Share

Chapter 3 Pagdadalamhati

MARCUS:

NAPAPANGUSO AKO habang naghihintay dito sa labas ng room namin. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang klase pero wala pa si chubs. Nasaan na ba kasi 'yon? Imposible namang liliban siya ngayon eh may exam kami.

"Marcus, come in now, baby," malambing pagtawag ng adviser namin sa akin.

Napakamot ako sa pisngi na palinga-linga pa rin baka sakaling sumulpot na si chubs at na-late lang ito. Alanganin akong lumapit kay Ma'am Precilla, ang adviser namin sa english.

"Ma'am," mahinang pagtawag ko.

Ngumiti naman itong binitawan muna ang ginagawang pag-check sa mga test paper.

"Yes, baby?" napanguso ako.

Sanay naman na ako sa kung ano-anong endearment nila sa akin dito sa school. Kahit nga ang principal namin ay baby din ang tawag sa akin. Mas lumapit pa ako dito para maibulong ang sasabihin.

"Ma'am, pwedeng pa-extend pa, please? Wala pa kasi si chubs, I mean...si Jessie po," tinignan naman nito ang suot na relo na napahinga ng malalim.

"Nasaan na ba kasi 'yong kaibigan mo? Late na oh," bulong din nito na binuksan ang handbag at dinampot doon ang cellphone.

Lihim akong napangiti.

"I'll just call, Manong Darwin, hmm?" anito na tumayo na at pinisil pa ako bahagya sa baba patingala ditong ikinangiti at tango ko.

"Hayst... pasalamat ka, paborito kitang little Montereal ka," saad nito na ginulo pa ako sa buhok at nginuso ang desk ko habang nakalapat na sa tainga ang cellphone.

Napangiti akong naglakad na sa gawi ng desk ko. Hindi ko alam pero bigla akong nalungkot na mapatingin sa desk ni chubs na katabi ko. Napahaplos ako sa pangalan naming nakasulat doon. Kaming dalawa ang nagsulat non. Siya sa pangalan ko at ako naman sa pangalan niya. Nilagyan pa nga niya ng dalawang puso na disenyo ang pangalan naming magkarugtong. Napahinga ako ng malalim. Bigla ko siyang namiss at bumigat din ang loob ko.

"Marcus!" napaangat ako ng mukha nang tawagin ako ni Ma'am na namumutla.

Napatayo ako.

"Come here, baby!" pagtawag nito kaya patakbo akong lumapit.

Lalo akong nilukob ng kakaibang takot at kaba sa nakikitang pamumutla nito.

"Ma'am?" yumuko ito na hinaplos ako sa ulo.

Nangilid ang luha nitong matamang tinitigan ako sa mga mata.

"Ma'am what's wrong?" kabadong tanong ko.

Hindi na talaga maganda ang kutob ko. Tumulo ang luha ko nang yakapin ako nito ng napakahigpit. Tuloy maging ang mga classmates namin ay napatayo na at nakamata sa amin ni ma'am dito sa harap.

"Baby, w-wala na daw si Manong Darwin...at anak nito," napabitaw akong nanlalaki ang mga mata sa sinaad nito.

"What are you saying, Ma'am? Don't joke like that. It's not funny!" pagalit ko na napataas ang boses.

Pero patuloy sa pagtulo ang luha kong panay ang pahid ko.

"Marcus!?" napalingon ako sa may pinto nang humahangos si Mommy na biglang sumulpot at.....namumutla!!?

"Mom!"

Napahikbi na akong sinalubong ito ng yakap na agad akong kinarga. Sa pagdating nito na namumutla ang itsura ay para na ring nakumpirma ang sinabi ng adviser namin na wala na si Tatay Darwin at Jessie!!

"Mommy...."

"Shhh.... it's okay, anak. Cry hard as you can to lessen the pain you're feelin', " lalo akong napahagulhol sa balikat nitong karga akong mahigpit na yakap at hinahagod-hagod sa likod.

"Ma'am, can I excuse my son?" anito.

"Yes, Mrs Montereal, of course," saad ng adviser namin na hinaplos ako sa ulo.

"My condolences, Marcus. Se strong, huh?" anito na hindi ko na nagawang sagutin dahil patuloy ako sa paghagulhol sa balikat ni Mommy.

