THIRD PERSON:
“I’m sorry, hijo,” malumanay na wika ni Señora Miriam habang nakaupo sa tapat ni Silas, hawak-hawak ang tasa ng tsaa. “Medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan ang mag-ama, kaya siguro naisipan niyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.”
Bahagyang tumango si Silas, ngunit hindi nawala ang matalim na titig sa kanyang mga mata. “Kung gano’n, Señora… dapat mas maging maingat na kayo. Hindi puwedeng lagi siyang nakakalusot. Isang beses lang akong napikon, at muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko.”
Sandaling natahimik ang ginang, saka napangiti ng payak—ngiting parang may kasamang plano. “Hijo, kaya nga nandito ka. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa pagiging suwail ng anak ko. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya.”
Tahimik lamang si Althea, nakaupo sa sulok habang mahigpit na nakayakap sa sarili. Pilit niyang iniwas ang tingin, ngunit bawat salita ng kanyang ina at ni Silas ay malinaw na pumapasok sa kanyang pandinig. Para siyang ikinulong sa isang silid kung saan wala siyang boses, wala siyang laban.
Umangat ang sulok ng labi ni Silas, malamig at mapanganib ang ngiti. “Kung gano’n… hayaan ninyo ako. Ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi na siya makalayo sa akin.”
Pagkasabi nito, marahan siyang lumingon kay Althea. Isang simpleng sulyap lamang, ngunit ramdam ng dalaga ang bigat ng titig niya—parang matalim na mga patalim na gusto siyang gawing bihag. Pinandilatan siya ni Althea, pilit na ipinapakita ang tapang kahit nanginginig ang dibdib.
Napangisi lang si Silas, tila natutuwa pa sa paglaban ng dalaga. At bago pa man makapagsalita si Althea, napansin niya ang ngiti ng kanyang ina—ngiting puno ng kumpiyansa, na para bang natutuwa pa ito sa titig at ngiti ni Silas.
Sa halip na ipagtanggol siya, mas lalo pang pinagtibay ng ina ang pader na unti-unting nagkukulong sa kanya.
*****
Pagdating nila sa mansyon, halos sumabog ang galit ni Señora Miriam. Malakas ang tunog ng takong nito sa marmol na sahig habang kasunod lamang si Althea, nakayuko, walang imik.
Pagkasara ng malaking pinto, agad bumaling ang ina sa kanya.
“Ikaw talagang bata ka! Wala ka na talaga sa katinuan mo, no?!” sigaw ni Señora Miriam, nanginginig ang boses sa inis.
Nanatiling tahimik si Althea, nakatitig lang sa sahig. Ramdam niya ang matalim na titig ng ina, ngunit wala siyang lakas para sumagot.
“Simula ngayon, hinding-hindi ka na sasama diyan sa mga kaibigan mo, naiintindihan mo ba?!” muling sigaw ng ina, halos dumadagundong sa loob ng bahay ang tinig nito.
Doon na napatingala si Althea, naglakas ng loob na magsalita. Namumuo ang luha sa kanyang mga mata, ngunit ang boses niya’y matalim.
“Bakit? Natatakot po ba kayo na hindi na ako virgin kapag kinasal ako sa hayop na iyon?”
Pak!
“Umayos ka nga sa pananalita mo!” mariing wika ni Señora Miriam, halos nanginginig sa galit. “Hindi mo ba alam kung gaano kabigat ang sitwasyon ng pamilya natin? Kung gaano kalaki ang nakataya?! At ikaw—ikaw, Althea—wala kang ibang iniisip kundi ang sarili mong damdamin!”
Humigpit ang hawak ni Althea sa kanyang balikat. Ang mga luha, tuluyan nang pumatak, ngunit pinilit niyang itaas ang ulo.
“Damdamin ko? Wala na nga akong sarili kong buhay, Mama. Lahat, kayo ang nagdedesisyon. Ni hindi ko alam kung may karapatan pa akong maging masaya.”
