Share

Chapter 4 Paalam

MARCUS:

TULALA LANG AKO habang yakap ang frame ni Jessie. Dito namin sila ibinurol sa Montereal's Funeral Home dahil wala naman silang ibang kaanak na nagki-claim ng katawan nila sa morgue. Ayon kay Daddy ay laking kalye si Tatay Darwin na kung saan-saan na nakakarating. May naka-live-in ito pero hindi naman namin alam kung nasaan na ito. Kahit ang pangalan.

"Sweetie, are you hungry?" si Daddy.

Umiling lang ako. Lahat sila ay panay ang tanong sa akin at alok ng makakain o maiinom pero tinatanggihan ko. Wala akong gana. Ayokong magsayang ng sandali na kasama ang bestfriend ko. Bilang na lang ang oras na kasama ko siya kaya ayaw kong umalis kahit saglit sa harapan nito. Napahinga ito ng malalim na niyakap ako at panay ang halik sa ulo ko.

"You know what, son? Minsan kailangan may mawala sa atin para sa mga bagong darating sa buhay natin. Sa ngayon, sariwa pa ang sugat na naiwan ni Jessie at Darwin sa puso natin, pero balang araw....may darating para punan ang espasyo na nilisan nila. Trust what God's plan for us, anak. He knows what's best for us in the future," tahimik lang akong tumango.

Napapahaplos ang hinlalaki ko sa salamin ng frame ni Jessie na hawak ko.

"How can I live without her?" mahinang sambit ko.

Mas humigpit naman ang yakap nito sa aking panay ang halik sa ulo ko.

"Don't force yourself, son, time will heal the wound's in your heart. Isipin mo na lang....Jessie is your guardian angel now, who's always watching and guiding you wherever you go. Whatever you do," napapikit akong sumandal kay Daddy.

Hinahagod-hagod naman ako nito sa likod na pinapanatag ang loob ko.

"I know you're brave enough to handle this situation, son, anak kita....alam ko at tiwala akong malalagpasan mo rin ang unos na 'to sa buhay mo," dinig ko pang saad nito na makailang beses humalik sa noo ko bago ako inayos na kinarga sa bisig nito.

Hindi ko na rin kaya ang pagod at antok ko kahit pilit kong nilalabanan. Lalo akong natangay sa antok nang hinahaplos ako ni Daddy sa ulo.

NANGINGITI ako habang pinagmamasdan si Jessie na masayang nakikipaghabulan sa mga makukulay na paru-paro dito sa malawak na gardeng kinaroroonan namin. Napakasigla at lutong ng mga halakhak nito. Sabayan pa ng malamig na simoy ng hangin kaya hinahangin ang mahabang buhok nito. Napakaganda niya sa puting bestida nitong abot hanggang talampakan nito kaya nahahangin din ang laylayan non. Para siyang anghel na bumaba mula sa langit na may napakagandang ngiti sa mga labi.

"Yatch, halika na dito!" sigaw nitong ikinangiti ko habang kumakaway sa akin.

Napatakbo ako nang nagsimula na itong maglakad na sinusundan ng mga makukulay na paru-paro.

"Chubs, hintay naman!"

"Hahaha! Habulin mo ako, ang bagal mo!" sigaw pa nito.

"Habulan pala ah! Humanda ka sa'kin kapag nahuli kita!" ganting sigaw ko na tinakbo na itong tatawatawa lang.

Kahit ang lapit niya sa paningin ko ay hindi ko ito maabot-abot sa tuwing hahawakan ko. Iglap lang ay nasa malayo na naman ito na ang bilis maglaho sa paningin ko! Napapilig ako ng ulo. Kanina pa kami tumatakbo dito sa malawak na garden pero parang hindi ako makaramdam ng pagod, gutom o pagkauhaw!?

"Marcus!? Marcus!? Fvck! Akhiro, ang anak natin!!"

Nangunotnoo ako sa narinig na sigaw ni Mommy sa 'di kalayuan. Puno ng pag-aalala at natataranta ito sa hindi ko alam na dahilan!

"Akhiro, ang sasakyan! Nagdedeliryo si Marcus!!"

Dinig kong muling sigaw ni Mommy. Napalinga-linga ako sa paligid para hanapin ito.

"Yatch! Halika na!" napalingon ako kay Jessie na nasa harapan ko at inilahad ang kamay na may matamis na ngiti.

Napapilig ako ng ulo. Akmang aabutin ko ang kamay nito ng marinig muli ang tinig ni Mommy na humahagulhol!?