"Thank you, Ma'am. We're go ahead," pamamaalam ni Mommy na humakbang na palakad ng hallway nitong school.

Panay pa rin ang hagod nito sa likod ko na humahalik sa ulo ko.

Maingat ako nitong ipinaupo sa front seat na pinahid ang luha ko. Umiiyak na rin pala ito. Pilit itong ngumiti na mariing humalik sa labi ko.

"Be strong, sweetie. Huh? Pupuntahan natin sila sa morgue," anito na pumiyok ang boses na 'di na napigilang mapahagulhol.

Napayakap akong muling napahagulhol sa balikat ni Mommy na yumakap din sa akin.

"Mommy," humihikbing pagtawag ko dito.

Bumitaw itong pinahid ang luha ko. Sinisinok na nga ako sa pagod at ramdam ang pangangapal ng mga mata kong tiyak kong namumugto na.

"Shhh...kaya mo ba, anak?" tumango lang ako.

Kita ang lungkot at pag-aalala sa mga mata nitong namumula na rin dala ng pag-iyak. Inayos na nito ang seatbelt ko at maingat isinara ang pinto bago umikot sa kabilang side.

Tahimik akong sinisinok habang nasa kalagitnaan kami ng highway. Napakuyom ako ng kamao. Parang hindi mag-sink-in sa utak ko ang mga nangyayari. Maayos pa kami kahapon. Kung alam ko lang na 'yon na pala ang huli naming pagkikita? Hindi ko na sana ito pinakawalan. Isanama ko na lang sana siya sa mansion.

"Mom, w-what happened?" lakasloob kong tanong kay Mommy. Napahinga ito ng malalim.

"Car accident, anak." Sambit nito.

Napayuko akong muling tumulo ang luha. Hinaplos naman ako nito sa ulo na napahinga ng malalim.

"Ihahatid na dapat ni Manong Darwin si Jessie ng school, pero may sumalpok sa kotse natin. Under investigation pa ang lahat, sweetie, kung aksidente ba....o sinadya ang nangyari," nanatili akong nakayuko at 'di alam ang sasabihin.

"I missed her," sambit ko na halos pabulong na.

Ramdam ko ang pagod ko at pagkatuyo ng lalamunan sa kanina ko pa pag-iiyak. Hinawakan naman ni Mommy ang kamay ko na pinisil-pisil iyon.

"Yeah, I know son. I missed them too, especially, Jessie. You know that I like her for you, sweetie. Para ko na ngang anak ang batang 'yon," napalabi ako.

Nagu-guilty akong nainis pa sa kanya kahapon sa panghahalik nito sa akin. 'Yon na pala ang una at huling beses niyang makahalik sa akin.

NANGANGATOG ANG tuhod ko habang papasok kami sa morgue kung saan dinalang hospital sina Jessie at Tatay Darwin. Dead on arrival sila nang maisugod daw dito, kaya hindi na nailigtas.

"C-Chubs," sambit ko na halos ako lang ang nakarinig sa sobrang hina.

Para akong pinipiga sa dibdib na nakamata sa dalawang katawan na natatakpan na ng tela. Nakaalalay lang naman si Mommy sa likod ko na humihikbi.

Nangangatal ang kamay kong akmang ibababa ko ang tela sa ulunan nitong nakatabing dito nang pigilan ako ng pulis na nakabantay dito. Umiling ito na may malungkot na mga mata.

"Ma'am, masyado hong sensitibo ang itsura ng mag-ama. Baka ma-trauma ang bata," anito kay Mommy.

Bahagya naman akong hinila ni Mommy at pinihit paharap dito na yumuko.

"Sweetie, halos hindi na makilala si Jessie at Manong Darwin sa lala ng natamo nila. Ayokong tatatak ito sa isip mo at baka maging bangungot sayo, hmm? Let's go, ipapa-crimate pa natin sila," napahagulhol akong napayakap dito.

Ni hindi ko manlang makita ang kahit sa huling beses ang mukha ng bestfriend ko at ang ama nitong naging pangalawang Tatay ko na rin.

Kinarga na ako nitong palabas ng morgue. Napatingin na lamang ako sa dalawang katawan na magkatabing nababalot ng tela mula ulo hanggang paa nila.

"Chubs...."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status