Sandaling natahimik si Señora Miriam, ngunit hindi nagtagal, lalo pa itong nagngitngit. Lumapit siya, halos magkadikit ang kanilang mukha.
“Makinig ka sa akin, Althea,” mariing sabi nito. “Si Governor Silas Montenegro ang magiging asawa mo, gusto mo man o hindi. At kung iniisip mong makakatakas ka pa, nagkakamali ka. Wala kang choice!”
Nanlamig ang buong katawan ni Althea. Ramdam niya ang pader na unti-unting bumabalot sa kanya. Ang sariling ina—na dapat sana’y nagpoprotekta sa kanya—ngayon mismo ang nagtutulak sa kanya sa bangungot.
Hindi na siya sumagot. Tahimik siyang tumalikod, mabilis na pumanhik sa hagdan, at binagsakan ng pinto ang kanyang silid.
Sa labas ng kwarto, naiwan si Señora Miriam, galit na galit, ngunit may kakaibang ngiti sa labi. Isang ngiti na nagsasabing mas lalo siyang determinado na ipilit ang kasunduan—anumang mangyari.
Pagkasara ng pinto, mabilis na napaupo si Althea sa gilid ng kama. Sunod-sunod ang pagtulo ng luha niya, parang wala nang tigil.
“Bakit ganito…” mahina niyang bulong, halos hindi na niya makilala ang boses niya dahil sa paghikbi. “Bakit ako ang kailangang magsakripisyo?”
Hinila niya ang kumot at niyakap iyon, pilit hinahanap ang kahit kaunting ginhawa. Ngunit imbes na aliw, lalo lamang bumigat ang dibdib niya nang sumagi sa isip ang nangyari sa hotel.
Muling bumalik sa alaala niya ang mainit na hawak ni Silas sa kanyang mga kamay, ang matalim nitong titig na parang binabasa ang kaluluwa niya.
Napapikit si Althea, pilit itinaboy ang alaala, pero lalo lang itong lumilinaw sa isip niya. Parang kahit saan siya lumingon, nandoon ang mga mata ni Silas, hindi siya tinatantanan.
“Hayop ka…” bulong niya, halos wala nang lakas. “Hayop ka, Silas Montenegro…”
Humiga siya, tinakpan ng unan ang kanyang mukha, ngunit hindi nito natakpan ang sakit at takot sa puso niya. Sa isip niya, malinaw ang katotohanan—hindi lang ang kanyang mga magulang ang kulungan niya.
Si Silas mismo ang bangungot na hindi na niya matatakasan.
At sa gabing iyon, sa kabila ng tahimik na mansyon, mag-isa siyang umiiyak—tila bagaon sa isang mundo na kontrolado ng lahat maliban sa kanya.
*****
Kanina pa siya nakatitig sa kama—doon mismo kung saan nahiga si Althea. Dahan-dahan niyang hinaplos ang kumot, para bang may naiwan pang init ng katawan nito. Mariin siyang pumikit, at sa imahinasyon niya, malinaw ang anyo ng dalaga: payapang natutulog, nakapikit, marahang humihinga… para bang nasa tabi lang niya.
‘Althea…’ mahina niyang bulong, halos pabulong sa dilim. ‘Hindi mo alam kung gaano mo ako pinapasabik. Sa bawat titig ko sa’yo, lalo lang akong hinihila palapit. At kahit ilang ulit mo pa akong itaboy… hinding-hindi kita bibitawan.
Napapikit siya sandali, sabay mariing huminga—may kung anong init ang unti-unting umaakyat sa kanyang dibdib, parang apoy na gustong kumawala.
Huminga siya nang malalim, pilit pinapakalma ang sarili. Ngunit sa bawat segundo, lalo lamang lumalakas ang tukso. Sa kanyang imahinasyon, nakatalukbong sila ng iisang kumot, ramdam niya ang init ng katawan ni Althea na nakadikit sa kanya.
