LOGINHINDI makapaniwala si Theon habang nakatingin sa nakasarang pinto. Ni hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan sa labis na gulat. Tyaka lang siya gumalaw nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Bran.
Malalamig ang mga mata niyang tumingin dito. “Kailan ka pa nakialam sa buhay ko Bran? Hindi lang isa ang ginawa mong pakikialam ngayon kundi dalawa.” walang ekspresyon niyang sabi rito. Napakamot lang naman ito sa ulo. “Pasensya na po kayo sir, naawa lang po ako sa kaniya dahil nasa labas siya kanina at umiiyak. Alam niyo naman na malambot ang puso ko sa mga taong kagaya niya.” Napabuntong hininga na lang siya at muling bumalik sa kanyang upuan. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang kamay ng pauulit-ulit. Hindi niya akalain na hahawakan siya ng babaeng iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na hinayaan niya na hawakan siya nito kahit pa sabihin na ilang segundo lamang iyon. “Gusto kong alamin mo ang lahat tungkol sa babaeng iyon.” utos niya rito. Nang hindi ito sumagot at nilingon niya ito. Nakatitig lang ito sa kaniya. “What?” inis na tanong niya rito. Mabilis itong umiling. “Ngayon ko lang kasi ulit kayo nakitang naging interesado sa isang babae.” sabi nito dahilan para uminit ang ulo niya ng wala sa oras. “E kung bulukin ko na lang kaya ang kapatid niya sa kulungan? What do you think?” Agad na nagbago ang mukha nito. “Sorry sir, huwag naman po and I will do as you say.” sabi nito at mabilis na tumalikod na. Naiwan siyang mag-isa doon at napahilot sa kanyang sentido. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip niya para kuhanin ito bilang personal maid niya. Unang-una ay hindi naman niya sana iyon kailangan dahil may naglilinis naman regular sa condo niya, kaya lang kasi ay ito naman ang nag-insist na kahit maging tagalinis na lang ito ng sapatos niya kung iyon ang bagay rito pero pag-iisipan niya muna kung saan niya ba ito ilalagay o ano. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya bago tuluyang inumpisahan ang mga trabaho niya. ~~~~~ “Saan ka nakakuha ng pera ate?” tanong ng kapatid ni Arya sa kaniya. Natigilan siya sandali dahil sa tanong nito ngunit sa huli ay ngumiti na lamang siya. “Kailangan mo pa ba iyong itang Jiro? Ang mahalaga ay nakalabas ka na.” sagot niya at muling niyakap ito. Nang pakawalan niya ito at tumayo siya at kinuha ang cellphone niya na ichinarge niya kanina. “Pero ate, paano na tayo ngayon? Sira ang motor at kailangan pa nating ipagawa. Kung wala iyon ay hindi ako makakapasok.” sabi nito sa kaniya dahilan para humigpit ang hawak niya sa kanyang cellphone. Mabuti na lang at nakatalikod siya rito kaya hindi nito nakita ang kanyang ekspresyon. Huminga siya ng malalim at pagkatapos ay isang pilit na ngiti ang sumilay sa kanyang labi bago humarap sa kapatid. “Huwag mong alalahanin ang bagay na iyon okay? Akong bahala, gagawan natin iyon ng paraan.” sabi niya rito at ginulo ang buhol ng kanyang kapatid. “Lalabas muna ako, dito ka lang ha?” bilin niya rito, kaagad naman itong tumango sa kaniya. Paglabas niya ng bahay na tinutuluyan nila ay halos mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Wala siyang alam kung saan siya kukuha ng pera ngayon. Kahit na sabihin pa na pumayag na ang lalaking iyon na maging personal maid siya nito ay hindi niya naman alam kung babayaran siya nito dahil may pagkakautang siya rito kaya kahit papano ay kailangan niya pa ring gumawa ng paraan. Huminga siya ng malalim para kalmahin ang sarili niya. Kailangan niyang maging matatag para sa kapatid niya dahil siya lang ang inaasahan nito ngayon. Wala siyang oras para maging mahina kaya kailangan niyang maging matatag. Kailangan niyang humanap ng pagkakakitaan niya ngayon. Hanggang sa napadpad siya sa isang club kung saan itinuro na