bawat galaw.At doon, natutok ang tingin ng dalawa.Nakita nila kung paano buhatin ng lalaki si Althea, parang wala itong bigat. Hindi ito ordinaryong pagkakasalo—may kapangyarihan, may tiyak na pag-aari.“Wait… sino ’yon?” bulong ni Carlo, nanlalaki ang mga mata.Napatingin si Jasmine, at sa kabila ng kumikislap na ilaw

  • THE GOVERNOR'S OBSESSION (SPG)   CHAPTER TWO

    THIRD PERSON:Mabigat pa rin ang dibdib ni Althea habang nakahiga sa kama. Ramdam niya ang hapdi sa pisngi, pero higit na masakit ang mga salitang iniwan ng kanyang ama at ina."Governor Silas Montenegro is a man who always gets what he wants… At sa kasamaang-palad, ikaw ang gusto niya."Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sawa na siyang umiyak, sawa na siyang masakal ng mga utos at kasunduan. Ngayong gabi, gusto lang niyang makalimot.Dinampot niya ang cellphone sa tabi ng kama at nag-dial ng numero. Ilang ring lang, agad na sumagot ang pamilyar na boses.“Bes, ano na naman ’yan?” masiglang tanong ng kanyang kaibigang si Jasmine, na kilala sa kanilang social circle bilang palaging present sa lahat ng exclusive parties.Hindi nag-aksaya ng oras si Althea. “Jas… please, ilabas mo ’ko. Hindi ko na kaya dito.”“OMG!” singit ng isa pang boses mula sa speaker—si Carlo, o mas kilala ng lahat bilang Caroline, ang flamboyant at witty nilang kaibigan. “Finally, darling! Akala ko kailan pa kit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status