"Marcus anak! C'mon, lumaban ka! Hwag naman anak ko! Hindi ko kayang mawala ka! Bumalik ka na anak, bumalik ka na!!"

"Mommy?" natigilan ako.

Parang pinipiga ang puso ko na marinig ang pakiusap nito na humahagulhol.

"Mommy, nasaan ka!?" napalinga-linga na ako.

Iba na ang nararamdaman ko sa mga naririnig na pagtawag nito.

"Yatch, tara na?" napatitig ako kay Jessie.

Dahan-dahan akong napaatras nang may sumagi sa utak ko.

"H-Hindi...C-Chubs....p-patay ka na," nauutal kong saad na patuloy sa pag-atras.

Napalis ang ngiti nito.

"Iiwanan mo ba talaga ako? Yatch, malungkot ang mag-isa dito. Gusto mo ba akong nalulungkot?" umiling-iling ako.

"Chubs, magkaiba na ang mundong ginagalawan natin. Hindi pwedeng magsama....ang buhay...sa patay na," tumulo ang luha ko.

"I'm sorry, hindi kita gustong iwan pero.... Chubs, kailangan din ako ng pamilya ko. Magpahinga ka na. Pangako, ile-let go na kita para hindi ka mahirapang iwanan ako. Mahal kita, Chubs. Hanggang sa susunod na pagkikita nating muli. Mahal kita. Mahal na mahal kita!" kumaway ako dito habang patuloy sa pag-atras palayo dito.

Kumaway din ito na may matamis na ngiti sa mga labi.

"Mahal din kita, Yatch! Mahal na mahal kita!" sigaw nito habang papaliit na nang papaliit ang pigura nito sa paningin ko.

Tumulong muli ang luha ko. Pakiramdam ko'y may kung anong dumadagan sa dibdib ko ng paulit-ulit!

NAPAUPO AKONG hinihingal na napaawak sa dibdib na parang pinatakbo ng milya-milya! Napakalas ng kabog ng dibdib ko!

"Marcus!!"

Nanigas ako sa biglaang pagyakap ni Mommy at Daddy na ngayo'y humahagulhol sa balikat ko.

Saka ko lang napansing nasa hospital na pala kami. Napapilig ako ng ulo. Ano bang nangyari? Bakit ako nandito? At bakit iniiyakan nila ako?

"Thanks, God. you're awaken," humihikbing saad ni Mommy na mariing humalik sa mga labi ko.

Para akong napipilan sa mga nangyayari. Marami akong katanungan sa isip na pero nanatiling tikom ang bibig.

Ilang oras pa akong natutulala sa hospital.

Hanggang sa matauhan na ako at nagawa nang magsalita. Nakiusap akong bumalik na kami sa funeral kung saan si Jessie at Tatay Darwin. Kita kong ayaw pa ni Mommy na lumabas ako at puno ng pag-aalala ang mga mata nito pero nagpumilit ako.

Mapait akong napangiti na napatitig sa larawan ni Jessie.

Ang mga mata niyang nangingislap. Ang aliwalas ng magandang mukha nito sa ganda ng kanyang ngiti na tila nakikipagtitigan sa akin. Tumulo ang luha ko na maalala ito sa tila panaginip na kinaroroonan namin. Napakasaya niya doon. Mag-isa at isa ng ganap na dalaga.

Pinahid ko ang luha ko nang maalala ang huling sinabi kong pinangakong pakakawalan ko na ito para hindi siya mahirapan sa pagtawid sa kabilang buhay.

DALAWANG ARAW lang ay dinala na namin sa private cemetery ng mga Montereal ang abo nila Jessie at tatay Darwin. Panay ang tulo ng luha ko at kay bibigat bawat hakbang ko habang papalapit kami sa paglalagyan namin sa kanila. Panay naman ang hagod ni mommy sa likod ko dahil hawak ako nito.

"Rest in paradise, chubs. I won't forget you. Until our paths will cross again. I miss you. And I love you. I love you so much, chubs." Piping usal ko habang nakatingala sa nagkukumpulang puting lobo at kalapati na pinalipad sa ere.

Napakaaliwas ng paligid at mabilis nagliparan sa ere ang mga lobo at kalapating pinakawalan namin. Pilit akong ngumiti kahit panay ang tulo ng luha.

"Kaya ko. Kaya ko 'to. Dahil mananatili ka sa ala-ala at puso ko. Malaya ka na, Chubs, hwag mo na akong alalahanin. Magiging matapang ako....para sa ating dalawa. Mahal kita. Mahal na mahal kita."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status