siya noon ng kaibigan niya dahil palagi daw tumatanggap ang mga ito ng pumapasok. Pagpasok pa lang niya ay kaagad na siyang sinalubong ng isang babae. Sinuyod siya nito ng tingin pataas at pababa. “Ooh, bagong recruit.” sabi nito at umikot-ikot pa sa kaniya. “Maganda ang hubog ng katawan mo, pasok ka na. Kailan mo balak mag-umpisa? Pwede ka na mamaya.” sabi nito at tinalikuran siya. Nagulat siya sa sinabi nito. Ni hindi man lang siya nagsalita pero tanggap na siya kaagad? “Teka lang ho, hindi ko pa po sinabi sa inyo na mag-aapply ako pero tanggap na ako?” naguguluhan niyang tanong dito. Tumango naman ito kaagad. “Oo naman hija, alam mo hindi mo na kailangan pang sabihin dahil pagpasok mo pa lang ay alam ko na kaagad. Isa pa, kulang kami ngayon kaya tamang-tama ang dating mo.” ngumiti ito sa kaniya. “Kulang po kayo ng waitress?” tanong niya rito. Nattigil ito at napataas ang kilay. “Waitress?” Tumango siya. “Iyon po ang inapplayan ko hindi ba?” Natawa ito. “Hija, mali ka yata ng pinasukan. Hindi waitress ang hinahanap namin dito.” “Ano pong ibig niyong sabihin?” napalunok siya. “Isa itong club nakikita mo naman siguro hindi ba?” muli siyang tumango. “Hindi lang basta waitress ang kailangan namin dito, kundi alam mo na.” sabi nito dahilan para mapalunok siya. Alam na niya kaagad kung ano ang ibig sabihin nito pero… “Malaki ang kita dito hija, kapag nakatyamba ka pa ng mayamang customer at malaki magbigay ng tip, tiba tiba ka talaga.” muliing sabi nito dahilan para mapaisip siya. Handa pa siyang ibaba ang dangal niya sa ngalan ng pera? …DAHIL sa pangyayari ay napagdesisyunan ni Arya na umalis na lang sa lugar na iyon tutal naman ay mukhang nagalit sa kaniya ang lalaki. Pero ang hindi niya maiwasang isipin ay kung paano niya ngayon ito babayaran ng hindi ginagamit ang katawan niya dahil parang hindi niya talaga kaya.Napakagat labi na lang siya. Wala naman siyang mukhang maiharap ngayon sa lalaki dahil hindi maalis sa isip niya ang galit nitong mukha kanina. Isang mahabang buntong hininga ang pinakawalan niya at bago siya maglakad palabas ng pinto ay nilingon pa niya ang nakasarang silid nito. Muli siyang napahugot ng malalim na buntong hininga at mabibigat ang mga naging paghakbang niya. Baka bukas ay magugulat na lang siya dahil ipapadampot na naman nito ang kapatid niya para ipakulong. Akmang bubuksan na sana niya ang pinto nang bigla na lang itong bumukas kahit na hindi pa niya ito binubuksan.Nagkagulatan sila ng babaeng nakatayo sa pinto. Sinuyod siya nito ng tingin at napakunot noo bago ngumiti sa kaniya. “Ooh
BUMABA ang mga labi ng lakaki patungo sa kanyang leeg, pababa sa kanyang balikat. Nakausot siya ng isang oversize na t-shirt ng mga oras na iyon at wala siyang suot sa ilalim nito. Bago pa man siya magpunta doon ay nilinaw na ni Theon sa kaniya kung ano ang magiging trabaho niya kaya hindi na siya nagsuot pa ng kahit anong damit.Buo na ang desisyon niya at ang kalooban niya na gawin ang bagay na iyon ngunit habang nasa ganitong sitwasyon siya ay parang gusto niyang umatras. Parang gusto niyang bawiin ang lahat. Parang gusto niya na lang maghanap ng ibang trabaho dahil baka may paraan pa para mabayaran niya ang utang niya sa lalaki.Napakagat-labi siya, pilit na pinipigilan ang sariling hindi mapahikbi dahil sa labag na labag ang loob niya sa ginagawa nito sa kaniya.Halos mapasinghap siya nang maramdaman niya ang labi nito sa ibabaw ng pagkababae niya. Mahigpit niyang isinara ang kanyang mga hita na pilit naman nitong ibinubuka.Tumigil ito at tumingin sa kaniya ng sobrang naiinis. “