At para bang mas lalo siyang nababaliw nang maisip niyang iyon ang unang pagkakataon na makakatulog siya nang mahimbing—kung nasa tabi niya ang dalaga.
Pinikit niyang muli ang kanyang mga mata, hinayaan ang sariling lamunin ng imahinasyon.
At sa gabing iyon, hindi niya alam kung mas nanaig ang katahimikan o ang apoy na unti-unting nilalamon ang buong pagkatao niya.
THIRD PERSON:Pagkaalis ni Don Ricardo, nanatiling balot ng katahimikan ang buong bahay. Mabigat, nakabibingi—tila ba ang mismong hangin ay natigil sa paggalaw. Tanging mabilis na pintig ng puso ni Althea ang gumuguhit sa kanyang pandinig, kasabay ng marurupok na hikbi na pilit niyang pinipigilan. Ang malamyos na hangin mula sa bintana ay tila ba hindi nakapansin sa kanyang pagluha, malamig ngunit walang kaaliwan.Dahan-dahan niyang sinilip ang pasilyo, sinigurong wala na ang anino ng kanyang ama at maging ang ina niya ay hindi rin naroroon. Nang makatiyak, agad siyang bumalik sa kuwarto, halos manginig ang bawat hakbang. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang mahigpit na nakahawak sa cellphone—para bang iyon na lamang ang natitirang sandalan niya sa gitna ng unos.At sa loob ng apat na sulok ng silid, tanging mga hikbi niya na lamang ang umaalingawngaw, kasabay ng maliliit na kalansing ng mga preno ng bintana at bahagyang pag-ikot ng ilaw mula sa cellphone na sumasalamin sa madilim
THIRD PERSON:Tahimik ang loob ng opisina ng gobernador. Nakasalansan ang mga dokumento sa mesa habang si Silas ay seryosong nakayuko, abala sa pagbabasa at pagpirma. Tanging tik-tak ng orasan ang umaalingawngaw, kasabay ng bigat ng kanyang presensya.Biglang bumukas ang pinto. “Governor…” maingat na tawag ni Lucas, ang personal assistant. Kita ang kaba sa kanyang mukha habang hawak ang cellphone.Hindi inalis ni Silas ang tingin sa papeles na kanyang pinipirmahan. “Ano iyon?” malamig na tanong niya.“Mas mabuting kayo na po ang makakita, Gov.” Dahan-dahang iniabot ni Lucas ang cellphone.Kinuha ito ni Silas, bahagyang nagtaas ng kilay. At nang makita ang laman ng screen—tumigil siya sa paghinga ng ilang segundo.Larawan niya iyon—siya mismo, buhat-buhat si Althea sa kanyang mga bisig. Isang kuha na parang eksena sa nobela: siya, ang makapangyarihang gobernador; at si Althea, ang dalagang wari’y isang prinsesang mahigpit niyang inaalagaan.Bahagyang kumunot ang noo ni Silas habang pin
THIRD PERSON:Mahigpit ang hawak ni Althea sa cellphone, halos bumaon ang mga daliri niya sa gilid nito. Mabilis ang tibok ng puso niya habang naghintay ng sagot mula sa kabilang linya. Pagkaraan ng ilang sandali, sinapo niya ang dibdib at mahina, ngunit puno ng kaba, ang tanong niya.“Rod… tuloy na ba ang plano?”Sandaling natahimik ang kabilang linya bago siya sinagot ng pamilyar na tinig.“Nag-aasikaso pa ako ng iba pang mga papeles.” Malalim ang boses ni Rod Vergara, seryoso ngunit may halong pagod.Napakagat-labi si Althea, ramdam ang kaba at inis. “Ang tagal naman, Rod…” mahina niyang sambit, may bahid ng lungkot sa tinig niya.Bahagyang natawa si Rod, pero halatang pinipilit lang iyon. “Pasensya na. Ayokong magkamali. Gusto kong siguruhin na pag tumakas ka, wala nang balikan. Wala nang makakahabol sa’yo, lalo na siya.”Mariing pumikit si Althea, mahigpit na yumakap sa unan habang pinapakinggan ang bawat salita. “Rod, sana… sana totoo ’yan. Kasi kung hindi, baka tuluyan na akong