DINALA siya ni Theon sa isang condo unit. Ni hindi na siya nagtanong pa kung anong gagawin nila doon, tahimik na lang siyang sumama dahil sa pangako nito sa kaniya. Inabutan siya nito ng tuwalya. Napatitig siya sa inaabot nito bago napatitig sa mukha nito. “What?” nagsalubong ang makakapal nitong mga kilay.“Hindi mo ba ito kukunin? Nangangawit na ang kamay ko.” naiinis na sabi nito sa kaniya. Dahil sa kanyang gulat ay kaagad niyang kunuha ito. Narinig niya ang paghugot nito ng malalim na buntong hininga. “Simula ngayon ay dito ka na titira okay? Dalawa lang ang silid dito at itong silid na ito ang sayo.” sabi nito sa kaniya. Naglakad na ito patungo sa pinto, ngunit bago lumabas ay nilingon siya nito. “Bilisan mong maligo. Pagkatapos mo ay pumasok ka kaagad sa kabilang silid.” sabi nito sa kaniya at lumabas na ng hindi na siya nito nililingon pa.Napatitig siya sa nakasarang pinto at sa hawak niyang tuwalya. Bakit naman kaya siya nito pinapaligo? Niyuko niya ang kanyang sarili at p
NAPAHIGPIT ang hawak ni Arya sa dala niyang tray ng mga oras na iyon. Sunod-sunod ang naging paglunok niya. Pumayag siya sa alok ng babae kanina na maging waitress sa club na iyon. Hindi lang ito isang ordinaryong club dahil ang mga customer ay mga mayayaman at ang kwento pa nito ay malalaki sila magbigay ng tip.Kapag natipuhan daw siya ng mga ito ay pwede silang pumasok sa mga kwarto na nakahilera sa loob kung saan magaganap ang mga transaksyon. Ayaw niya sanang pumayag dahil ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa kaniya kung sakali? Isa pa, kailangan niya ba talagang ibaba ang dangal niya para lang humanap ng pera? Marami pa naman sanang paraan hindi ba? Pero wala na siyang oras pa para mag-inarte dahil bukas na bukas ay kailangan niya ng mag-umpisa sa trabaho niya sa lalaking iyon.Kailangan niyang lunukin ang lahat, idagdag pa na hindi naman siya mapapakain ng kaartehan niya hindi ba?Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto kung saan niya dadalhin ang alak na inorder nila. Sa pagk
HINDI makapaniwala si Theon habang nakatingin sa nakasarang pinto. Ni hindi siya nakagalaw mula sa kanyang kinatatayuan sa labis na gulat. Tyaka lang siya gumalaw nang muling bumukas ang pinto at pumasok si Bran.Malalamig ang mga mata niyang tumingin dito. “Kailan ka pa nakialam sa buhay ko Bran? Hindi lang isa ang ginawa mong pakikialam ngayon kundi dalawa.” walang ekspresyon niyang sabi rito.Napakamot lang naman ito sa ulo. “Pasensya na po kayo sir, naawa lang po ako sa kaniya dahil nasa labas siya kanina at umiiyak. Alam niyo naman na malambot ang puso ko sa mga taong kagaya niya.”Napabuntong hininga na lang siya at muling bumalik sa kanyang upuan. Kumuha siya ng tissue at pinunasan ang kanyang kamay ng pauulit-ulit. Hindi niya akalain na hahawakan siya ng babaeng iyon at higit sa lahat ay hindi niya akalain na hinayaan niya na hawakan siya nito kahit pa sabihin na ilang segundo lamang iyon.“Gusto kong alamin mo ang lahat tungkol sa babaeng iyon.” utos niya rito.Nang hindi ito
INILIBOT ni Arya ang kanyang mga mata sa loob ng opisina. Masasabi niya na malawak masyado ang opisina ng lalaking iyon para sa iisang tao dahil kung tutuusin ay pwede na itong maging isang bahay. Kapansin-pansin din na may space sa gilid at mukhang isang silid.Bumalik lang siya sa kanyang katinuan nang ilapag na ng lalaking nagpakilalang si Bran ang kape sa kanyang harapan. “Magkape ka muna.” sabi nito sa kaniya na may bahagyang ngiti sa labi.“Salamat.” saad niya at pagkatapos ay dinampot ang tasa na may lamang kape. Sa sobrang pag-iisip niya para lang makalabas ang kapatid niya sa kulungan ay halos hindi na niya namalayan pa na hindi na pala siya nakakain pa. Idagdag pa ang pagkawala ng trabaho niya.Napakarami niyang dapat isipin ngayon, kung saan siya kukuha ng pera panghulog sa tinitirhan nila at para na rin sa panggastos nila sa araw araw. Isa pa ay nag-aaral pa lang ang kapatid niya pero ngayon, paano pa nito maipagpapatuloy ang pag-aaral kung wala naman na siyang trabaho.Is