THIRD PERSON:“I’m sorry, hijo,” malumanay na wika ni Señora Miriam habang nakaupo sa tapat ni Silas, hawak-hawak ang tasa ng tsaa. “Medyo nagkaroon lang ng kaunting hindi pagkakaunawaan ang mag-ama, kaya siguro naisipan niyang lumabas kasama ang mga kaibigan niya.”Bahagyang tumango si Silas, ngunit hindi nawala ang matalim na titig sa kanyang mga mata. “Kung gano’n, Señora… dapat mas maging maingat na kayo. Hindi puwedeng lagi siyang nakakalusot. Isang beses lang akong napikon, at muntik ko nang hindi mapigilan ang sarili ko.”Sandaling natahimik ang ginang, saka napangiti ng payak—ngiting parang may kasamang plano. “Hijo, kaya nga nandito ka. Ikaw lang ang tanging makakapigil sa pagiging suwail ng anak ko. Ikaw lang ang makakapagpatino sa kanya.”Tahimik lamang si Althea, nakaupo sa sulok habang mahigpit na nakayakap sa sarili. Pilit niyang iniwas ang tingin, ngunit bawat salita ng kanyang ina at ni Silas ay malinaw na pumapasok sa kanyang pandinig. Para siyang ikinulong sa isang s
THIRD PERSON:Mula sa dance floor, abala pa sa tawanan sina Jasmine at Carlo nang mapansin nilang papalabas si Althea. Una’y inisip nilang baka iihi lang ito, pero ilang segundo pa lang ang lumipas, napansin nilang tila umiika-ika na ang lakad ng kaibigan.“Bes?!” sigaw ni Jasmine, napansin ang bahagyang pag-ikot ng ulo ni Althea, bago ito tuluyang natumba.Parang bumagal ang lahat. Sa ingay ng musika, sa kislap ng mga ilaw, malinaw nilang nakita kung paano muntik nang sumubsob ang katawan ng dalaga—ngunit bago pa man ito bumaon sa sahig, may isang anino ang biglang humakbang mula sa dilim. Isang matikas na lalaking mabilis na sumalo sa kanya, para bang kontrolado ang bawat galaw.At doon, natutok ang tingin ng dalawa.Nakita nila kung paano buhatin ng lalaki si Althea, parang wala itong bigat. Hindi ito ordinaryong pagkakasalo—may kapangyarihan, may tiyak na pag-aari.“Wait… sino ’yon?” bulong ni Carlo, nanlalaki ang mga mata.Napatingin si Jasmine, at sa kabila ng kumikislap na ilaw
THIRD PERSON:Mabigat pa rin ang dibdib ni Althea habang nakahiga sa kama. Ramdam niya ang hapdi sa pisngi, pero higit na masakit ang mga salitang iniwan ng kanyang ama at ina."Governor Silas Montenegro is a man who always gets what he wants… At sa kasamaang-palad, ikaw ang gusto niya."Mariin niyang ipinikit ang mga mata. Sawa na siyang umiyak, sawa na siyang masakal ng mga utos at kasunduan. Ngayong gabi, gusto lang niyang makalimot.Dinampot niya ang cellphone sa tabi ng kama at nag-dial ng numero. Ilang ring lang, agad na sumagot ang pamilyar na boses.“Bes, ano na naman ’yan?” masiglang tanong ng kanyang kaibigang si Jasmine, na kilala sa kanilang social circle bilang palaging present sa lahat ng exclusive parties.Hindi nag-aksaya ng oras si Althea. “Jas… please, ilabas mo ’ko. Hindi ko na kaya dito.”“OMG!” singit ng isa pang boses mula sa speaker—si Carlo, o mas kilala ng lahat bilang Caroline, ang flamboyant at witty nilang kaibigan. “Finally, darling! Akala ko kailan pa kit